watch now

Author Topic: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)  (Read 72633 times)

anne01

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #340 on: March 16, 2015, 03:02:01 pm »
Anyway, mga sis, pupunta ko Landmark sa Trinoma laters, mura in mga mga baby stuff dun? Mag dedestress ako at mag wiwindow shopping nalang.

sis.. bawal ma-stress... dapat always happy and pretty... our baby can feel it too pag stressed out tayo...

SIGE sis!! window shopping ka nalang... pwede pa window shop din ng wooden crib and stroller na may kasamang car seat?   :D ;) :D ;) :D ;) kung mapapadaan kalang or ok lang...thanks  sis!!!! 
« Last Edit: March 16, 2015, 03:04:29 pm by anne01 »

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #341 on: March 16, 2015, 04:11:53 pm »
To those who already know the gender of their baby, have you thought of a name for your baby na? ;D

Nasuyod ko na ata lahat ng baby names website... decided na ko sa name ni bebe girl ko... hihi :D

beibie17

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #342 on: March 16, 2015, 04:54:17 pm »
anne01
waaah papatanong ko na agad sa mom ko tomorrow  wala kase ako mobile number nung OB huhu.. iinumin ko paba ngaun oh hindi na kase parang mag 2mos na ako nainom nun Duphaston baka mahirapan ako manganak huhuhu..

budzwhiz

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #343 on: March 16, 2015, 11:33:07 pm »
^^ Sis kami kahit nung hindi pa namin alam ang gender may name na kami for a boy/girl eh. Nyahaha. ;D So yeah, may name na kami for our baby girl. Second name nalang wala pa. :D

chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #344 on: March 17, 2015, 01:37:21 am »
@chaylyn, OB mo naman magaadvise if magbe-bed rest ka. I was *thisclose* na pinag bed rest ni OB nung first trimester ko because of all the pain complaints I had, tas walang weight gain, sobrang stressed ako that time. To think na work from home pa ako nun a. Basta follow mo lang advise ng OB mo, and ingat palage. ;)

@tintin19, haha! Maski nanay ko ang dami ring natutunan nung event, siya kase kasama ko nun. Tas dapat daw ang sleeping position ni baby e nakatihaya lang. Nagka tinginan kame ng nanay ko, tas bigla kame nagtanong sa isa't isa, "Hindi kaya mapisngot yung ulo ng bata kung palagin nakatihaya?"  ;D

@loranth, hmm baka after ng CAS mamili na. Pinipigilan ko rin sarili ko mamili ko dahil nga rin sa mga pamahiin chuchu na yan, pero I found out na yung nanay ko e naka bili na ng mga gamit ko nung 4 months pa lang daw ako sa tiyan niya.  :D And anyway, I plan on buying gender neutral clothes naman, aka, pahirapan maglaba for sure dahil puro basic whites.  ;D

@arragalang, naku naman sobrang nakaka frustrate ang company mo. Baka siguro may mga ganun talaga na company, kung hindi late mag remit, e talagang wala munang finafile, then file na lang sila pag kukuha na ng backpay/benefits yung empleyado. Teka, Jul2014-Oct2014 ang hindi nila naremit? Bakit denied ka for the mat benefit? E diba kahit 3 months lang yung mahulog mo within the semester of contingency pwede na, yun nga lang hindi max. Pero syempre sayang yun dahil nababawasan suweldo mo monthly tas biglang hindi naman pala nagreremit company mo.

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #345 on: March 17, 2015, 02:27:54 pm »
@tintin19: Bakit nga ba until April 2015 nalang tayo pwede mag file ng Mat 1? :)) Okay lang inaasikaso na ng lawyer namin. The more they delay mas lalo silang sasabit and baka mas malaki pa makuha namin. Pero sayang parin SSS. Nakakastress talaga, lately feeling nasestress na rin si baby. :)) sis! Pwede paki explain na rin yung sa Philhealth kung ano gagawin natin? Maghuhulog na rin kasi ako ng voluntary. Sabi sakin sa Philheath kahit daw sa bayadcenter ako magbayad pwede na. May mga forms paba na need or other requirements?

