watch now

Author Topic: Duterte for 2016  (Read 78204 times)

Leven

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #440 on: January 27, 2016, 06:17:47 am »
Hindi naman porke't ayaw sa nagmumura e OK na sa nangungurakot..That's so misleading..Benefit of the doubt naman, Halimbawa again is Grace Poe e walan namang record sa pangungurakot di ba..ayaw ng mga tao..hindi din pumapatay dahil sa kapabayaan..Ang naging kasalanan(daw) niya e yung kinampihan niya ang Iglesia..We're just stating here kung ano ayaw natin kay Duterte, hindi yung kinocondemn natin siya..We just hope na sana e ibahin na niya Istilo niya, We're not asking him to be perfect..Modesty, Sincerity and Firmness yung sigaw ng lahat para sa kanya..Hindi yung matapang lang siya magsalita tapos urong sulong pala..What I like from him, e marunong siya mag-sorry. Hindi kagaya ng Presidente natin ngayon puro yabang, puro palpak naman, di marunong magsorry..
« Last Edit: January 27, 2016, 06:38:51 am by Leven »

dismembered

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #441 on: January 27, 2016, 04:36:48 pm »
^ For some lang naman yung sinasabi ko. Kadalasan kasi makikita mo, yung mga taong super maka degrade ng ibang candidates pero ang bet naman nila is worse din pala. Propaganda lang na mapalabas na masama ang isang tao at mapaganda ang bet nila. We can't deny that kasi ganyan naman talaga ang trend ngayon at ganyan ang nangyayari sa karamihan.

I have nothing against kay Poe. Oks sya sa akin. Pero yung capability nya lang naman ang medyo questionable. Forget about the INC issue.. no big deal sya for me. Ang ayaw ko lang sa kanya is attached si Chiz which is the ultimate manipulator ng lahat.

Leven

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #442 on: January 28, 2016, 09:06:35 am »
Ang ayaw ko lang sa kanya is attached si Chiz which is the ultimate manipulator ng lahat.

Agree sis..ewan ko ba ang pinaka ayaw ko talaga sa mga pulitiko ay yang CHIZ Escudero na yan, super. Ano bang nagawa nyan? Englighten nyo naman ako..puro sat sat paninita sa Arroyo administration, wala naman nagawa..ses! tapos yang TRILLANES at CAYETANO..diyos ko..ano nalang kung mga nilalang na to ang mananalo..huwag naman sana..

dismembered

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #443 on: January 28, 2016, 10:30:51 am »
^ Parang showbiz character kasi si Chiz. Mabulaklak ang pagsasalita, maporma manamit, matipuno ang tikas at asawa ng sikat na artista. Yan ang isa sa mga recipe para manalo sa politics sa Pilipinas.

Si Cayetano at Trillanes, asset or yun ang talagang madadala nila sa pagkapanalo nila... ang pagiging kontra nila sa admin dati. Highlight ng political career nila yun. Kapag madaming tao ang galit sa isang pulitiko, pag sinakyan ng ibang pulitiko ang galit ng mga taong yun, nagiging mabenta din sila.

stormy

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #444 on: February 06, 2016, 07:01:18 pm »
Maka-nega ang iba dati kay gloria arroyo sobra pero sino ba ibang backer ni duterte ngayon? Mga alipores rin ni gloria.

Ang hirap ipaliwanag ng stand ko. Sa akin e sige duterte pero huwag masyadong bulag na fantard na ang dating. Trapo rin kakaiba lang style, swak sa panahon ngayon na mababa moralidad. Ok ang may kabit at nambabae, ok lang nagmumura kasi nga ang ending pera pera basta umayos ang buhay at may panggastos ok na.

Hindi si duterte ang dapat magpakatotoo, tayong mga pilipino.


Balik sa kalokohan na walang pera sa kampanya at walang backer, bilis talaga bolahin ng pinoy. Sabagay hindi naman demonyo tingin ko kay gloria kaya wala lang kahit grupo pa nila na kay duterte.

Trapo e traditional politician. Kahina na lang ng kukote ng makakaisip na pwede sa pinas ang hindi trapo. Buksan ang isip para hindi yung pag pumalpak si duterte pag sya na presidente e magagalit na naman mga tao.

Mag-isip na rin ano reklamo nyo pag magdeclare ng martial law, dahil inamin na rin ni duterte yan na kapag ayaw ng kongreso sa mga plano nya e magdeclare sya ng martial law.

