we're back too!

after 5D4N sa El Nido and Puerto Princesa, we're ready to be back at work.
Flight: maaga yung departure namin going to PPS kaso nung pabalik na saka lang na-delay. Mabuti na lang at hindi na rush hour.

Land trip: Nahilo akech going to El Nido. Nasa pinakalikod kasi ako nakaupo sa van kaya no choice ako kundi matulog. Mabilis yung driver and it took him around 5hrs drive lang to El Nido.
Telesfora: Malayo siya sa highway, around 100m. Madilim sa gabi. But, the
sunset is the best here for me. You can watch out
sunrise too kasi malamig pa rin sa umaga at gabi. Their food is ok although nadismaya lang kami nung nag-request kami for room cleaning. 2 day in a row kami nagrequest at nung hapon lang pagkarating namin saka lang nila ginawa ang paglilinis. Anyway, wala nga pala tv dito at sawali ang mga wall kaya pakinig ang usapan ng kapitbahay.

Lagi kaming naglalakad pag pupunta ng downtown from Telesfora.
Food: On our first day, we dined in Bacuit Grill. Grabe, 45mins kami pinaghintay ng order. Hindi naman puno pero matagal talaga. Nagluluto sila on the spot so serving ng per plate every 5-10mins. Sabi nga ni bro, nakipaglaban siya sa pork curry at kahit ako sa pork bbq nila. The place is too dark for me. On the second day, sa Telesfora kami kumain. Marami yung servings nila and nag-enjoy ako sa chicken teriyaki. On the third night, we went to Squido near Seaslug, puno kasi sa Seaslug so sa Squido kami. Masarap yung pork sinigang nila kaso nakipaglaban ulit si bro sa beef curry. Oh, for the coffee lover out there, I'm looking for this 6inch tall
mug. Dun lang ako nakakita ng ganyan. Hehe...

The best resto for me is near Telesfora, ang Greenviews Bar and Resto. Sulit ang
hamburger, adobo at chicken curry nila. The place is overlooking Corong-corong beach so masarap kumain.

Napalayo pa kami eh may masarap pala sa malapit

Tour: For me the best is Tour C nga!
Buwis buhay nga ang pag-akyat sa mga rocks. Then pasaway pa si
younger bro kasi nabitawan nya yung gopro nya in between rocks nung pababa na.

mabuti na lang at may isang tour guide na payat at siya kumuha. mga 1m din ang lalim nun. Ang kulit namin sa small lagoon dahil sa hindi marurunong magkayak. Sa huli, nagpahila na lang kami sa tour guide. Meanwhile, we have a chance to go inside the secret lagoon. On our last day in
El Nido, we hired a tryke going to Nacpan. Maaga pa kaya solo namin ang seashore. Masarap magbeach bumming maghapon. This time, naiwala naman ni younger bro ang remote ng gopro. haha...buti na lang nakita uli.
Twin beach is so amazing. Sad nga lang kasi sinunog yung mga halaman going sa pinakamataas na view

wala tuloy makapitan pag aakyat pa. Btw, ang kulit ng tour guide namin Nacpan, may 2 aso na nangunguna sa amin. Like sa Telesfora, marami rin kaming naging
dog friends.
Puerto Princesa: mahilig sa lakaran itong mga kasama ko so mula sa RCBC crossing sa bayan hanggang GoHotel, nilakad namin. Napasarap kasi yung kain namin sa Kinabuch kaya walking mode ang peg. Then nagbigay pa ng cake si ate La Tiara kaya lalong nabusog. hehe...Masarap po yung cake Ate Cha!

Our main priority sa PPS is to visit UGR for the 2nd time. This time, natuloy na rin at last. It is nice weather so enjoy sa
underground boating.
Pasalubong: hehe...cashews lang nabili kong pasalubong at saka
customized t-shirt.
Ooppss, mahaba na pala. Next time, we'll try Tour B and D then plan to visit Coron too. sana...
