^^ sa experience ko, sa call siya nagread at nag entertain ng questions. nasa pinas lang ako kaya siguro ganun.
^ una, babasahin niya personality mo. then, sasabihin niya mga nakikita niya sa present at future. pagkatapos nun, kung may questions ka, q&a portion na. hintayin mo nalang sis na i-accept ka niya sa ig para makita mo feedback ng clients niya at para maassess mo rin sarili mo kung feel mo siya.
may nakapagparead ba dito kina miss ruby, nathan sanchez at brian flores lately (o this year)?
parang gusto ko kasing bumalik kay miss ruby. hiyang na hiyang siya sakin sa past at present. kasama ko pa boyfriend ko nun, napapa-"hala" siya sa bawat sinasabi ni miss ruby. totoo kasi. haha.
sa present, marami akong nalaman sa kanya na hindi ko alam na nangyayari na pala (pinag uusapan ako; may kumakalat na tsismis tungkol sakin), nalaman ko lang nung may pasok na sa school. bakasyon nun nung nagpahula ako sa kanya.
nagkatotoo rin mga future predictions niya within a month, pero minor lang like magkikita kami ng dati kong kaklase na ilang taon ko nang di nakikita (nagkita nga kami 3 days after sinabi ni miss ruby yun) at aattend ako ng birthday party (naimbitahan ako after kong magpahula at ang birthday ay 4 days after sinabi ni miss ruby yun. yun lang din ang naattendan kong birthday party that year).
nakita niya ring maaaring magkaroon ng kasuhan. that time binabalak namin isumbong sa tulfo brothers ang nanloko at namera sa kuya ko. di nga lang namin tinuloy kasi ayaw ni kuya. sinabihan nalang namin si kuya na wag nang makipagkita sa taong yun. sumunod naman siya pero paminsan minsan pumupunta siya sa western union o cebuana lhuiller para magpadala ng pera.
kina nathan sanchez at brian flores naman, although nabasa ko dito na may naging issue sina nathan sanchez at jade martin at nagbaborrow siya ng money sa mga nagpaparead sa kanya (beware nalang mga sis), wala naman naging problema ang mom ko sa kanya.
nakabakasyon lang si mommy nun at temporary lang ang number na ginamit niya, pero pwede naman siyang sendan ng e-mail since alam niya e-mail address ni mommy. pwede ring wala lang naikukwento si mommy sakin.
ilan lang ang reviews ni brian flores at lahat, positive kaya gustong gusto ko ring magparead sa kanya. nagtataka ako kung bakit tuwing binabalak kong magparead sa kanya, bigla nalang ako di natutuloy. parang may pumipigil sakin, e sabi nga nila, pag nag aalangan ka, mas mabuting wag kang tumuloy. anyway, gusto ko parin siyang i-try.
(sorry, napahabaaaaa post ko.

)