Hi sis, let me share you my story.
I was 20 when I got pregnant with my first born, like you, I was scared to tell my parents about it kasi sobrang laki ng expectations nila saken, lalo na ng daddy ko, 8 kaming magkakapatid, pangalawa ako, ako favorite ng daddy ko and daddy's girl talaga. So when I found out that I was pregnant, di ko din alam gagawin ko, yung mga friends ko alam nila, nasa province ako nun. Nung mag 2nd semester na sa school nun, alam ko lalaki na tyan ko and di pa talaga ako ready na sabihin sa parents ko kasi sobrang takot, kinontak ko yung pinsan ko sa Manila and tell him my situation, so ayun nagsabi ako sa parents ko na di muna ako mag eenrol sa 2nd sem and magwork muna ako syempre ayaw ako payagan but I insisted. In the end pumayag din, so I stayed dun sa cousin ko hanggang 8 months na yung tyan ko, mind you, walang nakaalam dun sa bahay nila kundi kami lang ng pinsan ko, his mom (my aunt, sister ng mommy ko) and dad and his siblings sobrang clueless, ganun siguro talaga pag tinatago mo yung tyan mo, di din sya lumalaki. I left their house nung 8 months na kasi again di pa ko ready na malaman nina Auntie na I was pregnant. Umuwi ako ng province with the help of my friends and my high school teacher na sobrang close ko like an older sister, I stayed sa friend ko. Now, yung teacher ko na yun, sya ang nagsabi kay mommy na pregnant nga ako and nakauwi na ako sa province. Syempre my mom cried, di niya muna din sinabi sa dad ko sa takot din, but to cut it short, sinabi niya din 2 weeks after I gave birth. Syempre initial reaction ng parents is galit, but believe me, tama yung sinasabi nila na walang makakatiis na magulang sa mga anak nila. Di ako kinikibo ng daddy ko even after makauwi nako sa bahay. Not even a single word. Ni ayaw ako sulyapan. And even my daughter. Then after a month, umalis ako para paregister si baby, I left my daughter sa sister ko. Pag uwi ko, nadatnan ko yung daddy ko, sa room, may hawak na feeding bottle, and pinapadede yung daughter ko, ayun dun ako naluha, then my dad just said, gutom na ata, umiiyak eh. Yung sister ko pala nagpunta lang sa banyo saglit. Then, just like that. Okay na kami. Yung daughter ko ni halos di ko mahiram ngayon hahaha but my mom and dad never nila akong tinanong, they just accepted everything. Nag sorry na din ako sa kanila.
Bottom line is, wag mo na akong gayahin hahaha na pinatagal pa ng ganun bago nalaman ng parents ko kasi kawawa si baby, kawawa ka, kasi you'll feel alone. Expect na magagalit lahat sa una, but sabi nga nila, anjan na yan eh, wala ng magagawa ang galit. A baby is always a blessing sis. I hope all is well. Bili na ng vitamins ni baby

*hugs* and tell your parents na

P.S.
Imagine the surprise of my auntie after a month na nalaman nyang nanganak ako haha sabi niya "last month andito lang sya di ba?" hehe