watch now

Author Topic: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)  (Read 72524 times)

jm23

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #300 on: March 14, 2015, 01:01:27 pm »
pasali po sa thread mga sisses! due ko din sa September. :)

jaimeko

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #301 on: March 14, 2015, 01:07:26 pm »
hi all. 15 weeks here and 1st time. ask ko lang ano ginawa niyo sa ubo and sipon? lately i always have cough nd colds that sometimes lead to asthma

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #302 on: March 14, 2015, 01:12:48 pm »
Congrats sis @cherness at @jm23! Welcome to the thread he he! :)

sis @arragalang at @chrntngrn goodluck at sana maayos nyo na SSS nyo. Til April 2015 na lang tayo pwede magbayad to qualify.

Same tayo sis @chrntngrn from employed to contractual naman ako. Pano yung Philhealth mo sis, as in hindi ka pa registered? baka hindi nga talaga ni-remit ng company mo.. pero di bale wala na naman bearing yung 2010 payments sa ngayon.. ang importante ma-register.

Ako din mas makinis pa mukha ko ngayon kung kelan buntis. Girl kasi si baby hehe! Baka girl din iyo? hehe! Ako naman hindi ko magamit HHN Sunflower Oil sa mukha kasi nagpipimples ako, masyadong heavy sa face, kaya sa body na lang. Ubusin ko rin lang akin, tas tingnan ko if try ko Argan Oil.

sis @chaylyn suki din ako ng sakit sa balakang at pwet nung first trimester ko! Grabe lahat na lang ng upuan ko kahit may cushion, kahit sandaliang upo lang.. pag-tayo aray!!! dinaig ko pa senior citizen sa sakit XD

Wala din ako idea sa magagandang brands for baby needs. Kahit nga basic baby stuff na need bilhin, no idea din! Hirap ng first time mom. Baka naman may experienced moms na jan na makakapagbigay ng complete list ng kakailanganin nating baby stuff and kung ano recommended brands.  tia mommies :D

Nagka-ubo at sipon din ako sis @jaimeko nung 1st trim naman. Pero wala akong ininom na gamot. Si OB kasi di mahilig magprescribe ng gamot dahil baka magka-asthma daw si baby. So tiniis ko na lang at hinintay gumaling. If di keri without meds, better to consult your OB sis. ;)

itsnikimendoza

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #303 on: March 14, 2015, 02:06:35 pm »
^sis abt sss and philhealth, how early natin pwedeng ayusin? sept. due ko :)

ang sabi sakin nun isang friend ko avent daw yung okay na feeding bottles. eh napakamahal pala non! nalula ako sa presyo! haha :) pero anything for the baby, pagiipunan namin, better safe than sorry sabi nga nila.. :)

^^sis ako din madalas sipunin lately, same kay sis tintin wala ako ininom na gamot. ayaw ni ob.. inom lang ng maraming tubig at fresh calamansi juice.. :)

jessica

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #304 on: March 14, 2015, 02:12:00 pm »
Abot na ako dito kasi EDD ko ay Sept 30 :)

@11 weeks, nangangawit na ang balakang ko maupo man or tumayo, di pa naman ganun ka evident and baby bump, pero feeling bloated kasi ako. I'm 109 lbs lang naman

Hirap na din ako matulog or mahiga kasi mas comfy ako laying on the right side, pero kailangan lay on the left side for the baby. Kaya tinitiis ko na lang, resulting to puyat, di talaga ako makatulog ng maayos. Either inaalala ko si baby kasi napapa right side ako ng paghiga, or nangangawit ako sa left side which is the safe side naman. Anyhow, still very thankful that I am preggy, we've waited for little bud for almost 7 years ;)

budzwhiz

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #305 on: March 14, 2015, 02:50:34 pm »
Ako din mas makinis pa mukha ko ngayon kung kelan buntis. Girl kasi si baby hehe!

