watch now

Author Topic: Hong Kong Guide (Thread 38)  (Read 65417 times)

pampam

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #340 on: February 19, 2015, 08:29:03 am »
Hi. Can you avail disneyland or other tickets from GC even you are not staying with them?  Also will you get the actual ticket or voucher? Thank you :)

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #341 on: February 19, 2015, 11:03:46 am »
^yes sis you can, much better ang price nila online reservation much cheaper :)

Heatherette

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #342 on: February 19, 2015, 01:04:26 pm »
Thanks sis rocky and longing. We'll move it on Monday nalang.

Bad trip, uulan sa trip namin lol The only good thing nung umulan last I went there, wala masyado pila sa mga rides sa DL pero this time kasi may mga kasama kaming kids so kawawa sila pag umulan.

pampam

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #343 on: February 19, 2015, 06:30:16 pm »
@sofiemae sis let say si Ako naka pag online reservation , pwede ba Ako pumunta na Lang dun and purchase the tickets? Thank again 😊

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #344 on: February 19, 2015, 09:39:52 pm »
^sis if you read the thread yes :) kaso yung ibang sis natin they prefer online reservation para sure na meron pag dating at mas cheaper nga... Actually now lang din ako kukuha sa gc via online before kasi may nag offer sa amin ng DL tickets...

mga sis help!!! hindi naman tinitignan yung passport ng kids sa DL or OP kapag kids age 11?  Sayang naman kung adult ticket buy ko kaka 12 palang naman niya hahaha.... Il take the risk nalang sayang din kasi... Pero paki share kung may na experience na kinuha passport o na questions ang anak sa age :) TIA

crzysxycl

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #345 on: February 19, 2015, 10:53:43 pm »
hello sisses. ask ko lang sa mga nakapag stay na sa GC, safe po ba mag iwan ng laptop sa room? sadly, my boss wants me to bring my office laptop during our travel. :( ayaw ko naman syempre bitbitin pa sa mga pupuntahan namin yung laptop. kaya nga nag bakasyon eh, para makapahinga.. yun pala padadala pa rin sa akin trabaho ko, huhu. :(

luvko23

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #346 on: February 20, 2015, 01:11:28 am »
sis sofimae, no they won't look at the passport. Last October nalusot ko rin daughter ko free entrance sa disney. Mag 4 yrs old pa lang siya last dec. I also took the risk. Willing naman ako magbayad pag sinita. :)

sis crzysxycl iniwan ko laptop in our room sa GC. Nilinis ng pinay caretaker yung room namin when we were out. Pagbalik namin wala naman nawala.

ellyrem

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #347 on: February 20, 2015, 07:09:21 am »
^^ mukhang hindi naman mawawala yun laptop mo but i suggest put it inside your bag na may lock just to be sure. :)

^^^ for the ticket i think sis hindi na nila check yung passport kasi kami dati maluwag naman. basta kinuha ticket ayun pinapasok na agad.. :)

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #348 on: February 20, 2015, 10:21:16 am »
thanks soooo much luvko23 and ellyrem medyo worry free na ang peg ko :)

Pa help ulit! sa OP ano-ano mga hindi namin dapat i miss na rides o must see na mag eenjoy ang kids?  nagdadalawang isip ako mag OP kaso si hubby gusto mag OP dahil last year hindi namin napuntahan at extreme rider siya... parang pagod masyado ang IT ko magkasunod ang DL at OP... magkaiba kasi flight namin nila hubby kung early lang sana sila pwede na kami mag DL or OP agad pero maipapasyal ko na agad parents ko, 1st flight naman kami :)

Mar 12 - roam around TST, Mongkok (hanap kung saan pa pwede)
Mar 13 - DL
Mar 14 - OP
Mar 15 - Halfday (isip pa kung saan, bago pumunta ng Macau)
Mar 15-17 Macau

Heatherette

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #349 on: February 20, 2015, 07:44:37 pm »
Currently here in HK. Ok yung apartment that we got from AirBNB, sobrang lapit sa Yau Ma Tei MTR like less than a minute walk tapos daming mabibilhan sa labas. It's along Nathan Road.

Weather: malamig pero di kelangan mag-layer. I am only wearing a hoodie at pinagpapawisan pa ko sa lagay na yan. May time na mainit meron din time na malamig. Ine-expect namin na malamig ngayong gabi pero hindi naman din.

Tomorrow OP na kami. Yung tickets na nabili namin sa CTS for DL sinabi sa amin either bukas yung date na ipupunta namin or yung ilang months na validity pero di pwede gamitin tomorrow and Sunday. Tinanong namin bakit ganun, kasi daw sobrang dami ng tao.

Here are the ticket prices from CTS (airport):

Ocean Park
Adult - 272
Child - 136

Disneyland 1 Day Pass
Adult - 450
Child - 320

ellyrem

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #350 on: February 20, 2015, 09:12:32 pm »
^^ ganyan kami dati sis magkasunod yung DL and OP.. ok naman kaya lang late na kami nakapunta ng OP almost lunch na the next day kasi super pagod from DL.. late na kami dumating then late na din nakatulog kasi ng kwentuhan pa and nag upload ng pics from DL. Hehe ayun! Mga late na nagising tapos yun pa yung may protesters and may detour papunta OP! But ok naman nakaikot din kami sa OP pero yun nga lang dami din tao. Haba ng pila sa cable car.

