Hello mga sis! Wow ang haba ng backread ko! Natapos na kami maglipat at ngayon malapit na matapos sa pag-unpack.
I had my glucose test OGTT nung Monday at ayun hinimatay ako hahaha! Buti sa upuan lang naman at kasama ko husband ko sa hospital kung san gagawin ang test. In between blood extractions, nasa isang room kami watching antenatal videos then naramdaman ko ang sama na ng pakiramdam ko then nagstart na ako mamawis ng malamig then sinabi ko na sa asawa kong tawagin na ang nurse kasi naninilim na paningin ko. pag gising ko ulit wala na asawa ko...tinatawag yung nurse tapos pagkabalik niya unti-unti nang bumabalik ang paningin ko at pinahiga muna ako sa hospital bed. Grabe basang basa ang likod ko sa malamig na pawis...init na init ako. tapos maya maya nilamig na ako ulit kasi nagtanggal ako jacket. After ko humiga ng mga 10 minutes, ok na ulit ako then after the 2nd extraction, nagburger ako na malaking malaki -- ang sarap! Hahaha sabi ko sa asawa ko...bawal kami maghirap at magutom. Di ko kakayanin hehe!
Nung Tuesday naman (kahapon), 4th wedding anniversary namin, I had my 3d4d scan kaso nagyoyoga poses ata ang anak ko at both hands and feet ay nakaharang sa mukha niya! pero ayun, talagang 100% boy hahaha kasi exposed na exposed naman talaga! :-P Ayaw lang talaga magpakita ng face kaya next week babalik kami. Ang cute lang kahapon, he was grabbing his feet.

I'm so excited na makita na siya sa February!
@Aiah: Sis, hindi din ako nagigising pa sa movement ng baby ko, although nararamdaman ko siya on both sides ng tyan ko kaya napapaisip din ako kung ano kaya ginagawa niya sa loob! Anterior placenta din ako...so I don't know kung yun ba ang cause kung bakit di ako nagigising sa movements. Yung friend ko wala pa siya 25 weeks nagigising na sa baby movements pero yung kanya nasa taas placenta niya.
@chocnats: Sana nga sis nag gain na ng weight baby mo

Nakaktuwa naman 5 weeks to go makikita mo na siya! kami medyo matagal pa... Ang alam ko painless na paninigas ng tummy braxton hicks siya and very normal in the third trimester. Inadvise ng tita OB ko na basta rest lang pag may ganun.
@Adam1025: Sis pinya pa!!!

hehe...yung friend ko pinya at hagdan daw. Kaya ittry ko din yun.

Sayang wala si husband mo hehe ang laki na ng baby boy mo!

sana NSD ka sis..excited na ako sa birthing story mo.
@chini_doll: Naku yang bump size, nabobother din ako dyan dati. Kasi may mga nagsasabi ang laki..may nagsasabi ang liit pero nung nag birthing classes ako at sila nga western pa and ang due date naming lahat eh Feb 2015, I saw their bumps and halos same same lang naman kami lahat. As long as the doctor says your baby's size and weight are alright, ok yan!

Glad all of you are safe at hindi naman kayo naapektuhan ni Ruby/Hagupit!

Safe and happy pregnancies mommies!!!