watch now

Author Topic: Latest Showbiz Update (Thread 33)  (Read 127866 times)

strawberry

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #380 on: October 25, 2014, 09:19:16 am »
I agree nasa tao yan kung anong network ang preferred nilang panoorin. Me I love GMA shows. Recently their afternoon and primetime shows are nice, especially MY Destiny. Siguro I am more of a network fan. Kasi nong lumipat si Angel and others from GMA hindi ko na rin sila love but I remained a kapuso.

agree! fact na fact!  ;)

budzwhiz

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #381 on: October 25, 2014, 09:41:16 am »
Yung pansamantalang pag-alis ni Vice sa showtime is because of his throat condition. Kelangan daw ng major rest for two weeks. Then after that, hindi pa raw nya pwede masyadong gamitin yung voice nya. I agree na waley talaga itong showtime kung wala si Vice. Tapos pag wala pa si Anne. Si Anne naman kasi ginagawang idle time ang Showtime. Kapag may project e sobrang bihira makita sa show.

Skekinah

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #382 on: October 25, 2014, 04:39:40 pm »
May polyps daw kasi na nakita sa throat ni Vice. Siempre yun ang puhunan nya. Pero nasa MGV pa naman siya.
I'll say my piece on this network chorva ha: ako, obviously I prefer GMA. I have to admit, the stars on ABS are by a mile, more popular than GMA stars. I guess nasa packaging and marketing ng network yan e. Jan nga kulang ang GMA. Pero, in terms of the acting of their stars, hindi naman pahuhuli ang GMA. In fact, sa mga indie movies, if you will research,  nananalo sila or nasa cite ang kanilang acting. Sa programs naman, maganda din content ng mga shows nila. Trail blazer sila-look at Mulawin, Encantadia, Amaya, Indio, MHL. Minsan siguro, mga kapamilya silip din kayo sa shows ng GMA and be objective.  Wag nio na lang pansinin mga hindi sikat na artista dun. Ako naman e nanonood din pa minsan minsan ng ABS shows lalo na ang BCWMH at saka [textspeak!] IKA. For me, isa sa magaling na artista ng ABS si Maja S. At isa pa, maka Kathniel kaya ako and now I also like James Reid and Nadine. Sa GMA, I like Ruru Madrid, Miguel Tanfelix, Bianca Umali. Magagaling umarte ang mga bagets ng GMA ngayon.

jaynell_24

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #383 on: October 26, 2014, 11:39:30 am »
Sa simula pa lang I don't get yung network war dito sa pilipinas. Eto na ang pinakawalang kwentang issue meron sa paningin ko. Bawat tao may sariling preference, no need to trash the other kung hindi gusto.

Ako, I admit maka-GMA ako. I rarely watch ABS pero I know for a fact na mas sikat sila sa primetime dahil mas pang masa ang mga tema nila. GMA, on the other hand, gumagawa ng mga bagong theme sa palabas nila. ABS focuses on family issues on their drama that's why maraming nakakarelate.

On their artists, madaming ngang sikat sa ABS kasi magaling ang marketing nila, but that doesn't mean na walang magaling sa GMA.

zelda

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #384 on: October 26, 2014, 12:26:53 pm »
Ang taray network war na ang topic! Love, love, love, please.

Anyway, to answer one point raised re sa paggawa ng indie films ng gma artists and they win: Minsan, for some reason, ayaw ipahiram ng Star Magic ang artists nila. Ang nakakatawid lang talaga yun di nakakontrata solely sa ABS. :) Kung hindi mag-i-indie ang GMA artists, ang slim ng chance nila magka-movie. As in waley na ang GMA films.

Again, both networks have their feats. :) Maka-ABS ako but tumatalon din ako sa GMA if I find a show na worth watching talaga. :) Now na-appreciate ko ang Ilustrado dahil history buff ako.

