watch now

Author Topic: Hong Kong Guide (Thread 38)  (Read 65266 times)

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #300 on: February 10, 2015, 01:28:59 pm »
^lapit na alis natin :) san ka naka pag book ng hotel ninyo? may mga tickets kana ba sis? lurking ka na ulit dito heheh

mommynin8

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #301 on: February 10, 2015, 05:47:14 pm »
Sis rocky, nung pumunta kami last Jan 31, nakalagay sa brochure closed yung philarmagic till Jan 30.  So nung pagpunta namin sa DL, bukas na sya.  Yung ang inuna namin kasi favorire the anak ko.

ellyrem

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #302 on: February 11, 2015, 04:54:21 am »
korak! tsaka mababagal mga kasama ko hindi pwedeng mabilisan heheh...

ano bang magandang ipalit sa lion king show? thanks

sis try philharmagic! :) super enjoy kami dyan! hahaha di ko napanood yang lion king.. :( maybe next time.. hehe

 
malayo ba if sa tsim sha tsui kami galing? TIA

tama si sis luvko23 sundan mo lang yung binigay nya na directions. basta pasok ka lang sa mall pag labas mo sa kabilang entrance/exit yun na! :) maliit lang naman yun pero maganda.. hehe TIP nga pala.. akyat ka ng 2nd floor para makita mo yung snoopy world na birds eye view.. cute! para silang malaking laruan! ;)

kittycat228

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #303 on: February 11, 2015, 06:55:18 am »
Thanks mga sis! Will try going to shatin instead of DL and giant buddha

annelindog

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #304 on: February 11, 2015, 07:03:20 am »
Been to HK August last year, extreme heat! Pero i really enjoyed DL and I am so coming back this year. Pero mga sis, san ba maganda mag stay sa TST na affordable? Bf and I stayed in Chungking Mansion, kala ko nasa Resident Evil ako while taking the stairs up. SCARY  :P
« Last Edit: February 11, 2015, 07:14:17 am by annelindog »

rocky

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #305 on: February 11, 2015, 09:02:40 am »
^golden crown sis, ilang hakbang lang yon from chungking. nasa pagitan ng standard chartered & citibank ;)

sis mommynin8, di ko makita sched ng philharmagic sa website ng DL. fave ko rin yon eh :)

ellyrem

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #306 on: February 11, 2015, 09:43:48 am »
^ kami dati nung 1st day medyo nalito sa pag hahanap ng GC kasi ang palatandaan ko na ginawa is chungking mansion.. yun pala that day na pag punta namin may construction sa pagitan nila.. kinalabasan lumagpas kami ng 2 blocks.. hahaha ;D sakto dami din ginagawa nung last Nov dun.. sana tapos na sila now..  ;) mga second day ko na narealized na tapat lang pala talaga.. slow lang.. hehe

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #307 on: February 11, 2015, 09:52:11 am »
^sayang naman sis hindi mo napanood yung lion king IMO ng mapanood ko nga yun, feeling ko yung ibinayad ko sa DL tix sulit na sa sobrang ganda heheh...

^^ sis rocky open na nga ang  philharmagic... 
https://www.hongkongdisneyland.com/attractions/mickeys-philharmagic
https://www.hongkongdisneyland.com/search/?searchQuery=Mickey%

hindi ko yan watch before may nabasa kasi akong review boring daw :( kaya skip ko, ask ko lang sis para ba siyang shrek sa USSg? thanks

Heatherette

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #308 on: February 11, 2015, 10:10:03 am »
^Para siyang ganun pero sa Philharmagic may kasamang amoy nung pie hehe

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #309 on: February 11, 2015, 10:16:23 am »
^ah thanks u sis mag eenjoy narin kids ko kasi kay shrek nag enjoy naman si bunso hehe

ellyrem

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #310 on: February 11, 2015, 11:32:13 am »
^ yes sis di ko napanood yung lion king. Dami din nakapila tapos sabi ng pinsan ko hindi masyado maganda. Spoiler lang! Haha Try namin next time pag balik promise! :)

Try mo din philharmagic sis enjoy.. nakakatuwa my daughter super aliw gusto pa umulit! 😁

esor

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #311 on: February 11, 2015, 12:43:55 pm »
^^ agree ako na sulit nga yung bayad sa DL because of Festival the Lion King, hindi ako naka watch nung unang punta namin nung 2011. Ang gagaling nila!
Kaya kahit under renovation dun sa DL natuwa naman ako kasi at least nasulit yung tix  ;D

seven82

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #312 on: February 11, 2015, 02:47:25 pm »
just got back last night  :) ang sarap ng weather.

for Lego enthusiast, you may visit In's Point (Yau Ma Tei). dito namin nabili yung Disney Frozen na Lego (out of stock sa lahat ng toy store) and mga hard to find and old models. plus may mga stores na nagbebenta per pc. you can buy parts, head, hair, body, accessories, utensils etc.. sobrang enjoy kami dito. meron din stores that sell anime stuff. but punta kayo after 3pm as lunch break nila 1 pm tapos 3 pm na sila nagbubukas ulit. wag muna kayo bibili kapag may nagustuhan as prices vary. merong mas mura and pwede tumawad sa ibang shops kapag madami dami naman bibilhin mo.

what we experienced in Apple store, hindi na basta basta makakabili ng Iphone 6 and 6 Plus. you need to reserve online and dapat may valid id and local sim card. hindi na pwede ang walk in para sa 2 units na un.  and max purchase e 2 units per person lang. may time slot silang ibibigay syo and you need to be there ng time na un. may mga nakita kaming nareject because hindi tinanggap yung id.

