Author Topic: hubby wants out  (Read 5101 times)

ilbsiri

  • Guest
hubby wants out
« on: April 12, 2015, 12:47:00 pm »
pls enlighten me mga sis I badly need it, pls bear with me kung medyo mahaba here it goes...

hubby and I been together for 14 years. 7 bf-gf & 7 married we have 2 beautiful kids :) I'm not catholic so basically when we got married he converted to our religion, no issues with that until now. Ayun, we were happy and in love together, I must admit mas sweet siya sa akin mas malambing, ideal husband at kahit hindi ako kasing sweet nya mahal na mahal ko naman siya, and yeah between us medyo ako nasusunod, he works abroad kasi kaya decision sa bahay ako since ako nakakakita ng sitwasyon at nakaka alam. Nung nag trabaho siya sa abroad pinapunta nya pa ako dun at ng mga bata para bisitahin siya. I short we have a happy marriage, until last Dec sa new company nya kasi (abroad) mass mababa sweldo at mas madaming work but permanent ang status, since permanent nag loan siya, we decided to give it a go since permanent ang work at mag paparty eldest namin at pang down payment sana sa bahay, at the end hindi natuloy sa bahay kasi kulang napunta sa party ng eldest namin, approved nya naman lahat ng gastusin sa party seems lahat okay, until last dec 2014 nagkaproblema sa account nya in short halos wala siyang mapadala sa amin, dun siya nag start magbenta ng shoes nya at mangutang sa kaibigan nya para may mapadala sa amin, dun narin siya unang nakipaghiwalay sa akin nung nag away kame pero binawi nya naman agad, hindi daw solusyon ang hiwalay, na shock ako kasi 1st time nyang ginawa yun. Until Feb nag away lang kame dahil sa posible na school na papasukan ng anak namin, this time hindi parin naayos account nya at nagtatanggalan na ng tao sa company nila. Nakipaghiwalay na talaga siya sa akin, sabi nya it's been years na daw, lage nalang ako nasusunod sa kanilang magkakaibigan siya lang ang walang bahay, wala na daw talaga, sinubukan kong tanungin kelan pa nag simula at bakit di sinabi para nabago ko, ayaw na nya pag usapan. Everytime sinusuyo ko nagagalit sa akin :( By feb din naayos account nya, binilhan ako ng new phone at pinag gamot yung sakit ko (kidney stones) parang dati parin nagvi-viber, email, forgot to mention walang wifi sa tunutuluyan nila kaya hindi kame nag sskype. updates pero may nabago parin wala na talaga yung tawagan namin at imy and ily, sinusubukan ko talagang ayusin lately lang tinanong ko ulit status, wala na daw talaga :( magiging good provider nalang daw siya sa mga bata. And ngayon mas worse ang status nila sa work na i-stress siya lalo kasi napag iinitan siya, hindi daw siya pwedeng mawalan ng work kasi walang mapapadala sa amin.
Sa totoo lang nag gi-give up na ako mga sis, aminado ako na kailangan din namin support nya para sa mga bata pero ang sakit-sakit ng loob ko  :-[ sabi ko sabihin na namin sa magulang nya sitwasyon namin na wala na talaga para hindi na kame sinasama sa family gatherings, ayaw nya naman papagalitan daw siya, naisip ko rin na sa akin lahat itatanong since ako nandito sa pinas, hindi ko ata kaya yun. Gusto ko na sana lumayo kame ng mga bata kung may opportunity lang sana, SAHM ko at nababaliw na ako kakaisip gusto ko sana mag work pero hindi pa pwede, gusto ko sana mag-aral pero kailangan magtipid. Sabi ko sa kanya papakuha nalang ako sa papa ko sa abroad para mag work at makatulong sa loan nya at makaalis sa company, ayaw nya naman.
To be honest gusto ko ipagdamot sa kanila lalo na sa kanya ang mga bata para makita nya anong nawala sa kanila, if ever kame palang ang 1st broken family sa kanila at pinili nya yun  :-\
Should I give up, naawa ako sa mga anak ko at yes aaminin ko mahal na mahal ko parin siya
« Last Edit: April 12, 2015, 01:49:47 pm by ilbsiri »

alexcar

  • Guest
Re: hubby wanted out
« Reply #1 on: April 12, 2015, 01:34:05 pm »

You're being selfish with what you are planning to do. You won't hurt not only your husband, but also your kids with what you're about to do. Ipagdadamot mo sakanya yung mga bata? Parang ipinagdamot mo narin sa mga bata ang magkaroon ng ama. & That is such a big emotional burden for the kids that they'll bring for the rest of their lives.

