stop milking the heck out of tragic news - basta may malaking issue na lumabas nagkukumahog na kagad ang ibang direktor at producer na samantalahin yung hype tapos lalagyan na lang ng exaggeration sa kwento.
take out the song and dance number sequences- seriously, kelangan talaga merong beach/outing scenes on almost every movie there is kahit di naman kelangan?
song title na, movie title pa rin? - wala na bang pwedeng mapag-kuhanan ng original title? how lazy can the writers get?
make it more realistic- hindi ba pwedeng naka-pambahay na damit lang ang mga kontrabida sa bahay imbes na naka-makeup yung actors sa scene pati mga katulong hindi yung naka-maid's costume pa. Pag ulamin nyo din ng tuyo ang mayayaman sa mga ganung eksena. This applies to the mainstream telenobelas too.
consistent dialogue flow - si lalake mayaman tapos kakausapin nya ng taglish yung tindera sa palengke, parang di yata bagay...para lang naman.
movie na parang tv series ang format - parati na lang tayo nakakakita ng mga reiteration ng enteng kabisote, mano po, shake rattle & roll,etc halos taon-taon...di na ko magugulat kung may makaisip na gawing movie series ang regal shocker.
expert goons - yung tipong mahihirapan si bida na pabagsakin kahit di pa nakaharap ang pinaka-mastermind...
explore other themes- parati na lang romcoms, action, fantasy, pene, tragic love story...sana makaisip naman ang mga direk at producers ng sci-fi or atleast man lang yung mala-nolan ang takbo ng kwento.
alisin ang mga di kelangang dialogue sequences - tuwing makakapanood tayo ng action scene hindi talaga mawawala yung si kalaban at si bida na magmumurahan habang back to back na nakasandal sa pader saka slow-motion ang banatan para lang malagyan ng "tense" yung moment.
baguhin ang pacing - lagi na lang predictable. sa framing pa lang ng isang shot alam mo na kagad na merong papasok na character sa eksena...
ang horror story hindi dapat happy ending - kaya nga horror eh, dapat matakot ang viewers.
redo the old ones - mahirap ba mag request na gawing HD ang captain barbell ni herbert bautista at batch '81 ni mark gil? hindi naman di ba? sana mai-release din yung mga films na na-ban noon para naman mapanood at maapreciate ng mga audience ngayon. Mas maganda kung merong MMFF na dedicated sa mga restored na old films, pupusta ako dudumugin lahat yan.
wag puro pakyut lang- kumuha naman sana sila ng actors na hindi masyado kilala at dapat galing teatro para ma-curious ang mga viewers at ganahan din ang mga indie filmmakers at actors sa sining nila.
gawing mas brutal ang mga action scenes - as in literally kita mo na bugbugan talaga hindi yung hahawi lang ang kamao tapos todo sound epek na lang.
drop the stereotypes- twing may character ng katulong na involved, bisaya kagad ang dialogue, di ba pwedeng normal na tagalog lang?
get more foreign input- parang yung film na "metro manila" para sa kin ang ganda ng presentation at pacing nun, foreigner kasi ang nag direct, nagkaron pa ng international recognition agad. Same goes with "Ilo Ilo" na singaporean din ang nag direct.
do more movie documentaries aligned with the actual way of life ng mga pinoy-this will give a much wider awareness to the audiences, sanay lang kasi tayo na sa tv nakikita mga yon locally. Although meron namang ganito kahit noon pa pero pare-pareho na lang nakikita natin, namely, life in the squatters area. Magandang gawan ng ganyan yung local politics scene o kaya naman "an in-depth look at the BPO industry in the philippines" tapos shift sa positives at negatives,etc.
focus more on underlying backstory- naging format na kasi ang face value ng mga actors. Basta tambalang kathniel or papa piolo eh basta na lang susugurin ng tao. Mas maganda kung may sense naman ang story at mapapa-isip ka talaga.
wag masyadong sensitibo ang mtrcb - para naman ganahan ang mga local filmmakers na mag experiment at mag venture out ng diskarteng gusto nila. Masyadong lantaran ang censorship.
eto lang mga naiisip ko sa ngayon, dagdagan ko na lang kung may maisip pa ko...