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #351 on: February 20, 2015, 09:28:56 pm »
^^mas mura tickets ng OP diyan kesa sa GC... sis balitaan mo ako sa OP :) thanks sa updates... keep posting pag may time and enjoy!!!

^naku baka ganyan din mangyari sa amin hehe...  Ano mga nasakyan ninyo at nag enjoy kayo? Thank you sis 😄

crzysxycl

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #352 on: February 20, 2015, 09:35:25 pm »
Thanks, luvko23 and ellyrem. Hassle lang talaga pag may dalang work.

ellyrem

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #353 on: February 21, 2015, 11:49:28 am »
^naku baka ganyan din mangyari sa amin hehe...  Ano mga nasakyan ninyo at nag enjoy kayo? Thank you sis 😄

sight seeing lang kami sa panda (which i loved btw! hehe), dun sa grand aquarium ganon.. kasi since kasama daughter ko, masyado pa syang maliit for the rides even bumpcar hindi sya pwede unless dun kayo sa likod ng panda area may small park ata dun na pang bata. di na kami pumunta dun kasi nga tanghali na kami at gusto na namin sumakay sa cable car kasi mahaba ang pila sobra. then nag enjoy ako sobra sa hair raiser! haha pwede ako umulit dun! :) di na kami nakasakay sa iba since madaming tao sobra.. sobra din tagal ka nakapila para sa rides.. so inikot ko nalang yung daughter ko para di sya masyadong ma-sad kasi di sya makasakay tapos yung mga pinsan ko naka pila sa rides. :) for me di ko masyadong irrecommend sa may dalang bata like 9yrs old below to go there kasi pang adult na dun eh tapos mahihirapan pa pag pila pababa at paakyat ng mga summit. pero pag balik ko ng HK balikan ko yan para masakyan rides nila. for extreme riders talaga dun mas maeenjoy yun ng mga ganon. :)

Thanks, luvko23 and ellyrem. Hassle lang talaga pag may dalang work.

no problem sis.. :) naku oo nga hassle talaga yan.. parang di ka din pag babakasyunin nyang work mo.. hehe pero keri lang yan sis enjoy mo nalang! :)

Heatherette

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #354 on: February 21, 2015, 05:36:38 pm »
2nd day - Ocean Park

We arrived around 9:30am sa park. Inikot na namin yung sa baba except for Grand Aquarium. Nag-lunch then nag-cable car na kami na sobrang haba ng pila. Dun sa itaas konti lang napasok namin dahil ibang level yung dami ng tao tapos uso pa rin ang tulakan, singitan at banggaan. Nag-punta kami sa Polar Express. Walang nag-rides sa amin kasi may kasama kaming 3 kids. Tapos sa sobrang dami na ng tao bumaba na kami thru Ocean Express. Ayun, dumami din tao sa ibaba. Nag-Grand Aquarium kami, ayos lang lol

Para sa akin, this is my 2nd time sa OP, hindi ko na siya babalikan ulit. Di naman ako ma-extreme rides. Yung panda lang siguro ipupunta ko but other than that, pass nalang.

Weather: Tama lang ang lamig tapos ayun uminit na then umulan saglit tapos uminit ulit then tama nanaman yung lamig hanggang ngayon.

valerie28

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #355 on: February 21, 2015, 10:12:34 pm »
elo mga sis! may nakapagstay na ba sa inyo sa deluxe couple room sa GC? deluxe couple room lang kase ang may queen bed. me, hubby and our 4yo son lang ang magstay sa room. un queen bed ba nila same size ng queen bed natin dito? TIA

leihin

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #356 on: February 21, 2015, 11:47:56 pm »
sa mga sis who recently went to HK, hows the exchange rate there? mas ok ba na dito na sa pinas magpapalit ng HKD or doon? how about australian dollars? mas ok kaya dun ang palit? thanks!

Was in HK Feb 3-6. Nagdala ako both USD and PHP and I got better rates with USD (Not sure with AUD). Sa PHP, the exchange rate in Czarina a couple of days before my trip was 1 HKD=5.95 PHP while the exchange rates in Mirador Mansion ranged from 5.70 to 5.90 so I'd say you'll get a better deal if you exchange at Mirador Mansion (Western Union has the best rates there). Better magpaexchange ng currency into HKD here, yung just enough until you have the time to exchange currencies in HK. Or okay din daw rates ng BPI if you just withdraw from the ATM - damihan mo na lang yung withdraw para sulit sa transaction fee. :)
« Last Edit: February 22, 2015, 11:34:12 pm by leihin »

Heatherette

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #357 on: February 22, 2015, 02:26:53 pm »
3rd day

We went to Citygate today. Rest day lang namin so ikot ikot nalang. Wala masyado ok na sale dun. Dami pa ring tao. Sana tomorrow sa DL hindi masyado.

Weather: Around 20c lang. Carry na mag-tshirt nga lang haha or cardigan. Gusto ko na nga mag-lounge pants kaso baka tingnan ako ng masama ng mga tao na puro naka-bubble jacket at coat pa rin haha

deathwatchspider

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #358 on: February 22, 2015, 08:38:50 pm »
^ thanks sis leihin. will do just that  :D. thanks also sis heatherette for the weather update. will be in HK first week of march. sana di na msyado malamig. hehe

Heatherette

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #359 on: February 22, 2015, 08:41:15 pm »
^I don't think malamig na by that time. Etong gabi pala maulan.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close