Author Topic: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)  (Read 69997 times)

dismembered

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #60 on: June 09, 2015, 09:43:20 am »
@dismembered kung hindi niya kayang magawa yun, does it mean may respect siya dun sa girl na iyon? Masasabi ba na pang "wife" material siya? What's your POV here?

Again, this is quite subject. Depende sa nasa isip ni guy. Pero based on my own experience and observations sa mga kilala ko.. malaki ang chance na ganun nga. Sa sobrang respect at pinahahalagahan yung girl, ayaw namin i-ruin ang relationship. Hindi namin ipagpapalit ang forever sa panandaliang init. Lol.

And I also could say na kung yun nga ang reason nya.. then he is worth keeping. Bihira na lang ngayon ang lalakeng mas ginagamit ang ulo sa taas kesa sa ulo sa baba.

argento

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #61 on: June 09, 2015, 02:41:22 pm »
Guys, will you ever approach, or have you approached, a girl, randomly, in a coffee shop?

do you want to be approached? most often deadma ang response ng mga girls sa strangers. been there  ;)

oshiawase

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #62 on: June 09, 2015, 07:08:03 pm »
^ actually, no. I was approached, though. So I was wondering if it's normal (as in "usual") or not.

ashonlush

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #63 on: June 11, 2015, 02:47:04 pm »
dismembered You think so? Actually kasi, based on my experience ko yan. I am sure he knew na FIRST ko siya, if tinuloy nya man. Before kasi, sabi niya he really wants na magka baby kami. Sabi ko sa kanya, hindi pa ako ready. Then one time, nung nag sleep over ako sa bahay nila (his parents decision kasi ginabi na ako nung nagvisit ako sa kanila). Muntik na may mangyari. Ako naman, dahil nga andun na, nabulong ko nalang sa kanya "natatakot ako". Akala ko nga ang ireresponse sa akin, "Don't worry, I'll be gentle" LOL! Parang nasa movie lang.

So, nung time na yon, sabi ko bahala na, mahal ko naman din siya, mahal naman namin isa't-isa. Pero I was surprised, kasi he stopped (we're both naked na talaga sa pambaba). Kaya nauwi nalang sa petting. Then the next morning, nung nagising siya, niyakap niya ako ng mahigpit tapos eye-to-eye contact pa tapos inasikaso nya ako nung magbrebreakfast na kame.

This is really precious to me and as much as possible, ibibigay ko lang talaga to when the perfect time comes. That's when I'm married na.:)


@j.adore @simang Oh okay. I think I am blessed siguro to have a guy like him but then that was before pa. Naitanong ko lang. Thank you guys!  ;D


----

How about ano yung nasa isip nyo why you still have a constant communication mo with you ex kahit na may bago ka na (currently on cool-off status)? Like after more than 4 years kasi after your break-up, bigla ulit kayo nagkaroon ng communication. You text her "Good morning" "Good night", tapos nangangamusta, ano ginagawa mo, basta yung parang katulad noon nung kayo parin? He even asked if sino kasama mo kapag nalaman mo nasa mall sya tapos sasabihin mo na "Akala ko kung sino na".

Diba nga sabi, kung ayaw may dahilan, kung gusto maraming paraan. How can you say na mahal mo talaga ang girl kahit na LDR (3-4 hours lang naman ang biyahe just to get to see her?) kayo?

dismembered

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #64 on: June 11, 2015, 03:01:55 pm »
dismembered You think so? Actually kasi, based on my experience ko yan. I am sure he knew na FIRST ko siya, if tinuloy nya man. Before kasi, sabi niya he really wants na magka baby kami. Sabi ko sa kanya, hindi pa ako ready. Then one time, nung nag sleep over ako sa bahay nila (his parents decision kasi ginabi na ako nung nagvisit ako sa kanila). Muntik na may mangyari. Ako naman, dahil nga andun na, nabulong ko nalang sa kanya "natatakot ako". Akala ko nga ang ireresponse sa akin, "Don't worry, I'll be gentle" LOL! Parang nasa movie lang.

