watch now

Author Topic: LEGITIMATE NAMAN AKONG ANAK PERO SABI NI NANAY WALA AKONG KARAPATAN SA BAHAY.  (Read 6555 times)

lyn cheema

  • Guest
 ;D ;D ;D
i'm married
i have 2 kids

i'm leaving with my parents... pero hindi mismo sa iisang bahay.
they have studio type paupahan. Kesa paupahan sa ibang tao, napagkasunduan namin ni nanay na ako nalang ang uupa dun 2 thousand monthly. separate electric bill, separate water, separate kitchen, gastove, c.r and door...

pag may sumpong ang nanay c nanay pinagsisigawan.. wala akong karapatan sa bahay na yun.. ;D ;D hindi ko naman ganong seni seryoso dahil naisip ko pinag hirapan naman nilang mag asawa yun, tama lang sakin na may natitirahan kaming magpamilya.. nakikita ko pa ang tatay ko. :D

Pero habang tumatagal nagiging consistent c nanay, ewan bakit nya naiisip yun.
Kaya ngayon napapatanong tuloy ako, wala ba talaga akong karapatan legal naman akong anak..

NOTE: NAISIP KO LANG YAN DAHIL YAN LAGI ANG SINASABI NG NANAY KO SAKIN.





quinone

  • Guest
baka she wants you to buy your own family home and of course move out? that's just my initial impression based sa story mo.

lyn cheema

  • Guest
yung sister ko nag re-rent din sa kanya sa second floor studio type din.
hindi naman cya nag sasalita ng ganun.

consistent monthly naman ako mag pay. Minsan 2nd week of the month palang naniningil na..month end naman ang settlement ng payment. ;D

i tried to look for studio stype din na house.. near our office.. pero the monthly is 7 to 10t monthly plus 2 months advance 1 month deposit, mabigat sa may ginagatas na bata.

kaya ayun no choice tiis tiis muna kami.
nakikinig nalang ako sa " WALA KANG KARAPATAN SA BAHAY NATO, KAHIT ISANG POSTE WALA KANG PINATAYO DITO"  ;D ;D hindi ko naman inaangkin, nakakapangilabot sa isipin na huminingi na ko ng KARAPATAN SA BAHAY buhay pa sila. ;D ;D

BTW, since my first job, i was 21 then, all my salaray AUTOMATIC KAY NANAY....until i was 28 years old..... then it stopped  because i decided to get married na.  Hindi ko man lang na enjoy ang salary ko nung single ako. Pamasahe lang papasok ang nahahawakan ko..:D



glamorosa_09

  • Guest
Uhm how was you relationship ba with your mom dati nung bata ka pa hanggang sa nagwork ka? Was she warm and kind and biglaan syang naging ganyan dahil baka, as what you added, hindi ka na nagbibigay ng allowance sa kanya?

Parang sister mo naman hindi sya ganun.

Oh nasa legal thread ka pala, are you looking for a legal advice?
« Last Edit: February 09, 2015, 05:31:19 pm by glamorosa_09 »

lyn cheema

  • Guest
 ;D ;D ;D.. yes i'm asking sana if totoo ba yun? wala akong karapatan? anak naman ako...
hindi ako matiyaga mag basa ng mga family legal issues...
pero parang ang intindi ko 50% ang rights ko sa conjugal property ng parents ko.. hahaha.. ang weird ng feeling, bigla akong nag seek ng legalities ng aking rights..

palagi kasing sinasabi ng nanay ko yun, kaya nakatanim sa isip ko..pero parang huh? ::) anak mo naman ako. hindi ko naman inaangkin yung meron kayo. hiya ko naman... ;D ;D ;D

Queen Chokolah

  • Guest
I want to ask this as well. What if may property ang mag asawang hiwalay na (not legally), tapos nag decide na ibenta, yung proceeds, yung mag asawa lang ang may karapatan, tama? walang share ang mga anak?

