Pero puede mo rin tingnan ito sa hindi magka ano ano ang mistress and wife. Para sa pov ng wife, wala naman syang ginawang masama sa mistress pero the mistress is destroying her ENTIRE LIFE na parang pinatay na rin sya.
Imagine building your life and dreams, plan ka ahead na from say 30yo mo hanggang 80, for 50 years, may blueprint ka kahit papano ng buhay mo. Tapos may isa sisirain lahat yun na parang lost ka.
The wife feels like a victim. She wants justice, how do you put things to justice sa nangyari sa kanya. Hindi naman puede sabihin na sorry nalang. Hindi ba pag may victim sa crime, they would want justice somehow? So paano?
This is so true. Pero dun sa situation ni husband and wife, before husband met my friend, they had BIG problems na ni wife. Ang kwento, he married her because sabi buntis and then later discovered na hindi totoo. (wow, hindi nanghingi ng test or something?) They were married for 3 weeks lang when that happened so needless to say, wala pang properties, walang kids, no nothing. as in papers pa lang. So technically, it wasn't the mistress who was the main reason kung bakit sila naghiwalay. Pero admittedly, nakadagdag sya. Because at that time na may problems yung couple, magkasama pa rin naman sila. And then husband met my friend. So meeting my friend was the final straw. After 2 months yata, he left his wife. And a few months later, filed an annulment of his marriage that lasted for less than 3 months. So di ko rin masisi kung bakit naghintay talaga ang friend ko. Kasi pinangakuan sya and actually, ginagawa naman ang pangakong yun.
Nevertheless, kahit ano pang sabihin nya, mistress pa rin sya (was). Kahit pa hindi na magkasama ng bahay, kasal pa rin yung tao sa iba. And hindi pa rin accepted ni wife na hiwalay na sila ni husband so may nasasaktan pa rin sya.
Kaya nga sabi ko, unless you are the wife of that particular guy, wala tayong say sa kanila. Hindi tayo pwedeng magbitiw ng masasakit na salita like cheap, patapon, kaladkarin, malandi, higad etc etc kasi hindi natin alam. wala tayong alam. Iba iba ang kwento. kung ikaw ang wife nung guy na yun, go. Mura all you want kasi ikaw ang na argabyado e. Kahit ako, sakin mangyari to, baka patayin ko pa yung girl. Okay! kasi may karapatan ako. ako ang wife. Pero ibang tao? No. You can give advice, but there's only so much outsiders like us can do. Sana lang careful tayo sa sinasabi natin kung wala naman pala tayong alam.
I am so much guilty kasi, nakapag bitaw ako ng masasamang salita sa kanya with the intention of pukpukin ang ulo nya baka matauhan. I once asked her, are you okay to be branded as home wrecker? And she answered, What home? There was no home to wreck. Inis na inis ako sa kanya nun. Bulag na bulag na sya lahat sinusubukan nyang i justify. I told her, ginawa nya sa asawa nya, yan din gagawin nya sayo. sagot nya, hindi nya gagawin sakin kasi iba ako sa asawa nya. May sagot talaga sya kahit anong ibato ko sa kanya (haha)
Second, the fact that mistresses are able to muster the strength to fight against all odds, ang kahihiyan (kung meron man such word), facing the society, and worse, magpabuntis sa may asawang tao (not sa friend mo naman or case ni TS), it means they are stronger than you think. They have the GUTS, and dun ako believe sa mistresses, andyan ang tapang nila.
This I agree. The situation made them strong. They can't survive if they aren't. Pero just because they are strong doesn't mean hindi na sila maapektuhan. Nasasaktan pa rin sila, but they choose to stay strong. Because they are hoping that one day, matatapos din yung pain na yun. Pero in reality, once you commit to a married man, your life is forever ruined. Kahit pa maging happy ending kayong dalawa, the shadows will never leave.
I don't know what is wrong with her. She is beautiful, matalino, at mabait sya actually. May magandang reputation, galing sa magandang pamilya. At sinira nya lahat yun. Talaga palang nagiging bobo at bulag tayo sa pag ibig.
Ultimately, I think TS, your friend and the wives are the victims here. Ang salot talaga sa lipunan are ang mga cheaters at sinungaling na lalaki who takes advantage of women like TS/your friend na napaka gullible.
Pero can't you see sis? Yung lalaki ang may kagagawan eh. Bakit naman kasi nakikipaglandian pa sa ibang babae kung nagpromise ka na ng lifetime commitment? HE is the one that should be blamed here. Di lang nya sinira ang buhay ng pamilya nya, sinisira pa nya ang buhay ng mistress by making her asa and wait for something that may never materialize.