In my perspective, your husband is selling you out cause he doesn't want you to be part of the problem he is in right now. He's still protecting you with all the burden he's having right now. But I guess if the problem is financial, you both have to work. Hindi yung nakaasa lang sa isang provider. Pero have you thought about who's gonna take care of your kids if ever you leave?

zanabee

  • Guest
Re: hubby wanted out
« Reply #2 on: April 12, 2015, 01:52:22 pm »
sis base lang sa kwento mo,,, hindi kaya nag overspent ka sa mga padala ni hubby mo? Bakit inubos niyo lahat ng loan niyo sa party ng eldest nyo? sis madali masolusyunan yung financial problem ng mag asawa kaysa sa 3rd party. Pagtulungan nyo ayusin problema.

ilbsiri

  • Guest
Re: hubby wants out
« Reply #3 on: April 12, 2015, 02:01:58 pm »
^^lately kasi he's not asking any updates of the kids, pag nagsabi ako ng activity ng mga bata, OK lang isasagot nya hindi na siya nag tatanong ng additional details. Hindi narin siya tumatawag, kaya tuloy pag tinanong yung anak namin kung kamusta na daddy nila, isasagot ng mga bata hindi na tumatawag daddy nila.

I admit magulo din ako mag isip ngayon, If ever I'll work abroad my mom and my cuz will take care of the kids until makuha ko sila and yes may chance na makuha ko sila agad than regular process. Pag sumasama pa kasi kame sa invites ng ILs ko naiisip nya na gumagawa pa ako ng effort, wag na daw ako gumawa ng effort kasi wala na talaga.

sis base lang sa kwento mo,,, hindi kaya nag overspent ka sa mga padala ni hubby mo? Bakit inubos niyo lahat ng loan niyo sa party ng eldest nyo? sis madali masolusyunan yung financial problem ng mag asawa kaysa sa 3rd party. Pagtulungan nyo ayusin problema.

aminado ako na overspent mali ako dun pero aprobado nya tinanong ko kung di kaya okay lang, sagot nya minsan lang naman daw mag paparty. Sa totoo lang ngayon super nagtitipid narin kame, hindi ko lang alam paano masosolusyunan ang problema, hindi pa naman ako pwede mag trabaho, sabi ko mag abroad nalang ako ayaw nya naman mas gusto nya parin na ako mag-alaga sa mga bata
« Last Edit: April 12, 2015, 02:06:17 pm by ilbsiri »

Girltalker2

  • Guest
Re: hubby wants out
« Reply #4 on: April 12, 2015, 10:16:38 pm »

TS, what is preventing you from working now?

If separated na kayo or ayaw na nya, I don't think may "SAY" pa sya kung kelangan mo magwork o hindi. Sabi mo nga, bihira nalang sya magparamdam, so how sure are you na continuous parin ang pagpapadala nya sayo?  What if biglang magstop, ano ang gagawin mo?

I think bilang mag asawa, you both owe it to yourselves na i-attempt ayusin ang marriage ninyo.  Never ba sya nagtry in the past na ayusin, basta nalang biglang ganyan?  Or were you just not sensitive enough to have sensed this, akala mo masaya at ok ang lahat, akala mo mabait talaga asawa mo, yun pala all along, he was not happy and hindi mo ito napapansin?

However, kung suko na sya at ayaw na nya magtry ayusin ang pagsasama nyo, that leaves you with no choice but move on.

