watch now

Author Topic: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)  (Read 72513 times)

chaylyn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #320 on: March 15, 2015, 01:22:36 pm »
@tintin19 - sis yung napost mo ba regarding sa SSS and Philhealth para lang sa mga voluntary magbayad? eh ako kasi may company ako, iba ba yung process nun? Ang alam ko kasi may form ba silang ibibigay tapos ako na magasikaso/magpaprocess sa SSS ang Philhealth? hehe sorry sis, first time ko eh


@arragalang - thank you sis! :) Naku sis baka need mo nalang magdress nyan kung ganyan effect sayo ng leggings, kasi may mga ibang OB sabi nila wag daw masyado magleggings pag preggy kasi yung blood flow/blood supply di daw dumadaloy ng maayos. hehe Ingat sis :)


@chrntngrn - oo nga sis baka dahil sa stress and night shift. nagpapanggabi pa din kasi ako ngayon eh. Madami din kasing nakapagpastress ngayon samin kaya ayun.


Gusto ko na nga din mga sis bumili ng gamit ng bata kasi nakita naman sa first UTZ ko na baby boy eh 4months palang yun kaya sabi nila baka daw di pa sure yun baka daw magbago pa yun, hehe pwede ba yun? Kaka-excite :)

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #321 on: March 15, 2015, 02:12:14 pm »
@chrntngrn nakakatakot nga SIDS sis. Nabasa ko now lang parang hindi recommended ang co-sleeper, kasi delikado pa din dahil dun sa entrapment area between the co-sleeper and the adult bed, pati sa mga loose adult beddings.

@arragalang naku ako din lately sis may times na hirap na lang huminga bigla, lalo na pag bagong kain. masyado na atang malaki tyan ko, at ang taas na ng tyan ko abot hanggang bubelya huhu

@o9kristin mukhang playpen crib nga sis, baka 2-in-1 sya. Ang alam ko lang, pag-crib, mas elevated sis & makapal mattress - good for sleeping. Whereas manipis lang sa playpen and not as sturdy - kasi purpose naman talaga nya playing area ni baby & kapag iiwan mo sya to do household chores. If gagawin mong crib si playpen, need to add mattress para comfy si baby. Tas crib is stationary while playpen is portable. Parang gusto ko magkaron pareho, playpen at separate wooden crib na convertible to toddler bed para sulit. Ang gaganda din kasi ng wooden cribs sa malls. ;D

@chaylyn yes sis pang-voluntary lang pinost ko. Yep sis iba process for employed, though same requirements. If regular employee ka, alam ko HR nyo magproprocess nun, kasi pwede mo makuha yung maternity benefit in advance via your employer. Sa kanila mo din ipa-submit yung Maternity Notification mo sis. I suggest talk to your HR about your maternity benefit in detail sis. :)

Alam ko sis pag-girl, possible pa din na boy, baka di lang kasi kita masyado si junior. Pero pag boy, maliit chance na maging girl pa yun. Swerte mo boy iyo sis! Gusto ko din sana boy, kaso girl si baby. Okay na din, basta normal and healthy ;D

Nung isang gabi, first time ko naman ma-feel mag-hiccups si baby girl ko! Akala ko sumisipa lang nung una pero naging rhythmic... nakakatuwa ;D
« Last Edit: March 15, 2015, 04:05:40 pm by tintin19 »

jm23

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #322 on: March 15, 2015, 02:44:53 pm »
mga sis, ask ko lang kung pwede ba hindi na everyday ang pag-take ng Anmum now? feeling ko kasi tumataba ako. pero nung first trimester ako, as in everyday talaga ang inom ko. ngayon na medyo ganado na ako sa pagkain mukhang nag-gain na ako ng weight talaga. ok lang kaya yun na alternate yung inom ko ng Anmum? nakalimutan ko kasing tanungin sa OB last week tapos yung next appointment ko sa kanya eh after 4 weeks pa.

tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #323 on: March 15, 2015, 03:15:13 pm »
^- it's okay to skip Anmum pa-minsan minsan sis. Nung 1st trim ko Anmum din ako 2 glasses a day. Tas later on nung napansin kong ang laki ng jinubis ko e ginawa ko 1 glass a day na lang, inamin ko kay OB at pumayag naman sya. Ngayong 2nd trimester pinalitan din nya Anmum ko to calcium carbonate na kasi sumobra ako sa target weight. :)

Instead of skipping days, I suggest araw-arawin mo pa din, bawasan mo lang daily intake to 1 glass or lesser spoons. :) Kasi though loaded sya with sugar, may calcium & other nutrients din naman yung Anmum na hindi natin basta basta makukuha sa food.
« Last Edit: March 15, 2015, 03:21:36 pm by tintin19 »

jm23

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #324 on: March 15, 2015, 05:04:33 pm »
^thanks sis! such a helpful insight. :)

anne01

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #325 on: March 15, 2015, 07:27:22 pm »
hi sissies!!! im sooooo guilty.... :-[ :-[ :-[ :-[

went to kid's craze sale kanina sa rgi corporate bldg... i was just checking for strollers and crib sana... kasi 6mos 0%int sa cc ko.. so baka meron para di sabay sabay ang bili... i remember yung sister when she bought her daughter's things... from clothes stollers crib etc... she spent more than 60K na almost 70K ata.. hehe.. so i opted to buy unti unti para di ako mabigla...

pero kanina... i bought everything for just 5000!! i have a fisher price newborn to toddler (40lbs) rocker na nag vi-vibrate and may music pa for just 2500!! orig price was 5499!! yung nilalagay sa crib (bright starts) na may music and nagro-rotate yung taas.. just for 1000!! then yung play gym (bright starts din) with music din orig price was 2199 bought it for 1200 nalang...  merong fisher price din kaya lang 2400 sya.. meron din 1000 lang kaya lang naunahan ako ehh... and some rattles and plush toys that you could add sa play gym just for 50 pesos!! and fisher price cloth book for 150!!! basta everything for just 5000!!! buti nalang i didnt buy those nung 3 days sale sa SM...  kasi around 25%-30% lang masa-save ko..

well i bought na pwede for girl and boy yung colors since di ko pa alam yung gender ni baby... but since we want to have 2 kids naman.. at least di na kami bibili ulit in case we'll have both a boy and a girl...

namahalan ako sa stroller na chicco from 28k almost 22k nalang ata... eh di mag maclaren nalang ako... 24k lang sa baby co...  baka mas mura sa baby expo on may 2.. dun nalang ako bibili ng stroller and crib and bath tub and some bottles...

about the baby clothes i want to go dun sa makati that sells overrun branded baby clothes.. since liliitan lang ni baby... like my niece.. my sister and i bought mostly pang 3-6 mos na... but she is just less that 2 months palang dami ng di kasya... sayang yung cath kidstone na onesies nya!!! hehe!! she looks like a 4mo old baby... pero syempre i need to check if ok yung cloth nya... ill buy sa mall lang yung mga pang porma lang ni baby... hehe..

is this how it really feels??? super nakaka excite... and nakaka overwhelm..  ::) ::) ::)


chrntngrn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #326 on: March 15, 2015, 08:09:43 pm »
@chaylyn, yes pwedeng ganun sa stress or posture. Basta if it's super uncomfortable, kausapin mo OB mo about it.

@tintin19, yes scary talaga yung SIDS. Nung umattend ako ng event ng Cordlife at Mommy Mundo, hindi advisable talaga mga loose bedding pag mag sleep, mas okay gumamit ng wearable blanket. And kung gagamit ng crib, bassinet, playpen, hanggat maari walang mga pillows, crib bumpers, even blanket.

