Sorry to hear that sis...
ang dami nating sana...
sana nung nabubuhay pa siya nagawa at nabigay natin lahat ng kaya natin ibigay..
pagmamahal, atensyon, pag-aalaga, appreciation atbp..
kaya lang, di natin hawak ang oras kung kelan mawawala ang bawat isa satin..
daming regrets...

magkikita-kita kaming magkakapatid ngayon..
salu-salo lang.. kumustahan...
Nagpapakabusy ako para kahit pano mapalipas ko yung araw ng hindi umiiyak..
sobrang miss ko na siya..
may time na tinititigan niya ako...
tapos sabi ko
"nagagandahan ka sakin noh'"tumungo lang siya sabay sabing
"tumingin ako sa salamin kanina, ibang-iba na itsura ko, ang pangit ko na... ayaw ko ng magsalamin"niyakap ko siya, then sabi ko,
"ma, maganda ka pa rin para samin,.. tsaka kami naman ang patunay na maganda ka kasi mana kami sayo"ngumiti na lang siya..
ang laki na talaga ng binagsak ng katawan ni mama.. ang laki ng pinagbago sa itsura at kulay niya..
sobrang hirap din ng pinagdaanan ni mama.. 2 beses sa isang linggo yung dialysis niya.. patagal ng patagal, humina na siya ng humina.. lumabo yung paningin at nahihirapan huminga..
dumating sa point na nakaupo na siya matulog kasi puno na ng tubig yung baga niya..
kahit papano lumaban siya for 1 year kya lang hanggang dun na lang talaga..
ang sakit sakit makita yung magulang mo na nahihirapan sa sakit.. na wala kang magawa kasi di naman siya pwedeng paoperahan...
minsan sinasabi niya na pagod na pagod na siya at sobrang pabigat na siya sa amin,. na gusto na lang niyang magpakamatay para di na kami pare-parehas na mahirapan..