Yung kaso mo TS, parang gumugulo kasi you still concern yourself kung ano sasabihin ng iba, paano harapin ang in laws, etc.  Hayaan mo sya mag explain sa side nya. Side mo lang ang kausapin mo na wala na kayo, of course assuming na sure na sure na sya.  Remember kung sure na sya, there is no way you  can fix the marriage alone, kelangan kasi kayong dalawa. I know mahirap tanggapin, you might still be in denial at baka mga bata, they are made to believe na working abroad lang daddy nila. 

Kung ako ikaw, objectively speaking, these are the steps I would do:

1.  Talk to hubby kung sure na sya na ayaw nya. Agree with him to send support kasi wala kang income. Then agree with him also - wala na talaga. Kasi mahirap nyan if isa lang sa inyo may idea na wala na kayo, samantalang yung isa umaasa pa, when the time comes na isa sa inyo ay magkaron ng new love interest, sasabihan na unfaithful. So make it clear, kung wala na, wala na talaga.

2.  Talk to your family for support, at least emotional support man lang para di ka ma pressure na tanong sila ng tanong regarding sa hubby mo eh wala naman kayo masagot.

3. Don't burn bridges with your inlaws. Later on, di mo sure, baka need mo support nila. Tsaka if they want to see the kids, ok lang.  Hubby mo, if he wants to see the kids, ok lang din, tutal sya naman nags-send ng support sa inyo.

4. Hanap ka paraan kumita, para just in case makalimot yung hubby mo magsend, meron kayong kakainin.

LadySansa

  • Guest
Re: hubby wants out
« Reply #5 on: April 13, 2015, 12:11:14 am »
- Go find a job na. Though I don't understand why you can't look for a job now but you can work overseas.

- If you're invited by your inlaws, then go because kahit hiwalay kayo ng asawa mo, kadugo naman nila mga anak mo. Gusto ba ng asawa mo stop communication between his kids and relatives? Pagusapan niyo ano ba talaga.

- Baka may expenses siya na hindi mo alam? He still works pa naman diba?

- Maybe the problem is deeper than financial problems? Ang sa kwento kasi, since hindi na siya makapagprovide, nakipaghiwalay na lang sayo - paano mga anak niyo. Parang hindi rin clear ano talaga problem niyo magasawa. Also, napagusapan niyo ba ang plano niyo with the kids?

j.adore

  • Guest
Re: hubby wants out
« Reply #6 on: April 13, 2015, 06:00:24 am »
Baka eto yun na naipon:

I must admit mas sweet siya sa akin mas malambing, ideal husband at kahit hindi ako kasing sweet nya mahal na mahal ko naman siya, and yeah between us medyo ako nasusunod, he works abroad kasi kaya decision sa bahay ako since ako nakakakita ng sitwasyon at nakaka alam.

Your husband is a good provider. He has a sense of achievement from doing this and it was shattered when the uncertainty problems with his work arose.
Ang hirap nung kailangan magbenta ng gamit at di alam ano pa gawin para lang makapadala sa pamilya.

May I ask how your relationship was when this problem broke out? How did you support and console your husband in this regard? Ano yung pinagawayan niyo tapos he said to break it off? Ano yung mga pinagawayan niyo until Feb?

Maybe your husband is giving up because he sees the problem as a lost cause? Kaya din curious ako ano yung arguments niyo. He might not be getting the support he needs from you that's why.

Hindi din aligned ang priorities niyo versus hopes and dreams.
Family trip abroad? Check
Birthday party? Check
phone? Check
bahay?  X
Sorry medyo nashock ako dun sa loan for a party.

Please do not worsen the situation. Rather than thinking of how to tell people or keeping the kids from their father, find a solution to the current problem.

Di ba pwede part time job dito or home based sidelines? How old are your kids? Meron ba family or relatives na pwede magbantay?

If you want your husband back, find the problem in you. Reflect on what you think is wrong and change for the better. Do not press him. Ask him nicely eto ba yung mali ko? I'll change this that.
Do not argue with him. Keep your cool and console him. Hirap na siya sa pressure sa work at pressure sa pag provide sa inyo eh. Confronting him just adds to it.
Kung acknowledge mo may mali ka, lay down your pride and be relentless in fighting for your marriage. Baka sandali pa lang yung attempt mo versus length of the problem?
Do not accept to break it off yet. Lie low muna kayo until ok na financially. Siya na din nagsabi, work it out. Maybe he's looking for you to prove him wrong?