Edi ikaw na sis ang makinis! Ako nung nagbuntis ako, pimples galore talaga. At sobrang panget ko daw.. Baby girl yung sakin ha! Hahahaha nakakainggit yung mga may baby girl tapos glowing and all. ;D

From what I've read, ang magagandang brands ng feeding bottles e Avent, Dr. Brown, Playtex. Pero we're thinking of getting Avent. Last visit nga namin sa SM makati, buy 3 take one sila :)

Maganda yung clothes ng enfant, organic. Ang ayoko lang e bawat shirt o onesie may naka tatak na ENFANT sa harap lols. ;D

We plan to stock up a bit on some toiletries before leaving, for the baby wash I'm thinking Mustela and J&J alternate. :P Di ko like amoy nung Nivea. Or enfant, o kaya yung brand na ineendorse nila Cheska Kramer. Mag smell test muna ako. ;D Then for detergent, Cycles. Pero sabi nila okay din daw yung Perla. No-no ang fabric conditioners. :)

Matagal na ko may list ng to-buy pero so far ang nakumpleto ko palang, the white tie-sides, tapos white caps. And lampin. Haha.

itsnikimendoza

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #306 on: March 14, 2015, 03:08:17 pm »
kakainggit nga yung mga glowing na mommies, ang haggard ko kasi simula nun nabuntis ako e.. kaya hula nila lahat boy yung baby.. haha :P

^thanks sa suggestions sis!I'll take note of those brands. :) medyo matagal pa naman ako kaya madami pang time magtingin tingin (at magipon haha) Parang may nabasa din ako na for strollers okay yung graco ba yun? ang laki ng difference ng price don sa ibang brands eh. just wondering kung ganun ba talaga sya ka worth it.

Congrats sis @jessica!:) naku sabi nila mas mahirap daw pag malaki na tyan hahanap ka talaga ng pwesto sa pagtulog e..

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #307 on: March 14, 2015, 03:46:45 pm »
To qualify for SSS Maternity benefit, we need at least 3 months hulog for the year before the semester ending in the quarter of our contingency. Jul-Sept 2015 is the quarter of our contingency, the semester is April-Sept 2015, the year before is April 2014 - March 2015 kung saan dapat may 3 months hulog.

You can pay monthly or quarterly. The deadline for SSS payments is a month after the period being paid for, pero may schedule pa din yan based on the last digit of your SSS number, you can look for it sa net na lang. Eg. my SSS# ends in "4", based on schedule found on net, til day 15 ako pwede magbayad. I can pay for March 2015 (monthly) or January-March 2015(quarterly) until April 15, 2015. Retroactive payment is not allowed.

As for the computation of our SSS maternity benefit, they will base it on your highest 6 months contribution within the year April 2014 - March 2015. Eg. I maxed out mine, as voluntary member I paid for 6months (Oct-Dec2014, Jan-March2015) at p1,760/month. My tip is to max-out hulog nyo for at least 6 months to get the maximum SSS maternity benefit which is around p32k. If you paid for 3 months only, you get around half.

And lastly, don't forget to file Maternity Notification sa SSS or else ma-dedeny ang Maternity claim mo pagkapanganak. If you have SSS account online, pwede mag-file maternity notification online via your accounts para less hassle going to the branches.

---

Philhealth naman mga sissies, we only need 3 months payment within the 6 months prior to the month of due date. But some hospitals require at least 6 months, some yung 3 months right before, so better check with your hospital na din. Eg. I'm due July 2015 so I paid for January- June 2015.  I chose to pay 6 months as safety net na din in case mapa-aga ang panganganak.

For voluntary it's p200/month. You can pay monthly, quarterly, semi-annual and annually. Deadline is end of month for monthly; else, last day of the 1st quarter of the period being paid for.

---

So for SSS, dapat maayos na by April 2015. For Philhealth, we have until the month before due date but it still depends on the period you're planning to pay for (if paying for selected few months only, pay monthly/quarterly and asap).

Sorry haba ng post, I just want to encourage everyone with SSS & Philhealth na i-avail ang benefits kasi sayang din. Some are not aware until it's too late, some naman like me tamad at first, until I found out we mommies can save a lot from this. Pambili din ng crib, stroller,etc. ni baby. :D

HTH! :)
« Last Edit: March 14, 2015, 06:16:56 pm by tintin19 »

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #308 on: March 14, 2015, 04:46:30 pm »
Pareho tayo dilemma sis @jessica.. right side sleeper din ako, or starfish position. Parehong bawal haha. Til now sinasanay ko sarili ko to sleep on the left side, by facing left tas wedging a pillow on my back... para na din hindi ako mag-roll. Wondering if yung mga maternity pillows would help us sleep properly?

