watch now

Author Topic: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2  (Read 56851 times)

LGV

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #540 on: December 10, 2014, 01:06:24 am »
Yun nga eh sis Aiah, parang nagjajump basta nakakabigla at talagang mayat maya sya sinasabihan ko na nga wag masyado na malikot kasi medjo nakakakaba minsan haha 27 weeks ako bale ngayon kaya nako wag naman sya masikipan muna medjo matagal tagal pa. Ewan ko siguro Im just kinda paranoid lang alam mo na :)

tiggerlily

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #541 on: December 10, 2014, 06:00:11 am »
march 24 naman edd ko kaya maiiwan din pala ako dito. hahaha! I'll try to post right away kasi nakakabinat din daw ang paggamit ng computer. sa firstborn ko umiwas talaga ako sa tv at computer, pero this time I don't know, tignan natin kung umubra.

kaka-25 weeks ko lang pero since 17 weeks super likot na ni baby. ayoko nga matulog sa gilid ng kama kahit mas madaling bumangon kasi baka mahulog na ako sa kakasipa nya pagdating ng 30+ weeks.

ang lapit na nga! nakaka-excite. nag-text na rin ako kay chiqui. for january month kami. ang aga kasi ng classes ng december e di ko keri gumising ng masyadong maaga. kailangan pa maiwan somewhere ng anak ko during classes. she is offering placenta encapsulation rin pala. kaso hindi nya ko sinagot how much ang charge nya. may naka-try na ba?

chocnats

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #542 on: December 10, 2014, 06:08:50 am »
32w1d na ako ngayon! Next tuesday pa ang checkup namin pero im hoping talaga na naggain na ng weight si baby. Maliit lang ang baby bump ko as compared sa.ibang 8 months preggy pero parang hirap na rin ako bumangon at maglakad. Lagi na ako napapagod at nahihingal. Kahit pagchange ng posisyon sa kama, ang hirap. So sana good news yun na bumibigat si baby hehe. Yun lang, madalas ko na nafefeel na tumitigas tiyan ko, lalo na pagkakain or pag bumabangon ako para magwiwi. Yun ba yung braxton hicks? Hehe. 5 weeks to go na lang (since scheduled CS na ako) so sana makayanan ni baby na magstay muna sa tiyan ko.

mjp

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #543 on: December 10, 2014, 09:09:48 am »
Every check up OB asks me if I feel any pain. Napaisip tuloy ako kasi parang everyone has experienced Braxton hicks, I always say Wala ako. I do feel the kicks and bubbles pero pain di ko napansin.  I feel some pain when nasobra lakad ko kaya hinihingal, nawawala naman if I rest and catch my breathe. I feel pain na parang muscle pain sa lower abdomen, Iniisip ko kasi mabigat Tapos ang bilis ko maglakad usually kaya nagbounce around tummy ko when I walk.
« Last Edit: December 12, 2014, 05:27:17 pm by mjp »

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #544 on: December 10, 2014, 09:11:16 am »
Sis Aiah, hindi naman ako nagigising because of baby's movements. Pag-gising ko lang parang may bumugbog lang sa side where ako nagising but after a while nawawala rin naman. Nagugulat ako kapag naka-upo lang ako then biglang malakas yung galaw niya. Usually, she do that when im busy playing games sa tablet ko, parang naglalambing na pansinin ko naman siya.

^sis, i think that is braxton hicks. Ganyan din kasi sa akin, maninigas yung tummy ko but mawawla rin naman. Basta nawawala at hindi nagiging regular, it is nothing to worry about.

Last night, nabasa ko na kapag laging may hiccups si baby eh it could be an indication na baka naco-cord coil siya. Natakot naman akong bigla. Gusto ko tuloy uli magpacheck up.

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #545 on: December 10, 2014, 10:36:44 am »
Hello mga sis! Wow ang haba ng backread ko! Natapos na kami maglipat at ngayon malapit na matapos sa pag-unpack.

