Be ready na lang siguro kasi maraming preparations at considerations kayong kailangan gawin.
Accommodation - Best option is to prepare this for your guests since it's hell travelling by car at that time of the year. Saka para din maaga sila nasa Tagaytay at maging on time sa ceremony tapos di nagmamadali umuwi. Hanap ka ng hotel na pwede magprovide ng discounts kung madami kukunin na rooms. Pwede rin yung magrent ng house na malaki para mas mura. Di naman kailangan kayo magbayad lahat (kung kaya eh why not?) pero at least makabigay ng options sa guests niyo.
Guest List - Manage your expectations and understand if some people cannot go. Malayo ito para sa mga taga Manila, may pasok, traffic, at madaming Christmas parties.
Be ready din kung maaga aalis kasi may pasok pa kinabukasan.
Kahit na ito ay "test of friendship", ibang level kasi yung abala ng wedding niyo (sorry ha I have to be honest) so parang ang off naman na dahil meron mga di pupunta eh friendship over na agad. But then again, the people who love you will be there. Eto sure ako

Travel - Dahil nga traffic, advise your guests to take it into consideration sa travel time nila.
Mga anong oras dumidilim sa Church/Reception area? Mailaw ba yung dadaanan ng mga guests? Meron ba "safe" alternative?
Weather - December is one of our cold months and Tagaytay is one of our coldest places. Ang mga oldies, baka sandali lang yan kasi pwedeng magkasakit.
Ano ang dress code niyo? Ano ang attire ng entourage? Yung mga lamigin naman eh siguro dapat ma-advise ng dapat suotin o magdala ng shawl, jacket, etc.
Schedule - Nasabi na yata pero ulitin ko na lang din, prepare some snacks before the ceremony and have cocktail hour after the ceremony.
Unholy hour kasi dinner time. Malamang gugutumin mga tao so give them snacks

Another option is have the dinner early as in yun ang unang agenda pag punta sa reception. Kung ang worry niyo ay uuwi sila agad, unfortunately eh kailangan niyo maintindihan lalo na kung may mga di maka-afford mag-absent kinabukasan.
Pictorial - Hindi totoo na bawal magkita bago ikasal at wala naman masamang mangyayari (ang dami na gumawa neto ok pa naman sila hanggang ngayon). Ang mawawala lang sa inyo ay yung "first look during bridal march" kasi ito ang isa sa pinaka-emotional moments during the wedding day.
Afternoon light is the best light so go ahead and have your pictorial before the ceremony. Include niyo na din ang entourage and families. Kahit gaano pa kadami ang spotlight at kagaling ng P/V, iba pa din ang shots sa natural lighting.