^i agree.maraming reason yan bakit may nagbabayad ng mahal for TF..Kung kaya ko lang ding tiisin ang enviroment sa public schools (if you know what i mean, not to offend parents na nagpapaaral sa public schools), ieenroll ko talaga mga anak ko dun. Biruin mo laking tipid, 100k+ ang masave ko for the 2 kids hehe..airconditioned ang classrooms at may gym, etc..tapos libre lahat pati books at uniform..May mga freebies pa at give aways from politician lalo na kapag pasko or campaign period.libre bag at school supplies.may libreng bakuna at purga pa..alala ko nga nuong araw may free snacks pa na nutribun hehe..
Kung kinder pa lang ang bata ok lang , medyo tolerable ang situation though andyan yun mga sakitin lalo na bulutong lalo na pag walang vaccine..pero kung elem na medyo risky..andyan na kasi yung mga nagmumurang bata, bullies, sakitin, etc. At least kung magbayad kami ng mahal sa private school, may inaasahan ka, good teaching method, mas panatag na walang mambubully sa anak mo..kung meron man syempre malaking issue yun hehe..then may karapatan magdemand o magreklamo..sa public, no choice kundi sumunod sa policy nila..di ka makaangal.need mo pa magrender ng service pag kailanganin nila..ako nga napaghugas ako ng sangkaterbang plato at baso nung supplemental feeding nun nasa daycare ang bunso ko.hehe..nung una inis na inis ako kasi pag umiiyak ang bata sa 1st week of school, pinapalabas nila..di nag-eeffort ang teacher na patahanin ang bata.. So either uuwi ang bata dahil hindi papayag na wala ang nanay sa loob or babantayan mo sa loob hanggang matapos ang klase hehe..ang siste, almost 2mos ako nagbantay sa loob ng classroom kasi nga umiiyak kapag iiwanan ko.
Syempre pag sa private naman at gumanun din yun isa kong anak, at pinatawag ako, may angas ako, ganto sinasabi ko "natural lang umiyak yan, 1st day jitters eh. Pag bantayan ko yan sa loob, indi yan matututong maging independent. " e di wala silang nagawa kundi gumawa ng paraan para indi umiyak ang hehe..

Tapos sa daycare panay chismisan pa ang mga nanay. May monthly contributions pa..Nag-aaway-away pa lalo na pag my meeting. Kaya ayoko umattend at nakikibalita na lang ako hehe.. Sa private halos wala naman meeting. Wala naman kasi pagmi-meetingan masyado. Yung school at teachers na ang nagseset up pag may events like xmas party.usually naman yun yung mga pinagtatalunan sa meeting..so yun teachers na ang nagdedecide kung anong date, kung anong meals, kung how much amount for exchange gifts. Pati contribution sila na din ang nagdedecide.so tama lang para iwas arguments.hehe..babasahin na lang ng parents sa diary lahat ng announcement..
Meron ding isa pang cheaper option like semi-private. At 60k ang matitipid ko (sarap sana)..Pero dahil semi as in galing sa pagiging public school, hindi ko din nagustuhan ang sistema due to high student-teacher ratio kahit kinder pa lang. At hindi airconditioned ang classroom..aba daig pa ng public school, airconditioned ang classrooms..magbabayad ako ng 20k sa ganun?plus books.. Anong ma-gain ko dun..assuming na so-so lang ang teaching skills ng mga teacher as per feedback ng ibang parents. Mas magaling pa nga daw magturo sa public kesa sa semi-private na yun..Medyo totoo din kasi yung bunso ko maraming natutunan sa nursery sa daycare eh..
So ang ending, we will spend 100k+ for our kids' TF, books, etc in the same private school that my panganay attended last year dahil mas nagustuhan namin ang sistema.
