watch now

Author Topic: Area for Improvement for Local Movies  (Read 1754 times)

tomatostellar

  • Guest
Area for Improvement for Local Movies
« on: April 06, 2015, 01:39:36 am »
Any thoughts? IMO, we could really use contemporary songs written by great local acts.
Also, wag puro pera pera lang, porket this love team ang sikat, basta lang makagawa ng pelikula na pare-pareho ang theme/story line with predictable ending basta lang kumita. ~ I know di na yan maalis, but for you, ano ang mga pangarap nyo para sa local movie scene?



17glut

  • Guest
Re: Area for Improvement for Local Movies
« Reply #1 on: April 06, 2015, 02:47:34 am »
stop milking the heck out of tragic news - basta may malaking issue na lumabas nagkukumahog na kagad ang ibang direktor at producer na samantalahin yung hype tapos lalagyan na lang ng exaggeration sa kwento.
take out the song and dance number sequences- seriously, kelangan talaga merong beach/outing scenes on almost every movie there is kahit di naman kelangan?
song title na, movie title pa rin? - wala na bang pwedeng mapag-kuhanan ng original title? how lazy can the writers get?
make it more realistic- hindi ba pwedeng naka-pambahay na damit lang ang mga kontrabida sa bahay imbes na naka-makeup yung actors sa scene pati mga katulong hindi yung naka-maid's costume pa. Pag ulamin nyo din ng tuyo ang mayayaman sa mga ganung eksena. This applies to the mainstream telenobelas too.
consistent dialogue flow - si lalake mayaman tapos kakausapin nya ng taglish yung tindera sa palengke, parang di yata bagay...para lang naman.
movie na parang tv series ang format - parati na lang tayo nakakakita ng mga reiteration ng enteng kabisote, mano po, shake rattle & roll,etc halos taon-taon...di na ko magugulat kung may makaisip na gawing movie series ang regal shocker.
expert goons - yung tipong mahihirapan si bida na pabagsakin kahit di pa nakaharap ang pinaka-mastermind...
explore other themes- parati na lang romcoms, action, fantasy, pene, tragic love story...sana makaisip naman ang mga direk at producers ng sci-fi or atleast man lang yung mala-nolan ang takbo ng kwento.
alisin ang mga di kelangang dialogue sequences - tuwing makakapanood tayo ng action scene hindi talaga mawawala yung si kalaban at si bida na magmumurahan habang back to back na nakasandal sa pader saka slow-motion ang banatan para lang malagyan ng "tense" yung moment.
baguhin ang pacing - lagi na lang predictable. sa framing pa lang ng isang shot alam mo na kagad na merong papasok na character sa eksena...
ang horror story hindi dapat happy ending - kaya nga horror eh, dapat matakot ang viewers.
redo the old ones - mahirap ba mag request na gawing HD ang captain barbell ni herbert bautista at batch '81 ni mark gil? hindi naman di ba? sana mai-release din yung mga films na na-ban noon para naman mapanood at maapreciate ng mga audience ngayon. Mas maganda kung merong MMFF na dedicated sa mga restored na old films, pupusta ako dudumugin lahat yan.
wag puro pakyut lang- kumuha naman sana sila ng actors na hindi masyado kilala at dapat galing teatro para ma-curious ang mga viewers at ganahan din ang mga indie filmmakers at actors sa sining nila.
gawing mas brutal ang mga action scenes - as in literally kita mo na bugbugan talaga hindi yung hahawi lang ang kamao tapos todo sound epek na lang.
drop the stereotypes- twing may character ng katulong na involved, bisaya kagad ang dialogue, di ba pwedeng normal na tagalog lang?
get more foreign input- parang yung film na "metro manila" para sa kin ang ganda ng presentation at pacing nun, foreigner kasi ang nag direct, nagkaron pa ng international recognition agad. Same goes with  "Ilo Ilo" na singaporean din ang nag direct.
do more movie documentaries aligned with the actual way of life ng mga pinoy-this will give a much wider awareness to the audiences, sanay lang kasi tayo na sa tv nakikita mga yon locally. Although meron namang ganito kahit noon pa pero pare-pareho na lang nakikita natin, namely, life in the squatters area. Magandang gawan ng ganyan yung local politics scene o kaya naman "an in-depth look at the BPO industry in the philippines" tapos shift sa positives at negatives,etc.
focus more on underlying backstory- naging format na kasi ang face value ng mga actors. Basta tambalang kathniel or papa piolo eh basta na lang susugurin ng tao. Mas maganda kung may sense naman ang story at mapapa-isip ka talaga.
wag masyadong sensitibo ang mtrcb - para naman ganahan ang mga local filmmakers na mag experiment at mag venture out ng diskarteng gusto nila. Masyadong lantaran ang censorship.

