Nope. I love them and they seem to love me naman.
Sis Perfume_Lover, naawa naman ako sa Tita mo. I will always extend help to my in laws if they need us. My husband will do the same to my parents. When I think about my future in terms of career, hindi lang asawa ko or magiging anak namin ang iniisip ko. Iniisip ko din parents ko. So, and assumption ko is ganun din si hubby. Hindi kami nagpapakapagod magtrabaho para ang ending eh mag away lang din sa pera.
Mejo mahaba ito, pasensya na kung dito ko pa sinabi.
Sis FayeP, yung anti ko hindi yung palahingi ng pera sa pinsan ko, in fact yung pinsan ko willing to help yun all the way kahit magkano kasi afford niya at mahal na mahal niya mother niya, minsan madalas nga mag-away yung pinsan ko at yung asawa niya dahil sa itinitulong sa mother niya - yun ang hindi ko maintindihan, pati ako nagagalit kasi wala siyang puso ang tanda tanda nung ginaganun niya kung tutuusin kung wala yung anti ko wala yung pinsan ko sa mundo at wala siya sa kung saan siya ngayon, hindi ko maiwasan magalit. Tsaka ang pinakamasakit pa sis ang makita mo yung anti mo habang nag-iisa umiiyak, sana huwag niya gaganunin yung anti ko kasi she is already 70 + na, maiinitindihan ko kung nasa early age pa anti ko eh hindi na. Lahat ng ginagawa niyang hindi maganda sa anti ko, hindi yun sinusumbong ng anti ko, hindi na ako makapag-pigil ako na talaga mag-sasabi pero yung anti ko ayaw niya gagawin ko yun kaya nag-ngingitngit ako sa inis talaga bilang respeto ko na lang sa kanya kung ayaw niya eh di huwag na lang baka nga may mas malalim pa siyang dahilan (yan na lang yung pakunswelo at iniisip namin ng mama ko).
About sa cellphone, yung anti ko humihingi yun ng cellphone sa bang tao - I couldn't imagine her asking for a cellphone to other people considering that she has her son who is an OFW, pero dahil nagagalit si wife hindi na lang humihingi ng pera si anti, naintindihan naman niya yung point na may sarili ng family yung cousin ko kaya lang yung wife niya pinatira niya yung buong kamag-anak niya sa bahay ng pinsan ko, lahat libre, food, house, water, even the tuition fees of their daughters and sons - all of them are freeloaders and her relatives - sila din cause ng trouble sometimes sa bahay ng pinsan ko between my aunt and wife. - dala din ng asawa niya yung buong relatives niya sa boracay at sagot ng pinsan ko yun
Diyan ako pinaka naiinis sa kanya, para lang naman yun sa mata ng anti ko at hindi yun hinihingi ng anti ko binibigay yun ng pinsan ko at laging tinatanong ng cousin ko kung ano ang mga kailangan ni anti pero nirerefuse niya yung chance na makahingi sabi ko nga anti sobrang martyr mo naman sabihin mo na para maayos yung misunderstanding gusto mo ako na lang kahit magalit yung pinsan ko sa akin okay lang pero sabi niya hindi anak hayaan mo na lang. Pag nararamdaman ng asawa niyang may ibinibigay siya sa anti ko tatawagan niya anti ko at sasabihin na "ah ma mag-papacheck up ako ng ganito ganyan sa - sagot ng anti ko alam mo ________ hindi si ________ (pinsan ko) ang nagbigay ng pangcheck up ko. Tapos biglang natahimik siya, so it's obvious that she was checking and confirming everything from my aunt.
Sa totoo lang din lahat ng mother-in-law, my aunt is the best (sige bias talaga ako kasi yun ang totoo). Yung anti ko tahimik, hindi pakialamera, tutulong kapag nagsabi ka pero kung hindi - hindi din siya kikibo at hahayaan niya decision ng mag-asawa, kahit may edad na hindi siya pabigat, hindi din rin siya palahingi sa anak niya, hindi siya malaking PALA, sobrang proud ako sa kanya dahil single parent siya at pinalaki niya mag-isa yung pinsan ko - yun nga lang my aunt really needs financial help lalo na ngayong may edad na siya.
On topic:
Sorry shi-nare ko pa dito masama lang yung loob ko para sa anti ko, I'm just sharing lang na sana meron kayong makuhang lesson sa ganitong gawain ng paging daughter-in-law. Isipin niyo pag meron kayong mga anak- maaring mang-yari yan sa mga ganyang DIL in the future - di natin alam diba. What goes around comes around sabi nga nila - hoping na sana maliwanagan ang asawa niya sa pinag-gagawa niya habang maaga pa masakit makarma - totoong totoo ito.
Sis sarsingkit - I salute you sobra, promise. Naiiyak ako nung nabasa ko yung sinabi mo kasi sana kagaya mo yung DIL ng anti ko. Sana, sana talaga. Sana huwag kang magbabago sis sa kanila, kung mabuti ka naman sa ibang tao mabuti din ang balik sa iyo sobra sobra pa. Sobrang swerte mo din yung mga in-laws more are mabait, yung iba alam kong grabe sa sama ng mga ugali(in-laws) siguro sadyang walang perfect talaga pero kung ganun sila sabi nga din nila pag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay.