watch now

Author Topic: Pakialamera ba In-Laws niyo?  (Read 11938 times)

mama7

  • Guest
Pakialamera ba In-Laws niyo?
« on: February 05, 2015, 12:06:25 am »
Haay naku madaling araw na kaka badtrip.. Admins kung may ganitong topic paki merge na lang po..

Kakainis itong si MIL hatinggabi tatawag para sa Pag-IBIG Loan.. ang nakakainis nalaman niya daw through phone nung tawagan niya ang pag-ibig kung magkano sweldo ni hubby, saan at anong name ng company pati kung magkano ang pwedeng i-loan ng asawa ko.. O diba daig pa ko ng byenan ko!! Walang pinipiling oras matindi talaga 😱 Ang nakakaasar nakikialam pa sa pagkuha namin ng bahay. Kesyo pwede daw mag loan ng ganon ganyang amount.. Alam ko naman na si hubby na lang ang walang sariling bahay sa mga anak niya pero yung tatawag ka pa kung saan-saan at mag iimbestiga ka para makatulong mag suggest ng kung ano-ano,parang mali yata yon kc parang pinapangunahan na naman niya kami.

Kaya nainis hubby ko,tatawag daw siya sa Pag-IBIG bukas at aalamin kung bakit binibigay kung kani-kanino ang confidential info gaya nung nangyari sa kanya..kakatakot kaya, what if di pala si MIL yon? sa delikado ng panahon ngayon dapat di sila basta basta naglalabas ng ganyang impormasyon..

Kakainis talaga si MIL kahit kelan laging nakikialam. Wala na siyang pakialam sa mga ganong bagay.. ako nga di ko pinakikialaman yon dahil di naman dapat. Gusto lang niya kasing malaman kung magkano sweldo ng anak niya kaya ayan tuloy nalaman pa, kulit ng kulit na pwede mag loan ng malaki..
« Last Edit: February 05, 2015, 12:08:47 am by mama7 »

sugar n spice

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #1 on: February 05, 2015, 11:41:04 am »
sa family ko at family ng asawa ko, yung mga SIL at BIL ko,  wala pa naman. Siguro kasi may kanya-kanya kaming bahay kaya hindi nakakapagpakialamanan. Sa MIL ko, hindi din. Hinahayaan niya kaming mag-desisyon mag-asawa after all "kinakaya" naman namin mamuhay ng hindi dumedepende sa iba. Yung MIL ko pa nga ang umuungot samin minsan. Yung mom ko naman may sariling income since maraming pinapaupahan, pero hindi nya kami pinangungunahan ng mga kapatid ko sa mga desisyon kahit binibigyan nya kami minsan ng pera. Hindi ako tumatanggi sa grasya hehe

mama7

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #2 on: February 05, 2015, 02:55:56 pm »
Ang nakakapikon kasi pang 2 beses na to nangyari. 6 years ago ganyan din siya pati yung ni-loan namin sa Citi Financial nalaman niya,ganyan rin ginawa..tumawag din doon nalaman kung magkano inutang namin. Tinanong kami saan daw gagamitin pera. Parang nakakaasar lang na bakit pa ginagawa yung mga ganon,di na lang kami ang kausapin bat mag iimbestiga ka pa tapos mangungulit ka pa, na parang tuwang tuwa na nang aasar kasi may nalaman ka. Di naman pwedeng laging makikialam siya kasi may sarili ng pamilya anak niya. Lahat naman sila stable na buhay. Mahirap kasi baka mamihasa lahat aalamin eh mismong anak niya nagtatago sa kanya dahil sa ugali niya.
« Last Edit: February 05, 2015, 02:59:02 pm by mama7 »

sugar n spice

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #3 on: February 06, 2015, 12:17:34 am »
TS, bored ata si MIL at walang maisip gawin kundi makialam. Wala ba syang ibang pinagkakaabalahan?

miiilovestravis

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #4 on: February 06, 2015, 03:01:41 am »
Hi.. New here. Buti na lang wala pa kong problema sa Nanay ni hubby as in sobrang bait (kahit minsan sensitive hehe). Pero sa tunay niang nanay mukang malaki problema ko!  >:(

abbmg

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #5 on: February 16, 2015, 11:48:16 pm »
^sis try to post sa legal rights forum thread.

pano kung yung nanay ko daw ang pakialamera according sa asawa ko?? :D

vic219

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #6 on: February 17, 2015, 02:02:41 am »
Ang hirap naman sa ganyang situation sis wala kayong privacy ng hubby mo,

zipporahkate

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #7 on: February 26, 2015, 01:46:49 am »
Grabe! nightmare magkaron ng ganyang biyenan sis! Parang kontrabida sa mga palabas sa tv.

tjmax

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #8 on: February 26, 2015, 07:22:26 pm »
Ano ang action taken ng husband mo sa ginagawa ng MIL mo TS?