@budzwhiz ibig sabihin hindi ganun ka-reliable yung mga telltale signs ng gender ni baby... ;D salamat sa recos sis!! keeping those brands in mind :D matanong ko lang, bakit bawal ang fabcon?

@itsnikimendoza kainggit gusto ko ng boy! hehe.. madalas ko din mabasa Graco as leading brand for playpens and strollers kaso ang expensive :O

anne01

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #309 on: March 14, 2015, 05:32:56 pm »
Hi mommies and soon to be mommies like me!! 😊😊😊

Bawal ba talaga to sleep on your right??? Men.. I didnt know that akala ko lying on your back lang...

My ortho na nipples ba ang avent??? Kasi yun daw ang maganda na nipples for babies para maganda yung tubo ng teeth nila...

I read sa what to expect this week lang na due to homonal changes and yung blood flow nag co-clogged talaga nose natin... Since may clogged nose ako i breathe on my mouth kaya nagka cough na rin ako... Hhhayyy...

Does anyonr experienced na lumabo eyesight nila??? I went to the optical shop last thurs ata.. Then i am looking for a new pair of glasses i told them what i am experiencing... Na parang mas malinaw pa yung old pair ko.. Than my new one.. Na sa malayo i can see fine with my glasses but when i read i need to take it off kasi malabo... They said it was due to hormonal changes kaya ganon... Eh ewan... Kasi when i watch tv i need to use my glasses but when i am texting i need to take it off!!! Kakainis kaya...

I still cant hear my baby's heart beat sa app maybe it is too soon pa... I am 15wks+2days plng naman....

jm23

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #310 on: March 14, 2015, 05:38:46 pm »
the thread is so helpful. binasa ko talaga from the start - ang haba ng BR ko, haha.

sis tintin19 - thanks for your inputs regarding SSS. currently nasa Dubai kasi ako. pero sa Pinas ako manganganak. nagcheck din ako sa SSS website kasi gusto ko sana mag-avail n maternity benefit. kaya lang na-stop na ako ng couple of years simula nung andito na ako sa Dubai. Yun nga pwede daw maghulog at makakahabol pa ako kasi EDD ko is Sept. 21. Maghulog nalang daw ako kahit good for 6 months. Pero may concern ako kasi may loan ako nun at di naman natapos bayaran nun simula ng umalis ako ng bansa. At may nabasa ako sa website na yung unpaid loan will be deducted dun sa any benefit na makukuha justtlike maternity benefit. Iniisip ko pa kung I-process ko pa SSS at baka wala din akong makuhang benefit or cheque kasi ideductdun sa unpaid loan ko.
Anybody po ditto na may ganitong situation? On a brighter side, pwede ko nalang ituloy, at least kahit di ko man makuha yung maternity benefit ko eh mabayaran ko naman ang remaining balance ng loan ko.

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #311 on: March 14, 2015, 06:32:42 pm »
Nadadaganan pa din daw ng uterus yung liver natin pag natulog sa right side. Optimal pa din to sleep on left side. at dahil OC ako, gusto ko talaga mag-left side! XD

@jm23 nag-stop din ako sis ng hulog sa SSS for years, ngayon lang ulit ako nagbayad at limited months pa..to avail lang the Maternity benefit. Hindi ko alam ano payment deadlines for OFWs, pero if same lang saming voluntary members, you only have 3 months left to pay for, Jan-March2015, di na pwede Oct-Dec2014 dahil retroactive na yun. :( Nabasa ko din yung loan balance na possible ideduct sa maternity claim mo. How much pa remaining balance mo sa loan? Tama sis, kahit hulugan mo lang yung months to qualify for maternity.. at least cleared ka na sa loan. :)

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #312 on: March 14, 2015, 06:47:26 pm »
@chrntngrn: sis naexperience ko rin yung nagkaron ng butlig butlig when I used yung antistretchmark cream na gift sakin last xmas. Masyado g matapang so buti nalang I switched to all organic and mas makinis talaga ko now. :) pm mo ko pag kukuha ka Argan. :) san pala nakakabili ng bedsheet and pillow set ng baby? Kanina kasi nag tingin ako oa sa mahal eh 3k >.< mahal pa sa mattress haha.