eto lang mga naiisip ko sa ngayon, dagdagan ko na lang kung may maisip pa ko... ;D


tomatostellar

  • Guest
Re: Area for Improvement for Local Movies
« Reply #2 on: April 06, 2015, 03:09:43 am »
^ "eto lang" sis? pano na lang if you put a lot of thought in it ;p
pero nako agree talaga ko sa lahat ng sinabi mo, especially yung mga pag pili ng actors..kung di ako nagkakamali ang nangyayari madalas e si artista/loveteam gagawaan ng project, hindi yung may movie, tapos mag aaudition yung mga artista kung sino pinaka pak gumanap sa role


zelda

  • Guest
Re: Area for Improvement for Local Movies
« Reply #3 on: April 06, 2015, 05:03:07 am »
To add:

Pls lang. Hindi na uso ang pito-pito movies (7 days lang ang shoot). Tigilan na ang almost a month na shoot. Nilalagare nila ang staff then nagsa-suffer ang quality ng movie. Most Pinoy films lack editing. Saka uso ang audition for a role. Given na bankable actors ang dapat ilagay pero magpa-audition naman sila. Let's differentiate what we see on TV and in movies.

« Last Edit: April 06, 2015, 07:23:58 am by zelda »

17glut

  • Guest
Re: Area for Improvement for Local Movies
« Reply #4 on: April 06, 2015, 06:44:52 am »
^^hindi na rin kasi talent ang labanan ngayon, more on itsura na lang talaga. Porke anak ng dating artista, kahit walang talento sa pag arte, ico-coaching lang tapos isasalang na. Ganyan si daniel padilla nung nagsisimula, halatang pinaspasan lang ang workshop at parang nire-recite lang ang lines nya tsaka ang flat ng delivery ng dialogue walang emosyon tapos naka-landing agad ng acting role sa isang telenobela na primetime slot pa. Ang hirap kasi ngayon kung anong maisipang i-package sayo ng mga talent manager or producer, dun ka na lang talaga maiipit kaya ayun, bagsak ng iba love team na lang talaga.

eto may naalala ako isa pa:

ang artista dapat artista lang talaga, wag nang isasalang kung saan saan - pati pag arte dadalhin sa pulitika, ano na lang nangyari sa bansa natin di ba? halos lahat ng anak ng mga naging presidente napadpad sa pagiging artista. Tsaka kahit di naman performer ang isang artista, pinapakanta at pinapasayaw kahit hindi na bagay - importante ma-entertain lang ang mga viewers. Tingnan nyo sa U.S., you don't see brad pitt singing on noontime shows, do you?

bawasan ang pag-rely sa pagiging vain - pag artista expected ng tao sobrang gwapo.ganda or may magandang pangangatawan, sila aga muhlach, gabby concepcion at william martinez noon wala namang abs pero marunong magdala ng role.

teka isip pa ko iba hehe...  ;D

zelda

  • Guest
Re: Area for Improvement for Local Movies
« Reply #5 on: April 06, 2015, 07:51:22 am »
- If off ang pag-venture ng actors sa ibang field, ganun din ang politicians sa entertainment. They can express their support in some ways but never to star in a film. Nakakainsulto para sa mga nagbabayad ng tax.