No matter what you decide and do, make sure it's for the best for you, your husband, and your kids. Hope it turns out well!

cutemama

  • Guest
Re: hubby wants out
« Reply #7 on: April 13, 2015, 06:29:29 am »
I can sense na baka masyado maluho si TS.. and sabi mo reason niya is napapagod na siya.. and sa mga magbabarkada nila eh siya na lang ang walang bahay..I think nasa midlife crisis siya.. yung tiponh nadedepress na siya kasi yung mga pinaghirapan niya sa abroad eh hindi niya nakikita.
Shocking talaga yung magloan para lang magpaparty..actually maling mali yun.. hirap talaga magloan lalo na kung wala ka namang specific target.. ok lang sana kung papagawa ka ng house or capital sa business..
I suggest na if ever magkaayos kayo.. sana you should learn how to handle your financial problem na.. learn how to save.. it's never too late.. o kaya dahil SAHM ka magbusiness ka na lang.. hindi naman forever nasa abroad yung hubby mo..

harley18

  • Guest
Re: hubby wants out
« Reply #8 on: April 13, 2015, 07:31:39 am »
I think the problem is with the TS nga on handling the finances.

Loan for the party? big no!
Buy ng new phone while in the mid of financial problem? No
Sa magkakaibigan sya na lang walang bahay? I hope ibang friends to, not the ones na kasama nya sa work.

He is sweet and a good provider. Ang swerte mo na sis! And you're planning na ilayo ang kids sa kanya? Bakit? You are selfish.

diann28

  • Guest
Re: hubby wants out
« Reply #9 on: April 13, 2015, 08:48:46 am »
uu nga eh. dapat isipin nya nalang pano tulungan yun asawa nya para kahit pano gumaan ang loob. di yun ilayo pa ang anak. ayaw ko husgahan si TS. pero diba dapat ngayon na nasa ganto sitwasyon kayo. dapat tinutulungan mo sya buhayin anak nyo? di yun nag hihintay ka lang ng padala nya. at isipin ilayo ang mga anak nyo sakanya? sana una mo na isip. gipit ang asawa mo at tulungan sya. di yun ilayo ang mga anak mo sakanya.

Girltalker2

  • Guest
Re: hubby wants out
« Reply #10 on: April 13, 2015, 10:15:37 am »
Sorry medyo I got shocked that people actually borrow money just to have a big party.

Nothing shocking about that as this is a very typical Filipino custom, lalo pa kung debut or 7yo birthday.

For OFWs din, they tend to make up for their absence by providing these unnecessary expenses.

That's why I always advise young single men/ladies to always marry the right partner, huwag maluho or magastos kasi kahit gaano kalaki or liit ang kita mo, you will end up broke.

Hindi naman sinasabi ko tama yung mangutang for the party, pero it just went out of hand siguro as hindi din nag oppose di hubby. For TS, I'm sure it had all the works - bubble show, picture booth, fishball and fries booths, clown show and other shows - so yes puede sya umabot ng 1m if sa hotel pa.

Pero tapos na iyan, so I agree, just talk to hubby ano ba talaga and start replanning things accordingly.
« Last Edit: April 13, 2015, 10:25:02 am by Girltalker2 »

glamorosa_09

  • Guest
Re: hubby wants out
« Reply #11 on: April 13, 2015, 12:51:06 pm »
Maiba lang ako ng direksyon...

It's quite common for ofws na walang maipundar. Either si OFW yung hindi marunong sa pera or si partner na naiwan. But it's not common na because of financial difficulties the male provider will bail out on marriage - agad? But who knows din naman.

I know TS has a weakness. Pero ganun lang yun kadaling itapon yung pinagsamahan nyo?

Hula ko may iba nang gustong samahan ang husband mo. Parang ganun naman yung may iba di ba? Biglang mag-iiba yung habits nila. Nababawasan communication. Magugulat ka na lang gusto nang makipaghiwalay - nang ganun ganun kadali. Anyways, hula lang naman yan. I could be wrong of course.