AFAIK sis magkakaron ka lang ng karapatan kung pumanaw na sila.

chicafabulosa

  • Guest
May right ka kung patay na sila. Since buhay pa sila, tama sinasabi ng nanay mo. Wala kang right sa bahay na yun. Pag nawala na sila saka ka lag pwede magkaron ng right na magkashare sa property na yan.

FayeP

  • Guest
TS, natanong mo na ba si madir kun bakit paulit ulit cya sa pagsabi nun gayong sabi mo nga mukang wala ka naman pinapakita na gusto mo magkaron ng parte dun sa house...

ask mo muna during those times na di mainit ulo nya, sabi mo nga consistent at good payer ka sa pag upa, so di mo naman inaangkin un house...

pero totoo nga din naman un, hangga't buhay sila, sa kanila un...

lyn cheema

  • Guest

pero totoo nga din naman un, hangga't buhay sila, sa kanila un...

May right ka kung patay na sila. Since buhay pa sila, tama sinasabi ng nanay mo. Wala kang right sa bahay na yun. Pag nawala na sila saka ka lag pwede magkaron ng right na magkashare sa property na yan.

thanks sa info. sist.. :)
« Last Edit: February 10, 2015, 02:28:39 pm by lyn cheema »

lyn cheema

  • Guest
TS, natanong mo na ba si madir kun bakit paulit ulit cya sa pagsabi nun gayong sabi mo nga mukang wala ka naman pinapakita na gusto mo magkaron ng parte dun sa house...


hmm actually sinabi ko naman na sa kanya yun dati pa...
malaki ang utang na loob ko sainyo ni tatay at nagpapasalamat pa nga ako.
hindi ko aangkinin yung pinaghirapan nyo. Makikitira  at uupa naman kami.. wag ka alala..

sa totoo lang nakaka depress, lalo pag dumadating yung time na feeling mo gigil na gigil ka na nya paalisin :'(...
kaya eto, ini-encourage ko si hubby na kumuha na kami ng house tru pag-ibig na afford namin. Para hindi ko na ulit maririnig yung WALA KANG KARAPATAN SA BAHAY NA TO!  ;D ;D
sana nga mag karoon na kami ng sarili naming bahay kahit simple lang basta sarili namin para hindi ko na mararamdaman yung feeling na tinataboy at walang karapatan na anak.. :)
« Last Edit: February 10, 2015, 02:38:24 pm by lyn cheema »

beigh

  • Guest
Sis, naintriga ko sa story mo, ano ba eksena. May misunderstanding ba kaya ganun siya? Mother din ako at parang para sa akin, hinding hindi ko mabibitawan sa anak ko ang mga salitang ganyan kung simple lang misunderstanding namin..


lyn cheema

  • Guest
][ftp][/ftp]
Sis, naintriga ko sa story mo, ano ba eksena. May misunderstanding ba kaya ganun siya? Mother din ako at parang para sa akin, hinding hindi ko mabibitawan sa anak ko ang mga salitang ganyan kung simple lang misunderstanding namin..

sist, sa tanong mo, nag isip rin ko pano ba nagsimula yun?
hindi ko na matandaan kung saan, pano, kelan, basta dati pa ganyan na line nya samin magkapatid. may instance na naglayas ang kuya ko noon sa bahay. Tatay ko ang naghanap sa kanya. Pinagagalitan pa nga ng nanay ko ang tatay ko pag hinahanp nya c kuya. Pero after a month bumalik na rin si kuya sa awa sa tatay ko.  :'( ang alam ko lang college palang kami naririnig ko na yan sa kanya. Wala samin may lakas loob magsalita sa takot na mapalayas  :-\.

Pero mas masakit pala pakinggan yan kapag ikaw e magulang narin at meron ka na ring sariling pamilya. These past few days, kinakausap ko na si hubby kelangan na namin makahanap ng malilipatan. Iniisip ko na rin transfer yung  anak ko.

glamorosa_09

  • Guest
Actually your story makes me sad kasi total opposite yung mom naten. My parents also have apartments, but where your mom tells you and your sibs na wala kayony karapatan sa ariarian nila, my mom would tell us na, "inyo lahat ito, pinaghirapan namin ito para sa inyo."

