Hello mga sis! Late reply na ko sa post naging busy lang lately. I love and appreciate all your inputs.
Some are pro-mil and some people nakaka-relate din sa situation ko. Hindi pala ako nag-iisa hehe!
Sis Aquacharly- I think hindi magiging feasible yung ikuha sya ng another condo kahit katabi pa namin. Mapapagalitan lang ako ni husband kase anong sense na papupuntahin namin si mommy dun kung meron naman kwarto sya dito sa condo, besides super obvious na gusto ko sya ipagsolo

Hindi papayag si hubby.
Sis glamorosa- tama ka sis, hindi ko kase nakagawian yung lifestyle nila. Madami din kase akong nakikitang disadvantage pag sobrang mabait pala yung tao, like hindi ko alam kay mil bakit tuwing gabi sya yung naghuhugas ng pinggan instead na yung maid, sinasanay nya ng ganun. Para makakain daw muna yung maid. Ang sakin kase sis, pwede naman lagay na lang muna nya sa lababo then pagtapos ni maid kumain si maid na maghugas. Tapos ayun sa sobrang bait nga niya kapag may inuutos sya o napagsabihan nya yung maid namin hindi sya sinusunod nagsusumbong sakin. Syempre kakampihan ko si mil kinakausap ko din yung maid namin na hindi lang dapat kami ng husband ko sinusunod nya dapat si mil din. Katwiran naman nung maid napaka-mapamahiin daw kase ni mil, ayaw daw sya nagwawalis palabas ng pinto ang gusto yung papuntang terrace kase lalabas daw swerte. Eh kase ako sis hindi rin ako naniniwala sa mga pamahiin na ganyan. Si mil napakahilig sa charms, pamahiin, sabi2x, feng shui etc. Wag daw bubuksan bintana lalabas swerte, yung frames sa kwarto namin hindi daw dapat apat yun kase malas sa chinese. Ayun ginagawa ko na lang hindi ko rin sinusunod, di na lang ako kumikibo. Kaya nga natatakot ako paglabas ni baby dami nanaman nya siguradong pamahiin

Sis Caterpillar- Thanks so much! You're right, what's important is may respect ako sa kanya and I'm nice with her naman. Nasa loob ko lang naman lahat ng nararamdaman kong annoyances minsan and yung pagiging cold ko, I try my best na hindi ipakita at iparamdam yun sa kanya. Ang hirap lang pag umatake yung ganung feeling medyo matagal mawala. Sobrang opposite sila ng mom ko. May mom is very independent, frank, upfront, confident, career woman whereas my mil naman is very passive, introvert, pang bahay, doesn't work and dependent. Kaya tuloy hindi maiwasan na lahat ng atensyon nya minsan nasa amin ni hubby

Sis kittehdoll- oo nga eh, ang hirap talaga. One time nga dumalaw yung mom ko dito eh very OC yun as in. Nakita nya sobrang gulo nga daw ng kwarto ni mil, balak nya ayusin, naku sinaway ko kase ayaw ni mil na pinapakialaman nga yung mga tambak nyang gamit. Nagalit nga dun sa maid namin dati nung inayos yung mga nakakalat sa lamesa na mga gamit nya sabi daw sa kanya sa susunod kung may aayusin sabihin daw sa kanya at sya mag-aayos. Yung mom ko hindi rin mapigil na hindi nya ayusin, kinausap na lang nya tapos binili ng mga lalagyanan ng gamit para dun ilagay ni mil yung mga kalat. Ang dami talaga sis naloloka ako sa clutter. Hindi ko rin alam bakit tinatambak nya pa yun eh sa totoo lang iipisin lang mga yun hindi rin naman nya ginagamit.
Sis Hedonista- Thank you for sharing with me your thoughts

naku my mil is not groovy. She's very mahinhin, soft-spoken, mabagal kumilos, never ko narinig sumigaw at pag nagalit o may ayaw hindi nagsasalita lol! The opposite of being groovy. You're right sis, naiisip ko din yan sa totoo lang. Mamaya makarma ako at magkaron ako ng pasaway na DIL in the future (knock on wood naman) sana hindi. Ako naman sis, go with the flow lang ako sa situation namin. But I don't think sis it's a good idea na mag stay sya samin for good to take care of the apo

gusto ko ako pa rin ang mostly mag alaga sa bata. Knowing my mil may tendency sya maka-spoiled kase nga masyadong mabait. I highly appreciate naman yung mga ginagawa nya for us and pakikisama but you know what I want her to be independent too, to have a voice of her own. Alam mo ba sis, kapag kasama namin sya sa resto oorder na lang ang tagal pa, kami na daw bahala and mahilig sya magsabi ng "kahit ano" Ako kase sis lumaki ako sa family na very assertive, gusto ko yung mga ganung bagay mag desisyon na agad hindi na dapat pinatatagal kase order lang ng pagkain yun di ba

Malay ba namin ni hubby kung ano gusto nya kainin, kaya si husband pinagsasabihan din sya. Tapos kahit ayaw ko kumuha ng food ipipilit sa plate ko yung ulam o kanin, kase sis sakin kukuha naman ako pag gusto ko. Ewan ko sis, parang sa sobrang asikaso at kabaitan nga minsan oa na naiirita ako. Sorry ha na vent out ko lang.
Sis Simpleng bitchy- Parehas tayo sis, ako quiet na lang din ako kapag may mga kinaiinisan o hindi ako gusto. Magkaiba lang din talaga siguro kami ng wavelength.