watch now

Author Topic: Oral Glutathione Thread 22  (Read 152885 times)

Claudie

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #100 on: December 20, 2014, 03:42:57 pm »
Hi, its been a while. May bago na palang thread, akala ko nananahimik lang ang thread na to kasi christmas. Anyway, I'm still loyal with NuWhite, though gusto ko muna sya e stop kasi madami gastusin ngayon  :(. Gusto kong balikan si Ishigaki, kahit for maintenance lang, mas mura din kasi. Pero nagdadalawang isip ako, baka hindi ko mamaintain ang effect kasi mas mababa dosage ng ishi compare sa nuwhite  :-\. Any suggestion? TIA
« Last Edit: December 20, 2014, 03:45:17 pm by Claudie »

yijiheon

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #101 on: December 20, 2014, 07:59:56 pm »
sis buchakikay, matagal na ako sa oral. pero di consistent. first try ko many many years ago nung nagsisimula pa lang ang oral. silk and dove pa first oral ko. tapos paiba iba na from thereon. tapos siguro nagstop ako for 3 yrs. kakabalik ko lang sa consistent oral this year. siguro mga 7 or 8 months na walang palya.

sis chuy, hala. magoorder pa naman sana ko ng 3rd box ko ng snowcaps. wala na effect? nagpaplateau yata talaga ang gluta no? kahit sa ivg parang ganon e. torn tuloy ako kung itutuloy ko pa pagbili or magexclusive muna ako either ph338 or tat307.

sis claudie ok ba talaga yang nuwhite? grabe kasi namamahalan talaga ko dyan. para ba syang mga oral ng luxxe at royale?

so_bloo

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #102 on: December 21, 2014, 12:52:57 pm »
I'm my 3rd box of snow caps too and sadly wala ng effect sakin. I will stop na after ko maubos. I'll try tat307 or ph

ankyneMD

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #103 on: December 21, 2014, 01:15:27 pm »
1800 ang offer ng nuwhite sa akin. Tama lang ba yon sis?

chuy

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #104 on: December 21, 2014, 02:32:01 pm »
@yijiheon, yup sis parang wala na effect. May effect na sayo Snowcaps? Dapat ba after 2 months nagpapalit ng gluta o continue lang sa kung san ka hiyang? Baka soap lang pala nagpaputi sakin at hindi Snowcaps. Ngayon maintain lang skin tone ko. Di naman ako umiitim pero di pa ako ganun kaputi at hindi na ako pumuputi lalo. :P


cartman

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #105 on: December 22, 2014, 12:37:32 am »
hi mga sis any feedback sa Landelution Pure Glutathione?same ba yan ng ph338?thanks

shyreen

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #106 on: December 22, 2014, 07:22:51 am »
sis may alam pa ba kayong ibang pwede pagbilhan ng snowcaps? Dito ako sa US at laging out of stock sa site nila :(

yellowvessel

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #107 on: December 22, 2014, 11:06:21 pm »
Im on 20th day of taking watsons gluthatione and milk thistle + alpha lipoic acid, hindi ako pumuti. As in wala lang. Pero pansin ko parang lumiit [textspeak!] lump ko sa right breast, pero ipapacheck up ko pa din.

yijiheon

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #108 on: December 23, 2014, 01:20:42 am »
sis chuy parang blooming lang ako sa snowcaps. whitening wala. basta maaliwalas tingnan yung face ko parang bright ganon. siguro kasi i am on ivg din. pero minsan parang haggard ako tingnan. madami pa din akong ugly days na mukha kong over stressed hehe di na kinaya ng gluta

Claudie

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #109 on: December 23, 2014, 09:36:14 am »
@yijiheon 1880 ang nuwhite, sa page ka mismo nila mag inquire, yung friend ko ngang doctor 3k benta sa akin dati, di na ako kumuha sa kanya.

@ankyneMD mura na nga yang 1800. hehe

chuy

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #110 on: December 28, 2014, 08:50:38 pm »
@yijiheon, ugly days talaga sis hehe. Pang-ilan box mo na ng Snowcaps?

