Author Topic: Suppliers Rating (Thread 4)  (Read 118253 times)

120515

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #220 on: August 31, 2015, 03:51:40 pm »
^ lazyoverseasbride, you are one beautiful bride! congratulations on your baby! ;D

lazyoverseasbride

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #221 on: August 31, 2015, 05:56:39 pm »
Thank you 120515 😊😊😊

yannuh

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #222 on: September 01, 2015, 02:15:03 pm »
^congrats sa wedding mo sis!:)

artemis26

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #223 on: September 11, 2015, 12:23:40 pm »
Meron na ba dito nakapag-deal or had their styling done by See Flowers by Carla/Carla See? TIA

akosila

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #224 on: September 13, 2015, 10:33:07 pm »
Blissful House Digital - 0/10:: 5 months na wala paring pictures! For editing parin daw. Wow. Kailangan kami pa ang mag follow up or magtanong ng updates. Hayy badtrip. Sa ganito katagal, album na dapat ang hinihintay according to the contract. Hassle.

LuckyMe!

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #225 on: September 15, 2015, 03:11:21 am »
^Ay bad sis! Ako double na ang rating ko sa p/v ko.

Peekxel - 20/10! Hehe. 10 pts. for service rendered and 10 points for the output and timely delivery. I already received my album and dvd's. Ganda ng album. And they keep me updated with the progress of their work. Maayos talaga ang communication namin. And know what! I availed their album without seeing any samples of it. I just follow my instinct, and I never fail. Happy talaga ako.

Annie_sizzy14

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #226 on: September 15, 2015, 11:21:01 am »
Hi mga sis😊 I'll be having my wedding 2mons from know. Just wanna know if anyone here have booked quintet of manila string machine or manila philharmonic orchestra. Which one is better mga sis?

Tapos wala pakung emcee lahat ng prospect ko booked na like rj,jc,eri,atom at mark. Gusto ko sana male host  how about francis day mga sis have you seen his hosting?

danda

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #227 on: September 15, 2015, 11:44:14 am »
naku sis akosila! :( Iyong album naming hinihintay pa namin pero late kasi kami nakapagpasa ng mga pictures para sa album.. Pero ang edited video nakuha na namin.

noveetwenty3

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #228 on: September 15, 2015, 02:16:51 pm »
Try mo kulitin lagi or else dito mo nalang ibuhos lahat ng sama ng loob mo for a while hehe! ;D

rienny25

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #229 on: September 16, 2015, 06:37:16 am »
^Hi sis Annie_Sizzy14, I don't have a first hand experience with Francis Day but my high school classmate who had him as her emcee on her wedding is raving about him.  When she found out I'm getting married, she sent me a message straight away and recommended Francis Day.

yannuh

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #230 on: September 18, 2015, 05:29:09 pm »
Hi mga sis! Tapos na yung wedding namin last Sept 12 sa Paco Park. Binagyo kami at wala kaming kahit 1 pic sa labas ng Paco after the ceremony pero sobrang happy pa din kami. Hinintay lang ata ni Papa God matapos yung bridal march ko tapos bumagsak na yung super lakas na ulan. Sa loob ng chapel kami nagpaulan ng flower petals at nagpalipad ng lobo. Buti pumayag sina father na dun gawin lahat sa loob. Sa reception naman may mga minor glitches (di naman maiiwasan) pero sobrang natakpan lahat yun ng happiness namin😊

5-highest, 1-lowest

Church: St. Pancratius Chapel (5)
(+) sobrang ganda ng church na to especially yung exterior. Sarap magpictorial. Maski nung kinakasal nga kami dami pa din usi at visitors ng lugar pero thank God di naman sila nakagulo sa ceremony. Perfect ang place for intimate weddings. Airconditioned sa loob so less hassle sa guests.
(-) Sobrang simple ng loob ng chapel esp yung altar. Yung inclusive na basic flower setup sa package ay OA sa pagkabasic. Kung alam ko lang sana nagupgrade kami sa loob ng setup though nagpadagdag ako floral arrangement sa arch entrance at nag add ako luminaries sa bawat pew (c/o w@wies)

Reception: Ramon Magsaysay Hall (4)
(+) sobrang mura compared sa nearby possible reception venues in Manila. Maluwag sya kasi kahit 160 pax ang guests ko ay di pa din sya ganun kacrowded. Bagong renovate ang CR, ang ganda daw as per our guests. Accessible sa lahat at 10-15 mins away lang from Paco Park.
(-) Mahina ang aircon. Naglagay kami drapes sa ceiling na mukang natakpan neto kaya mainit. Suggest ko lang sa future RMH brides, magrent ng air cooler at wag masyado magrely sa AC neto. Lalo na madami yung lights namin so feeling ko nag add up din yun sa init ng reception.