Evolet027

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #9 on: February 26, 2015, 07:35:15 pm »
Blessed that may In-Laws, hindi paki alamera/o samin ni hubby. :)

And, nasa aura ko din kasi ang hindi pede paki alaman, like my parents, hindi nila ginagawa saken yun so I don't think, hahayaan kong gawin nila samen ni hubby ang maki alam. Pag dumadating ako sa bahay ng hubby ko sa probinsya, ok naman sila. nakikipag kwentuhan and the best is, pinapagalitan nila si hubby pag me sinabi akong ayaw ko sa ginagawa ng anak nila. :p

khaleesiCersei

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #10 on: March 11, 2015, 01:15:58 pm »
Nung una nagtry sila pakelaman at mandohan ako ng dapat kong gawin.. Pero dko sila pinatulan as in deadma. At lalong hindi ko ginawa yun mga gusto nilang gawin ko tapos deadma pa rin, yun tipong pag kelangan ko lang magpakita sa kanila or may occassion tsaka lang ako nagpapakita. Kahit pa kapitbahay lang namin sila hehe. Kaya ang ending sila din ang napagod at tumigil na sila sa pakikialam. Hindi din ako nagsasabi ng eksaktong schedule ko sa work pag tinatanong nila ko kasi imo, bakit kelangan nyong malaman? haha iniiba iba ko para malito sila at tantanan nila ako

mama7

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #11 on: August 19, 2015, 09:03:13 pm »
Kelangan kong mag vent...

Tumatawag dito di ko na nga sinasagot at naiinis ako sa kanya. So nung napilitan akong sagutin ang tawag may binanggit lang siya hanggang sa tinanong kung ano ginagawa ng anak ko. Sabi ko tinuturuan kong magsulat dahil sabi din ng teacher. Ngayon kasi pre-k yung anak ko, alam naman natin advance na ngayon, so ito tinuturuan ko ng small letters without tracing kasi sa books naman nila di naman laging nay trace yung pagsusulat.

Aba wag daw pilitin at baka ma stress, pakialam mo ba? So parang sinasabi mong pag ayaw ng bata wag mag aral hahayaan ko? Kasi daw ganito ganyan. Paki mo? Leche ka matanda ka kahit kelan talaga pakialamera ka. Yung pagsasalita niya parang ayaw niyang turuan ko yung bata. Ang mga teacher daw minsan nakakainis. Pwede bang di mi turuan yung anak mo? Wala naman akong balak palakihin na mangmang yung anak ko lalo na ngayon iba na ang mga bata. Saka karapatan ko bilang Magulang na turuan ang anak ko dahil gusto ko matuto siya. Ano ba naman yung turuan mo magsulat ng small letters yung 4 na taon eh nag aaral na yon tapos sasabhin mo pabayaan mo siya. Wag makialam ang teacher? Kaka highblood sumakit ulo ko. Buti na lang malayo bahay ko sa kanya at baka puro paglalaro lang matutunan ng anak ko kung ganyan. Tatawag tawag ka dito pati pagtuturo ko sa anak ko kokontrahin mo pa.

Perfume_Lover

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #12 on: August 22, 2015, 01:57:21 am »
Buti yung mga in-laws niyo kaya kayong pakialaman, yung auntie ko as in kawawa sa daughter in law niya, ni hindi man lang makahingi ng pera sa anak na OFW pang-gamot sa mata pati ultimong cellphone hindi mabigyan dahil binibilangan or ginagwardyahan lahat ng itutulong sa side ng pinsan ko. Bakit may mga ganun, naatim nila na maganun yung mother ng napangasawa nila - sorry out of topic. Curious lang ako kasi kung may pakialamerong MIL meron namang DIL na grabe kung makagwardiya pati sa mother ng asawa nila.

FayeP

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #13 on: August 25, 2015, 09:54:42 am »
^sis, may mga ganun talaga kasi may asawa naman na un anak nya kaya siyempre un asawa na un may say sa finances...ang matindi lang dyan eh siyempre nakakaawa un tita mo...pero sa side ng daughter in law nya, maasar un tiyak kasi un MIL nya eh sa kanilang mag-asawa humihingi...di naman kasi porke't nasa abroad sis mapera..mas malamang na hirap din un nasa abroad para kumita para sa pamilya...


On topic - un inlaws ko super pakialam sa buhay..malayo na nga kami ng asawa ko eh nagtatry pa sila makialam...di mga sariling family nila ang ayusin.

angeleigh

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #14 on: August 25, 2015, 10:22:38 am »
Pakelamera in a positive way (i think?)