@chaylyn: welcome sa thread sis! :)

@itsnikimendoza: siiis! Oo pang apple lang sya pero try to search baka meron din iba developer for android. :) sa baby bottle naman depende sayo sis kung mag breastfeed ka. Ako kasi kahit sabi nila mahirap pipilitin ko mag BF and ang bottle namin is Tommee Tippee kasi it's good pang palit pag nag BBF.

@jm23 & @jaimeko: welcome mommies! Yaaay! Dami na natin! :) ang asthma daw po as per my ob is common during pregnancy. Ask kayo ano mga bawal and nakakapag trigger ng asthma nyo. Ako rin may hika kaya sinabihan ako ng ob mga bawal.



@titin19: oo talaga sa sss na yan jusko. Buti pa philhealth pwede isang bayaran lang ng isang year okay na eh wala ng finafile. Naku sis wait nyo yung OFFICIAL LIST OF WHAT A NEW MOM REALLY NEEDS FOR HER NEWBORN BABY naiblog ko. Nag interview ako ng mga moms kaya wait for eettt! Haha! Salamat sa advice sa Sss and philhealth, papasabugin ko yung company namin pag dina niremit next week mga hayop sila :))

@jessica: welcome welcome! Congratss!! :)

@budzwhiz: haha! Pareho tayo na ayaw sa Enfant - mega branding!. I recommend St.Patrick Baby, 100% Organic Cotton and super minimalist ng design :)

@anne01: ako i sleep on left and right pero hindi ko na kaya mag sleep ng flat back :)) parang hirap ako huminga sa bigat ng chan.

Okay ang haba ng reply na to ang saya ang dami natin! :) MAY KELANGAN AKO ISHARE!! AKALA KO MAOOSPITAL NA KO KANINA! Juskoo loord! Paalis ako at nag sunot ako ng usual leggings, maluwang na shirt tsaka tube. For some reason yung feeling ko ang parang ang sikip sikip tapos biglang di ako makahinga, nag dilim paningin ko. As in nasa floor na ko nakayulo para mag flow yung blood! Nakakatakot! Hinubad ko agad yung leggings tapos nag munch ako ng ice. After a while nawala hilo ko tapos kinakapa ko si baby kung okay lang sya. Mega panic ako, ayun sumisipa sipa naman. :(( kaya binilan ako ng partner ko ng mga denim dresses na pang alis kanina, iniipit ko daw anak nya. Haha! Note to self, wag ipilit pag dina kasya. :))

o9kristin

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #313 on: March 14, 2015, 07:17:09 pm »
Wow ang dami na natin dito! :) galing kaming SM kanina at natawa na lang ako dahil di talaga namin alam anong unang bibilhin. In the end, mom card lang ang nakuha namin. Balik kami bukas para magtingin tingin ulit. Might buy clothes, lampins and some toiletries. Sabi ko kay hubby simulan na namin ang pamimili dahil ngayon pa lang ang dali ko na talaga mapagod. What more kung 7 mos onwards na ko. Baka wala pa kami nabibili, magyaya na ko umuwi. Btw, si hubby mukang na sales talk at gusto nang bumili ng crib. Is it too early ba? Kelan ba dapat bumili nun? May kamahalan din kasi (Php 4,500) pero maganda naman ang quality at naka sale pa..

chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #314 on: March 14, 2015, 07:21:11 pm »
@jaimeko, hindi ako nag take ng kahit ano para sa sipon, calamansi juice lang. Hindi rin nagpeprescribe ng gamot yung OB ko, kaya tiis talaga pag may headache or nung nagka sipon. Sa clogged nose, actually, this happens pala talaga during pregnancy, may sarili pang pangalan: pregnancy rhinitis. Air revitalizer lang, umieffect naman.  :)

@chaylyn, ngayong 2nd trimester ko naramdaman yang mga balakang pain na yan. I asked my OB about it, baka kase dahil na rin sa sleeping position ko while matulog (laging nasa left side). Sabi naman niya, it could be or dahil lang sa stress. I complain of frequent headaches and pains kase, pero it's probably because of my job. Graveyard shift kase, tapos super poor sitting posture pa (sarap kaya magtrabaho na nakataas ang mga paa!  :D ).