Caterer: Tantoco's Catering (4)
(+) Gandang-ganda kami sa setup na ginawa nila sa RMH nung wedding namin. Fusion of spring romance and modern rustic ang motif namin at naachieve nila yun. Styling package na yung kinuha namin sa kanila para sila na bahala sa overall look ng reception though we've created a ppt presentation na parang naging mood board where we specify yung mga gusto namin mangyari sa venue. Ang ganda ng pagkakagawa nila & sobrang thankful kami sa kanila.

Sa lahat ng 6 caterers na inattendan namin ng food tasting, sila ang nagustuhan namin pagdating sa food. Consistent sila during our wedding day. Love na love ng mga guests ang food and until now, bukaMbibig pa din during family gatherings ang wedding namin. Personal fave ko ang beef lasagne.

(-)Dahil super OC at hands-on kami ni Hubby, may mga times na nagiging pushy at demanding kami sa Tantoco's pagdating sa detailing. We felt ignored pag minsan di kami nirereplyan ni Rhez (owner) regarding our additional requests. Sometimes cold naman yung reply nya so medyo nasasad kami dun.

HMUA: Nini Marquez (5)
(+)Sobrang happy ako sa performance ni Nini. Actually sumugal lang ako kasi we've never met before. Ni wala ngang trial makeup basta pikit mata ko lang sya binook. Sa mga GT sissies ko din sya nadiscover. A month ago nagkaprob kami ng previous HMUA ko kaya i've decided to change her. Blessing in disguise na nga, super satisfied ako sa makeup ko on my wedding day. Sobrang gaan ng kamay, ang galing magmakeup at long lasting talaga. Machika at feel mo yung sincerity nya sa mga kwento nya. 8AM ang calltime pero 7AM pa lang asa hotel na. Walang arte sa katawan. Sya din ang nag-ayos ng hairstyle ko. Basta ang galing nya. Pati prep pictorial at second look ko love ko talaga ayos ko.

(-)None.

Ento HMUA: Nini Marquez's team (4)
(+)Magaling at long lasting din ang makeup nila sa mga abay ko.

(-)None.

Bridal Gown: Bride House PH (4)
(+) Sobrang bait at ang galing ng customer service ni Ms.Carmen. Naka 2 change ako ng gown design pero mabait at willing sya laging iaccommodate ang additional requests ko. Nakaavail din ako ng 10% discount sa total package and me free bridal assistance pa. Nagulat din kami sa veil na simple lang dapat but during my final fitting, nilagyan nya ng embroidery sa dulo. Sobrang sulit sya. Gandang ganda din ang mga guests sa wedding gown ko especially si groom. Feeling princess ako kahit 1 day hihi

(-)2 hrs late ang mga bridal assistants na tutulong sana magbihis sken sa wedding ko.1130AM ang call time pero past 1PM na sila dumating. Since need na magpictorial ng 1230PM, binihisan at inaassist na lang ako ng coord namin at yung dapat na tatahiin ng mga assistants e coord ko ang gumawa. Disappointing sya kasi ulit ulit ko diniscuss kay Ms. Carmen at tinake note pa ng assistant nya during our final meeting.

Groom's Suit: Arrow (4)
(+) Maganda at saktong sakto ke hubby ang 2 PC suit na binili namin. Sale din sya so good find talaga.

(-) walang kasamang vest and wala kaming mahanap na separate vest na kakulay ng suit na binebenta ang Arrow.

Groom's accessories: Onesimus (3)
(+) cummerbund lang ang binili namin dito. Oks naman sya at maganda though namamahalan lang ako sa 1k for this hehe

(-) medyo mahal sya para sa cummerbund alone

Ento Gown: Marrick's Gowns and Barongs (168 Mall) (4)
(+) mabait si Ate Mary (owner) na kausap ko nung nagpatahi kami ng gowns nina Mama at mga abay. Ang ganda din ng pagkakagawa at sakto sa kanila.

(-) Nakakapagod magpunta sa Divi haha. Di ko din ganun kagusto ginawa sa gown ng mga flower girls ko at hindi masyadong nasunod yung peg na binigay ko sa kanya.

Wedding Ring: Gems by Me (3)
(+) nakahaggle ako ng sobra sa two tone wedding rings namin. Simple lang sya pero happy naman kami sa itsura.

(-) naka 3 balik kami para sa ring size adjustment. Weird na di nila makuha kuha tamang size ng dummy ring.