Whenever we have misunderstandings, parang may nasasagap na signal yan at magtatanong kung okay lang kami or may problema ba, kahit hindi namin sinasabi or pinapahalata. And dahil hindi naman kami nagsisinungaling sa mga yun... Ayun nalalaman nila, and they are the ones who mediate. Kahit pa sabihin ko na huwag na and kami na lang ang maguusap, naku kakausapin pa rin niya ang anak niya. Ayaw niya na daw maulit yung dati na hindi niya naagapan... good thing she loves me kaya sakin talaga siya kampi. hehe

FayeP

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #15 on: August 25, 2015, 10:33:53 pm »
^sis angeleigh, mabuti yan kun ganyan....most of the time kasi nangingialam lang kasi gusto maging bida ng in-laws or gusto manira haha...

lalo na mga MIL, feeling nila, sila ang dapat masunod, sila ang tama...eh nag-asawa na nga ang anak nila parang di pa nila tanggap...

sarsingkit

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #16 on: August 25, 2015, 11:33:10 pm »
Nope. I love them and they seem to love me naman.

Sis Perfume_Lover, naawa naman ako sa Tita mo. I will always extend help to my in laws if they need us. My husband will do the same to my parents. When I think about my future in terms of career, hindi lang asawa ko or  magiging anak namin ang iniisip ko. Iniisip ko din parents ko. So, and assumption ko is ganun din si hubby. Hindi kami nagpapakapagod magtrabaho para ang ending eh mag away lang din sa pera.

Perfume_Lover

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #17 on: August 26, 2015, 04:59:28 pm »
Nope. I love them and they seem to love me naman.

Sis Perfume_Lover, naawa naman ako sa Tita mo. I will always extend help to my in laws if they need us. My husband will do the same to my parents. When I think about my future in terms of career, hindi lang asawa ko or  magiging anak namin ang iniisip ko. Iniisip ko din parents ko. So, and assumption ko is ganun din si hubby. Hindi kami nagpapakapagod magtrabaho para ang ending eh mag away lang din sa pera.
Mejo mahaba ito, pasensya na kung dito ko pa sinabi.

Sis FayeP, yung anti ko hindi yung palahingi ng pera sa pinsan ko, in fact yung pinsan ko willing to help yun all the way kahit magkano kasi afford niya at mahal na mahal niya mother niya, minsan madalas nga mag-away yung pinsan ko at yung asawa niya dahil sa itinitulong sa mother niya - yun ang hindi ko maintindihan, pati ako nagagalit kasi wala siyang puso ang tanda tanda nung ginaganun niya kung tutuusin kung wala yung anti ko wala yung pinsan ko sa mundo at wala siya sa kung saan siya ngayon, hindi ko maiwasan magalit. Tsaka ang pinakamasakit pa sis ang makita mo yung anti mo habang nag-iisa umiiyak, sana huwag niya gaganunin yung anti ko kasi she is already 70 + na, maiinitindihan ko kung nasa early age pa anti ko eh hindi na. Lahat ng ginagawa niyang hindi maganda sa anti ko, hindi yun sinusumbong ng anti ko, hindi na ako makapag-pigil ako na talaga mag-sasabi pero yung anti ko ayaw niya gagawin ko yun kaya nag-ngingitngit ako sa inis talaga bilang respeto ko na lang sa kanya kung ayaw niya eh di huwag na lang baka nga may mas malalim pa siyang dahilan (yan na lang yung pakunswelo at iniisip namin ng mama ko).

About sa cellphone, yung anti ko humihingi yun ng cellphone sa bang tao - I couldn't imagine her asking for a cellphone to other people considering that she has her son who is an OFW, pero dahil nagagalit si wife hindi na lang humihingi ng pera si anti, naintindihan naman niya yung point na may sarili ng family yung cousin ko kaya lang yung wife niya pinatira niya yung buong kamag-anak niya sa bahay ng pinsan ko, lahat libre, food, house, water, even the tuition fees of their daughters and sons - all of them are freeloaders and her relatives - sila din cause ng trouble sometimes sa bahay ng pinsan ko between my aunt and wife. - dala din ng asawa niya yung buong relatives niya sa boracay at sagot ng pinsan ko yun

Diyan ako pinaka naiinis sa kanya, para lang naman yun sa mata ng anti ko at hindi yun hinihingi ng anti ko binibigay yun ng pinsan ko at laging tinatanong ng cousin ko kung ano ang mga kailangan ni anti pero nirerefuse niya yung chance na makahingi sabi ko nga anti sobrang martyr mo naman sabihin mo na para maayos yung misunderstanding gusto mo ako na lang kahit magalit yung pinsan ko sa akin okay lang pero sabi niya hindi anak hayaan mo na lang. Pag nararamdaman ng asawa niyang may ibinibigay siya sa anti ko tatawagan niya anti ko at sasabihin na "ah ma mag-papacheck up ako ng ganito ganyan sa - sagot ng anti ko alam mo ________ hindi si ________ (pinsan ko) ang nagbigay ng pangcheck up ko. Tapos biglang natahimik siya, so it's obvious that she was checking and confirming everything from my aunt.

