watch now

Author Topic: Duterte for 2016  (Read 78326 times)

imyourangel

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #320 on: December 01, 2015, 06:22:54 pm »
Kaya hindi bagay sa ating mga pilipino ang mababait. It just doesn't work for us. :(
Du30 pa rin ako. Although I got turned off din sa womanizer siya. Lol.

Breaking news: Poe's disqualified by the Comelec!

Gaysha

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #321 on: December 01, 2015, 08:19:00 pm »
Duterte-Marcos ako. Ayoko kay Cayetano sa ginawa nya kay Gloria grabe.

Purple_Power

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #322 on: December 01, 2015, 10:20:02 pm »
Actually yung pagmumura niya malalampasan ko pa yun. pero siempre hindi ko pa rin gusto yung ginawa niya. Ang bothered lang ako is yung pagiging womanizer niya na sana naman it won't affect the rights for women if siya ang naging President.

tischarmedlife

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #323 on: December 02, 2015, 05:56:06 am »
Breaking news: Poe's disqualified by the Comelec!

OMG. Sis, napa-google ako bigla sa news pero clearly, ia-appeal nga nila yun. Oh well, bahala sila. As long as kandidato si Duterte, may hope pa rin ako para sa Pilipinas at sa ating mga Pinoy.

And agree ako sa sinabi ni sis springblossom na hindi por que nagmumura ka, masama ka na talaga. I'd rather have a "friend" na pala-mura at basagulero kesa sa magnanakaw at sinungaling. So sa mga presidentiable, mas gusto ko si Duterte kesa kay Mar and Binay combined. Si Grace Poe, no comment. Dahil nainis na ako sa citizenship issue nya before pa. Si Miriam naman, may sakit kase although I would have voted for her kung di tumakbo si Duterte.
« Last Edit: December 02, 2015, 05:59:55 am by tischarmedlife »

mysterioza_me

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #324 on: December 02, 2015, 06:25:28 am »
Mas na-turn off ako sa mga priests na naki-ride sa issue. Sana di na sila nagbato ng masasamang salita against Duterte, mas mabuti pang nagsabi na lang sila ng "Pinatatawad ko siya" "Diyos na bahala sa kanya" or simply "No comment." Priests are not suppose to say mean things or accuse other people kahit gaano pa katotoo yung sinasabi nila. I expect na mas wider pang-intindi nila sa ordinaryong mamamayan dahil higit na naiintindihan dapat ng mga pari ang turo ng Diyos. Kaya nakakatamad na talaga magsimba e. Wala ng credibility ang ibang pari.

px17

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #325 on: December 02, 2015, 06:50:54 am »
^true! One of the reasons why mapili kami sa pinagsisimbahan. We live in Valenzuela pero sa ibang city kami nagsisimba. One of the simbahan here in Val, yung Pari sobrang mapolitika! nakakairita as in. Sa linggo linggong homily niya puro tungkol sa kapalpakan ng government kung hindi man may halong accusations sa mga politicians which is off para sakin. Hindi maka-move on si Father, gusto ata maging politician eh. Kaya balik kami sa dati naming Parish.

with regards to the edited video, alam ng ABS CBN how powerful ang social media kaya pinakalat nila yun. Maraming tao kasi sa FB na basa nalang ng headline, hindi na hinahanap yung whole story/video. Comment na kagad na kala mo kung sinong napakalinis na hindi sila nagmumura, perpekto msayado. Nakakaloka! One of my college bestfriend ay palamura. Yun na  ang reactions nya sa mga pinagsasabi niya pero I would rather have her as my only friend kesa sa mga ibang nakasama kong keplaplastic. Oo, ang off talaga makarinig ng curse words lalo na most of us eh pinalaki na bawal magmura. Pero ano nagmumura or trapo?  :P

Msyadong natatakot kay Duterte ang karamihan kasi pasaway nga tayong mga Pinoy. Natatakot madisiplina. The other candidates ang pabebe, look at their commercials hindi na makatotohanan. Syempre, daming nagpapauto.

With him na womanizer, sana may magresearch pa patungkol dito. Enlighten us please! haha

 

three8one

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #326 on: December 02, 2015, 01:17:11 pm »
Ang nakakalungkot lang, sumusunod dahil sa takot at hindi dahil sa tunay na disiplinado. Sad, pero ganito ang pinoy walang disiplina sa totoo lang.

para sa akin naman, mas okay na yung may takot na sumusunod kesa walang sinusunod.. agree, wala tayo disiplina mga pinoy masakit man aminin...

