TRAVEL ETIQUETTE SA MGA NAGBABALAK MAG TURISTA SA SINGAPORE:
** (first timers, read and understand well) **
Tumawid po sa tamang tawiran - may mga designated pedestrian crossing at walkways islandwide. Pag ikaw nasagasaan sa hindi naman dapat tawiran, ikaw pa ang ppwede idemanda ng mga tao dun. Wag din basta tatawid hangga't hindi green ang pedestrian crossing lights, applicable to kahit pa walang sasakyang dumadaan or dis oras ng gabi sa lansangan.
Wag basta mag picture taking kung saan-saan - especially inside malls and mrt stations. This is for security reasons.
No littering ANYWHERE - self-explanatory
Sa kanan ang tingin - kasi sa kanan dumadating ang mga sasakyan kaya ganun.
Learn to look at the signs first before asking - walang masama magtanong ng direksyon sa mga locals pero kasi minsan baka matabla ka pag bigla ka nagtanong kung obvious namang merong mga signages na nagkalat sa tabi tabi. Madami yan sa mga mrt stations o kahit sa lansangan lang.
Hindi uso ang "testing" - nasanay kasi tayong mga pinoy na magpapa-testing muna pero di naman pala bibilhin. Although may mga sellers na ok naman sa ganito sa SG pero bihira lang. Hindi widely practiced ang magpa-test ng units at ayaw ng mga sellers yung tanong ng tanong tapos di naman pala bibili. Meron namang mga display sets na pwede mo paglaruan to help you decide just in case.
Keep your voice down - masyadong maiirita mga locals sa ganitong pag uugali. May mga pinoy din kasi na ang lakas ng boses sa telepono habang nakasakay sa MRT para lang sabihing nag remit sila ng 10K petot. Kaya paki hinaan lang po ang boses.
Smoking prohibited areas - only light one up on designated smoking areas. Sa mga bus stops, you have to be about 7 or 10 meters away yata from the actual bus stop bago ka magsindi, sa mga malls meron ding designated smoking areas pero bihira lang - usually dapat 15 meters away from any entrance of any establishments, walkways at residential areas bawal din, hawker centers have their own separate smoking areas. Basically, wag ka basta magsisindi kung saan-saan so kung smoker ka sigurado madidiyeta ka sa yosi dun lalo pa na mahal ang isang kaha dun.
Escalators - kung hindi ka nagmamadali, always align to the left kasi yung right portion is to give way dun sa mga nagmamadali.
Priority seats - commonly seen in MRT's, eto yung mga upuan na malapit sa pinto. May sign naman na naka-install and its posted right by the chair para makita mo. Para to sa mga elders, sa may mga bitbit na bata at mga buntis. So kung ayaw mong masita or worse, makuhanan ng picture at mapahiya online wag ka uupo ng basta dun.
Hindi uso ang baggage inspection dun - don't worry, walang mga guards on malls or mrt entrances na may hawak ng drumstick na titingin ng bitbit mong bag or kakapa ng bilbil mo.
Alighting - pag nag taxi ka at gusto mo mag-para, the word for that is "please alight here." Sa mga bus, may mga pindutan dun pag gusto mo pumara on the next bus stop - sorry pero hindi po nagbababa ang mga taxi or bus kung saan-saan lang. Additionally, pag available ang isang taxi naka-green ang signage nila sa taas so alam mo na kung alin ang paparahin mo, pag naka red then it means din na may sakay sila.
Bring exact fare - common sense na to pero syempre wag yung masyadong malaking bill ang ibibigay mo. Always have atleast some 10's in your wallet for the fare. May panukli naman ang taxi drivers pero mas maganda kung malapit sa eksakto ang dala mong pera. Don't worry, trustworthy naman ang mga taxi drivers sa sg, hind sila marunong mangontrata (from my experience), ultimo singkong duling isusukli talaga nila syo with resibo pa. Up to you kung gusto mo magbigay ng tip.
