watch now

Author Topic: Duterte for 2016  (Read 78461 times)

angel..

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #260 on: October 16, 2015, 05:08:02 pm »
^^Tama, wag bigyan ng pagkakataon si Binay

Miss Taken

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #261 on: October 16, 2015, 11:35:10 pm »
Ayaw talaga ni Duterte tumakbo for presidency. Hayy..

Sayang. Dami niyang supporters. Trending tuloy siya sa twitter #DuterteSerye and #Dutertezoned lol

three8one

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #262 on: October 18, 2015, 12:29:48 pm »
kala ko tuloy na pagtakbo ni du30 eh. nakita ko sa facebook pinasundo pa daw ng jet plane? from davao to manila? waley pa rin pala.

yelle

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #263 on: October 18, 2015, 02:19:38 pm »
^ sis ayaw niya sumakay sa private jet plane galing sa  kanila pnoy/mar camp yun eh. Alam nilang may sabotage na magaganap. Matutulad siya sa sinapit ni Jesse Robredo. Madumi mag laro ang LP. Kaya galit na galit si mayor. Kabastusan ang ginawa nila.

j.adore

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #264 on: October 18, 2015, 02:31:05 pm »
Hehe nakakatawa yung Dutertezoned tapos may substitute filing pa.

Leven

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #265 on: October 18, 2015, 02:42:12 pm »
Here's the truth..Better to read it nalang kaysa sabi sabi..hayz.

http://www.manilatimes.net/they-cant-handle-the-truth/224191/


Miss Taken

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #266 on: October 19, 2015, 10:05:00 am »
Kay Duterrte lang kasi nakita ng maraming Pinoy na may chance pa ang Pilipinas na umunlad. Kaya hindi rin maiwasan na umasa na tumakbo siya for president. Ang laki naman talaga ng nagawa niya sa Davao. Nagkataon din na walang mapili kina Poe, Binay at Roxas. Buti na lang nandyan na si Miriam.

purple.strawberry

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #267 on: October 19, 2015, 11:15:18 am »
Medyo nadurog lang naman ang puso ko nung di tumakbo si Duterte haha. Nag-abang talaga ko sa office e kahit last minutes na of filing. #DuterteSerye

^^Thanks sis sa link that explains bakit may binabalitang sumakay na siya ng plane to Manila.

If he will change his mind before December 10, then good. Pero di na ko aasa haha. :) If he does, iboboto ko pa din siya.

Leven

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #268 on: October 19, 2015, 11:38:07 am »
I will not vote for Miriam..There's something on her na kakaiba..may pagkabipolar..Duterte pa rin ang presidente ko..then Robredo for VP..ala na pag asa talaga pinas..hays..makalipat nalang sa Davao..hahaha

yelle

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #269 on: October 19, 2015, 03:19:06 pm »
^sis leven welcome na welcome ka sa dvo.  :)

mga sis tatakbo yan. ;)

Si sir Martin Dino representative ng PDPLaban si mayor Duterte ang iniendorse. Please watch the video may magandang mensahe.

https://www.facebook.com/ofw4du30global/videos/922201404533201/
« Last Edit: October 19, 2015, 03:37:49 pm by yelle »

purple.strawberry

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #270 on: October 27, 2015, 10:06:29 am »
Seems like he's keeping his options open. Here's a recent interview with Duterte:

http://www.rappler.com/nation/politics/elections/2016/110679-duterte-contradictions-dictatorship

:The reluctant presidential bet says he will make his final decision on December 10, 2015. But he warns that once he wins, 'P**censored*, sumunod kayong lahat.'"

Leven

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #271 on: October 28, 2015, 11:25:19 am »
nauumay na ako sa sinasabi niya..I really wonder why he didn't accept the responsibility..If he truly loves the country or naaawa siya sa tao then he'd rather accept the challenge than to keep the people hoping. Kung ayaw naman talaga niya..e di period na, wala ng coma coma..I don't want to wait till Dec. 10..If he'll run..he will..If not..then Duterte pa rin ang ilalagay ko sa president field.

jamie_0117

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #272 on: October 30, 2015, 01:28:04 am »
Duterte for President is happening! I believe na planado lahat ng ito. Hay, Duterte, kailan matatapos ang drama serye mo?

http://www.gmanetwork.com/news/story/542407/news/nation/martin-dino-withdraws-candidacy-for-president-names-duterte-as-substitute

angel..

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #273 on: October 30, 2015, 10:04:49 am »
Sarap kantahan ni Duterte ng..Urong sulong ka, bakit ka ganyan, urong sulong kaaaaa  ;D


honeybunny

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #274 on: November 17, 2015, 03:34:30 am »
i have been reading his interviews

http://www.rappler.com/nation/politics/elections/2016/110679-duterte-contradictions-dictatorship
http://www.rappler.com/nation/politics/elections/2016/111096-leadership-duterte-style
http://www.rappler.com/nation/110952-duterte-end-game-leadership

and based sa pagkakaintindi ko, he is really serious about his job, and he will be totally disappointed with himself kung sakaling walang mangyari sa pinas 6 years later after nya maging president (in case people really votes for him)

he also said na magiging madugo and it will be dictatorial, marami syang masasagasaan and for sure being ang mga pinoy (especially ang mga lower class) e walang discipline or madaling mauto, e naisip ko na na maraming mga politicians na against kay duterte na bubuyuin ang mga lower class para mag alsa against him.

crab mentality pa rin.

hay sana maging maayos na ang pinas.

stormy

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #275 on: November 20, 2015, 06:16:18 pm »
Hindi crab mentality yan, traditional politics lang. Trapo.