This, I agree so much. Pero bakit ang ibang wives pinagtatanggol pa ang mga manlolokong mister nila? Hindi bat kung magagalit sya sa mistress dapat doble ang galit nya sa asawa nya? Kasi hindi sya kilala ni mistress, so pwedeng walang pakialam kung masaktan man sya. Pero ang asawa nya? asawa nya yun eh. hindi ba dapat ang asawa nya ang pumoprotekta sa kanya? Dapat may concern sya sa wife nya, at di nya gugustuhing saktan? Pero ginawa nya. Tapos pag nagkabukingan, sya pa ang pinagtanggol ni wife. Inakit lang ni mistress si husband kaya napariwara. Goodness, kung talagang mahal ka ng asawa mo kahit sino pa mang akit dyan hindi sya magpapadala. In my opinion din, si lalaki ang mas may kasalanan sa lahat. Im not saying walang kasalanan si mistress. pero minsan kasi, biktima din sya.
Actually yung guy ng friend ko, mabait. Masipag din. Pero may asawa sya. at yun ang kasalanan nya. Kahit kelan di ko pa rin sya matatanggap para sa friend ko. Kahit pa sabihing nagkamali lang sya sa unang pinakasalan nya at tinama nya na lahat, hindi pa rin. Kahit pa annulled na sya ngayon, ginawa nya pa ring kabit ang kaibigan ko. My friend still deserves better.
Ito sis, IMO, I can never equate the pain of 1 individual (the mistress) with the pain of the wife. Iba e. Lalo pa at walang divorce sa Pinas.
Nabanggit ko narin nga pati kids, inlaws, family friends, relatives, society, etc. Ang daming involved.
At least if you are the wife pag iniwan ka pwede kang maghabol kasi may karapatan ka. Pwede kang magalit. Pwede ka ding mag move on. Pwede mong ipaliwanag sa mga taong affected na nambabae mister mo kaya ka iniwan. Wala sayo ang sisi. Pag mistress ka, then iniwan ka at bumalik sa wife, wala kang karapatan. ZERO. walang kang option kundi mag let go. Hindi ka pwedeng magalit. Di ka pwedeng maghabol. May mga taong affected like friends na nagmamahal sayo, pero sa huli, nasayo ang sisi.
Sa case kasi ng friend mo, malay ba natin if the wife just threw him out at wala nang choice si lalaki? Version ng friend mo syempre pinili sya. But it is not important, the point is nakisiping ang lalaki sa more than 1 na babae kahit na may asawa na sya.
this, I'm sure na si guy talaga yung nang iwan. Kasi the wife was pursuing him pa. Begging actually, na balikan sya nung husband nya. Nawalan na sila ng communication so she was begging to the guy's family and friends, kumbaga parang bridge para sabihin sa husband nyang missing in action. So she really wanted him back. And I mentioned earlier na mabait si guy. Before, I was there lagi. Lagi ko silang kasama (imagine ang sakit ng tenga ko sa pakikinig sa kanya)and nakita ko naman na maayos naman sya na bf dun sa kaibigan ko. If it were not for his marriage, I would say perfect na sana sya (haha) kasi mabait talaga. Hindi naman siguro lahat2 ng lalake na may other woman total assholes. Depende rin sa reason bakit nangabit. Lalo na yung mga lalakeng hiwalay na prior sa pagkakaron ng bagong babae. And I don't think nakisiping sya sa more than 1 woman kasi nung umalis sya sa poder ni wife, never na sila nagkita ulit. Pinutol nya na pati communication. Although nalalaman pa rin nila yung mga sinasabi ni wife through the family and friends na kinakausap ni wife.
Kahit ako pa bago bago isip ko haha sabi ko talaga na ayaw ko sa kanya para sa friend ko dahil kasal sya before pero maayos naman kami pag sinasama sya ng friend ko. Nakikita ko happy sila at nagmamahalan (nagmamahalan?). Well, di ko din alam sa kanila. Malayo na ako sa friend ko ngayon. They have been together for 3 or 4 years na I think.
No one really wants to be a victim of this. Kaya choose your man wisely.
Truelaloo! Kami ni bf may baby na pero pinag iisipan ko pa rin ng mabuti kung itutuloy ba namin ang kasal hahaha. Nakakatakot and nakakatrauma hindi lang sa parties involved, pati na rin sa mga kaibigan nila.
Sana magkaron na ng divorce sa Pilipinas. Sorry po ha sobrang haba.