I had my glucose test OGTT nung Monday at ayun hinimatay ako hahaha! Buti sa upuan lang naman at kasama ko husband ko sa hospital kung san gagawin ang test. In between blood extractions, nasa isang room kami watching antenatal videos then naramdaman ko ang sama na ng pakiramdam ko then nagstart na ako mamawis ng malamig then sinabi ko na sa asawa kong tawagin na ang nurse kasi naninilim na paningin ko. pag gising ko ulit wala na asawa ko...tinatawag yung nurse tapos pagkabalik niya unti-unti nang bumabalik ang paningin ko at pinahiga muna ako sa hospital bed. Grabe basang basa ang likod ko sa malamig na pawis...init na init ako. tapos maya maya nilamig na ako ulit kasi nagtanggal ako jacket. After ko humiga ng mga 10 minutes, ok na ulit ako then after the 2nd extraction, nagburger ako na malaking malaki -- ang sarap! Hahaha sabi ko sa asawa ko...bawal kami maghirap at magutom. Di ko kakayanin hehe!

Nung Tuesday naman (kahapon), 4th wedding anniversary namin, I had my 3d4d scan kaso nagyoyoga poses ata ang anak ko at both hands and feet ay nakaharang sa mukha niya! pero ayun, talagang 100% boy hahaha kasi exposed na exposed naman talaga! :-P Ayaw lang talaga magpakita ng face kaya next week babalik kami. Ang cute lang kahapon, he was grabbing his feet. :) I'm so excited na makita na siya sa February!

@Aiah: Sis, hindi din ako nagigising pa sa movement ng baby ko, although nararamdaman ko siya on both sides ng tyan ko kaya napapaisip din ako kung ano kaya ginagawa niya sa loob! Anterior placenta din ako...so I don't know kung yun ba ang cause kung bakit di ako nagigising sa movements. Yung friend ko wala pa siya 25 weeks nagigising na sa baby movements pero yung kanya nasa taas placenta niya.

@chocnats: Sana nga sis nag gain na ng weight baby mo :) Nakaktuwa naman 5 weeks to go makikita mo na siya! kami medyo matagal pa... Ang alam ko painless na paninigas ng tummy braxton hicks siya and very normal in the third trimester. Inadvise ng tita OB ko na basta rest lang pag may ganun.

@Adam1025: Sis pinya pa!!! :) hehe...yung friend ko pinya at hagdan daw. Kaya ittry ko din yun. :) Sayang wala si husband mo hehe ang laki na ng baby boy mo! :) sana NSD ka sis..excited na ako sa birthing story mo.

@chini_doll: Naku yang bump size, nabobother din ako dyan dati. Kasi may mga nagsasabi ang laki..may nagsasabi ang liit pero nung nag birthing classes ako at sila nga western pa and ang due date naming lahat eh Feb 2015, I saw their bumps and halos same same lang naman kami lahat. As long as the doctor says your baby's size and weight are alright, ok yan! :)

Glad all of you are safe at hindi naman kayo naapektuhan ni Ruby/Hagupit! :) Safe and happy pregnancies mommies!!!

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #546 on: December 10, 2014, 10:52:00 am »
preggygielian sis, naku hindi kinaya ang OGTT hehe! ang sama din ng pakiramdam ko during that test. nakakainis pa tong asawa ko, hindi cooperative. medyo OA pa na kahit sips ng water ayaw ako painumin until tinakot ko na lalabas ako at hahanap ng coke >:( sabi ko hindi mo alam pakiramdam ko. grabe babasain ko lang lips ko ng water, bawal? ayun pinainum na ako. hindi nila kasi alam how difficult it is magutom tayo. :-\ luckily for me though, almost 8mos na kami i only gained 4kgs and most of it I think kay baby pa and water weight napunta. mahina parin ako kumain. wala rin hunger pangs.

mslcgrey i did read about hiccups din sis and sabi, if abnormal daw frequency and duration ng hiccups dun patingnan. otherwise, normal daw. duration like 15mins na and frequency is almost majority ng waking hours nya. si baby naman may hiccups pero few seconds to 2mins and mga 2-3x a day :)

mjp nako sis, speaking of braxton hicks, i have extensive experience about this. haha. actually takot na nga ako eh. kasi what I thought was braxton hicks e premature labor na pala. good thing over na kami dun ni baby :) it's painless sis. ramdam mo lang sumisikip.

chocnats sobrang lapit na sis. 5wks e mabilis na lumipas yan. sana kami din hehe. i wish i can fast forward the time na due date ko na para naman hindi na ako natatakot most of the time because of this premature labor scare sakin. konting contract nasstress ako.

