Hello po ulit Sir CH,
Happy new year po muna sa inyo bago ang lahat!
Why I picked my handle - bluewingedangel, nagulat din ako kasi sa totoo favorite color ko is pink and green, but then iniisip ko na ang wings ng guardian angel ko is pale, pale, pale blue kasi in my mind yung puting puti parang may hint of blue tsaka parang pleasing sa eyes yung blue wings malamig, calming.
Regarding po sa stove ng bahay ng mama ko, (kasi dito kami nakatira ngayon although my husband and I have our own house na iniwan muna namin habang wala sila) perpendicular yung water tank sa placement ng stove, so sinabi ng isang matanda sa mama ko dati pa na naglalaban ang fire at water bad sa stomach ng mga taong nakatira duon. True enough, yung mom ko had a hysterectomy tapos I was operated on sa stomach/kidney area. Hindi pa namin nababago yung location kasi di ko maisip kung saan ko ilalagay, kung meron sana pangontra na lang or what. Sa septic tank naman namin dati nasa left side ng house but binago ng father ko kasi pangit daw malapit sa water tank (deep well) so nilagay sya sa garahe, yung garahe katapat ng window ng dining area namin. Yung main door ng house is facing south, yung side door naman ay facing north.
Sa house namin ng husband ko, nasa garahe din yung septic tank tapat ng sala. Main door is facing south. Other door is facing north. Irregular shape yung bubong namin, sloping. Natapat po yung pinagdugtungan/slope sa bed ng bedroom namin. Nung lumipat kami ng husband ko sa house namin, duon ako simulang nagkasakit. Add to that, nagsiwala isa isa yung clients ko sa work. Ngayong lumipat kami temporarily dito sa house ng mom ko gumanda ulit yung flow ng work and gumaling ako.
Yung sa house po ng sister ko ngayon walang septic tank deretso ng sewer pipe lang. Tapatan ata yung doors ng main door (north) and backdoor (south) nila.
Before nag consult na din ako sa inyo, I did yung salt scrub tapos dati din I placed salt in a bowl under my bed. After nun naging in remission na ako, di na bumalik yung mass, clear na mga CT scans ko. I also prayed sa Nazareno.
I asked my sister to do salt scrub, soft lights naman sila sa restroom nila. Yung cactus po, I don't know kung makastand yun ngayon kasi winter. I also told her to pray deeply yung galing sa puso talaga and develop a devotion to Mama Mary, Padre Pio and St. Therese.
Sorry po medyo lengthy. Nagwork naman sa akin yung salt scrub/salt under the bed at gumaling naman po ako. My mom also bought me yung "gourd". Sana maadvice nyo po ako ulit for my sister naman who will be undergoing surgery this week na, we are praying for a miracle, I am positive naman na God, Mama Mary and the angels and saints won't fail us. Palaging may miracle, me still alive in spite of what I have gone through, my dad survived his stroke and now almost back to normal.
Thanks po ulit!