So, nung time na yon, sabi ko bahala na, mahal ko naman din siya, mahal naman namin isa't-isa. Pero I was surprised, kasi he stopped (we're both naked na talaga sa pambaba). Kaya nauwi nalang sa petting. Then the next morning, nung nagising siya, niyakap niya ako ng mahigpit tapos eye-to-eye contact pa tapos inasikaso nya ako nung magbrebreakfast na kame.

This is really precious to me and as much as possible, ibibigay ko lang talaga to when the perfect time comes. That's when I'm married na.:)

Mataas na possibility nga ang ganun.. so congrats! Either ayaw nya gawin kasi hindi ka pa ready, or naisip nya na mas ok if i-look forward nya na lang yung ganung bagay sa tamang pagkakataon. Either way, ok lang naman yun. Ang mahalaga eh ni-respect nya yung feelings mo. Wag lang siguro ikaw ang talagang magyaya at magbigay ng motibo at pagkakataon, kasi for sure, pagbibigyan ka din nyan.

lyrahs

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #65 on: June 11, 2015, 07:25:54 pm »
Guys, kung nagpupunta man kayo sa mga girly-girly bars at maging suki kayo dun, may nagiging gf ba kayo sa mga nagttrabaho dun? Or nililigawan? If yes, seryosohan ba yun? tipong iuuwi sa bahay at ipapakilala sa magulang?

Sensya na po kung natanong na to sa previous threads.

Tinining

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #66 on: June 12, 2015, 07:44:22 am »
How do you handle or deal with a girlfriend na lapitin ng mga lalake? Yung tipong kahit naman alam ng lahat na in a relationship na eh dinidiskartehan pa rin. Pag magkasama kayo, laging tinititigan ng iba.

ashonlush

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #67 on: June 12, 2015, 07:23:36 pm »
^^^ Haha congrats talaga?! Well, I shouldn't have let him go. Oh well. That's life. :)


I had a conversation with my friend last time. Cool off stage sila, she was the one asked for it then her guy just accepted it. Di ko alam yung talagang reason pero isa daw dun eh Ma-TH daw kasi siya. Parang nasakal ata yun guy, they were 2 years na and LDR. Bihira lang ata sila magkita eh pero may nangyayari na sa kanila (naitanong ko kay friend haha).

Etong si friend ko na ito, hilig kasi magcall and text. Para bang ginagawa na nyang mundo si guy. Gusto kasi ni friend na everytime na may gagawin siya, dapat magpaalam or sabihin nya dun sa guy. Ewan ko pero parang nasakal nadin ata si guy, though iniintindi nalang daw siya. Tapos ang sabi pa ni guy "Kahit ilang buwan tayo di mag-usap, basta magtiwala ka lang."

Parang napaisip ako bigla nung sinabi yun sakin ng friend ko. Diba nga sa isang relationship at lalo pa LDR, dapat open ang communication sa isa't-isa? Parang nagdududa tuloy ako. Seryoso ba yung guy kay friend?

Btw, 7 years ang age gap ng dalawa.

simang

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #68 on: June 12, 2015, 08:04:47 pm »
"Kahit ilang buwan tayo di mag-usap, basta magtiwala ka lang."

Tiwala lang kelangan nung guy. Regardless kung LDR man o hindi, kelangan ng tiwala. Yung statement regarding sa hindi pag uusap, sinabi nya lang yun dahil yun ang issue nya kay girl. But the point is, still, kelangan nyang magtiwala sa kanya yung partner nya. Yun lang ang hinihiling nung lalaki. Anong mahirap? Kung kaya ibigay ng maluwag sa loob, bakit hindi?

And regarding communication, yes, tama ka, important naman talaga ang communication sa relationship, LDR man o hindi. Pero your friend has to evaluate kung parehas ba sila ng definition ng communication ng partner nya. Sa mga babae kasi, madalas (not everytime pero i'm sure madalas as in madalas), when we say communication, we mean talking. But there are a thousand other ways to communicate, and we have to admit that a lot of guys are not as verbally expressive as girls are. Words are not the only way to communicate and express emotions. Kung gusto ng kaibigan mo ng kakwentuhan 24/7 about sa mga nangyayari sa buhay nya, wag boyfriend ang hanapin nya kamo.

ashonlush

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #69 on: June 12, 2015, 08:56:29 pm »
^ Tama ka sis. I told her nga, bawas-bawasan na yung pagiging paranoid nya. Nabanggit nya kasi noon na medyo insecure siya dun sa ex, maybe because of "education". May narating yung ex kesa sa kanya. She didn't finished HS yet. Sabi ko nalang na tapusin nya habang bata pa siya. Ewan ko ang reason lang nya, nawili na daw siya sa work.