As for the actions to take, there are a lot of insightful ideas here.

princessrio

  • Guest
Re: hubby wants out
« Reply #12 on: April 13, 2015, 08:34:25 pm »
baka may ibang reason?

ilbsiri

  • Guest
Re: hubby wants out
« Reply #13 on: April 13, 2015, 09:09:37 pm »
Thank You for replies and advises.

for the party and loan, "a part of loan" hindi naman po lahat at hindi ganun kalaki or whole party itself. No po

I admit mali ang budget ko and I learned the hardway kaya ginagawa ko lahat.

bakit hindi pa ako maka pag work, I have something in my kidney at hindi pa po ako pwede mag work ngayon kasi hindi ako papasa sa medical, why "in time abroad?" once na clear na kidney ko and fit to work na ako baka pwede na dun para mas mabilis ko siyang matulungan.

a new phone? Alam nya na gusto ko yun nuon, pero after nya nakipag hiwalay sa akin or even before that hindi ko sinasabi na bilhan nya ko, never na akong nag expect since nakipaghiwalay na siya, yes a part of me kinikilig din dahil binilhan nya pa ako pero honestly kahit wala yung phone basta maibalik lang ang dati mas sobrang sasaya ako.

he still communicates with me asking for updates at nag u-update din naman siya ng lakad nya sa akin, morning and nights still have the access of all his accounts.

for third party, I don't think so mga sis, walang woman's instinct wala talaga.

as for work, ayaw nya ako mag trabahuin gusto nya alagaan kong mabuti ang mga bata, dapat ko ba siyang sundin or what para makatulong sa kanya.

honestly mga sis etong uwi nya naka plan kame ng house hunting, nung middle ng issue namin sabi ko nga uuwi nalang kame ng province ko, masyado naman daw malayo yun.

as of now he's still stressing out on his work and his workmates plus tanggalan pa ng employee sa kanila, And I'm doing the best I can to console him, hindi naman ako pwede mag console mabuti kasi pag nag kukwento nanaman siya sa akin na i-stress nanaman siya sa work ending masungit nanaman sa akin.
« Last Edit: April 13, 2015, 09:12:25 pm by ilbsiri »

rasee16

  • Guest
Re: hubby wants out
« Reply #14 on: April 13, 2015, 09:45:15 pm »
Tingin ko sis sobrang burned out lang
ng asawa mo. May significant amount of savings ba kayo? Kasi baka sa point of view ng asawa mo, kayod sya ng kayod dun tapos napupunta rin naman sa wala.. Walang bahay, walang ipon, or something significant na maipundar tapos young asawa pa laging nasusunod. Kahit sino naman siguro mawawalan ng gana sa ganun.
Tingin ko matagal na yan naipon lang talaga mga sama ng loob. Akala mo lang bigla nalang nangyari..

Finances talaga isa sa madalas pagawayan ng magasawa lalo na kung di kayo pareho ng financial goals. Pero tingin ko naman maaayos nyo pa yan. Good luck sis.

glamorosa_09

  • Guest
Re: hubby wants out
« Reply #15 on: April 14, 2015, 02:19:52 pm »
Alam mo sis, parang hindi nga ako sold sa mga stories nya. Only five months with his work, dami nyang issues - problematic account kaya di nakapagpadala ng pera sa inyo, nagtatanggalan ng mga tao, pinag-iinitan ng boss, stressful workmates. Nagtatanggalan yung company nya ng tao, pero he was newly hired with a permanent status. Anyways, baka he's holding an important position. Do you have anyone to confirm his present situation? Sorry I'm doubting.

The thing is, itong work problems nya, ang front nya to pick fights with you, ang excuse nya with the dwindling of affection and communication and time. You are narrating your lack of skills financially, kasi yun yung sinabi nya sayo na problema nya.

You mentioned ganda ng marriage nyo nung una, which I assume maganda rin ang communication. Sabi mo naman lagi kayo nag-uusap non, pero hindi lumitaw itong common grievance on money, ngayon lang inemphasize. My question is bakit ngayon lang after seven years? Yung iba nga less than five years pa lang eh napag-uusapan at napag-aawayan na yang pera, dahil common yan. Kung financial skill lang naman din, napag-aaralan naman yan. Meron naman financial literacy at investment seminars dito.