@jm23, Anmum is nakakataba talaga. Kung masobrahan ka naman sa target weight, ipapatigil ng OB mo yun. Yung OB ko ayaw ako patigilin kase yung weight gain ko puro sa bata lang. Underweight ako bago nabuntis, hanggang ngayon underweight pa rin. Pero one glass a day lang ako uminom, kase bukod sa may mga vitamins yung Anmum na hindi makukuha sa food, e loaded din siya with sugar.

@anne01, haha! Pag first time mommy talaga hindi ata mapipigilan ang urge to shop. You don't have to feel guilty naman since stuff naman ni baby yun. I was like that with my niece, too! Grabe parang tinalo ko pa yung SIL ko kakahanap ng mga bargains, deals, and stuff online nun dahil mas ako yung excited. 

Originally, I want to buy NB clothes sa Happy Baby, pero siguro mga onesies na lang bibilhin ko dun. Ayaw ng nanay ko nung quality ng mga tie sides, socks and mittens kase dun. Lahat ng mga pamangkin ko sa pinsan survived on basic newborn clothes from Pasig market. So either there, St. Patrick or Beginnings Baby ako bibili. Kung pang alis ni baby, mas gusto ko quality ng Carter's, hintay pa mag sale online, tas ipa-Johnny Air ko na lang.

chaylyn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #327 on: March 16, 2015, 07:42:01 am »
@tintin19, ah baka nga iba yun sis ask ko nalang sa company ko yun. ang problem ko din kasi magENDO na kami this april di ko alam kung mag file pa ko sakanila ng maternity benefits o ako nalang mismo magfile sa SSS and Philhealth. Pang-ilang baby mo na ba yan sis? OK lang kung girl ako naman gusto ko yan yung h2b ko ang gusto ng boy. hehe basta normal and healthy ok sakin :)

@anne01, naku sis wag kang magguilty. haha pag first time moms talaga eh excited mamili. haha kaka excite naman kasi talaga db sis? Ako nga lang eh nagtitingin palang, naghahanap dito sa GT ng mga magagandang recommendations for baby stuff. hehe mabilis naman kasi lumiit ang damit ng mga bata.

@jm23, ako din di ko naiinom yung anmum ko araw araw (nakakalimutan ko kasi. hehe) 2nd trimester ko nadin kasi. Naggain din ako ng weight diyan sa anmum eh at magana kumain. Nagvivitamins ka naman db? Ask mo din kay OB kung ayos lang yun sakanya

@chrntgrn, thank you sis. gusto ko na din nga magleave kahit nasa 2nd tri palang ako. Sabi kasi ng OB ko malambot daw cervix ko at medyo ingat ingat daw ako.  :-[

itsnikimendoza

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #328 on: March 16, 2015, 10:54:20 am »
@jm23 sa case ko sis naganmum ako parang 2 weeks lang kasi nauumay talaga ako sa lasa. so sabi ni ob either anmum or folic lang ako.. nakakataba daw talaga anmum.. buti hindi ako naggain ng weight nun first trimester ko..

@anne01 hanggang kelan ang sale?? :) haha I can feel you minsan natetempt ako bumili na for the baby! kaso tiis tiis lang lalo kung di naman sale! :P tama sila wag ka maguilty kasi para naman yun sa baby.. :)

ang baba talaga ng eq ko, gusto ko na malaman gender ni baby eh 15 weeks palang ako. last night nagstart na kumati yung tummy part ko, grabe pigil na pigil ako sa pagkamot!:( binigyan ako ng bestfriend ko ng lotion iwas stretch marks pero ang kati talaga! haha.

chaylyn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #329 on: March 16, 2015, 11:33:24 am »
^ako kamot lang ng kamot haha pero may damit naman ako. eh alam mo naman sabi ng matatanda bawal daw yun. :) Ang kati kasi eh. hehe 20weeks ako nung nalaman sa first UTZ ko na boy. yung iba kasi pwede na makita eh.

arragalang

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #330 on: March 16, 2015, 12:01:20 pm »
Haaay nako! Mga mommies peede mag rant?! Nakaka loka ang previous company ko na hindi niremit ang sss contribution ko from July2014 -Oct2014, now I asked sss, I am denied to avail the mat benefit dahil lacking yung month na yun. What I can do daw is to pay this year 6 months to avail the mat benefit BUT it is the responsibility of the company to remit my contri dahil employed ako and I can file legal charges for that and sayang naman daw I should fight for it. Nakakaloka! When I checked others like Pag-ibig and Philhealth wala rin hulog, I asked co-workers na resigned na wala rin hulog! Sabi ko ano ba to scam yung office namin?!