Yung mga makareact sa martial law napaka nega tapos fans ni duterte e mag-isip na kayo.

Puro kasi negatibo sinasabi sa martial law hindi ba? Hindi nakita na may ibang kagandahan rin na naidulot yun. Marami ngablang umabuso kaya pag magka martial law ulit e tyak maraming aabuso. Kaya kung talagang duterte iboboto nyo e tanungin nyo na yan para malinaw. Meaning hindi masama mga plano ni duterte pero pag may abuso dun magiging hindi maganda.


Yang parang mali na ang lahat ng kandidato except si duterte, i know style yan pero nakakasakit ng ulo. Lahat siniraan, lahat minura, lahat may issue. Pwede ba dagdagan ng mga tao ni duterte pag-talakay sa issues kasi maganda yun mga plano. Nakakairita makabasa ng puro nega sa iba. Yung pag repaso sa juvenile delinquency act mas marami pa sanang pagpapaliwanag para yun mga kokontra maliwanagan.

Yung parang mga butangera magsalita pag mapintasan si duterte, public servant yan e so natural yan. Kaso mo napaka reactive at pikon ng ibang supporters pati ibang pamilya. Kalma lang. Pwedeng maging batas na bakal na hindi bastos, hindi pikon at hindi pala-hamon ng away.

Hindi perpekto ang davao, ang daming mahirap may krimen hindi lang nababalita kasi nakatutok sa manila. Ang traffic matindi rin minsan inabot kami ng higit 1 oras mula matina town square hanggang Lanang ayun lang sa maynila e araw araw ganyan. Ang point ko? Huwag gawin as if angat na angat ang davao kasi kahit ano pa yan e huwag kalimutan na davao man or maynila e pilipinas yan.


Makasalita mga tao parang ibang nationality ang davaoeños. Ano na mangyari sa atin nyan? Imbes makita paghihirap ng mas nakakarami sa maynila e parang as if gusto ng taga maynila na ganito kapangit ang seguridad, ang traffic atbp.

At isa pa, yung mga supporters na nagsasabi na "magnanakaw ka at korup kung ayaw mo kay duterte" hello, dami nyang supporters na magnanakaw at korup ilang taon na sa politika kaya please lang umapak sa Realidad mga nagsasabi nito ha.


makakita lang nga kami ng mga abusadong pedicab drivers at mga nagtitinda sa bangketa e nagwiwish rin na sana nga kayanin ni duterte na disiplinahin pati yang mga ganyan na sing-siga nya.

Bukas ang mata, bukas ang isip para kapag manalo tapos may gawin na hindi gusto ng mga tao e hindi madismaya tapos ayawan na.


springblossom

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #445 on: February 07, 2016, 07:03:30 pm »
^i agree sis. dapat bukas ang isip at mata. kaya nga duterte na iboboto ko. :)

my mom is from davao and most of our relatives came from there. syempre, mas naniniwala ako sa feedback ng mga kamag-anak namin doon. duterte is not perfect. I love to think I am a smart duterte supporter so hinde ako pumapatol sa mga fantards nya. im not even sure if he'll be an effective president kahit pa sabihing he was the best mayor davao ever had. Iba ang national government sa city. buong pilipinas ang hahawakan nya, hinde lang isang malaking city.

but you know, he's a risk I am willing to take. Kaysa naman sa mga sumushowbiz dyan na mga presidentiables or yung matagal na sa congress, sa senado, wala namang ginagawa, puro kadramahan lang. puro hearings lang walang resolutions. sinasayang lang pera ng bayan. and among all the presidentiables, si duterte lang ang mga may klarong ginawa para sa mga tao.

Leven

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #446 on: February 08, 2016, 09:43:17 am »
word of this thread "PERFECT"..yawn ;D

napansin ko ngayon parang sumoshowbiz na rin si Duterte..This actually started noong panahon ng Yolanda.

http://davaotoday.com/main/headline/duterte-rejoins-rescue-medical-team-to-tacloban/

Nakipagmeeting siya sa medical team with all the cameras capturing the moment..When he visited Tacloban, He even said this piece “I do not mean to be… God must have been somewhere else or he forgot that there is a planet called Earth,” teary-eyed pa ang mayor.