And yung ikaw palagi ang nasusunod. I'm not sure I understand this. Kasi hati naman ng decision yung wife and husband di ba, kung sino yung mas nakakaalam sa area na yun. Kung house maintenance and education and children stuff, sympre ikaw nakakaalam nun. Sharing of power yan eh. Pati ba major decision ikaw ang nasusunod at wala syang say? like saan sya magwowork, anong investments gagawin etc. Control freak ka ba?

Anyways, kapag consistent naman syang magpadala ng money sa inyo at hindi kakarampot lang ang ipinapadala, then maybe the real reason he wants out ay yung reason na binigay nya. However, kung inconsistent, at maulit ulit nang makailang beses yung hindi sya makapagpadala, you have to ask yourself.

Nangyayari naman kasi sa ibang OFWs sa iba pinapadala eh, may ibang sinusuportahan. Speculation lang yan. Ayaw kasi ng husband mong ayusin yung problem, eh pinakikita mo namang willing ka. Tapos sya pa ang nagagalit when you try to engage him. Buti sana kung paulit-ulit nyo nang problema yan at di ka talaga nagbabago, maintindihan ko pa bakit suko na sya. Kaya lang ikaw rin mismo, gulat ka. You were not given a chance.

Again, speculations ko lang yan base from your post. And you know your situation better.
« Last Edit: April 14, 2015, 02:38:48 pm by glamorosa_09 »

Evolet027

  • Guest
Re: hubby wants out
« Reply #16 on: April 14, 2015, 03:57:21 pm »
One of the reasons why, kahit kaya akong buhayin ng asawa ko, i still choose to work. why? hindi sa ine expect ko na maghihiwalay kame, but, meron at merong dadating sa buhay mag asawa namin na problema na kailangan ko tumulong sa kanya financially or if dumating man na maghiwalay kame, kaya ko pa rin buhayin ang sarili ko at hindi ako fully umaasa sa kanya.

iba na ang panahaon ngayon, both husband and wife should work. di na uso yung husband ang nag wowork and wife is just a plain housewife. kasi, pag dumating nga panahon na iwan ka ng hubby mo, paano ka na?

ilbsiri

  • Guest
Re: hubby wants out
« Reply #17 on: April 14, 2015, 04:16:35 pm »
Tingin ko sis sobrang burned out lang
ng asawa mo. May significant amount of savings ba kayo? Kasi baka sa point of view ng asawa mo, kayod sya ng kayod dun tapos napupunta rin naman sa wala.. Walang bahay, walang ipon, or something significant na maipundar tapos young asawa pa laging nasusunod. Kahit sino naman siguro mawawalan ng gana sa ganun.
Tingin ko matagal na yan naipon lang talaga mga sama ng loob. Akala mo lang bigla nalang nangyari..

Finances talaga isa sa madalas pagawayan ng magasawa lalo na kung di kayo pareho ng financial goals. Pero tingin ko naman maaayos nyo pa yan. Good luck sis.

yes sis meron naman kame, hindi ganun kalaki pero meron, view nya kasi dati na pera lang yun napapalitan mas importante kung saan kumportable at masaya ang mga bata. Hindi ko alam kung nabago na yun or what. Yun nga eh, matagal na daw :( ngayon naiisip ko sa sarili ko napaka lake kong t__ at hindi ko napansin, lahat na ng pagsisisi ginagawa ko na.

Alam mo sis, parang hindi nga ako sold sa mga stories nya. Only five months with his work, dami nyang issues - problematic account kaya di nakapagpadala ng pera sa inyo, nagtatanggalan ng mga tao, pinag-iinitan ng boss, stressful workmates. Nagtatanggalan yung company nya ng tao, pero he was newly hired with a permanent status. Anyways, baka he's holding an important position. Do you have anyone to confirm his present situation? Sorry I'm doubting.