So now, good thing we have family tax lawyer that will help me. I called the company and demanded for them to remit before April kasi July edd ko eh diba sabi nyo April nalang tayo pwede mag file? Sabi ko i will not hesitate to file legal charges and charge them of my may benefit if I will be denied just because the company did not remit my contri - o diba palaban to! Haha!  Nakaka stressss!!

Anyway, mga sis, pupunta ko Landmark sa Trinoma laters, mura in mga mga baby stuff dun? Mag dedestress ako at mag wiwindow shopping nalang.
« Last Edit: March 16, 2015, 12:33:47 pm by arragalang »

beibie17

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #331 on: March 16, 2015, 12:24:41 pm »
anne01 and itsnikimendoza
 got back from an out of town, about duphaston twice a day ako ng tatake nun, pero next check up ko is april2 pa. so ilang weeks pa ako iinom nun, hindi ko pa kase natatanong sa bago ko ob kung titigil ko na ba yun oh hindi. Pero I feel secured pag iniinom ko yun kase pampakapit daw siya meaning kakapit talaga hehe.. :-)

loranth

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #332 on: March 16, 2015, 01:15:43 pm »
update mga mommies.....

I am going to have a girl!  :) healthy baby girl based sa CAS...but nakadapa su baby so hoping partner ko n maging boy haha.... kaso wala talaga/lawit eh!!!!


25-26 weeks na ako...excited na mamili ng gamit...


kelan kayo namili ng gamit nung first time niyo? I am thinking sa 8th month na :)

input please..thank you and God bless mga mommies!!!

chaylyn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #333 on: March 16, 2015, 01:18:25 pm »
Share ko lang @beibie17 and to other mommies. :)
Meron akong kilala, nag advised yung OB nya na magtake everyday ng Duphaston and/or Duvadilan para nga sa pampakapit (madalas nagkakaproblem kasi talaga sya sa pagbubuntis or delikado talaga pagbubuntis nya kaya everyday siya nagte-take nun) ayun nahirapan naman sya ilabas yung baby.

chaylyn

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #334 on: March 16, 2015, 01:21:16 pm »
^^ naku sis, congrats  ;D

Okay lang naman daw sa 8th month na bumili ng mga gamit kasi sabi ng ibang matatanda (pamahiin) 'wag pa daw bibili kung wala pang 7 months sa loob mo si baby. hehe

loranth

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #335 on: March 16, 2015, 01:36:13 pm »
^^ naku sis, congrats  ;D

Okay lang naman daw sa 8th month na bumili ng mga gamit kasi sabi ng ibang matatanda (pamahiin) 'wag pa daw bibili kung wala pang 7 months sa loob mo si baby. hehe

hahahaha sa akin naman sa 8th month na para hindi pa muna masyado masikip yung mga gamit..anon-ano mga binili? sabi nila sa first few months wag muna masyado bumili clothesat yung mga mura lang kasi mabilis lumaki baby :)

beibie17

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #336 on: March 16, 2015, 01:55:30 pm »
loranth
nakakainggit naman alam mo na gender

chaylyn
waaah talaga nakakatakot naman un. Parang ayoko na magtake ng duphaston, actually wala naman prob saken binigyan lang ako nun kasabay nung vitamins, not sure kung titigil ko na kase lumipat ako ng ob sa april2 pa sched ko :-(

kakainggit kayo bibili na kayo ng mga damit para sa baby...