He even threatened to shoot looters..2nd yung nag guest siya sa GGV..and agree siya sa same sex marriage?

Ganun naman siguro tayo mga pinoy, pag bet natin..bulag bulagan na tayo sa mga pangit niya..reason? He's not perfect..ok lang yan.tsktsk
« Last Edit: February 08, 2016, 10:03:34 am by Leven »

chocoholic88

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #447 on: February 09, 2016, 11:35:56 am »
Sino nakapanood ng Wanted President interview? Is it just me o parang off yung interview ni Mel? O baka dahil limited ang oras kaya may times na kina-cut nya yung sinasabi ni Duterte. Mas nagustuhan ko yung interview ni Maria Ressa sa Rappler.

springblossom

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #448 on: February 09, 2016, 12:49:16 pm »
word of this thread "PERFECT"..yawn ;D

napansin ko ngayon parang sumoshowbiz na rin si Duterte..This actually started noong panahon ng Yolanda.

http://davaotoday.com/main/headline/duterte-rejoins-rescue-medical-team-to-tacloban/

Nakipagmeeting siya sa medical team with all the cameras capturing the moment..When he visited Tacloban, He even said this piece “I do not mean to be… God must have been somewhere else or he forgot that there is a planet called Earth,” teary-eyed pa ang mayor.

He even threatened to shoot looters..2nd yung nag guest siya sa GGV..and agree siya sa same sex marriage?

Ganun naman siguro tayo mga pinoy, pag bet natin..bulag bulagan na tayo sa mga pangit niya..reason? He's not perfect..ok lang yan.tsktsk

hahaha he's not perfect but he's the best choice for me. mas ok na kaya yung ganitong term? LOL

speaking of sumushowbiz, isama mo na rin yung pagtakbo nya daw tapos hinde pala tapos tatakbo pala. hahaha yun kadramahan din yun. but i guess, im not yet fed up with his kadramahan. unlike sa ibang mga presidentiables na puro kadramahan lang talaga.

AnneMP

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #449 on: February 09, 2016, 11:00:48 pm »
I am truly hoping siya na ang susunod na presidente.  Hate ko mga sleazy pics niya with women.  Pero yung mag mura on national television, I don't mind. 

Gusto ko lang talaga ang plano niya sa Filipino.  Kamay na bakal na talaga kelangan natin.  Ang tigas ng ulo ng Pinoy eh. Sariling bakuran, hindi man lang ayusin.  Wala tayong disiplina.  Sana man lang, kung manalo si Duterte, kahit man lang disiplina natin maayos niya.  Ano pa ang magandang economiya kung nagpapatayan naman ang mga tao sa kalsada?

Ang gusto ko e yung may pagmamahal sa bayan.  Pakiramdam ko si Duterte yun.  I don't think tumatakbo yan para sa pera.  Ano nga ba ang motibo ng bawat isa sa kanila?  Kung motibo ni Duterte is control over everyone, at kung yun ang makaka tulong sa ating lahat (kahit I'm sure mahirap para sa atin), droga lang matanggal niya dito sa bansa at mabawasan ang krimen, masaya na ako. 

Ewan ko pero hindi ko talaga gusto si Mar ;D  gusto niyang pwesto is yung mas malaking responsibilidad.  Eh yung Yolanda, hindi man lang nya maiayos.  DILG sec siya di ba?  Bakit sa Cubao, takot ako kasi parang holdapin ka anytime dun.  Yung sarili niyang bakuran, hindi niya kayang controllin?  Paano pa buong bansa.  Hindi ko kelangan ng economista ngayon.  Kelangan ko yung iniisip kabutihan ng general population.

Si Poe, mukhang malinis naman.  Pero bakit the highest office agad? Para lang makabawi para kay FPJ?  I saw her sa LAX before and they said that she is often in the States kasi dun talaga siya naka base.  Ano ang pagmamalasakit niya sa bansa?  Nakakalungkot lang kung ang katulad niya ang mananalo.  Mapapatakbo ba niya ang bansa ng maayos?  I think she is a people-pleaser.  Mahirap yan.  Most likely she will try to please the people nearest to her.  At ang manggagawang Pinoy ay hindi makakalapit sa kanya. 
« Last Edit: February 09, 2016, 11:09:23 pm by AnneMP »

AnneMP

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #450 on: February 09, 2016, 11:07:27 pm »
He said Bong Revilla should be given the right to bail. Uhm, ok?
  That means he abides by the law.  He follows the process. He knows he is not above the law contrary to what I am sometimes afraid of.

spitfire

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #451 on: March 15, 2016, 05:26:04 pm »
Duterte is a flawed man.. but I think he is still worth the risk.