Sa totoo lang din lahat ng mother-in-law, my aunt is the best (sige bias talaga ako kasi yun ang totoo). Yung anti ko tahimik, hindi pakialamera, tutulong kapag nagsabi ka pero kung hindi - hindi din siya kikibo at hahayaan niya decision ng mag-asawa, kahit may edad na hindi siya pabigat, hindi din rin siya palahingi sa anak niya, hindi siya malaking PALA, sobrang proud ako sa kanya dahil single parent siya at pinalaki niya mag-isa yung pinsan ko - yun nga lang my aunt really needs financial help lalo na ngayong may edad na siya.

On topic:
Sorry shi-nare ko pa dito masama lang yung loob ko para sa anti ko, I'm just sharing lang na sana meron kayong makuhang lesson sa ganitong gawain ng paging daughter-in-law. Isipin niyo pag meron kayong mga anak- maaring mang-yari yan sa mga ganyang DIL in the future - di natin alam diba. What goes around comes around sabi nga nila - hoping na sana maliwanagan ang asawa niya sa pinag-gagawa niya habang maaga pa masakit makarma - totoong totoo ito.

Sis sarsingkit - I salute you sobra, promise. Naiiyak ako nung nabasa ko yung sinabi mo kasi sana kagaya mo yung DIL ng anti ko. Sana, sana talaga. Sana huwag kang magbabago sis sa kanila, kung mabuti ka naman sa ibang tao mabuti din ang balik sa iyo sobra sobra pa. Sobrang swerte mo din yung mga in-laws more are mabait, yung iba alam kong grabe sa sama ng mga ugali(in-laws) siguro sadyang walang perfect talaga pero kung ganun sila sabi nga din nila pag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay.

« Last Edit: August 26, 2015, 05:29:00 pm by Perfume_Lover »

nicoletta

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #18 on: August 26, 2015, 06:50:04 pm »
TS

Hindi naman talaga nakakatuwa yung MIL mo.  Do try to choose lang your words when you address her like "matandang kang...".  She is still the mother of your husband.  Isa pa, your husband should be the one to address your concerns sa mother niya.   My dad used to call us frequently until I told him I would appreciate if he doesn't call that often especially if ang tanong lang naman, "nakaalis na ba si ....", "naligo na ba si baby...". Medyo nonsense kasi then I get bothered pa sa lakas ng ring ng landline namin. 

We are very independent.  He doesn't support us anymore, he just has this attitude that he likes to be involved.  Even with small things like the haircut of my baby, he wants to meddle with that too.  Magkano lang naman yun, gusto niya I do the haircut on my own pa.  Buying toys, he also tells me not to spoil my baby. Take note, he really does not have a lot of toys.

I'm lucky my mother in law does not bother us, kasi independent nga kami.  We have never asked for help from their family even when we needed to have additional investment. She doesn't like kids also so wala din siyang questions about the baby.  We only talk when we have our weekly family dinner.

Purple_Power

  • Guest
Re: Pakialamera ba In-Laws niyo?
« Reply #19 on: August 28, 2015, 01:56:53 am »
Long story pero naging ganyan ang Lola ni hubby as in wala na kaming privacy tapos lahat sinusumbong kay hubby. Lumaban talaga ako at nakipag away ako kay hubby about sa kalokohan na ginagawa ng Lola niya habang wala siya. Ngayon na nayamot na ako I already gave a warning to my husband na yung mismong ina niya should not do that to me again kung ano ginawa ng Nanay niya o ng Lola ni hubby or else baka yung ina niya mapagbalingan ko. Sinasabi ko handa na ako sindakin ang ina niya no matter kung mas nakatatanda o Nanay niya yun. Hindi naman ako nag asawa in the first place para mag please ng byenan ano! Kung hindi ako gusto wala akong pakialam eh di sana asawahin na lang nila yung anak nila para maaccomplish nila yung perfections nila. Paperfectionist pa yung Lola sa kalinisan samantalang naaamoy ko naman parati kung gaano siyang kapanghe!  :o masaklap araw araw pa yun. Tapos yung basong plastic na pinag-ihian nilalagay pa sa mesa habang nakain kami worst case pa tinabi pa yung feeding bottle run. Yuck! kaya umuwi na lang ako sa amin kasama ni baby dahil hindi ko rin maatim yung kababuyan niya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close