We don't live with them, but I have an apartment reserved for me, and they refused to open it for rental. Kaya kakalungkot for me to hear na ito yung storya ng inyo. But anyways, you and your hubby can make it. Importante nagsusuportahan kayong dalawa.

freiavida

  • Guest
sis nakakaintriga nga..

me pinagdadaanan kaya si nanay?


Dacian

  • Guest
baka nasa menopausal stage kaya?  ganyan kasi mama ko, mainitin ulo.  sa amin lahat binubuhos kahit wala kaming ginawang mali.

FayeP

  • Guest
baka nga may sama ng loob ang nanay nyo sa inyo kun pati sa kuya mo ayaw nya ipahanap sa tatay mo dati nun maglayas....

pero para sakin na isa na din ako nanay, kahit ano gawin ng anak ko eh malamang mapatawad at mapatawad ko cya at di ako magtatanim ng ano man galit....

wala ka ba ginawa sa nanay mo kahit before pa na pede nya ikagalit??? sis wag mo masamain tanong ko ha

lyn cheema

  • Guest
wala ka ba ginawa sa nanay mo kahit before pa na pede nya ikagalit??? sis wag mo masamain tanong ko ha

kasi samin magkakapatid ako ang hindi sumusunod sa desisyon nya.. ;D
gusto kasi nun kahit anong desisyon namin pag cya nagsalita sa ayaw at sa gusto namin dapat sumunod lang kami. Ako vocal ako, i'm trying my best to tell her in polite way naman. Pero c mother hindi cya tumatanggap ng ganun. :(

last night we had a confrontation... i told her...
" nay sa 8 taon ng pagiging single ko lahat ng salaray ko binibigay ko sayo, kahit 13th month ko binibigay ko sayo, aminin mo man o hindi, nakatulong din naman ako sa kung at nakiambag din naman ako para mapatayo yung bahay anak mo naman ako nay may karapatan din ako "
si mother ang sabi
" noon yun dahil single ka pa, ngayon may asawa ka na wala ka ng karapatan dito! "
" at dapat lang mag bigay ka dahil pinag aral ka namin "

cympre na na hurt talaga ko.. i cried for how many days... kaya yun, my hubby and i decided to move out nalang. Lumipat nalang kami para sa ikakatahimik ng lahat. Ayaw kong cya dis respect, ayaw kong makita ng mga anak ko yung ganun set-up. Hindi ko na pinag laban yung karapatan ko. Bahala nalang c Lord samin. Sabi ko kay hubby mag sikap kami para hindi na namin maramdaman yung pinag tatabuyan.  :'(

tjmax

  • Guest
Nakakasad naman pero I'm glad nagmove out na kayo kasi mukhang di naman maexplain ni mudra ang totoong pinanggagalingan ng issue nya sayo. Pag me mga ganitong issue sa pamilya, importante magkakampi kayo ni hubby. Kaya I'm sure you'll be fine. :)

FayeP

  • Guest
tama lang un nagmove out kayo sis kasi nga may asawa ka na...may mga magulang talaga na ang isip nila is pinag aral kita, binuhay kita kaya tama lang na pag may work ka na, magbigay ka...

tama un desisyon nyo na umalis dyan, afterall nga may asawa ka na, dapat bumukod kayo kasi you're starting your own family...

at least kun sarili mo ang house, renting man or nabili nyo, eh ikaw ang reyna dun...

mrsB

  • Guest
Oh well, it's your mother's property so there is nothing you can do but leave kung hindi na talaga kayo magkasundo. Don't dwell on the "karapatan" issue kasi sa totoo lang, hanggang buhay ang parents natin ay wala pa tayong karapatan sa property nila. Kung iisipin mo na nagbigay ka for eight years, siguro kasi nakatira ka din naman doon. You should have left na lang sana dati pa kung hindi mo gusto ang ugali ng nanay mo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close