Mashadong lugmok ang bansa natin there is so much room for improvement, at the rate of current governance mashadong mabagal kumilos. Mga basic problem (NAIA, MRT) parang hindi masulusyunan
(until now) kahit konting improvement waley. I do give credit to the current administration for the effort however until the governement is bound to its old style of governance na very bureaucratic - parang imposible ang mga quick wins. We need drastic change, someone who has b@lls and credibility to implement change. That is why I want to try Duterte style and see how it goes. I am willing to Risk 6 years than be contented on what the other current candidates can offer. Anyway [textspeak!] pa bang mawawala? as if we have a reputation to keep  ::)

There is no right formula for progress and no easy way to it but Duterte's basic platform on corruption and criminality is spot on! These are the core issues of our country and once we can clean up the foundation the rest would follow and I believe him!

I became a Dutertard after reading tons of #Myduterte stories. I tried digging stories  but no such thing exsits!





 


Leven

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #452 on: March 16, 2016, 12:39:35 pm »
Reason for voting Duterte..to make a difference..tama siya..masyadong tutok nalang palagi ang pamahalaan sa problema ng MRT o Luzon..how about ibang lugar na hindi pa nakatikim nang daan o ilaw sa buong buhay nila..yung mga lugar na hindi naabot ng TAX na binabayaran ng lahat.

Gaysha

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #453 on: March 16, 2016, 05:40:32 pm »
Duterte (and Marcos) is the choice of Class ABC surveys after surveys shows, kaya that speaks volumes din!!!Sinasabi kasi ng mga "dilawan" that they are intelligent, educated, etc ..eww. There you go..pero Im really disgusted with how the "masa" votes here. Look at the TVC of Grace and she's leading eww..which means mas nakakarami silang bobotante talaga. And we are in a democracy, so bobotante wins. Whether we like it or not. I'm losing hope na.

dismembered

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #454 on: March 16, 2016, 05:58:22 pm »
^ Don't lose hope sis. Kaya nga tayo andito. Tayo ang mag campaign. May hope pa rin. Tulungan natin sila maintindihan.

Sa totoo lang, nakaka frustrate talaga kapag madaming uninformed at tsismis lang ang alam about Duterte. Much more mas nakakainis pag ang reason lang nila na hindi nila iboboto ay dahil nagmumura. :|

lilsaintsm0m

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #455 on: March 16, 2016, 05:59:10 pm »
I really hope he would win but recent events makes me worry. The issuance of receipt by the comelec is still in the talks. Ang daming reasoning ng comelec na matrabaho daw ang receipt wala na daw  time they have to reprogram. Eh dapat noon pa merong receipt dapat talaga meron. Nakakaamoy ako ng dayaan. It is either Poe or Mar who would win. Silent manok ni Pnoy si Poe just incase mabulilyaso ang plano nila ni mar, may plan B siya. Naninigurado siya na kung sino man next sa seat ay di siya makakasuhan.
Idagdag pa ang media na napaka bias, syempre sa ibang lugar na wala namang internet, sa TV at radio lang sila nagrerely. Tanong nga ni Duterte kung bakit di pinapalabas sa Tv mga campaign niya eh super daming tao. Kung magkakadayaan malaking gulo yan.

super bratinella

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #456 on: March 17, 2016, 07:24:30 am »
Super daming tao ng campaign ni Du30, he is back in Davao now and my classmates from Davao posted in FB grabe sobrang daming supporters, at supported talaga siya ng taga Davao, I wonder hindi supported si Binay ng taga Makati at si Mar ng taga Cubao?

kookai88

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #457 on: March 17, 2016, 08:17:57 am »
dapat ipakalat sa FB na marami talagang supporters si duterte. ayaw kasi ipakita ng media. halata na ayaw nila kay duterte >:(
buong angkan ko, duterte solid!  ;)

AnneMP

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #458 on: March 17, 2016, 08:49:09 am »
I'm fully supporting Duterte. I'm also giving my support to the public officials who support Duterte. 


 

Latest Stories

Load More Stories
Close