@tintin19, as in wala akong record sa kanila. Ang saya nga pag preggers e, inuuna sa pila. hehe. Thanks sa input sa SSS! This week ko na aayusin yung akin, pero 3 months lang makocover ko since hindi ako nag hulog last year. I don't know kung girl, sabe ng mga friends ko pwedeng girl kase ang blooming ko daw (syempre di naman nila nakikita kung ano ichura ko pag nasa bahay na lang: nakataas lagi hair, pajama at oversized shirts palagi! haha). Yung nanay at boyfriend ko naman, sinasabe boy daw kase nga ang aga ko naramdaman and masyado malikot at magalaw.

Sa feeding bottles, I did my research nung pinagbubuntis pa lang ng SIL ko yung niece ko. Good brands are Avent, Tommee Tippee, and Dr. Brown. The thing with Dr. Brown, masyadong maraming kaek-ekan! Hindi lang basta bottle and teat and components niya, may something pa sa gitna. So malamang frustration galore yan pag nag linis ng bottles.

I like Tommee Tippee more, kase yung teat niya parang namimic ang breast ng mommy. Pero yung bottles na ganun ng niece ko, nagyeyellow siya, ang panget tuloy tingnan. My niece and nephew like Avent bottles though. Better to take advantage of baby sales kung balak mag invest sa branded bottles kase may kamahalan talaga. For me, I plan on breastfeeding. Pero syempre baka hindi ma keep up ang pag BF (pero I'll try talaga mag BF exclusively kahit semi inverted nips) kaya I'll buy bottles na rin, pero konti lang.

For strollers, Aprica ang ginamit ng niece ko e. Lightweight siya, and madaling i-maneuver. Hindi rin bulky kaya plus points siya for me. Sa crib naman, hindi ako sure kung crib or mag playpen na lang. Kung playpen, malamang Graco. Kung crib, yung mga tig 700 na wooden crib is okay na. Bili na lang ng mattress. Hehe.

Fabcon (even yung mga commercial brands na detergents), hanggat maari iwasan. Masyadong sensitive ang skin ni baby, yung mga commercial brand detergents and fabcons, may mga harsh chemicals. I'll try muna yung detergent ng HHN sa damit ko, pag okay, yun na gagamitin ko para kay baby (and sa cloth diapers pag lampas na ng 3 months). Pero yung niece ko simula't sapul naka Ariel at Downy antibac. Okay naman siya, walang naging problem sa skin or anything. Ako ang nagkaroon ng problem kase masyado akong natatapangan sa amoy ng fabcon. Hehe

@anne01, yes, may ortho nipples ang Avent. :) napansin ko rin yan sa eyesight. When I use my laptop, kailangan naka glasses ako ako or else mahihilo ako. Pero kung magbabasa ng books or gagamitin ng phone, kahit hindi naman ako gumamit, okay naman. Tsaka I find na pag sinuot ko glasses ko na hindi naman ako nagamit ng computer, mas sumasakit ulo ko at nahihilo ako. Lagi pa naman nangyayari yun pag nasa mall ako sobrang hassle. Kaya minsan hindi na lang ako nagsasalamin.

@arragalang, ang tanging alma ko lang sa Palmer's masyadong matapang ang amoy for me. Parang Yakult na ang OA sa nilagay na honey. Castle yung tatak ng comforter set na nabili ko e, parang 1,5k ata yun sa original price. Since Baby Fair yun nung nabili ko, ayun naging 500 na lang. Yes, mahal talaga beddings ng baby. E gusto ko pa naman Owen. Price range yun OA din. Haha! Halos gusto ako kaltukan ng nanay ko nung binilhan ko ng ganung yung pamangkin ko.  ;D

Buti naman okay ka na. Nangyari din saken yan last week, pinasukat saken yung jeggings na wow, nasa may binti ko pa lang feeling ko constricted na daloy ng dugo ko, e pinilit ko pa. Ayun, muntik ako bumuwal sa fitting room! Haha! Tas medyo nahilo, nagpabili agad ako fruit shake tas umuwi and nagpahinga.