@chrntngrn: Yup hindi sila nag remit, upon checking hindi lang sss, pati yung Philhealth and Pag-ibig, pero keri lang yon kasi easier lang ifix yun. Mas compicated ang SSS. Anyway, yung duration na sinasabi mo, denied ako kasi dapat within 1 year before ako manganak so July 2015 may hulog, Sabi ni sss sakin dapat Juy 2014 last year may pumasok. Eh kaso May 2014 pa yung last kaya hindi ako qualified to avail. Sabi naman nila I can avail IF I will pay 6 months, January - July voluntary para meron pa din makuha, Pero if mareremit ng company yun mas better kasi July 2014- Oct 2014, pasok sa 1 year tapos babayad nalang ako additional 2 months, or pwedeng hindi nanga kasi 3 months lang requirements. As of now, nahahandle naman ng lawyer, pero if hindi nga ako aabot makapag file ng Apri 2014, sayang pa din. Sabi ng lawyer pwede namin habulin sa company yun, baka mas malaki pa makuha dahil sa kalokohan nila.

Ano nang happenings sa thread? :)) nag babackread ako at mejo naging busy lang.
Name ng babies hmm... hindi pa namin alam if Girl or Boy pero meron na kami naka ready: Arya (Girl) Arden (Boy) - Ang name ko kasi is Arra, and yung partner ko is Arvin, so type namin na AR yung umpisa ng name. :)

Cas schedule and gender determination sa March 27, dito lang sa Ace Diagnostics Fairview. Sana wala masyado tao. haha tsaka sana naka position ng maayos si baby para makita agad. Im rooting for a boy, dream ko talaga magkababy boy.

Sa shopping naman, meron na rin ako mga few stuff pero dipa complete kasi may baby shower ako sa May so naka gift registry nalang yung mga needs. :) Tsaka pinipigilan ko pumunta sa mall not unless super kailangan kasi napapadpad ako bigla sa Baby Company at SM Dept Store at hindi ako makaalis ng walang binibili. :))
« Last Edit: March 17, 2015, 04:53:44 pm by arragalang »

o9kristin

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #346 on: March 17, 2015, 04:10:15 pm »
^sis magkano CAS sa Ace?

anne01

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #347 on: March 17, 2015, 04:30:59 pm »
i want to know din how much yung cas... i saw sa in my womb website 2700 for 2d then 3700 for 3d... pero parang mas mahal sa hospital sa capitol kasi mas mahal  tvs dun ehhh... ang ok lang ob ko mismo ang gumagawa.... ill ask my ob kung kelan ako papa cas next week papa check up naman ako...

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #348 on: March 17, 2015, 04:41:02 pm »
1,100 lang dito sa Ace Diagnostics sa Fairview. Base sa mga reviews nabasa ko sa ibang thread okay naman daw dun. Dun kasi sa regular na clinic na pinupuntahan ko is 2,500 ang cas nila pero ang ganda ganda kasi ng clinic. Madaming monitors. Diko lang sure dito sa Ace

loranth

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #349 on: March 17, 2015, 06:35:34 pm »
thanks sissies!!!! sobrang relieved ako after the CAS kasi di ba nung 19th week parang may nakita na something kay baby..then 4 weeks talaga ako di mapalagay until the day of CAS....pero syempre may kaba padin until manganak at kung paano iere na naman prob ko haha breech pa baby although iikot pa naman sabi ng ob...as much as possible ayaw ko talaga ma CS...


ang hirap magpigil sa pagshopping,lastweek 30% discount ang cribs, strollers,baby rocker sa SM and all other baby stuff sobrang nkakatemp kaso super early pa dahil 26-27 weeks pa lang ako....
kaya pigil2 muna..kung magshoshopping na mga tipong onesies muna siguro :)


@tintin19 naku sis nakadapa baby ko eh hehe titignan next na ultrasound.

sis nung CAS ko 1700 lang sa UST hospital:)

itsnikimendoza

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #350 on: March 17, 2015, 06:58:50 pm »
naiinggit ako sa mga nagpa CAS na! haha next month pa ko due for CAS, 15 weeks palang kasi.

kinabahan naman ako dun sa duvadilan. Before pinrescribe ni ob yun every 6 hours hanggang may masakit daw sa puson. yun and duphaston. syempre sa takot ko keri na lahat para bongga kapit ni baby diba? hehe :P

kami kakakasal palang may name na for a baby girl!:P haha. pero kung boy wala pa, baka close to my husband's name. pero sabi ko kung boy, since nasunod na gusto ni hubby, pwede ba ako na magpangalan. sabi ko daniel kasi big crush ko si daniel matsunaga. lol

mga sis may nakita ko sa sm dept store na stroller and car seat na graco, ang ganda! nashock lang ako 19k. tumbling sa presyo!