The thing is, itong work problems nya, ang front nya to pick fights with you, ang excuse nya with the dwindling of affection and communication and time. You are narrating your lack of skills financially, kasi yun yung sinabi nya sayo na problema nya.

yup sis confirm yung current situation nya sa office. Yeah, ayaw nya pag-usapan yung tungkol sa amin nasstress daw siya at wala na daw talaga, ayaw nya yung topic na yun :(

You mentioned ganda ng marriage nyo nung una, which I assume maganda rin ang communication. Sabi mo naman lagi kayo nag-uusap non, pero hindi lumitaw itong common grievance on money, ngayon lang inemphasize. My question is bakit ngayon lang after seven years? Yung iba nga less than five years pa lang eh napag-uusapan at napag-aawayan na yang pera, dahil common yan. Kung financial skill lang naman din, napag-aaralan naman yan. Meron naman financial literacy at investment seminars dito.

sobrang ganda sis, even before nalipat siya sa current company kasi walang wifi sa kanila ending 3G lang lage ang gamit in short nawala ang skype and video calls kasi nagtitipid, pero viber, call, messages walang nagbago. Kaya nung sinabi nya na matagal na pala yung issue, sobrang na shock ako minsan nya lang sinabi wala ng explanation or what, hiwalay agad at hindi na ako binigyan ng chance.

And yung ikaw palagi ang nasusunod. I'm not sure I understand this. Kasi hati naman ng decision yung wife and husband di ba, kung sino yung mas nakakaalam sa area na yun. Kung house maintenance and education and children stuff, sympre ikaw nakakaalam nun. Sharing of power yan eh. Pati ba major decision ikaw ang nasusunod at wala syang say? like saan sya magwowork, anong investments gagawin etc. Control freak ka ba?

No sis I'm not control freak, actually pag medyo galit na siya siya narin ang nasusunod, sa work niya siya na susunod, kung ano man gusto nya pinapayagan ko naman.

Anyways, kapag consistent naman syang magpadala ng money sa inyo at hindi kakarampot lang ang ipinapadala, then maybe the real reason he wants out ay yung reason na binigay nya. However, kung inconsistent, at maulit ulit nang makailang beses yung hindi sya makapagpadala, you have to ask yourself.

Nangyayari naman kasi sa ibang OFWs sa iba pinapadala eh, may ibang sinusuportahan. Speculation lang yan. Ayaw kasi ng husband mong ayusin yung problem, eh pinakikita mo namang willing ka. Tapos sya pa ang nagagalit when you try to engage him. Buti sana kung paulit-ulit nyo nang problema yan at di ka talaga nagbabago, maintindihan ko pa bakit suko na sya. Kaya lang ikaw rin mismo, gulat ka. You were not given a chance.

consistent naman sis, minsan sobra pa o sagad ng kaya nyang padala. Ngayon lang nangyari ang problema, nakipag hiwalay na at yes ayaw na nya ako bigyan ng chance :( nakakalungkot

Minsan tinititigan ko nalang mga anak ko, iniisip ko hanggang kelan ko kaya tong sitwasyon namin  :-[ :-[

rasee16

  • Guest
Re: hubby wants out
« Reply #18 on: April 14, 2015, 06:53:44 pm »
be strong sis. hopefully magkita kayo. iba pa rin kasi yung napaguusapan nyo talaga ng harapan. yung kita mo yung emotions nya, alam mo sa mata nya kung anong totoo. kaysa yung sa phone lang at hindi mo alam kung sinasabi nya lang yun for whatever reason.. kaya mo yan sis. try mo na rin magbusiness or sideline. yung hindi na kailangan ng medical exam sa mga companies.

ilbsiri

  • Guest
Re: hubby wants out
« Reply #19 on: April 14, 2015, 07:13:01 pm »
^thank you sis, yun na nga lang naiisip kong pag-asa yung magkita kame pag umuwi siya. Pero infairness naman sa hubby ko kung gusto ko daw mag-aral kahit ngayon na hiwalay na kame susuportahan nya ako masasagad lang daw budget namin, binigyan nya naman ako ng pang sideline at kasalukuyang pinapadami ko ngayon. Pero hanggang ngayon halos araw-araw parin ako umiiyak tinatago ko sa lahat sakit ng loob ko.

Latest Stories

Load More Stories
Close