Safe pregnancies to all of us mga sis. in a few months lahat tayo graduate na, hehe!

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #547 on: December 10, 2014, 11:03:05 am »
sis mslcgrey yup may nabasa nga ako dati sa 3Q of 2014 yata na thread 9lbs baby nya pero nsd wow ang galing nya. May nabasa din ako about perineal massage ba yun? Para daw ma-avoid ma-stretch down there pero parang di ko keri gawin wala naman si hubby to assist me  :D

sis preggygielian natawa ako sa hunimatay! Hahaha! Di mo kinaya sis, dati kasi yan din ang fear ko baka himatayin ako sa gutom. Good thing kasama mo si hubby at natakam tuloy ako sa malaking burger na yan hahaha! Ang kulit ni bebe mo nagyo-yoga sa loob buti na lang pwede ka pa din bumalik para sa repeat 3D  :) Oo nga sis, since yesterday nagpapahanap na ako ng pinya at kahit araw arawin ko kainin ok lang baka makatulong para mabilis ako manganak.

sis aiah ako hindi ako nagigising dahil sa movement ni baby, instead hindi ako makatulog sa likot nya! Haha as in tipong 2am na kaya lagi ako inaantok during the day.

Napansin ko din extra likot si baby, contradicting sa mga nababasa ko na pag malapit na daw medyo constrained na movements nya dahil masikip na nga ang baby ko parang mas lalo pa nga lumikot kaya talagang mami-miss ko din maging preggy di manlang nafe-feel ko na din ang sepanx  :'(

chocnats

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #548 on: December 10, 2014, 11:18:38 am »
Yes mga sis, gusto kasi ni OB ilabas agad si baby para mai-address na yung issue tungkol sa.blockage niya intestines. So wait lang daw namin na magreach siya ng full term (37 weeks) para ma-CS ako. Pwede daw ako magnormal pero ayaw ko na irisk eh.

Di ko rin masyado nafefeel movements ni baby kaya medyo paranoid ako. Haha. Pero normal na ata yun diba?

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #549 on: December 10, 2014, 11:26:28 am »
^sis anterior placenta ka ba? If yes possible na hindi ganun kalakas ang movements nya pero yung frequency dapat tama pa din. Count the kicks na lang sis, dapat daw atleast 10movements in 2hours try to lie down or seat when doing this. Praying maging ok ang baby mo sis, kaya mo yan!  :)

_AiaH_

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #550 on: December 10, 2014, 12:07:39 pm »
^ sis true. parang mas malikot sya ngayon compared dati. mas madali sya gisingin, magpalit lang ako position magigising na sya and hindi rin nya ako pinapatulog! hehe. naka side-lying ako and she'll start bouncing naman tapos squirms and stretches. the other night nga nakahiga ako on my back, i have a pillow sa tummy ko, i swear ang lakas ng tulak nya na naiangat nya yung pillow ng konti. amaze na amaze na naman ako hehe! anterior placenta din ako, low lying pa :) i was told din mas less na ang movements ni baby unlike before pero parang baligtad.

saka kahit naglalakad ako sis she's moving. yung iba sabi when they're walking behave yung baby. sa sobrang likot nya naglalakad ako kailangan ko maupo dahil naninigas na puson ko. if ganito daw sya paglabas, good luck sakin hehe. mukhang makulit daw talaga si baby. madalas gigil na gigil sya sa pagstretch.

