Agree with other sis here. Tipid pero quality naman, it's about being resourceful and avoiding known suppliers sa industry. Mahal rate nila pero may makikita ka naman same quality with other suppliers.
Share ko din ano mga tinipid ko.
1. Car - we used our own car kahit hinde color white. First car kase namin to. And to be honest, hinde talaga sya mapapansin during wedding, para syang bridal shoes na isinasama lang sa kailangan picturan.
2. Bridal Shoes - really my customized pala nito. Hinde sya kita sa gown, the only time na makikita eh pag garter removal lang. Bought mine nung nag-sale sa Charles and Keith. True enough tambak lang sya sa bahay since I seldom wear heels.
3. Rings - ours was 12,000. Bought sa Ongpin, 14k rose gold simple band. Di naman kailangan tadtarin ng diamonds since every day eh suot mo.
4. Caterer - for me karamihan overprice ang mga caterer na sikat sa wedding industry. I've been to many weddings and wala naman ako maalala na masarap na food yung talagang napa-wow ako. 415/head lang caterer ko, may broccoli soup, US slow roast beef belly, baked Tanigue, mango pomelo salad na kasama sa menu. After the wedding pinag-uusapan nila yung masarap na food even pagpasok ko sa office titanong nila ano tawag sa mga menu.
5. Photobooth - di kami kumuha. May official photgrapher naman at may phone pa yan pang selfie, sobra na sa picture. Besides, naguguluhan ako sa photobooth.
6. Souvenirs - ours was simple potted plants at 45/piece. Guests like it and until now they're giving me feedback na lumalago na yung plants. Nakakatuwa lang. Some say may name pa yung plants, initial namin ni hubby.
7. Gift for each other - nah, hinde ko gets bat may ganito hehe. Tapos ivi-video pa, sobrang scripted.
8. Cake - 3,700 3-tier cake. Nagsisi pa ako dito, mas maganda pala yung 2-layer na simple cake lang.
9. Event Stylist - styling ng caterer will do plus konting DIY.
10. Booze - no need ng mobile bar. nagdala lang kami ng 10 cases of San Mig Light, Pilsen, Red Horse. Solve na solve ang guests hehe...sobra pa kami ng 2 cases at least maiuuwi mo yung sobra.
11. Venue - eto dapat research talaga, ang daming magaganda dyan na hinde ganun kamahal. 20k lang yung amin with Taal view and very relaxing yung ambience, guests stayed longer because of it.
12. HMUA - 11k lang for bride, 2 moms, 1 ninang, 1 MOH kasama na out of town fee. I think this is one of the overpriced supplier sa wedding industry kaya kinuha ko yung nagmake-up sa friend ko dati na may salon at sanay naman sa bridal event. Naka-2 free trial ako kase yoko ng makapal na make-up. Pinaulit ko hanggang makuha ko yung look na almost no-make up heheh.
13. Invitations - 35/piece, printed 30pcs. pero sobra pa. Cute naman ng mga design sa print divas. Beware, ang daming nag D-DIY nito pero baka mas malaki pa magagastos nyo sa DIY.
Lahat naman halos tinipid namin except videographer, photographer and my gown. Gown ko mid-range lang naman pero designer pa rin pinili ko. Magkasama kase yang tatlo, believe me, looking at our wedding pictures now mas maganda kung yung gown na suot mo eh fit na fit sayo and you look good on it. Sayang ang pictures at video kung ayaw mo naman makita yung sarili mo sa gown na hinde bagay syo.