Paubos na Snowcaps ko wala pa ako ipapalit. Wala pa naman siguro fake na Thiocell. Baka online na lang ako bili pag wala mahanap na nagbebentang derma na mura. Or balik Gluta-White. :P

Wana

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #111 on: December 29, 2014, 09:13:59 am »
Still taking Snowcaps. EOD ko na lang siya inumin kasi minsan nakakalimutan ko. Wala ako mapansing effect siguro kasi hindi ko siya everyday iniinom, pero I met a friend last week (halos 1 year na kaming di nagkikita), then pumuti daw ako ano daw ginagawa ko lol. I don't think dahil sa Snow caps yun, sa dami na ng na-try ko sa loob ng 1 year na yun.

Paubos na Snowcaps ko pero I am planning to buy ulit kasi wala naman ako nakikitang bad effect. Yung MET ko ubos na feeling ko gumanda ako dun pero hindi na ako uulit sa mahal. Imbis na ibili ko ulit ng MET,  (kasi cinombo ko na siya dati sa Snow caps), balik na lang ulit ako sa IV then sabayan ko ng SC.

Darkvalor23

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #112 on: December 30, 2014, 09:45:36 am »
Ok lang ba magslimming tea while taking oral gluta? I drink sa morning then after 30 mins, inom ng gluta. Then sa evening ganun din. Ok lang kaya yun?

roxykarlo

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #113 on: December 31, 2014, 08:44:44 am »
Anyone here has taken Landelution?(?) on sale siya ngayon sa Cheska store in IG. In thinking of taking this after PH.

buchakikay

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #114 on: December 31, 2014, 07:07:24 pm »
sis buchakikay, matagal na ako sa oral. pero di consistent. first try ko many many years ago nung nagsisimula pa lang ang oral. silk and dove pa first oral ko. tapos paiba iba na from thereon. tapos siguro nagstop ako for 3 yrs. kakabalik ko lang sa consistent oral this year. siguro mga 7 or 8 months na walang palya.

Tagal mo na pala naggluta sis yijiheon. hehe Sobrang puti mo na siguro...  :)

chemistride16

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #115 on: January 01, 2015, 09:37:48 am »
Happy new year , sino po taga imus or dasmariƱas cavite dito na nagamit ng IG? gusto ko makipag meet talaga never pa ako nag try ng IG or any type of capsule, kasi gusto ko may mag guide sa akin. Mga sis do reply . thanks and happy new year .

px17

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #116 on: January 01, 2015, 10:46:11 pm »
@yellowvessel 20 days palang sis. Wala pa talagang effect yan sa whitening. Wait ka ng mga 3 to 6 months to see kung may effect nga.

zipporahkate04

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #117 on: January 02, 2015, 09:39:13 pm »
On my third bottle of luxxe white. Nakakakinis siya as in. Di na ko pinipimples nung nagtake ako nito and nag clear yung skin ko. Saka maganda ang gising at pakiramdam ko pag luxxe gluta ko. Sa nuwhite minsan parang sumasakit ulo ko. sa whitening di ko alam kung wala na ba ako ipuputi talaga? Maputi na ako. Gusto ko kasi yung puti na ala jessy mendiola o kitkat ba.. hehe sa IV gluta lang ba maaachieve yung ganon?

yijiheon

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #118 on: January 02, 2015, 09:43:09 pm »
sis chuy 2boxes ako snowcaps. naubos na. di na ko bumili ulit. ubusin ko muna yung 2mos supply ko ng ph338 saka 1month supply ng tat307. or if ever mapabili ako baka icombo ko ulit. iniisip ko pa kasi titipid pa ko hehe

sis buchakikay, morena ko sis. di ako maputi. nc42 ako. i have been on ivg as well for 6months na. nc42 starting shade ko and til now nc42 pa din ako. pero [textspeak!] nung bago ko magstart ng oral gluta at topical whitening nung college ako nasa nc50+ [textspeak!] ko. in almost 2 decades since i started sa mga whitening soaps and lotions plus yung on and off ko na oral gluta, ayan nc42 ako.

ako ang living proof na may mga balat talagang di putiin kahit sandamakmak na gluta ang ipasok ko sa katawan ko. di tulad ng iba kaya nila maging mestiza kapag gumamit ng gluta

chuy

  • Guest
Re: Oral Glutathione Thread 22
« Reply #119 on: January 03, 2015, 06:41:39 pm »
^ balitaan mo kami sis yijiheon. Baka may mahanap ka pa iba na effective. Nag-lighten din naman pala ang iyong skin, hindi lang ganun kabilis dahil morena ka to start with ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close