Stay vigilant - safe maglabas ng gadget sa lansangan sa buong isla pero hindi reason yun to be careless. Marami pa din pwede mapagsamantala. And in line with this, please do not leave your belongings unattended at all cost - baka mapagkamalan pang contraband yan that could also get you into trouble.
Never try to bring yosi in sg - I'm sure merong papalag sa kin about this especially dun sa mga returning travelers (like pwede magpasok ng isang kaha basta bawas ng isa, etc) pero kasi very strict ang sg against contraband cigarettes. Yosi's that are legally sold islandwide have a "SDPC "mark on the stick itself, it stands for "Singapore duty paid cigarettes" so pag nakitaan ka ng mga naka-civilian na NEA agents smoking without that mark, it means illegal ang yosi mo, multa ngayon ang aabutin mo, or worst, kulong.
Wag basta iihi kung saan-saan - another common atrocities that any male pinoy loves to disregard. If ever mapadaan kayo sa mga liblib na lugar at tyempong ihing-ihi na kayo tiisin nyo muna. Nagkalat po ang mga cctv's everywhere kahit pa sa mga residential areas and those are functioning 24/7.
Ilugar ang sarili - sinama ko to kasi sigurado matutuwa ang mga pinoy na first timer sa sg, dami kasing puno ng mangga dun na hitik sa bunga at hindi ginagalaw. Bawal po kasi pitasin ang mga yun. Meron ding mahilig sumingit sa pila, pag nakaamoy ng mabaho pasimple na lang po takpan ang ilong, etc. So when in SG, please behave yourself and really be considerate to others.
Be friendly to the locals - again, self-explanatory.
Learn your routes well - as mentioned from previous posts, meron pong website na tinatawag na "gothere.sg" and that will help you plan your routes ahead of time. Libre lang po gamitin yan at meron na ring app counterpart yan for your smartphones. Mas maganda na yung alam mo yung destination mo para kung sakali mag MRT ka lang hindi ka na mahihirapan masyado. There are maps all over MRT stations that you can check din para alam mo din san ka bababa or mag transfer ng train to get where you're going.
Mag ingat sa mga kinakainan - marami kasi dun kala mo mukhang masarap PERO wala namang lasa. Tayong mga pinoy pa naman usually hindi choosy sa kinakain, makikita mo naman sa preparation kung maayos yung food o hindi. Eto pa, ugaliin magtanong ng presyo bago umorder, mahirap na baka ma-overprice ka pa kasi meron nang napabalitang ganito noon, pinoy na turista din ang nabiktima. Dagdag ko na lang din, pag unsure ka kung pano kainin ang isang putahe, wag mong oorderin, baka sumakit lang tyan mo at masira pa ang bakasyon mo so to be safe dapat may dala ka ring tissue or diatabs habang namamasyal.
Magdala ng reseta - actually optional to pero kung sakaling meron kang kelangang bitbiting gamot na pang maintenance mo, dapat dalhin mo rin yung reseta nyan just in case.
Pasalubong - kung may kakilala ka naman sa SG na nagpapadala ng pasalubong from pinas, I'm sure sasabihan ka naman ng kakilala mo na yun kung alin ang pwede at alin ang hindi. Pero advice ko na lang din, keep it to a minimum, wag na lumampas ng 2 kilo kahit pa hotdog lang yan, tipak ng baboy or what. Bawal din ang liverspread, bubblegum at anything deemed dangerous.
Bring your passport with you ALWAYS - since turista kayo, eto lang ang means of identification nyo. At dapat naka-kabit din ang embarkation card nyo on it (putting card na sinulatan nyo ng details before leaving your country of origin or on the plance before landing in SG).
Finalize your itinerary - nothing could ruin a well-planned vacation due to last minute changes. Always ensure everything is set lalo na yung place where you're planning to stay, destinations, etc. basta anything and everything about your trip dapat finalized na atleast a day before your departure.
** Eto muna mga naiisip ko for now since pang turista lang naman tong guide na to. For others na nasa SG ngayon, feel free to pitch in your inputs.