Sa mga supporters ng hindi tatakbo pero dahil sa grace poe issue etc e tatakbo na, may pagtitipon sa nov 29 sa harap ng sm aura. Sa taguig. So alam na. Lugar ng mga cayetano na wala rin nagawa kundi sumikat kakasabi/kaka-expose sa mali ng ibang Politiko.

Good luck talaga sa pilipinas. Mabilis rin makuha sa mga style sanggano sabagay kasi nakakasawa na ang incompetence ng gobyerno ngayon. Pero buksan rin sana mga mata na hindi lang isang tao nagpapalakad sa bansa. Tingnan rin sino mga nakapaligid sa kandidato.

pinklilac

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #276 on: November 21, 2015, 11:41:09 am »
^agree ako sau sis. Tingnan din ang pagkatao ng mga naka paligid  sa kandidato.

letters_to_cleo

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #277 on: November 21, 2015, 11:52:51 pm »
I will still vote for duterte, kahit na nakakainis na talaga sya sa urong-sulong nya.  sa tingin ko naman at some point last month alam na nila na tatakbo na sya eh, pero parang nagtatantya pa sila.taga-davao din ako and I love how safe it is, safe na tipong 2 am naglalakad kami ng pinsan ko out of the village para magjollibee, or yung malakas ang ulan at di ka matatakot humingi ng pabor sa sino mang dumaan kasi alam mong di ka gagaguhin. at least doon, ang pulis sigurado kang kakampi mo.  for all these, dahil lang sa takot kay duterte yung simula, hanggang nanging bahagi na ng sistema sa davao.  I do not think magiging parang davao ang pinas kapag naging si duterte, but we have to start somewhere... so duterte pa rin ako. Wondering though, sino ba ang sinasabi nyong nakapaligid kay duterte na mukhang di magandang impluwensya_ si manny pinol at cayetano lang naman ang lagi kong nakikita.

stormy

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #278 on: November 22, 2015, 06:06:31 am »
^nag ikot na kasi sila last year pa sa maraming lugar sa pinas, federalism ang pakay kuno. Nagpapakilala sa iba't-ibang lugar tapos kunwari mabibigla na kilala na rin si duterte kahit sa cordillera atbp parte ng luzon. Mga politikos rin naman na ngayon nirereklamo ng mga tao involved dito ah. Mga namention mo sis na mga tao paano ba naging powerful?

Sinasabi na ayaw ng campaign funds galing sa mga negosyante para iwas sa utang ng loob. Yung mga laging nakapaligid sa kanya sa mga pictures sa newspaper at news sa tv na unknown sa karamihan pero baka kilala sa davao, if maging pangulo si duterte hindi sila ipupwesto sa gobyerno? Syempre isasagot dyan e ilalagay nya e yung meron siyang tiwala at kumpyansa.

Yung hindi raw pagrespeto ng SET sa konstitusyon sa kaso ni grace poe nagtulak kahit ayaw nya tumakbo. Hindi ba si pia cayetano isa sa mga bumoto pabor kay poe? Na yung isang boto ni cayetano pwede na para hindi pumabor kay poe ang desisyon.

 Point ko lang, gusto ko kamay na bakal na istilo ni duterte sana pero sa mga diskarte ng political advisers nya mukha na syang traditional politician. Ganito rin naman noon kay noy noy, na madaang matuwid kaya nga nanalo bentang-benta. Kaya sana ngayon wag ng ganyan pa ang istilo dahil yung mga tao na nakapaligid kay gloria noon hindi ba sila rin nasa paligid ni noynoy ngayon? At kapag sa malakihang lugar gamitin ang takot para sumunod ang tao, hindi ba magiging dahilan rin yan ng pag-abuso? Ipapakain ang bala sa mga tiwali na laglag-bala gang? Masarap yaang isipin pero mali yang gawin.

Sobra na RAW ang demokrasya sa Pilipinas, na ang kailangan disiplina, tama yan pero malakas loob natin magsabi ng saloobin at batikusin kahit si Pnoy dahil alam natin na may demokrasya. E yung nagsabi ng mapang-insultong hipon joke ano kaya naramdaman nya nun binalaan sya? Persona non grata agad napala nya. Ganito ba yung disiplina?

Yaan sana ang tutukan niya, huwag na yang tatakbo hindi tatakbo. Huwag na yung ijustify pa na si poe dahilan ng desisyon nya kaya kahit ayaw nya e yun nagtulak sa kanya. Ang drama kasi. Ang daming justifications.Hindi madrama ang kailangan ng bansa ngayon, halos 6 years ng puros drama na naranasan sa kaslukuyang gobyerno - lahat na lang may justification lahat na lang may palusot.

Hindi kumut gusto ko si duterte magiging bulag na o bingi na sa nangyayari or sa mga sinasabi ng kampo nya, mas boto ako sa pinas - na gumanda na sana ang bansa at sana umayos na si duterte at doon sya magfocus kapag may sinasabi sya.
« Last Edit: November 22, 2015, 06:44:16 am by stormy »

brandi

  • Guest
Re: Duterte for 2016
« Reply #279 on: November 22, 2015, 08:12:46 am »
We are asking for a leader like him. Pero sana wag dumating yung time na yung ibang tao feeling nila eh sakal na sakal at api sila. Ang hirap kasi sating mga pilipino we are asking and after for change pero pag andyan na, para tayong batang pinipigilan at pinagbabawalan ng magulang. Feeling natin mali kaya nagrerebelde. Sana naman wag ganoon.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close