watch now

Author Topic: Duterte for 2016  (Read 78518 times)

mikky21

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #420 on: December 23, 2015, 11:17:38 am »
Duterte For the win! Sayang lang hindi ako makakaboto. Will campaign for him though

yelle

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #421 on: December 23, 2015, 11:21:11 am »
^^^ True sis very unorthodox. ;D

Did you see the latest SWS survey? Nangunguna si Binay at umangat si Roxas. I'm not even sure kung maniniwala ako sa survey na yan. Mukhang nag bunga ang effort ng bias na media to project Duterte in a bad light.

Let's campaign for him sa mga kakilala natin. I'll do this for the sake na rin sa future ng mga kabataan lalo na para sa mga anak ko. Walang machineries si mayor Duterte para tapatan ang mga kalaban. I am a witness to his leadership. He can deliver. Enough of this traditional politicians na puro pangakong napapako.


imyourangel

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #422 on: December 26, 2015, 12:06:40 am »
at baka effective din ang "Only Binay" campaign ni Noggie. Lol

Only Binay, only Binay.. so many dumb ways to die.

hanshellite

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #423 on: December 29, 2015, 01:33:55 am »
Im so happy na madaming Duterte supporters here!
Madami pala akong kakampi! hahaha
Una akong nagpost about duterte sa isang thread 2 years ago pa ata, at walang masyadong nagcomment about him. Pero ngayon, ang dami ng naglalabasan na mga ka-DDS (duterte diehard supporters).
Nakakatuwa talaga ang clamor ng mga tao. Yung passion and bayanihan spirit.
Nakakaexcite ang 2016. Sana lang talaga walang dayaan sa elections!

lizzietseng

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #424 on: December 29, 2015, 09:59:49 am »
^^^Walang machineries si mayor Duterte para tapatan ang mga kalaban.
I super agree with you sis, that's why we should all do our part, even in small ways, to help Duterte out during this campaign period.

Gaysha

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #425 on: December 29, 2015, 10:06:21 am »
I'm 100% for Duterte-Marcos. But at the back of my mind, Duterte's biggest enemy is himself! He should reign in his emotions. and his big mouth sometimes. Wag patulan lahat ng issue. Yun lang. Sana may magpayo sa kanya kasi ang taas na sana ng ratings nya then when he granted interviews, ayun na. In fact, I have a feeling na kaya naging december ang announcement nya, para di masyadong masiraan based on his words. at least, mas malapit na sa elections ang dec. less time to tear down a rival.

dismembered

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #426 on: January 22, 2016, 12:15:12 pm »
Bakit si Duterte at Cayetano lang ang umattend ng forum last Jan. 20?

young_maiden

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #427 on: January 22, 2016, 12:35:36 pm »
^ Baka natakot ibang kandidato. Baka ma-boo din sila. Joke.

Alam nyo parang nagbabago na isip ko kay Duterte nung sinabi niyang nagmolestiya siya before ng babae. Dapat hindi na niya sinabi iyon. Super turn off iyon whether joke man iyon o hindi. Sana maredeem niya sarili niya. May friend ako na supporter niya dati pero nagdecide na si Miriam na lang daw iboboto niya dahil daw doon sa sinabi ni Duterte na susuportahan niya si Binay pag nadisqualify siya.

dismembered

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #428 on: January 22, 2016, 02:06:37 pm »
^^ Exagge naman lagi si duterte.. If totoo man na ginawa nya yun before. Look at him sinasabi nya na ngayon pa lang.

Hindi sya perfect. May flaws din sya. Pero compared sa ibang kandidato.. Mas ok na yung alam mo ang mga tendencies or past nya.. kesa naman sa mga nagmamalinis at mas worse pa pala.

^ Regarding Binay... Inaasar nya lang si Mar nun. Kasi super against sya kay Mar so inaasar nya si Mar dahil alam nyang oppose talaga si Mar kay Binay.. Pero tingin ko si Mirriam ang bet nyan ni Duterte talaga pag nagkataon. Wala silang nasasabi sa isa't isa eh.

