@jaimeko, hindi ako nag take ng kahit ano para sa sipon, calamansi juice lang. Hindi rin nagpeprescribe ng gamot yung OB ko, kaya tiis talaga pag may headache or nung nagka sipon. Sa clogged nose, actually, this happens pala talaga during pregnancy, may sarili pang pangalan: pregnancy rhinitis. Air revitalizer lang, umieffect naman.

@chaylyn, ngayong 2nd trimester ko naramdaman yang mga balakang pain na yan. I asked my OB about it, baka kase dahil na rin sa sleeping position ko while matulog (laging nasa left side). Sabi naman niya, it could be or dahil lang sa stress. I complain of frequent headaches and pains kase, pero it's probably because of my job. Graveyard shift kase, tapos super poor sitting posture pa (sarap kaya magtrabaho na nakataas ang mga paa!

).
@tintin19, as in wala akong record sa kanila. Ang saya nga pag preggers e, inuuna sa pila. hehe. Thanks sa input sa SSS! This week ko na aayusin yung akin, pero 3 months lang makocover ko since hindi ako nag hulog last year. I don't know kung girl, sabe ng mga friends ko pwedeng girl kase ang blooming ko daw (syempre di naman nila nakikita kung ano ichura ko pag nasa bahay na lang: nakataas lagi hair, pajama at oversized shirts palagi! haha). Yung nanay at boyfriend ko naman, sinasabe boy daw kase nga ang aga ko naramdaman and masyado malikot at magalaw.
Sa feeding bottles, I did my research nung pinagbubuntis pa lang ng SIL ko yung niece ko. Good brands are Avent, Tommee Tippee, and Dr. Brown. The thing with Dr. Brown, masyadong maraming kaek-ekan! Hindi lang basta bottle and teat and components niya, may something pa sa gitna. So malamang frustration galore yan pag nag linis ng bottles.
I like Tommee Tippee more, kase yung teat niya parang namimic ang breast ng mommy. Pero yung bottles na ganun ng niece ko, nagyeyellow siya, ang panget tuloy tingnan. My niece and nephew like Avent bottles though. Better to take advantage of baby sales kung balak mag invest sa branded bottles kase may kamahalan talaga. For me, I plan on breastfeeding. Pero syempre baka hindi ma keep up ang pag BF (pero I'll try talaga mag BF exclusively kahit semi inverted nips) kaya I'll buy bottles na rin, pero konti lang.
For strollers, Aprica ang ginamit ng niece ko e. Lightweight siya, and madaling i-maneuver. Hindi rin bulky kaya plus points siya for me. Sa crib naman, hindi ako sure kung crib or mag playpen na lang. Kung playpen, malamang Graco. Kung crib, yung mga tig 700 na wooden crib is okay na. Bili na lang ng mattress. Hehe.
Fabcon (even yung mga commercial brands na detergents), hanggat maari iwasan. Masyadong sensitive ang skin ni baby, yung mga commercial brand detergents and fabcons, may mga harsh chemicals. I'll try muna yung detergent ng HHN sa damit ko, pag okay, yun na gagamitin ko para kay baby (and sa cloth diapers pag lampas na ng 3 months). Pero yung niece ko simula't sapul naka Ariel at Downy antibac. Okay naman siya, walang naging problem sa skin or anything. Ako ang nagkaroon ng problem kase masyado akong natatapangan sa amoy ng fabcon. Hehe
@anne01, yes, may ortho nipples ang Avent.

napansin ko rin yan sa eyesight. When I use my laptop, kailangan naka glasses ako ako or else mahihilo ako. Pero kung magbabasa ng books or gagamitin ng phone, kahit hindi naman ako gumamit, okay naman. Tsaka I find na pag sinuot ko glasses ko na hindi naman ako nagamit ng computer, mas sumasakit ulo ko at nahihilo ako. Lagi pa naman nangyayari yun pag nasa mall ako sobrang hassle. Kaya minsan hindi na lang ako nagsasalamin.
@arragalang, ang tanging alma ko lang sa Palmer's masyadong matapang ang amoy for me. Parang Yakult na ang OA sa nilagay na honey. Castle yung tatak ng comforter set na nabili ko e, parang 1,5k ata yun sa original price. Since Baby Fair yun nung nabili ko, ayun naging 500 na lang. Yes, mahal talaga beddings ng baby. E gusto ko pa naman Owen. Price range yun OA din. Haha! Halos gusto ako kaltukan ng nanay ko nung binilhan ko ng ganung yung pamangkin ko.

Buti naman okay ka na. Nangyari din saken yan last week, pinasukat saken yung jeggings na wow, nasa may binti ko pa lang feeling ko constricted na daloy ng dugo ko, e pinilit ko pa. Ayun, muntik ako bumuwal sa fitting room! Haha! Tas medyo nahilo, nagpabili agad ako fruit shake tas umuwi and nagpahinga.