--------

yung ibang citizen talaga ngayon palang lumalabas na pagka bobotante eh. alam nilang kandidato na si mayor duterte for president and alam nilang ang kalakaran sa pulitika eh siraan at labasan ng baho. malamang sa alamang may mga grupo na binayaran para siraan ang kanikanilang mga kalaban. itong mga ewan ko bang mga taong hindi muna mag research at sumasakay na lang sa inilalabas ng media at sinasabi ng ibang tao, halatado talagang napaka lang weak ng faith ng mga pinoy kaya madalas na mimislead tayo eh masyado tayong mapapaniwalain sa sabi sabi ng iba, walang sariling paninindigan.

sana ang gawin natin kung may kursunada tayong kandidato imbes paglaanan natin ng oras at panahon na hanapan ng butas o ikakasira sa kandidato bakit hindi natin ilaan yung oras natin sa paghahanap ng mga mabubuting nagawa nun tao at yung posibleng magawa nun tao.

one thing na nagustuhan ko kay mayor eh yung firm sya sa pagsasabi na uubusin nya yung mga masasamang tao sa pinas. unlike yung iba na growth of economy ang focus, sino ba unang magbebenefits nun mga business tycoon lang naman. yung mga mababang tao na tulad natin tsaka palang natin mapapakinabangan yun pag nag uumapaw na yung mga bulsa ng mga mayayaman at maisipan nilang ibaba ang presyo ng produkto nila para makinabang naman ang mga consumer. di tulad ng pag krimen ang na contain, yung benipisyong makukuha natin dun eh pantay pantay talaga, walang mayaman, walang mahirap  at walang mauuna at walang huli na makikinabang kundi sabay sabay at sama sama.

kookai88

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #327 on: December 02, 2015, 04:14:20 pm »
"I was amazed by the fact that a politician who is aiming at the highest position could be this honest. It was a first encounter for me to see a politician being honest about his concerns for his country other than kissing my hands for the sole purpose of getting the support of the majority of the Catholic population."

-Pope Francis

http://thephnews.thephilippinetrend.com/2015/11/pope-francis-on-duterte-theres-no-need.html

mysterioza_me

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #328 on: December 02, 2015, 04:30:16 pm »
^Sis hoax or satire news ata yan

Ngayon ko lang naopen ang article sa bagal ng internet ko
« Last Edit: December 02, 2015, 05:02:08 pm by mysterioza_me »

blackgreen

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #329 on: December 02, 2015, 04:37:05 pm »
^^sis, hindi ba hoax yun site?

Duterte pa rin ako, kahit may mga ganyan na issue. Kumbaga, choose the lesser evil. Kahit hindi 100% mapa implement niya sa buong Pilipinas nagawa niya sa Davao, pero kahit kalahati man lang at least may pagbabagong nangyayari.

kinkytinch

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #330 on: December 02, 2015, 05:35:03 pm »
Hi. Wala pa akong presidente for next election. Pinagiisipan ko pa. Help me out guys by answering some of my questions.. if you are for a firm leader, why do you choose duterte over santiago? Why do you prefer federalism? Is it ok if his moral compass seems to be a bit skewed? I dont get it eh

belle_v2g

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #331 on: December 02, 2015, 05:56:26 pm »
I won't be able to vote this coming election since i failed to register but if ever, we will definitely go for duterte. i think he is the man for that job. totoong tao {he doesn't really care if masira nga sya sa tao as long as he's being transparent} at talaga namang may achievements at gusto ko ang mga plano nya for the country.

i have lived for 27 years in the philippines til we moved overseas wherein federalism din ang form of government. hindi siguro ganun kadali na magshift ang pinas sa ganun.. kailangan ng disiplina at obedience galing sa mga tao para maipatupad ang bagong batas. madaming matitigas ang ulo sa atin. hirap mapasunod. 

imyourangel

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #332 on: December 02, 2015, 07:09:32 pm »
Nakakainis nga yung CBCP na makapagkumento e wagas na wagas! Ang daming issues ng bansa, bakit pinagiinitinan nila yang issue na yan.

rensky

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #333 on: December 02, 2015, 08:21:56 pm »
Duterte also for me. Morality issue? At the end of the day,I will vote for someone who can do his job.Parang sa isang worker lang sa isang company. Other woman/Kabit na competent at nagagawa ng maayos ang trabaho vs someone na hindi kabit pero di naman nagagawa ng maayos ang trabaho nya. Ang worry ko lang bakit mahati ang boto ni Duterte kay Miriam. And maaring sa social media malakas si Duterte pero hindi naman pala mga registered voters.  Wala din. Sayang lang ang mga nagssabi na they are for Duterte.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #334 on: December 02, 2015, 08:45:56 pm »
Nakakainis nga yung CBCP na makapagkumento e wagas na wagas! Ang daming issues ng bansa, bakit pinagiinitinan nila yang issue na yan.