Leven

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #429 on: January 24, 2016, 07:20:02 am »
Hindi naman siguro katwiran yang sabihin nalang natin palagi na hindi sila perfect..tao lang sila..Ok lang kung hindi sinasadya..pero para sa akin kasi kung sinasadya mo nang sabihin o gawin..kabastusan na yun or yabang..He wants to be the president so he should act one..kung matapang siya, gawin niya sa tunay na kalaban..hindi sa santo papa o sa mga babae.

young_maiden

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #430 on: January 24, 2016, 12:48:28 pm »
^^ I agree with you, sis Leven. Ang yabang kasi ng tono ni Duterte pag sinasabi niya mga kalokohan niya. Naintindihan ko pa siya nung sinabi niyang nakapatay na siya ng mga kriminal, joke man iyon o hindi. Pero nung sinabi niyang nagmolestiya siya, doon na ako napaisip kung siya pa ba iboboto ko. Paano pag nanay ko o kamag-anak kong babae ang minolestiya niya, baka saksakan galit ko sa kanya. Isang nega trait pa from him, baka mag Miriam na lang ako.
« Last Edit: January 24, 2016, 02:10:27 pm by young_maiden »

tomatostellar

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #431 on: January 24, 2016, 01:45:33 pm »
He said Bong Revilla should be given the right to bail. Uhm, ok?

chocoholic88

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #432 on: January 25, 2016, 09:12:36 am »
^Yes he said that pag weak yung evidence. Still, na turn off ako dun :/

dismembered

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #433 on: January 25, 2016, 10:52:58 am »
Hindi ako fanboy.. Pero I'll try to say may 2 cents sa mga sinasabi nya..

Hindi naman siguro katwiran yang sabihin nalang natin palagi na hindi sila perfect..tao lang sila..Ok lang kung hindi sinasadya..pero para sa akin kasi kung sinasadya mo nang sabihin o gawin..kabastusan na yun or yabang..He wants to be the president so he should act one..kung matapang siya, gawin niya sa tunay na kalaban..hindi sa santo papa o sa mga babae.

Yes hindi reason ang pagiging hindi perfect. Pero ang tanong... sino ang magiging ibang choice? Kung meron ba aba sige dun din kami. Every election lagi na lang same ang mga tumatakbo. In the end, kung sino na lang ang lesser evil dahil no choice. Anong kaibahan ngayon?


^^ I agree with you, sis Leven. Ang yabang kasi ng tono ni Duterte pag sinasabi niya mga kalokohan niya. Naintindihan ko pa siya nung sinabi niyang nakapatay na siya ng mga kriminal, joke man iyon o hindi. Pero nung sinabi niyang nagmolestiya siya, doon na ako napaisip kung siya pa ba iboboto ko. Paano pag nanay ko o kamag-anak kong babae ang minolestiya niya, baka saksakan galit ko sa kanya. Isang nega trait pa from him, baka mag Miriam na lang ako.

I-link ko lang yung news...  http://www.gmanetwork.com/news/story/551301/news/nation/duterte-admits-he-was-once-charged-with-acts-of-lasciviousness

Hindi naman sya convicted. And... I don't know.. You also have to take his accent na parang laging mayabang. Hindi sya kasing fluent natin sa tagalog, so may factor din. Pero iba yung kurot sa molestya? Kahit sino pwede magsampa ng kaso pero hindi ibig sabihin ginawa mo na agad yung kaso until proven.

He said Bong Revilla should be given the right to bail. Uhm, ok?

^Yes he said that pag weak yung evidence. Still, na turn off ako dun :/

Yeah ganun nga yun. Only if weak yung evidence. Regardless kahit anong sabihin nya meron namang backlash dyan. Pag weak evidence pero hindi binigyan ng bail, sasabihin hindi sya nag follow ng law. tapos ngayon naman ganito.


@all

The thing is... mas ok na nabigyan tayo ng chance makinig sa mga sinasabi nya. To know his faults, tendencies, strengths and weaknesses... Yung other options ba meron tayong ganyang chance? Wala. Kasi puro cover up. Puro celebrity endorsers lang na kumikita sa kanila at mas lalong hindi naman role models.


yelle

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #434 on: January 25, 2016, 11:15:57 am »
^ Katulad ng ginawa ng admin ni Pnoy kay Arroyo na illegal detention a violation under international law kasi weak ang evidence laban sa kanya.