anne01

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #351 on: March 17, 2015, 07:46:50 pm »
about the name.. we already have in our mind for the first name for both boy and girl.. 2nd name wala pa.. so still thinking...

mga sis.. alin ba mas ok.. wooden crib or play yard?? sabi kasi ng sister ko na isa mas ok play yard kasi yung mga baby natin pag medyo lumaki na.. nakakatakot baka ma bump nila ulo nila sa crib at iiyak ako pag yung teeth nila ang madali... iiyak din ako... but yung sister ko na may new baby nga.. she bought wooden crib... yun lang di naman niya ginagamit.. kasi katabi nya matulog... she told me na magagamit lang  nya yun kapag nag co-crawl na si baby nya... so.... im confused...

what do you think???

o9kristin

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #352 on: March 17, 2015, 08:26:52 pm »
Thanks sis @arragalang! Mura ng CAS sa Ace. Wala pa kaming request from new OB na magpa CAS pero ask ko sya tom kasi 23 weeks na ako. Naghahanap ako ng mura e. Kailangan magtipid at 2 months akong rest = walang sweldo. Hahaha!

Naisip kong name is Kean Chester kaso di masyadong feel ni hubby yung Kean. Kaya isip isip pa muna ng ibang name that starts with K.

charmed30

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #353 on: March 17, 2015, 09:44:00 pm »
Nakuha na namin yung result ng CAS and thankful talaga na ok naman si baby. Ang laki na din ng tiyan ko hindi ko na masyado maitago, turning 23 weeks tomorrow. Grabe ang bilis 6 months na agad ako next week.

Lately nagiging super antukin ako at ang bilis ko magutom. Ina-acid din ako pag medyo malayo yung interval ng kain.

Hay at natetempt na din ako magshopping kaso shempre 7 months pa daw. Intay pa ng 1 more month. Nagbrowse ako sa carters website ng mga baby clothes ang cucute! At dami nilang sale items. Tumitingin na din kami ng stroller and baby bottles. Quinny or peg perego sa stroller and then avent or dr browns sa bottles.

budzwhiz

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #354 on: March 17, 2015, 10:24:36 pm »
Waaaaaah! OMG omg omg! I'm done with our CAS na and super thankful na everything's okay, and our baby's normal and healthy. :) Baby was super mabait, tuwang tuwa si doc, kasi cooperative unang tingin palang nagpakita na ng maayos. Hehe. Sana hanggang pagtanda mabait. :D Sa WOMB kami nagpa CAS 3D. :)

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #355 on: March 17, 2015, 11:45:15 pm »
Wow congrats sa mga nagpa-CAS na with healthy babies :D buti pa kayo nakahinga na ng maluwag! Excited na ako at CAS ko na this coming Saturday, praying normal and healthy din si bebe ko ;D

Ang cu-cute ng names ng babies nyo mga sis! Pansin ko lang puro unique names ng babies natin.. Celestine ipapangalan ko kay baby, medyo di nalalayo sa name ko na Christine he he! ;D Nagiisip pa kame 2nd name starting in A kasi yun first letter ng name ng partner ko.. kaso ang hirap bagayan hehe..

@chrntngrn onga sis nabasa ko din first few months daw tihaya lang. Naku baka maging tilapia si baby nyan he he!

@arragalang sis ang Mat-1 pwede ka mag-file til right before ka manganak. Yung hanggang April 2015, payment naman yun. Kasi diba for those who are due on July-Sep 2015, we only need 3 months payment within April 2014-March 2015... our last chance to qualify is by paying for the quarter Jan-March2015, na ang payment deadline ay April 2015. :) Nag-discuss din ako Philhealth sis after nung SSS sa same post. I suggest sa Philhealth ka muna pumunta, especially if di pa updated membership status mo. Bale update mo muna to voluntary, then bibigyan ka nila ng Member Data Form (MDR) with the updated membership status (MDR is one of the requirements to be submitted sa hospital). Siguro succeeding payments mo pwede na sa Bayad Center na lang. :) Btw, may priority lane for preggos sa Philhealth so less stress satin. Tas humingi na ako 2 copies of Claim Form 1 (CF1) in advance, although meron din naman downloadable sa net nun. Goodluck! :)