Nalimutan ata ng mga priests ang bible verse na "let he who is faultless among us cast the first stone." Pati sila nakisakay na at nagbato ng mga accusations

jamie_0117

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #335 on: December 02, 2015, 09:13:26 pm »
^^I think that's what the media is trying to achieve (mahati ang mga boto among the candidates) and Ifeel na there's someone behind this - yung taong napagaling mamulitika. Baka sya pa ang manalo.

chocoholic88

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #336 on: December 03, 2015, 07:15:58 am »
Hi. Wala pa akong presidente for next election. Pinagiisipan ko pa. Help me out guys by answering some of my questions.. if you are for a firm leader, why do you choose duterte over santiago? Why do you prefer federalism? Is it ok if his moral compass seems to be a bit skewed? I dont get it eh


For me, Federalism is worth a try. Kaya din gusto ko si Duterte.

Na enlighten ako tungkol sa Federalism with an interview with Alan Peter. May charts syang pinakita na most of the revenues go to Metro Manila. Main point is unequal ang division ng resources. Pano lalago ang ibang parts of the country if the majority of the budget is in Metro Manila?

Another thing is Each Region/State will have more access to resources and finances. Hindi na sila maghihintay ng advise/additional funds from the Central office/National Government kung kelangan nila. This is helpful especially during calamities (na lately, halos every year na lang ata eh meron tayo). Yung mga local government, sila ang mas nakakakita ng kelangan ng state/region nila. With the current set up, I think kelangan pa nila mag request and hintayin ang approval ng National government para sa funds. so matagal na proseso, and may chances of disapproval if the national government sees it as unnecessary (di naman nila nakikita kasi wala sila sa region).

With appropriate funds, and more freedom to use those funds, mas mapapalago nila ang sariling region/state. Pag ganito ang mangyayari, and maraming magiinvest sa iba ibang region, mababawasn ang congestion sa Metro Manila and more jobs for the locals.

Per syempre, kelangan talaga may agency na magau-audit ng funds kasi malaki ang tendency pa rin na mai-bulsa ang pera.

Eto yung understanding ko. Feel free to correct me if I'm wrong sisses :)

honeybunny

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #337 on: December 03, 2015, 07:45:18 am »
can someone share the link of the entire video?

stormy

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #338 on: December 03, 2015, 07:53:00 am »
Ok na yang palamura si duterte, yun kung sino minura nya dun siguro nagrereact mga tao. Yung konteksto raw bakit minura si Pope Francis ang dapat tingnan, pero dapat rin tingnan yun kontrol sa sarili dahil aside sa tapang dapat marunong rin ikontrol ang sarili.

Ang tahimik kasi nun may mga namatay na tao sa pagkain ng durian candy na ang nagbenta, ang nagrepack ay sa grupo ni Quiboloy. Mamura nya kaya si Quiboloy?

Tama sabi nun isa sa nabasa ko dito, alam na na pag tatakbo sa eleksyon, lalo na sa national level, ay maraming paninira at kung ano ano na puna ang matatanggap kaya dapat huwag lahat patulan. Hindi yung pang-baranggay level ang depensa, lahat pinapatulan at ang pamamaraan para ipagtanggol ang kamalian ay yung pipili ka sa nagmumura, pumapatay, nambabae vs sa magnanakaw. Ganun na lang talaga option natin?

Sana mas dumami yun mga magagandang sagot at maiparating ang paliwanag ng mga gagawin ni duterte pag presidente na sya. Tama na yun mala-action star na salita, nakaka-entertain kaya nga tawa ng tawa ibang nakikinig sa kanya nun nagsasalita sya na puros mura kada sentence sinasabi nya.

Namention yun federalism, paano sa tingin nyo mapapatupad yan pag presidente na sya? Cha-cha or martial law?
« Last Edit: December 03, 2015, 08:11:03 am by stormy »

Gaysha

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #339 on: December 03, 2015, 01:03:24 pm »
Nakakalimutan ng iba or baka di nila alam, Duterte is a lawyer! San Beda grad. I'm pretty sure he knows kung legal o hindi ginagawa nya. Also his daughter Sara and her husband are lawyers.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close