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #315 on: March 14, 2015, 08:49:52 pm »
@arragalang looking forward to your list sis! :D Hindi ba maluwag naman ang leggings sis at yun usually sinusuot ng buntis? Buti naman at okay ka na ngayon. :)

@o9kristin ako din sis pagoda agad palagi! Parang ang mura ng 4,500 for crib sis? wooden crib ba? Kasi mga nakita ko sa malls nasa 10k+..

@chrntngrn onga may separate na pila for preggos & seniors, saya! ;D ay bwiset naman yung dati mong kumpanya >:( So I guess Avent yung pinaka-okay sa bottles?

Pwede ba i-forego yung crib? Need din ba natin ng bassinet/co-sleeper?

chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #316 on: March 14, 2015, 09:20:25 pm »
^feel na feel ko talaga ang pagiging buntis lalo na pag sa SUV/FX or cab terminal. Haha!  ;D kaya pala bang tagal nila mag process ng backpay, kase baka dun pa lang nila ifa-file mga contributions. Hindi rin kase ako nag file ng backpay dati, masyadong hassle. I'm torn talaga between Avent and Tommee Tippee e. Maganda lang sa Avent, mas madalas sila mag sale.  ;)

Ideally, gusto ko mag co-sleep and yun din advise ng nanay ko pati ni granny bear, syempre bonding niyo ni baby diba. E kaso takot ako sa SIDS. Nung minsan ngang nakatabi ko matulog pamangkin ko, mga nasa 6 months na siya nun, nadaganan ko e, natakot kaya ako.

Bassinet, hindi na ako bibili niyan. Mabilis kase lumaki ang bata. Tas yung mga bassinet and co-sleeper na nakikita ko na available dito, ang liliit pa. Ang alam ko may mga cribs na pwede rin gawing co-sleeper, pero wala pa ako nakikita dito. Kung yung magagamit talaga ng matagal, playpens ang mas sulit.

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #317 on: March 14, 2015, 09:43:34 pm »
@o9kristin; sis! See you tom! Haha! Sa crib, mura na yung 4,500 kasi yung type namin is nasa 8k na wood sa mall. Pero di pa kami bibili ng crib kasi sa bahay namin eversince japanese style kami yung mattress naka elevate sa floor, so si baby itatabi ko muna sakin and will buy crib mattress. To encourage breastfeeding din kasi, tsaka gusto ko talaga katabi si baby sa first few months nya tapos yung mattress nya nasa tabi kasi baka magulungan ko. Haha

@tintin19: naku oo maluwag naman, pero nafeel ko talaga yung tightness, yung parang kahit maluwag yung feeling all of a sudden eh parang di makahinga yung katawan ko haha! Scary talaga

charmed30

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #318 on: March 14, 2015, 11:51:55 pm »
Nagtingin tingin na din kami kanina ng mga baby stuff. Avent bottles din ang bibilhin namin pero pag around 7 months na ko na kami buy. Antay antay muna ng baby fair dito sa sg. Sa strollers naman, quinny talaga ang gusto namin ever since kaso nainlove si hubby dun sa peg perego na may suspension. Sa baby wash and detergent, di pa makadecide, research research muna. Sa crib, di na kami bibili, reuse na lang yung sa nephew ko tapos buy na lang ng bagong beddings. Grabe nakakaexcite na magshopping for the baby lalo na sa kin baby girl :)

o9kristin

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #319 on: March 15, 2015, 07:54:46 am »
@tintin19 and @arragalang, naku mga sis na-confuse ako bigla. Playpen crib yata tawag dun. Hindi sya wooden. Ano ba difference ng playpen sa crib? Hehe. Di ko rin kasi natanong sa SA. Di na ko masyadong nagpapay attention sa mga sinsabi nya kasi medyo pagod na ko nun.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close