watch now

Author Topic: LEGITIMATE NAMAN AKONG ANAK PERO SABI NI NANAY WALA AKONG KARAPATAN SA BAHAY.  (Read 6566 times)

donya_dyosa

  • Guest
hi sis... how are you na? hows u and ur mom?

molybdenumstudios

  • Guest
Not a legal advice, but your mother is really selfish to the core TS.

yasbabyangel

  • Guest
Sis. Ang weird nga. Kase never ako nakarinig ng ganyan sa grandparents ko or sa papa ko since sila yung may mga property. Akala ko dati ang baet ko ng apo kase half ng sweldo ko kay grandmother ko binibigay for 4 years tapos pinagawa ko naman yung isang paupahan din namen. Yun pala mas mabaet ka. Hehe. Nakakalungkot kase ako naman papa ko lage ako sinasabihan na gawa ng yung bahay ko sa apartment nya pwede ko nadaw tirhan at paulit ulit nyang sinasabe na kapag nagpamilya nako at wala ako matirhan wag daw ako mahiya kunin isang bahay pero ayoko naman kunin kase I prefer to live with my grandma. Tsaka if ever magpamilya ko igusto ko na may sarili kame, ayoko umasa sa parents ko. PalagAy ko sis nanibago si mother mo since sabe mo nung nagwowork ka buong sweldo mo kanya. Baka iniisip nya aside from rent, nag-eexpect pa sya ng iaabot mo? Pero buti nagdecide kayo magmove out para walang gulo. At tama yung ibang sisses. Wala kang rights pa kase buhay pa sila at tsaka kung di sila magdecide na idonate/ipainherit sayo wala parin tayo rights. Pwede kase na anak nga tayo pero sa last will/testament wala naman pinangalan saten so wala parin tayo share dun...wala naman ako alam sa law pero yan ang pagkakaintindi ko. Hehe

quinone

  • Guest
Pwede kase na anak nga tayo pero sa last will/testament wala naman pinangalan saten so wala parin tayo share dun...wala naman ako alam sa law pero yan ang pagkakaintindi ko. Hehe

sa pagkakaintindi ko naman sis, kapag ganyan you can take the case to court. may right ang anak at ibang immediate family kahit pa wala sila sa last will, unless legally i-disinherit sila.

izabelle

  • Guest
TS, to be perfectly honest, hindi maganda na sabihin natin na may right tayo sa properties na napundar ng parents natin regardless kahit ilan taon man tayo nagbigay ng sweldo sa kanila.

Hanggat nabubuhay sila, kanila yun and karapatan nila yun ipamana kahit kanino man nila gustuhin.

May apartments din ang parents ko and some of those sa akin na nakapangalan pero kahit minsan hindi ko sinabi na may right ako kahit naka name na sa akin ang titulo ng mga bahay. For me, Kanila yun hanggat nabubuhay sila.

Wala naman yatang magulang na nakakatiis sa anak nya. :) So magiging maayos din yan sa inyo ng mom mo.

aquacharly

  • Guest
Habang buhay ang BOTH parents -- walang rights/claims to the properties ang anak.
Isipin nila ipamigay, i-sugal, sunugin -- ok. 

PERO pag namatay ang 1 magulang --  Teka, may  karapatan na/claim na ang anak.
Que may will or wala --  may claim na ang anak sa share ng patay na magulang.

For example, namatay father  --
Que may will or wala, may ESTATE yang dead father
Yung mother tawag sa kanya: Surviving Spouse
Si SSpouse gets 50percent of all assets (properties, funds, collectibles, stocks, etc etc) -- share  nya yon of the conjugal assets

Tapos yung 50percent na share ng dead spouse tawag Don Estate of the Deceased.
Ganito sharing:  all children plus SSpouse equally divide the 50percent/Estate of the Deceased --  assuming walang illegitimate children

Que mahal ka or hindi, kahit tinakwil kang anak  ng dead parent -- hindi Puedeng walang share ang anak.  Kahit na walang will.
Kahit na linagay nya sa will na zero mana mo.  Hindi Puede, asa Family Code natin yan.

The solution of a parent na ayaw magpa mana sa anak:  benta, pamigay or donate mo properties habang buhay ka pa.
For example, 2 Anak mo. Pwes, yung 1 ayaw mo bigyan kahit pisong duling.
So yung 1 gusto mo bigyan -- sa kanya ka mag donate or give habang buhay ka. 
Eto share Ko sa inyo ha --  pag donate sa anak or kanino man (Imbes sale) , wala na magawa BIR maliban sa antayin yung tax on donation. Pero pagbinenta moo kung Kanino --  kunwari sa anak mo... The BIR may 1 day question yung anak mo at bwisitin pano naka afford buy your property.  Ipitin yan sa "undeclared income". 

I know the above to be correct.
Yan ang nangyari sa amin when our father died.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close