So it alls boils down pa rin sa preference ng tao. :)

manhattanite

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #385 on: October 27, 2014, 06:31:52 pm »
Magkaaway na naman si Ruffing and Annabelle LOL

http://www.pep.ph/news/45370/ruffa-gutierrez-and-mom-annabelle-rama-engage-in-another-twitter-spat

So hindi pala pera ang habol ni Ruffa sa isang lalaki?  Based sa tweets ni Annabelle, mukang puso ang sinusunod ni Ruffa kesehodang walang pera or di kasing-yaman ang lalaki.

alice_alice

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #386 on: October 27, 2014, 06:51:39 pm »
^1st runner up sila sa mga Barrettos!  ::)

nakakaloka hinde kaya promo lang yan? pampataas ng ratings ng floptsina nilang reality show.  ;D

manhattanite

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #387 on: October 27, 2014, 06:55:05 pm »
^Naisip ko din yan, sis  ;D  Kaso parang tagos sa buto ang mga hirit ni Annabelle.  Pero malay natin baka nga staged talga knowing the Gutz hehe.

brandi

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #388 on: October 27, 2014, 08:08:25 pm »
Nakakaloka ang mag inang yan.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #389 on: October 27, 2014, 08:10:43 pm »
Eeeww, desperate for viewers' attention.

Sabe ni Annabelle, pinag aral daw sa magandang school si Ruffa. San nga ba sya nag-aral?

miyam210

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #390 on: October 27, 2014, 08:15:58 pm »
Gimik lang yan. Si Rufing pa hindi mahilig sa mayaman?  ;D  Pareho lang naman silang magina eh. Lahat sila kasi mga laos na so kailangan talagang gumimik para pagusapan.

alice_alice

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #391 on: October 28, 2014, 12:11:09 am »
yan ang pinakaayoko sa lahat ang siraan mo ang kapamilya mo oo galit ka oo masama ang loob mo pero never ever do that to your family, wala lang ayoko talaga nyan. grabe nagpapakababa sila ng ganyan para sa ratings nakakadire ang ganyang pag-uugali. tsktsk.

di naman yata nakatapos ng college si ruffa? correct me if i'm wrong mga sis. haha. nakatapos nga ba siya?

chinkywinky

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #392 on: October 28, 2014, 01:17:05 am »
Gimik o hindi, ang tindi pa rin ng patutsada nila sa isa't-isa ha. Tama naman din si Ruffa, she shouldn't be humiliated esp in public at esp coming from your own mother. Walang anak ang magugustuhan yon. Ang problema kasi, si Anabil ang nanay nya  ;D

Antigone

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #393 on: October 28, 2014, 05:21:58 am »
Di ako naniniwala. Gimik lang yan for It Takes Gutz. Hello, ang tanda na ni Ruffa. Duh.

Parang teenager pa si Ruffa yan na gimik nila.

cheepee

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #394 on: October 28, 2014, 08:57:21 am »
pero ha..aminin nio yan...nakakaloka naman talaga tong si anabel

kahit na sigurong sinong anak eh magwo walk out kapag pinahiya na nanay nila ng ganun sa harap ng mga utaw..lol

oh well, I just hope they settle their issues agad, family will always be family. saka sana eh wala ng twitter/social media war..magiging example pa sila ng mga younger generation sa family nila :)

miyam210

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #395 on: October 28, 2014, 09:12:24 am »
Sabihin na nating nagaaway talaga silang magina. Kaso bakit kailangan pa ibandera sa twitter ang away nila? So maliwanag na for publicity purposes lang ito para sumikat show nila.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #396 on: October 28, 2014, 09:17:10 am »
^And take note, nag-aaway pero naka hashtag ang show nila. Pathetic.

Issabella

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #397 on: October 28, 2014, 10:43:24 am »
Hay naku, ang mga gimik nila para pag-usapan hindi nauubos kasi siguro ang viewers nila konting konti na lang! Kaloka!


tischarmedlife

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #398 on: October 28, 2014, 11:01:11 am »
agree. natawa nga din ako dun sa hashtag eklavu nila'ng mag-ina. feeling ko talaga all those are just to promote their show.

pret_ty68

  • Guest
Re: Latest Showbiz Update (Thread 33)
« Reply #399 on: October 28, 2014, 11:30:10 am »
Sa tingin ko rin para lang yan ma promote show nila and pinapalabas nila na walang pakialam si ruffa kong may pera ang lalaki o wala sa tingin ko ginagawa lang nila yan para gumanda image ni ruffa para hindi mukhang materialistic.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close