itsnikimendoza

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #337 on: March 16, 2015, 02:29:13 pm »
@loranth congrats sa healthy baby girl sis!:) sana ako din girl (and healthy syempre haha) mga daddies talaga gusto nia boy. :P

@chaylyn: ay talaga? dahil daw ba sa duphaston and duvadilan yun? I took both eh, as per ob. Kinabahan naman ako don :/

sabi nga ng matatanda dapat at least 7 months na bago mamili ng stuff for baby. and essentials lang daw talaga muna. eh ako pa naman mas naaliw ako magshop for clothes at kung ano anong kaartehan. haha. kung boy yung baby namin tipid. hehe

anne01

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #338 on: March 16, 2015, 02:54:34 pm »
yung sale meron pa sa friday-sunday same venue sa 9th flr rgi corporate center... sa may tomas morato...

@beibie17 naku sis it's better to text your ob about that... pero ako kasi 2 wks lang uminom 3x a day tapos nung nawala na sch ko.. stop na sis..

after the guilt... hehe.. i feel more excited na especially when we assembled it last night.. pati si hubby excited din.. he took pictures and videos pa... ;D ;D ;D kasi walang batteries dun ehhh so pag uwi tsaka namin tinary to check if it works para kung hindi mapalitan on friday...

@loranth congrats sis of having a healthy baby girl!!!

@itsnikimendoza my aunt told me the same thing lahat daw nag duvadilan na kilala nya.. it end up na na cs.. she was retired nurse ha...

@chaylyn wala pa ko na biniling clothes ni baby.. di ko pa kasi alam yung gender kasi pag girl.. i have a niece that will be 2 mos this 23.. so maraming clothes na di na kasya so.. ok diba.. pag boy naman.... yung mga gender neutral ang bibigay ng sis ko sakin.... toys palang na bibili ko... kasi sale...  ;D ;D ;D next na bili ko sa baby expo na on may 2 ata sa megamall... ill be 5 mos and 2 wks nun... sayang naman yung mase-save diba... pang vaccine din yun at pambili ng diaper hehe... wala pa rin sa 7 mos rule ng mga oldies... buti na lang di kami superstitious  ni hubby... we pray everyday to have a healthy baby naman and to have a safe pregnancy... that's more powerful... :D  :D :D :D




tintin19

  • Guest
Re: Babies due on 3rd Quarter of 2015 ( July-August-September)
« Reply #339 on: March 16, 2015, 03:01:18 pm »
@chrntngrn at dahil first-time mom ako ngayon ko rin lang talaga nalaman na bawal pala loose beddings, hehe. thanks sis!

@chaylyn Since separated from employer ka na, I think under same category ka na din ng voluntary/self-employed members at ikaw mag-aasikaso ng claim sa SSS. But before you leave your current company, make sure rin nag-remit na company mo between April2014 to March2015, baka matulad ka kay sis @arragalang hindi nag-remit company nya. Tapos hingi ka rin nung Certification of Separation, baka lang i-require sayo ng SSS yun. Verify this with SSS and your HR na din. :) First baby ko pala to :)

@itsnikimendoza lapit na yan sis! 18 weeks nga pwede na. one checkup away from knowing baby's gender... ako kamot galore lang haha ang kateee eh XD

@arragalang nakaka-stress drilon nga yang company mo sis. Sana mag-remit sila before April. Kung ayaw, no choice, habulin na lang yung Jan-March2015. Goodluck sis!

@loranth congrat sis! Same tayo bebe girl :D nakabukaka pa ang baby ko at wala talagang lawit.. hihi

Nakaka-tempt na mamili na gamit, kaso after 7months pa ako bibili.. sunod sa kasabihan ng matatanda, tas di ko pa nakukuha mga pamanang gamit ng relative & friend.. tas after na rin ng baby shower.. para iwas sa doble dobleng gamit hihi ;D

Inaalala ko lang baka by the time 7months na ako.. hindi ko na keri magiikot sa mall :D ngayon pa nga lang 23 weeks, lola mode na ako every weekend bahay lang lagi.. bahala na haha :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close