Hi po,
Newbie here.

Ask lang po sana ako ng advice. Nagmamaraming isip kasi ako(

) kung ano bang insurance ang kukunin ko. Pure Life insurance ba or yung VUL(insurance+investments).
Ang pinaka goal ko kasi talaga kung bakit gusto ko kumuha ng insurance is in case of death/illness, hindi nakakabigla sa expenses sa family namin.
>> May masuggest po ba kayo na insurance na pwede sa ganitong goal ko? Yung mga nababasa ko kasi na renewable na term life insurances every 5 years lang, and then pag nirenew mo, magiincrease na yung premiums, every 5years. So magbabayad ka hanggat insured ka.
>> May life insurance bang mga 10 years ka lang magbabayad then insured ka na for a life time?
>> May insurance din ba na, in case di mo nagamit at natapos na yung plan, may money back guarantee?
If for example ang maging goal ko is mag ready lang dun sa 2 possible case na pwede mangyari sa atin:
WHAT IF I DIE EARLY?
> panganay kasi ako and 2 lang kami ng mom ko ang nagpapasok ng pera sa family. So halos lahat ng sweldo ko bigay talaga lahat sa mom ko para sa gastusin. And medyo bata pa kasi yung 2 kapatid ko.
WHAT IF I LIVE TOO LONG?
> ayoko maging burden sa family ko, and im planning also na in my retirement age, makapag pasyal-pasyal, etc.
>>>Alam ko pag ganito, advisable talaga na VUL ang kunin tama po ba?
>>>Sa case na ito, nagdadalawang isip ako between Sun Flexilink and Sun Maxilink Prime. Ano po ba difference nang dalawang ito?
>>>Pero ang iniiisip ko din kasi. Advisable pa kaya ang kumuha ng VUL or pure na life insurance na lang, kung plan ko rin naman mag invest sa stock market (thru COL) and mag open din ng MF account? Mas advisable ba kung basic na life insurance na lang ang kunin ko? Just for the sake of gaining financial freedom. Di daw kasi advisable na puro ka lang sa stocks, mutual funds,uitfs mag iinvest eh.
Pasensya na at madaming gusto. Hope someone can enlighten me.