Festival Mall in Kowloon Tong is ok din. malaking mall and halos lahat ng brand nandoon na hehe  :)

may nakapansin ba sa inyo doon sa labas ng Chungking Mansion, may isang part kung saan malapit yung pedestrian. amoy rugby (yung madaming bumbay sa labas). twice kami nadaan doon ganon yung amoy.

to add:
ang dami namin nakasabay na amoy hindi naligo sa MTR, malamig kasi siguro pero naman be considerate sa ibang tao and amoy amoy muna bago lumabas ng bahay.. meron pa akong nakatabi na todo porma tapos nakita ko yung ulo niya puro dandruff  :( buti nalang hindi papunta sa amin yung wind direction wahh..
« Last Edit: February 11, 2015, 02:56:40 pm by seven82 »

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #313 on: February 11, 2015, 03:04:18 pm »
sis idea how much nag range ang lego? parang tayong pinoy lang ang sanay maligo even cold weather heheh :)

seven82

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #314 on: February 11, 2015, 03:16:55 pm »
yung Disney Frozen nabili namin 480HKD. meron doon 550HKD and 499HKD ang benta. as for the parts iba iba. pinakamababa 3HKD, tapos 5, 8, 10 sa ganon naglalaro yung prices. meron nabili husband ko na ang tagal na niyang hinahanap nasa 180HKD pero wala ng box yun. basta ikot muna kayo sa dalawang floors and tandaan niyo lang saan niyo nakita yung nagustuhan ninyo kasi minsan mas mura ng 20HKD-50HKD sa ibang store. nakaka aliw yung mga tao tao lang. merong Ghost Busters, Indian Chief, rock stars, pati mga Spongebob characters, Marvel, etc..

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #315 on: February 11, 2015, 03:32:05 pm »
puro ba yan sis lego toys lang :) fave kasi ni bunso ang lego... baka on our first day mag visit na kami early flight kaming dalawa with my parents... ang In's point sis mismong name ng building? thanks much!

seven82

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #316 on: February 11, 2015, 03:55:41 pm »
karamihan ng stores lego. meron ilan like Bruce Lee na store, meron anime. pero mas marami yung lego. yes sis In's Point yung name ng building. Yau Ma Tei station exit A2.

meron pa isa sa Causeway Bay - AA Place. 9th floor Lee Theatre Plaza. same building ng Cotton On, Muji etc..
pero mas mahal dito but mas roomy and yung parts halos lahat ng kulay meron siya na naka mini drawer type  ;D meron siyang Mini Figure Museum. ang entrance e 50HKD pero naka promo siya nung pumunta kami at 10HKD. kung ano yung nandoon sa museum pwede mong bilhin. mahal lang nga, kasi yung Indian na lego sa AA Place 320HKD sa In's Point e 79HKD lang hehe
« Last Edit: February 11, 2015, 04:01:31 pm by seven82 »

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #317 on: February 11, 2015, 04:29:58 pm »
thanks for the info. last question sis :) pwede bang mag ask ng price sa tindera hindi ba nagmamasungit hehe or nanghahawak ng kamay o may signage naman ang mga paninda? kasi may phobia na ako sa mongkok :)

mommykay

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #318 on: February 11, 2015, 04:34:20 pm »
Hi! I'm new here. Just got back from our Hong Kong - Macau trip last Feb. 6, 2015. Ang lamig! Umabot ng 12 degrees Celsius ang temperature both in Hong Kong and Macau. We stayed at Golden Crown Guesthouse, TST. Very convenient ang location, one minute walk lang from TST MTR Station Exit A2. Madali rin marating from the airport. Two minutes away lang on foot yung 13th bus stop(Cameron Road) ng A21 sa Golden Crown. Madaling kausap yung receptionists, Kenny and Eric. Magaling mag English at helpful. Araw-araw nililinis yung room namin at ang laki ng bathroom.

We tried Tim Ho Wan Sham Shui Po before going to Disneyland. Mura siya ah. HKD10 to HKD26 lang ang range ng prices nila. Maaga kami dumating don, 8:30 am ng Wednesday kaya nakaupo kami agad. Enjoy na enjoy yung 3-year-old daughter ko sa Disneyland. Pagdating namin, pumunta agad kami sa Sleeping Beauty castle to get Frozen Reservation Passes. Inuna namin to kasi limited lang ang stocks. 2:30-2:45pm nag Meet and Greet sina Elsa at Anna. Frozen fan ang daughter ko pero mas highlight pa rin sa kanya nung niyakap siya ni Minnie Mouse.

Day tour lang kami sa Macau. We checked out the UNESCO World Heritage sites there. Then, nag Gondola ride kami sa Venetian. Kinantahan kami nung bangkero from Italy.

Sa last day namin, we just walked along Nathan Road papuntang Avenue of Stars. Sarap ng squid don.


coffeeholic

  • Guest
Re: Hong Kong Guide (Thread 38)
« Reply #319 on: February 11, 2015, 04:55:04 pm »
punta na kami hk bukas. di ko pa alam if mag macau kami. iniisip ko kasi baka bitin since 4 days lang kami dun. and balak ko mag whole day tour sa disneyland.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close