Oh..so i am married to a geek pala...all along i just thought i am married to a maluho guy...
Seriously, ganitong hobby can be quite expensive. Sabi ko nga sa kanya, eventually pwede nya na tapatan si yexel eh. When people visit our place, they get confused kala nila may anak akong lalake..nope sa asawa ko po yan..at hindi po yan laruan..heheh
Mga gundams (both PGs & MGs), action figures (yung avengers, batman, spiderman) tapos, naku naka-ilang ironman na din sya, voltes v, mazinger z, transformers, at mga ibat ibang anime characters big & small, di ko na kilala yung iba...
Since mahilig din sya sa games, kumpleto rin kami sa console: wii, ps3, xbox360, gameboy, psp, 3ds..buti nakakapagpigil pa at di bumibili ng ps4...
mahilig sya sa mga RPG games..
nung lumabas yung Diablo 3 few years back, naku tuwang tuwa..i also played the game to know what the fuss was about...pagalingan pa nga kami ng tao at pataasan ng level.... medyo nakalayo din naman yung sakin at malakas na rin

but i stopped napaka-time consuming kasi at pinagpupuyatan ko pa..kawawa din ako kasi i still have to prepare early morning for the kids pa.
yung Zelda isa pa yun...nilaro nya na sa ps3, then sa psp, ngayon sa 3ds naman! ano ba naman yan....
pero actually medyo lie-low na sya sa paglaro ng games. At marunong naman din sya magcontrol. naglalaro sya pag natutulog na mga kids.
tapos, nagiging bonding din nila yun, like, naglalaro ng tekken...kaya lang may pagkapikon anak ko pag natatalo eh parang ako hehe... and he lets the kids help pag magbubuo sya ng gundam (except for the PGs)..... and sometimes we'd take pictures of ironman and barbie, or thor with another doll in different poses....hahaha
Ayun, ganun..sa finances, kinukuha nya sa allowance nya and minsan nagsa-sideline sya or nagbebenta ng mga ibang kits or figures.
Siempre naka-separate yung budget para sa household so ok lang sa akin. but honestly for me ha since hindi ako magastos, nanghihinayang ako kasi parang unnecessary expenses...but oh well, whatever floats his boat... Sencia na napahaba na pala!
