pls enlighten me mga sis I badly need it, pls bear with me kung medyo mahaba here it goes...
hubby and I been together for 14 years. 7 bf-gf & 7 married we have 2 beautiful kids

I'm not catholic so basically when we got married he converted to our religion, no issues with that until now. Ayun, we were happy and in love together, I must admit mas sweet siya sa akin mas malambing, ideal husband at kahit hindi ako kasing sweet nya mahal na mahal ko naman siya, and yeah between us medyo ako nasusunod, he works abroad kasi kaya decision sa bahay ako since ako nakakakita ng sitwasyon at nakaka alam. Nung nag trabaho siya sa abroad pinapunta nya pa ako dun at ng mga bata para bisitahin siya. I short we have a happy marriage, until last Dec sa new company nya kasi (abroad) mass mababa sweldo at mas madaming work but permanent ang status, since permanent nag loan siya, we decided to give it a go since permanent ang work at mag paparty eldest namin at pang down payment sana sa bahay, at the end hindi natuloy sa bahay kasi kulang napunta sa party ng eldest namin, approved nya naman lahat ng gastusin sa party seems lahat okay, until last dec 2014 nagkaproblema sa account nya in short halos wala siyang mapadala sa amin, dun siya nag start magbenta ng shoes nya at mangutang sa kaibigan nya para may mapadala sa amin, dun narin siya unang nakipaghiwalay sa akin nung nag away kame pero binawi nya naman agad, hindi daw solusyon ang hiwalay, na shock ako kasi 1st time nyang ginawa yun. Until Feb nag away lang kame dahil sa posible na school na papasukan ng anak namin, this time hindi parin naayos account nya at nagtatanggalan na ng tao sa company nila. Nakipaghiwalay na talaga siya sa akin, sabi nya it's been years na daw, lage nalang ako nasusunod sa kanilang magkakaibigan siya lang ang walang bahay, wala na daw talaga, sinubukan kong tanungin kelan pa nag simula at bakit di sinabi para nabago ko, ayaw na nya pag usapan. Everytime sinusuyo ko nagagalit sa akin

By feb din naayos account nya, binilhan ako ng new phone at pinag gamot yung sakit ko (kidney stones) parang dati parin nagvi-viber, email, forgot to mention walang wifi sa tunutuluyan nila kaya hindi kame nag sskype. updates pero may nabago parin wala na talaga yung tawagan namin at imy and ily, sinusubukan ko talagang ayusin lately lang tinanong ko ulit status, wala na daw talaga

magiging good provider nalang daw siya sa mga bata. And ngayon mas worse ang status nila sa work na i-stress siya lalo kasi napag iinitan siya, hindi daw siya pwedeng mawalan ng work kasi walang mapapadala sa amin.
Sa totoo lang nag gi-give up na ako mga sis, aminado ako na kailangan din namin support nya para sa mga bata pero ang sakit-sakit ng loob ko

sabi ko sabihin na namin sa magulang nya sitwasyon namin na wala na talaga para hindi na kame sinasama sa family gatherings, ayaw nya naman papagalitan daw siya, naisip ko rin na sa akin lahat itatanong since ako nandito sa pinas, hindi ko ata kaya yun. Gusto ko na sana lumayo kame ng mga bata kung may opportunity lang sana, SAHM ko at nababaliw na ako kakaisip gusto ko sana mag work pero hindi pa pwede, gusto ko sana mag-aral pero kailangan magtipid. Sabi ko sa kanya papakuha nalang ako sa papa ko sa abroad para mag work at makatulong sa loan nya at makaalis sa company, ayaw nya naman.
To be honest gusto ko ipagdamot sa kanila lalo na sa kanya ang mga bata para makita nya anong nawala sa kanila, if ever kame palang ang 1st broken family sa kanila at pinili nya yun

Should I give up, naawa ako sa mga anak ko at yes aaminin ko mahal na mahal ko parin siya