Leven

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #435 on: January 25, 2016, 01:05:59 pm »
Plus point para sa akin si Duterte dito.

http://newsinfo.inquirer.net/758304/duterte-saf-44-sent-to-lions-lair

Kaya walang hustisya yung SAF 44(1st anniversary nila ngayon) kasi yung tunay na salarin e mismo administrasyon natin ngayon..Marami palang alam si Duterte about that SAF44 incident because he was at Edwin Andrews Air Force Base that day together with the president and Mar Rojas. Sana ibunyag na yan at ng managot na yang Aquino na yan..

young_maiden

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #436 on: January 25, 2016, 08:07:32 pm »
^ Thanks sa link, sis. Magandang feedback nga kay Duterte iyan.

@dismembered

Ang akin lang sana hindi na niya sinabi sa public. Siguro sa'yo parang nagjojoke lang siya. Ang dating sa akin mayabang eh. Oo, hindi nga siya convicted pero sana nanahimik pa rin siya regarding that matter. Madaming babae maiinis eh.

pretty empress

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #437 on: January 26, 2016, 09:43:52 am »
@dismembered you nailed it bro. tama naman. pinapakita lang nya na tao sya nagkakamali at may weaknesses di katulad ng iba puro pabango sa media. if kutiin mo mga salita ni duterte he's smart. para lang sya si clyde sa law abiding citizen akala mo yun na yun e, may ibang tumbok pala.

Leven

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #438 on: January 26, 2016, 04:31:27 pm »
Seriously?

Gawin natin Halimbawa si Grace Poe
Tao lang si Grace Poe nagkakamali kasi kinampihan niya ang Iglesia? At dahil hindi siya nagmumura sa public e nagpapabango na kaagad or plastik?

Hindi porke't nagmumura na ang tao e nagpapakatotoo lang siya..of course not..I must say, He's used to it..or kaya naman yun ang kinalakihan niya...Agree ako sinasabi mo na matalino si Duterte..kasi kung hindi siya matalino di sana hindi takot taga Davao sa kanya. He must be smart to disciplined such a big city like Davao at nasa Mindanao pa.

Hindi naman totoo na we always opt for the lesser evil..If you can check on our history, starting from the Marcos regime..Tinalo ni Marcos si Diosdado Macapagal..Then napababa lang dahil sa pagkamatay ni Ninoy, na naging hero tapos biglang umangat si Cory(walang nangyaring election) then kay Fidel Ramos na sana lesser evil si Mitra, tapos kay Erap(inimpeach) pumasok si Arroyo(inimpeach din) and ngayon lesser evil bah, si Pnoy? nanalo lang kasi namatay yung ina.. Wala naman akong nakita na lesser evil masyado.

Di pa ako decided until now who to vote this coming election but 70% of course kay Duterte ako, kasi malaki respeto niya sa mga guro at sundalo..tama yung idea na palakihin ang sweldo nila kasi sila naman talaga ang tunay na bayani sa bayan natin at naghihirap at iabolish na yang kongreso. nagpapalaki lang ng tiyan mga congressman diyan..ang lalaki ng sahod tapos ok lang kung mag attend o hindi..





dismembered

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #439 on: January 26, 2016, 07:19:41 pm »
^ Siguro iba lang talaga ang panahon sa ngayon. Dahil sa internet mas madaling makaalam ng mga totoong pangyayari kesa sa mga palabas lang ng media. Mas madaling mag pass ng information kesa dati kaya ganun na lang na mas informed ang tao sa mga bad sides ng mga politicians.

At yes. Tao lang lahat ng mga candidates. Pero what matters is kung ano ba ang pagkatao nila. Wala namang perfect dyan. What matters eh tolerable ang mga traits nila kung negative man sa mga tao.  Yung lesser evil syempre nag-apply lang yun sa mga nagiisip na botante. Sa mga bobotante, iniidolo nila yung mga candidate nila regardless ng capability at history. Mas sadyang nananalo sa botohan ang makaantig damdamin na mga kandidato. Kasi emotional talaga mga karamihan sa pinoy. Ayaw ng mag nagmumura, pero ok lang na kinukurakot sila. Ayaw ng pumapatay ng kriminal pero yung pumapatay dahil sa kapabayaan ok lang sa kanila. Marami pang bagay na mapapakamot na lang ng ulo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close