Photo & Video: God's Grace Productions (5)
(+) yup! Sila ang most favorite supplier namin sa wedding. Sobrang bait nina Ate Raisa, Kuya Billy, Serg at si Efjay. From prenup pa lang, satisfied na kami sa output tapos nung nakita namin SDE, sobrang happy kami. Ang galing at tagos sa puso pag nagwork sila. Sobrang affordable ng p/v packages nila and they really exceeded our expectation.

(-) None.

Ento and Church Florist: Everlasting Flowers by Blessie (3)
(+) ang ganda ganda ng bridal bouquet ko. Naachieve ang peg ko. Maayos kausap si Ate Blessie. Magaganda din ang bridesmaids bouquet:)

(-)di ko nagustuhan yung bout ni hubby. After the wedding ko na lang sya nakita. Kahit nagsend ako images/pegs parang di nasunod. Di ko din gusto yung floral setup sa arch entrance ng Paco Park Chapel. Parang tinipid yung bulaklak. Pati yung flowers na freebie sa pathway before the church entrance sobrang konti. Kalungkot:(

Invites: Colours & Designs (3)
(+) Maayos kausap si MJ na invites supplier ko. Very accommodating din pagdating sa additional requests kahit super daming revisions.

(-) super nipis ng papel na ginamit sa invites. Photogenic sya pero sa personal, keri lang.

Lights & Sounds: LST Mobile (3)
(+) Dahil upgraded yung l/s package namin, ang ganda ganda ng lights sa reception. Nakakatuwa na naachieve din ang peg namin.

(-)hindi sinunod ang playlist na pinrovide at inendorse namin sa coord. Namatay din ang prenup AVP at nawawalan ng sounds ang mic. Nakakaloka!

Strings: String Session- Quartet (Merjohn Lagaya) (3)
(+) ang galing galing nila tumugtog. Puring puri sila ng mga guests both sa ceremony and reception.magaling din yung male singer nila.

(-)matagal magreply si Merjohn pag may tanong ako so nagwoworry ako. Buti naman a week before my wedding, sya yung unang nagreach out and nagsusuggest ng right instruments to use. Pinalitan yung cello ng percussion para mas may beat daw. Nawala sila bigla after the reception, di man lang kami nakapagpathank you.

Mobile Bar: Flair Up (4)
(+) overflowing ang cocktail bar nila. Mabilis kumilos ang mga bartenders and masasarap naman ang drinks. Good for 100 pax lang ang binayaran namin pero nag enjoy ang 160 guests at dami pa naming nainom after haha

(-) sobrang hirap nila kontakin so nagworry kami ni hubby at inakala pa naming scam yun haha! First time kasi naming makaaattend ng wedding fair last year at nagfullpayment agad so kala namin tinakbuhan kami. Buti they delivered naman on our wedding day.

Hotel for Wedding Preps: City Garden Suites Manila (4)
(+) maluwag at mura ang penthouse suites nila. Bale 5 rooms ang nireserve namin a day before our wedding. Malinis at accommodating ang mga staff. Masarap din ang buffet breakfast.
(-) medyo may A/C problem ata sa room ko nung time na yun. Malamig sa sala pero so-so lang sa bedroom. Yung mga basic things na ineexpect mong asa room na e upon request pa. Weird! (robe, slippers, etc)

Bridal Car: Mobeline (4)
(+) maaga naman dumating si kuya sa hotel para sunduin ako. White 2012 VIOS lang yung nirent namin. May kasama ng bridal car flower at malakas naman ang aircon.

Ento + family service : Mobeline (4)
(+) nagrent kami ng 3 vans for the ento and our immediate family members. Maaga at magagalang naman sina kuya. Nagamit pa namin sa gabi after para ihatid sila pauwi.

Dessert Bar: Zap's Cakes and Pastries (4)
(+)Masasarap ang desserts na sinerve ni alex sa wedding ko. Ang ganda ganda din ng setup at bumagay sa itsura ng reception.

Wedding Prep Food:
Jollibee
Nag-order lang ako ng 2 pc pancake for breakfast ng family at p/v and hmua. Nag add din kami coffee, chips, juice para me makain sila habang nagwowork.

The Walking Pantry (3)
(+) affordable at one complete meal ang binigay ng the walking pantry at sinerve sa lunch sa hotel. Nagbigay sila ng 100 pesos/meal promo sa w@wies inclusive of 2cups of rice, 1 viand, 1 dessert and 1 bottled water.

(-) di ko alam kung di lang ako masyado makakain ng maayos sa tense, etc pero di ko nagustuhan yung herbed chicken breast na kinain ko. Me 2 diff viands pa kong inorder pero di ko alam kung anong lasa. Pati si groom di din nya ganun nagustuhan ang food.