chocnats normal sis. kami nga yata ni sis Adam1025 ang medyo naiba ang baby hehe! i'll include you and your baby in my prayers. i hope normal lahat. confirmed na daw ba yung intestinal blockage ni baby sis? i've read sa net kasi na ganun sa ultrasound pero paglabas, um-ok naman daw. but eitherway, i'll pray for your safe delivery.

chocnats

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #551 on: December 10, 2014, 12:08:22 pm »
High lying anterior placenta ako sis kaso grade 3 na at 32.weeks kaya doble ingat talaga ako. Sige try ko bilangin. Minsan kasi di ko talaga napapansin na nagmomove siya, except pag nakaside ako.nakahiga. haha

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #552 on: December 10, 2014, 01:36:09 pm »
Sis ano ba ibig sabihin pag grade 3 yung plaxenta? Yung sakin kasi parang di ko napapansin sa mga scan report kung ano grade basta alam ko lang anterior ako. Yup sis, count ka na lang ng kicks, ok yung side lying position normally extra likot ang baby pag nakatagilid.

Sis aiah same here, minsan pag nakatayo ako or naglalakad tapos may malakas na kick si baby napapahawak talaga ako sa bump ko kasi nakakagulat hehe. Sabi nga din ng mother ko mukang makulit ang baby boy ko ikan beses ko na kasi nakuhanan ng video and napanood nya and sya din sa experience nya during ng last few weeks of pregnancy hindi na daw masyado malikot well not in my case haha. And mukang matakaw din kasi after every meal lalo na pag masarap yung food naku po nagtu-tumbling yata sa loob ng tiyan ko haha!  ;D

chocnats

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #553 on: December 10, 2014, 01:42:08 pm »
^ibig sabihin daw nun sis mature na yung placenta. Usually pag ready ka na manganak, magiging ganun ang placenta. Eh 32 weeks pa lang ako so prematurely aged yung akin so dapat bantayan. Possible din baka dahil mataas bp ko ngayon kaya napaaga ang pagkamature ng placenta. So ayun, bawal ako matagtag kasi baka mapaanak ako ng wala sa oras.

Kaya sa tuesday, icheck daw ang blood flow if okay pa ang placenta. If oks pa, kaya pa daw hintayin until 37 weeks. Pero if di daw okay, baka need na daw ilabas si baby, so sana maging okay ang ultrasound!

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #554 on: December 10, 2014, 01:43:10 pm »
Sis adam1025, pwedeng si OB ang gumawa ng perineal massage. Some OB do that instead of doing episiotomy para magkasya si baby.

If im super busy or distracted, mas di ko napapansin ang movements ni baby but minsan kahit nakatayo or naglalakad i can feel her. Super excited to meet her na but wait muna. Di pa kami totally ready. Well, as if you can be totally ready for parenthood.

Ang medyo sad lang ngayon eh hindi pwedeng eat all i want ako this season. Even though maliit pa naman ang weight gain ko, sinabihan na ako ng OB ko to watch my diet until manganak. Iwas tuloy sa sweets and too much carbs. Sarap pa naman kumain this season.

Adam1025

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #555 on: December 10, 2014, 01:57:39 pm »
^^sis chocnats try to relax and wag muna masyado ma-stress baka kaya din tumataas bp mo, sana ma-full term pa din kayo ni baby talk to her din  :) Anyway nung last check up ko last week nag-scan OB ko sabi din nya nagma-mature na placenta ko, wala naman sya iba comment kaya baka ok lang 35weeks ako nun.

^sis mslcgrey, ano yun during labor na yun noh? Yung nabasa ko kasi in preparation pa lang for labor 34weeks up daw atleast once a week pwede i-practice ang perineal massage. Hirap na din ako kumain, dapat small amounts lang kasi sobra ng napupuno ang pakiramdam ko holiday season pa naman hehe!

chocnats

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #556 on: December 10, 2014, 02:06:27 pm »
Yup, usually naman nagmamature na talaga placenta pag malapit na so baka sakto lang yun for you. :)

Oo, kaya eto bed rest galore ako haha. Hirap nga kumilos eh, pati pagligo ang hirap na. hahah

preggygielian

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #557 on: December 10, 2014, 02:36:38 pm »
Adam1025 & mslcgrey: waah napaisip naman ako sa perineal massage na yan haha naghanap ako ng How To -- WOW! parang nakakapanghina kung sarili ang gagawa. Mamaya pakita ko sa asawa ko to :) Thanks for sharing mga sis! I'll ask my OB kung naggaganun din siya.