@itsnikimendoza na-shock din ako the first time ako tumingin strollers sis, may 20k+ pa nga nakakaloka! at stroller pa lang yun ha! wala pa yung crib, playpen, etc. :o

Planning to get both playpen and wooden crib.. pero yung crib na convertible to toddler bed na para sulit. We can't cosleep dahil malikot matulog si bf, madadaganan lang si baby.. so crib is a must. Crib for sleeping, playpen for naps and playtime. ;)
« Last Edit: March 18, 2015, 12:00:02 am by tintin19 »

chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #356 on: March 18, 2015, 01:01:10 am »
@arragalang, naku grabeng hassle ginawa ng company mo. Magtatanong nga rin ako sa SSS this Friday about that mat benefits, medyo complicated nga kase talaga. Unlike Philhealth, na icheck lang nila MDR mo, then punta sa cashier kung magbabayad na, and you're all done. And tama si sis tintin19 tungkol sa prio lane for preggers. Naayos ko Philhealth ko sa loob lang ng 20 minutes. :D

@anne01, sa In My Womb Megamall, 2,800Php yung 2D nila na CAS. Tas 3,700Php pag 3D. Dun sa pinag-referan ng OB ko, 700 lang  ;D Pero super higpit daw dun, and hindi tumatanggap kung wala pang 24 weeks. Chineck ko mga branch nung lab na nirefer ng OB ko kaso walang branch sa QC. Sabi rin ng nanay ko, mas okay ang playard kesa wooden crib. Mas matagal magagamit yung playard and hindi ka para mag worry na baka mauntog yung bata.

@itsnikimendoza, yes! Mahalia jackson talaga mga gears ng baby. Ang nakakainis dun e what if hindi magamit ng bata masyado diba.

@charmed30 & budzwhiz, yay! Buti pa kayo tapos na with CAS.  :D


Napansin ko lang lately na hindi na ako makatagal na nakatayo or maglakad lang. Tipong 10-15 minutes may sasakit na then pag hindi ako nakainom ng tubig agad or makaupo, mararamdaman ko yung hilo.

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #357 on: March 18, 2015, 10:56:04 am »
^- hindi ka naman high risk sis no? madalas din ako makaramdam ng hilo lately, kahit nakaupo lang. Ano sumasakit sayo sis? Anong sabi ng OB mo tungkol jan?

Since last month, nagdadala na ko water bottle sa bag dahil sa persistent uhaw na yan. Ako naman no choice, I still do 15minute walks on the way to work. Tapos nakikipag-siksikan ako sa puno na bus araw-araw, one time nakatayo lang buong trip, akala mo hindi buntis. ;D Good thing makapit naman si baby hehe. Kaya every weekend, hay nako bahay lang ako at ayoko na maglalalabas jusko! :D

The other night nakita ko tyan ko gumalaw mag-isa.. kita na movements ni baby from the outside hehe!

Share ko lang, for first time moms na nagbabalak bumili na ng baby stuff... Baby Center website has these 1-page illustration guides on how-to-buy stuff like crib, mattress, strollers, car seats, bath tubs, etc. na you can print & bring with you when you shop. what features to look for, what to avoid, etc. Wala lang, I just found it very helpful for clueless first-time moms like me haha :D
« Last Edit: March 18, 2015, 10:58:10 am by tintin19 »

charmed30

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #358 on: March 18, 2015, 11:14:08 am »
^^nako ganyan din ako sis lagi nahihilo at nauuhaw. Parang natritrigger nga kapag matagal nakatayo tsaka pag hindi nakainom ng water or pag gutom. Kaya ngayon nagdadala na din ako water bottles, biscuits, and candies sa bag ko just in case. Lately din nagkaka migraine ako buti na lang pwede magtake ng paracetamol.

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #359 on: March 18, 2015, 04:58:31 pm »
@arragalang no prob sis :) okay nga yun sis para isang lakaran na lang. Basta make sure lang sis pasok pa din payments mo sa deadline. Kailangan mo din ata i-update SSS mo para di magka-prob during claiming pag iba na surname mo. Goodluck! :)

Sign-up ako sa Huggies pagkauwi. Blocked kasi FB dito sa office. Thanks sis! :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close