Guests & Principal Sponsors Giveaways: The Truffle Tree (3)
(+) maganda ang packaging at masarap ang truffle chocs na pinurchase ko sa kanila.

(-)nag paadd pa sila ng 350 pesos dahil lang sa extra ribbon na ginawa nila sa guest giveaways namin which is dapat inclusive na dun sa rate na binigay smen.

Wedding Hangers: Bags in the City Manila (3)
(+)Simpleng wooden hanger lang na me sulat ng names namin ni hubby ang inorder ko dito. Oks naman and nadeliver naman agad sa bahay yung product.

Guest book Signature Frame: Invitation Madness (3)
(+) naachieve ni Mads yung signature frame na peg ko kaya happy naman ako. Nadeliver din nya on time;)

OTD Coordinator : 7ten5 Events (5)
(+)OA yung pagod nila sa wedding namin. Literal na sila humigop ng stress namin, kesehodang di na sila kumain basta madeliver nila at mapaganda ang dream wedding namin. Sobrang onting briefing at endorsement lang ang nangyari pero sobrang bow ako sa kanila. Di ako magtataka kung after neto dumoble ang rate nila. Sobrang affordable pero sobrang inexceed nila yung expectations naming mag-asawa. Sobrang basang-basa sila sa ulan pero tuloy pa din sa pag assist sa mga guests magtransition sa venue. Kay Lowell ko din binigay lahat ng OTD payables ko (130k plus) pero 100% nagtiwala ako sa kanya. After the ceremony inendorse nya ulit sken yung papel na me sign na ng lahat ng suppliers na nakareceive ng payment. Pati yung coord na nag assist sken na si Myra, sobrang bait at alert lagi. Lahat ng need ko meron sya or makakakuha sya agad agad. Pati sina Chie and the rest of the team na nagbihis sken (na dapat gagawin ng bridehouse team) at nagtahi ng gown ko, wow talaga! If ever ikasal kami ulit ni hubby, sila ulit kukunin naming OTD coord;)

chingky

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #231 on: September 18, 2015, 07:52:34 pm »
Thanks so much for the review, yannuh! Congratulations! Good thing I haven't booked The Walking Pantry yet. Kakahiya to feed that to our suppliers siguro. Sayang they're pretty affordable pa naman.

juwie

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #232 on: September 19, 2015, 08:57:27 am »
Sis yannuh, congrats on your wedding! I'm happy to hear that you're uber satisfied with your OTD (7ten5). I remember before you were not supposed to get an OTD but later on changed your mind. Glad to know it was all sulit in the end. Best wishes! ☺

donya_dyosa

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #233 on: September 19, 2015, 09:06:10 am »
Hi sis yannuh!!

Inaabangan ko talaga ang review mo haha..
Oh my gosh.. Iam so happy na natuwa at 5 ang binigay mo kay 7ten5!!!!
Iam so proud.. Na nakaimpluwensya ako dito!!!!
Patingin ng SDE  ;D

Congratss!! Cheers to us!!

stylus

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #234 on: September 19, 2015, 11:30:21 am »
yey sis yannuh!! congrats!! thanks sa one time big time review! bilang same tayo ng reception venue, otd coordinator, bridal gown designer at lights & sound supplier.. nakakalungkot lang yung review kay LST mobile. pero di naman sana nakaaffect yun masyado sa happiness sa wedding mo :)

twinxz

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #235 on: September 19, 2015, 12:18:43 pm »
bilis ng review mo sis yannuh! best wishes ulit!

buti na lang i haven't booked the walking pantry though they're offering discount and freebies to wawies. hahaha! we'll stick with CCME na :)

ece

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #236 on: September 19, 2015, 02:41:56 pm »
best wishes sis yannuh!

Soon2BWife

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #237 on: September 19, 2015, 05:10:39 pm »
Hi mga sis,

Any feedback on i-shot photography?...My sister booked them but I was having second thoughts kasi parang mas may makukuha pa kaming mas maganda with the same price package as them...Thanks...


yannuh

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #238 on: September 19, 2015, 06:43:25 pm »
Thank you mga sis! Buti talaga kumuha ako coord kasi super hirap pala talaga pag wala! Thank you sa lahat ng help nyo:) share ko lang yung wedding SDE namin hihi!

https://godsgraceproductions01.wistia.com/medias/2ieiago45j

twinxz

  • Guest
Re: Suppliers Rating (Thread 4)
« Reply #239 on: September 19, 2015, 11:16:01 pm »
awwww. dami nyong iyak sis! :) ka-touch!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close