@Adam1025: hehe kain na sis ng burger! :D Pero nakakainggit ka sis nasa Pinas ka ngayon lalo na sa season na to na ang sarap ng mga pagkain! Sana lang manganak ka before Christmas para pwede na kumain sa Noche Buena! :D

@Aiah: Ay saamin pwede naman uminom ng water...nako baka earlier pa ako siguro hinimatay kung pati water eh bawal! Hehe kaloka yung husband mo :-P Sa dami ng aches and pains..ang hirap pag pagod at gutom at uhaw!!! waaaaah! hehe..buti naman pinainom ka na din :)

@chocnats: Will continue to pray for you and baby! :) May ganun pa pala yung placenta noh...nalaman ko lang Grade 1 nung may nagtanong din dito sa thread...ngayon ko lang nalaman na ang grade 3 pala eh pag nagmamature na. Ingat palagi sis. :)

Di ko masyado nararamdaman baby ko pag naglalakd pero I think ayaw niya talaga pag paakyat ang nilalakaran ko (slope lang ha, di pa stairs!) kasi feeling ko nabibigatan ako saka naninigas tummy ko. Pag busy din ako di ko din masyado ramdam kaya pag feeling ko pagod na ako...hihiga ako talaga at  papakiramdaman ko si baby. Ayun paparamdam naman siya so ok na ako ulit! :D Sa Sunday 30 weeks na ako...nakakaexcite malapit nang isa-isa satin manganak! :D

mslcgrey

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #558 on: December 10, 2014, 03:55:34 pm »
Sis adam1025, yes during labor. May mga OB na ginagawa yan. Siguro those that do not do episiotomy. Hmmm, but buti nasabi mo na pwedeng before gawin na. Mapagawa nga kay hubby. Advantageous kay hubby if no episiotomy for me. :-)

Receive additional gifts for baby earlier. Kaya happy happy lang. Ganun pala pag mommy ka na kahit no gift for yourself ok lang if meron kay baby.

Nag-iiba talaga outlook natin sa life. Well, i guess this is mostly true for those who got preggy at a not so young age. Hindi na selfish.

*joie*

  • Guest
Re: Babies Due 1st Quarter of 2015 (Jan,Feb,Mar)- Thread 2
« Reply #559 on: December 10, 2014, 05:09:01 pm »
Hi Sissies! Long time no post din ako dito ah.hehe lurker mode lang medyo tinatamad ako magOL lately. Grabe naexperience kong pagod at sakit sa likod at balakang sa 2 days na pagiikot ikot sa mall.haha nagtry din ako ng prenatal yoga, may dinownload si hubby.hehe ok naman madali sundan kahit malaki na tyan, nakakarelax at super nastretch talaga mga muscles ko sa lower body. Madalas narin BH lately, i also experience yong bigla parang manginginig yong sa bandang singit ko na parang magkacramps, napapatigil ako maglakad pag ganon. Tapos nafifeel ko narin yong parang tinutusok ng needles down there, madalas narin ang pee season ko. Super likod parin ni baby super kick sya at todo sa pagstretch.hehe super nakakaexcite na nakakakaba, malapit lapit na tayo! We're 34w na! And last dec 4 nagBPS kami, perfect score si baby. 4lbs mahigit na sya. Next check up ko will be on dec 18, magNST daw kami.sana ok lahat. After ng dec 18 magiging weekly na daw check up namin..Pinagdadasal ko din na full term kami ni baby at healthy and normal and safe lahat during and after pregancy. Lagi ko rin kinakausap si baby na patapusin ang new year bago sya lumabas na huwag sya maexcite masyado pag nakarinig ng fireworks.hehe



 

Latest Stories

Load More Stories
Close