Ang pinagtatampo niya kasi based on her stories, wala time sa kanya boyfriend nya. Let's say hindi ata nag eeffort? Parang ang sinusumbat pa nya, siya nalang lagi. Siya lagi tumatawag, siya pa mismo lage ang pumupunta sa kanila (Bataan) while etong si guy, hindi man lang mag effort. Pero I am not sure, hindi ko naman totally kilala yung bf (ex nya). Maybe siguro sa financial din?

Gulat nga ako kasi nagtagal sila ng ganun lang. I wish her good luck nalang then gave her advice na kung pwede tapusin nya HS kasi importante rin yun kahit yun lang tapusin muna nya.

j.adore

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #70 on: June 12, 2015, 09:14:16 pm »
How do you handle or deal with a girlfriend na lapitin ng mga lalake? Yung tipong kahit naman alam ng lahat na in a relationship na eh dinidiskartehan pa rin. Pag magkasama kayo, laging tinititigan ng iba.

I think just focus on making her happy so that she wouldn't care about other men. Trust is necessary. No point din na bakuran kasi kung siya mismo magdecide magentertain, wala magagawa except magaaway lang kayo.

Girltalker2

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #71 on: June 13, 2015, 12:02:17 am »
^^ ashonlush, tama ba intindi ko the girl is so young, di pa graduate ng high school and she is already intimate with a guy 7 years her senior?

The best advice is for her not to have a BF and have a life of her own to focus on her studies and on her family. Kahit ano sabihin ng lalaki, she is just too young, gullible, unstable and incapable of handling such relationships. Therefore it is not good for her in general.


ashonlush

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #72 on: June 13, 2015, 01:11:52 am »
^ Sorry, sis ka ba or bro? haha.

OnT: Yes, 21 palang siya. Dito siya work sa Manila at malayo siya sa family nya. Minimum wage lang ang natatanggap niya and IDK if she was able to help her family. Akala ko nga mag-aaral siya sa Tesda but then nagbago nanaman ang isip. After 2 years daw, after matapos ang contract nya sa work, babalik na siya dun sa kanila. Dun nalang daw siya magtatambay. Sabi ko, baket magtatambay? Baket hindi mo nalang tapusin ang HS mo? Ayun, Umo-o nalang siya. Para naman sa kinabukasan niya yun. Bahala na siya kung gagawin nya yun o hindi.

Hindi ko nga alam kung ano nasa isip nitong friend ko. Pero tutal, 7 years din ang age gap namin dalawa, I tried to gave some advices to her lalo na malayo siya sa family nya. Hindi ko totally siya close friend, nakwekwentuhan lang nya ako kapag may prob siya esp with her bf. Nabanggit nya na gusto na nya magka baby kasi natatakot siya iwan nung guy. Ang dating nga sakin, "Pikutin" nya. Pero I'm not sure kung pikot ba yun or not. Kasi siya pa noon na nagyaya dun sa guy na magsama sila, pero hindi pumayag si guy. Tapos nung pumayag na yung guy, siya naman ang hindi.

Napagalitan ko pa nga kasi nga sabi nya kaya gusto nya magka baby kasi kung sakaling iwan siya nung guy at magka baby na sila, uuwi na siya sa province para daw may ala-ala siya dun sa guy. Possibly, gagamitin rin nya yung baby para hindi siya iwan. Parang siguro pa-AWA effect nya lang yon. WTH diba? Wala na siyang self-respect sa sarili nya. Sabi ko, mag-isip-isip siya hindi lang isa kung di maraming beses.

Ngayon ang status nila, cool-off parin ATA. Wala rin akong balita kung okay na sila or totally gumive-up na yung guy. Dati rati kasi sa FB, kapag monthsary nila, todo post ng status yan sa FB thanking her bf ... ngayon, wala na.

