Hi sisses!
Sa mga nagtatanong sa Juan Carlo food, I tasted it myself last week sa FT nila sa fernwood gardens and I can personally say na hindi ako satisfied...
First, nagserve sila ng drinks, guava and lemon yata yun, along with water, at dahil mainit uminom ako agad ng tubigg na sinerve nila... kaso yung tubig nila me lasa! parang kalasa nya yung juice

may pagkacitrus na ewan hindi ko nagustuhan kasi sanay ako sa simpleng tubig lang...
second, yung cream of mushroom na may bread, okay yung soup but the bread, itsura palang dry na dry na
third, yung viands na, so my oxtail tongue in chever sauce, malambot sya, saka masarap... kaso hindi sya kasama sa UNO, which is yung pinakamurang package nila, andun pa sya sa pangatlo, which is waaaaayyyy over sa budget namin. PORK with raisin naman, masarap pero hindi sya madaling nguyain, goodluck din sa mga nakabraces ang ngipin at matatanda. Yung CHICKEN, unremarkable, hindi masarap, Yung FISH na unang sinerve sakin, fish fillet with mayo dip very regular lang, sinabi ko sa AE ko, i add daw nya sa freebies na iupgrade to salmon with white sauce, malansa naman nung tinikman ko

yung VEGGIES, parang chopsuey na pinasosyal nilagay sa taco na parang bowl, hindi ko alam tawag dun, pero bland ang lasa, iniisip ko, kung ganun nila iseserve sayang yung tacos na bowl, wala namang kakain ng ganun na walang dip na masarap... then yung angel hair fettucine in tomato sauce, hindi naggustuhan ng tastebuds ko.
Fourth, yung dessert, Lychee buko pandan, okay lang, the usual na nagagawa sa bahay. Cheesecake nila maalat, nung napansin nilang hindi ko nagustuhan, pinaserve nila yung coffee mousse yata yun, yun lang ang tumatak talaga sakin na masarap
Ang naubos ko lang is yung oxtail tongue saka coffee mousse, parehas pa sila wala sa package na UNO, which is pinakamura 198k for 150 pax plus 12%VAT...
Eto pa ang worse na nagpasakit ng ulo ko that day, the AE given me freebies, actually very appealing sya like luxury design, upgrade of fish to salmon or blue fin tuna, waived lechon corkage, additional dessert, 3 layered fondant cake, crystal tiffany chairs for VIP. Kaso, magdownpayment ka ng 10k at magsign ng contract on the spot... Ouch! Of course, hindi ako pumayag kasi parang mawawalan ako ng choice kung manghihinayang ako sa 10k ko, plus big no no ang pagsign ng contract knowing na meron pa kong ibang gustong puntahan ng FT. Hanggang sa 2k nalang daw ang ipangdown, just sign the contract. Ayun, tumawag ako ke h2b, sabi nya, just tell them na hindi ako pumayag then umalis ka na dyan. Yun yung ginawa ko

Sorry for the long kwento. Share ko lang para me idea kayo, and i advice ko lang na mag FT kayo, kasi magkakaiba tayo ng tastebuds, baka sakin hindi masarap, masarap sa inyo... Godbless everyone!