- I never liked yun formula ng Star Cinema ng one-liners. I just don't find them real. Too melodramatic. Like yun sigawan tapos word for word na bitaw ng lines like WTH, di ako ganun magsalita kahit nageemote ako sa life.

- Burahin ang cheesy tagline in introducing a film like "Ang pinakasikat na loveteam ngayon" "The Box-office Mega Chuchu Star of His/Her Generation" etc.  The focus should be on the film.

- For indie films , tigilan na ang tema ng kabaklaan and slum areas. Madaming pwede pang iexplore.

- Tigilan ang happy endings for romcom. Make it more real. Also ang epic na mayaman-mahirap love story. Ang hirap maka-relate ah. Chos!

I beg to disagree sa "dapat galing teatro." Masyadong burgis for me. Pwede sigurong sabihin na dumaan sa workshops ng mga taong nagwowork behind theater plays.

But we can go on and on. Actually this is totally tiresome. Pero sana sa paghingi natin ng dekalidad na pelikula, suportahan natin pag nasa theaters na.
« Last Edit: April 07, 2015, 05:56:54 pm by zelda »

MisCalculus

  • Guest
Re: Area for Improvement for Local Movies
« Reply #6 on: April 06, 2015, 10:35:30 am »
First thing that comes to mind: i-ban si Wenn Deramas. lol!
seriously, his and other movies na nilalaban sa metro manila film festival are all trash. Pera-pera na lang, ang gusto kumita. Kahit ipatawas mo ko sa albularyo hindi ko sila papanoorin eh.lol!

But there are movies na commendable naman, recently i watched English Only Please and Ekstra. Simpleng simple yung plot and yung pagkagawa pero relate na relate ka. So i suggest they should create stories that are relatable, honest/real and intelligent.

Unforgettable pinoy movie din sa akin yung "Nasaan Ka Man", a Diet-Claudine-Echo love story/ thriller. It was written by Ricky Lee and directed by a young film maker named Cholo Laurel (where is he?). IMO,it is a must-see motion picture for those who want to see something "different" but quality movie. Try to watch it and you'll know what I mean.

« Last Edit: April 06, 2015, 11:30:34 am by MisCalculus »

tomatostellar

  • Guest
Re: Area for Improvement for Local Movies
« Reply #7 on: April 07, 2015, 10:10:55 am »
First thing that comes to mind: i-ban si Wenn Deramas. lol!
seriously, his and other movies na nilalaban sa metro manila film festival are all trash. Pera-pera na lang, ang gusto kumita. Kahit ipatawas mo ko sa albularyo hindi ko sila papanoorin eh.lol!
 
Homaygad andami kong tawa

foxyhauteur

  • Guest
Re: Area for Improvement for Local Movies
« Reply #8 on: April 07, 2015, 04:41:47 pm »
i agree. i know some old rich people na pag nasa bahay nakadaster or simpleng kaftan lang, no makeup. very different from movies/teleseryes.

also yung mayaman-mahirap love story, in reality ang nakakatuluyan naman ng tao eh someone within his/her circle lang din. kung meron man mayaman na nainlove sa mahirap, hindi naman aping-api yung treatment sa mahirap. hindi lahat ng mayaman matapobre.

Mlabable

  • Guest
Re: Area for Improvement for Local Movies
« Reply #9 on: April 08, 2015, 03:10:38 am »
Sa teleserye pansin ko kahit mahirap ang role todo make-up pa rin. Ganda pa rin ng kilay. Pwede naman wala ng make-up kung ang role naman e di pang-mayaman. Matutulog na lang may lipstick at eyelash pa. Hindi naman ganon ang realidad. Mas malapit sa realidad, mas maganda.

tomatostellar

  • Guest
Re: Area for Improvement for Local Movies
« Reply #10 on: April 09, 2015, 07:19:52 pm »
tsaka pala yung mga bente mahigit na cast..dami support

 

Latest Stories

Load More Stories
Close