Etong guy naman, based on my observation sa online lang huh. Hindi siya yung taong marunong maka appreciate. I mean, like kunwari tinag na siya nung friend ko dun sa status nya (yung sweet and thank you messages), hindi niya magawang mag comment kahit "Thanks" or i-like man lang. I mean, common isang CLICK lang naman, baket hindi magawa? Show some appreciation naman. Kasi dun sa mga pinsan at kapatid naman niya, nagagawa nyang i-like yung stats and even photos, pero sa gf nya... mabibilang mo lang talaga. Ewan ko pero naaawa talaga ako sa friend ko na ito.

Hindi na ako magugulat na one day hahabulin or magmamakaawa siya dun sa guy na yun. Maybe because FIRST BF na sineryoso nya daw at malamang yung guy ang nakadevirginized.  >_<
« Last Edit: June 13, 2015, 01:21:31 am by ashonlush »

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #73 on: June 13, 2015, 03:50:26 pm »
^investigate ka lang muna sis then hanap ka evidence para di ibalik sau.

xxcheiyexx

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #74 on: June 14, 2015, 12:11:58 am »
Gaano kayo katagal ng gf nyo before you introduced her to your parents or your friends? Do you think na importante na makilala ng parents nyo yung girlfriend nyo? My bf hasn't introduced me to his family kami, and mag 7 months na kami. He stays here in Makati but goes home in Bulacan every other week. Aware naman family nya na I exists kasi his cousin saw him texting me then searched me sa facebook. Dati it didn't bother me kasi bago pa lang.

Girltalker2

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #75 on: June 14, 2015, 01:40:52 am »

^ depende Ito sa guy, depende din sa girl.
For me, it is important to know him before ko sya maging BF. Therefore I need to see his world, part na diyan yung friends nya, family nya, office mates or mga taong importante sa kanya at madalas nyang kasama. And this is BEFORE ko sya maging BF. Up to him to show me. Kasi parang di naman maganda sa babae to demand it, or Baka may inaantay pa sya Na tamong timing. Does it bother you now? Do you think he is not serious enough sa relationship kaya ayaw ka pa nya i-introduce? Then huwag mo rin masyadong seryosohin. It should come naman naturally, Kung para kayo sa isa't Isa. Pov ko Lang naman Ito.

argento

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #76 on: June 14, 2015, 03:52:35 am »
Guys, kung nagpupunta man kayo sa mga girly-girly bars at maging suki kayo dun, may nagiging gf ba kayo sa mga nagttrabaho dun? Or nililigawan? If yes, seryosohan ba yun? tipong iuuwi sa bahay at ipapakilala sa magulang?

yun nga gusto nila magkaron ng suki para mahuthutan nila. pero ang gusto nila talaga mapera at kung may magseryoso na guy sa kanila eh sobrang desperate na yun  ;D.

xxcheiyexx

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #77 on: June 14, 2015, 08:36:52 am »
Yes it kind of bothers me know kasi nga baka he's not serious enough. And i agree na a girl shouldn't have to demand it kasi dapat sa guy mismo manggaling na ipakilala yung gf nya sa family nya. Minsan naiisip ko tuloy, hindi siya proud na gf nya ako. Before kasi, kaya okay lang sakin kasi parang di naman sya ganun kaclose sa family nya and yun nga, bago pa lang kami and hindi pa rin ako ready to meet his family. Pero he never brought the topic of me meeting his family. Kahit kapag may occasion like birthday ng mom nya, he never invites me.

Girltalker2

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #78 on: June 14, 2015, 09:44:01 pm »
^ Baka too early pa for him.
Why not you focus on improving yourself din para no doubt in your mind na he is not proud of you.

killbill

  • Guest
Re: Got questions regarding men? Post it here! (Thread 7)
« Reply #79 on: June 14, 2015, 11:42:12 pm »
Question: bakit paminsan minsan tinatawag akong boss? Example, sabihin ko ingat siya, sasagot ok boss. Mga ganun. We are not in a relationship, insulto ba to? 😅

 

Latest Stories

Load More Stories
Close