watch now

Author Topic: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2  (Read 59172 times)

hakunamatata

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #440 on: October 13, 2014, 08:37:09 am »
^we have the same dilemma sis, kami din we will be coming from Cavite pa and ang hospital namin sa Cardinal Santos. To think na ang December ay matrapik sa Edsa  :(. We have another option sana na sa parents ko muna mag stay kaso wala naman parking dun at mahirap maghanap ng taxi sa area ng parents ko. I only wish na sana pag lalabas na sya nasa office kami kasi makati area lang naman ang office namin hindi na masyado mahirap ang travel. Kaya natin ito sis!

Beng01

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #441 on: October 13, 2014, 09:02:30 am »
I also feel that sis. Ang sabi sa akin ng ob ko most likely eh medyo mababa na si baby at pumupwesto na,talaga.

Sorry to change change the subject but I was just quoted by my ob at di pasok sa budget namin kasi CS ako abutin P120k+. Huhu..I'm already on my 31st week and I really feel sad that I might change Ob. May ma suggest ba kayo na good OB and hospital sa QC? ok ba sa pacific global med center along mindanao ave? My ob kc is,from chinese gen pa. to think na sya nagpaanak sa first ko, akala ko mabbgyan nya ko discount. Im so stressed na talaga. so Sorry i had to share this with all of you. Baka may ma refer kayo sa,akin. Thanks so much!

hi sis LeAnEn, bakit ang mahal naman ng quote sayo ng OB mo, diba mura lang sa chinese gen? sino OB mo doon? Ang Pacific Global Medical Center, marami nagsasabi mahal daw doon. You may want to try Bernardino sa Quirino, Novaliches or sa Metro North sa Mindanao Ave.

tabularasa08

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #442 on: October 13, 2014, 09:15:57 am »
Sis hakunamatata, ako naman magleave na by november. Napapagod na kase ako sa byahe. Saka feeling ko mababa na si baby. Nagcocommute lang kase ako kaya may part na nilalakad ako ng medyo malayo pag pumapasok at umuuwi from the office.

Sana lang madaling araw ako makaramdam ng labor pain para hindi traffic sa edsa. May hosp na ako nakita dito sa bulacan kaso lang mas panatag pa din ako sa medical city.

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #443 on: October 13, 2014, 09:22:49 am »
mga sisses na nagleave ng maaga, ano nakalagay sa medical certificate ninyo na reason?

decided na sana ako magpublic hospital (although sa province naman) kaso may nakita nanaman akong video ng jose fabella natakot nanaman ako. huhu bakit ba kasi nanonood pa ako ng mga ganun. huhu

tabularasa08

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #444 on: October 13, 2014, 10:20:05 am »
Oo mga sis, anong nakalagay sa medical cert nyo? Nung nagsabi kase ako sa OB ko na magleaVe ako ng maaga, sabi nya di nya daw ako mabibigyan ng med cert kase personal preference ko lang daw yun. Bibigyan nya daw ako if may medical condition lang kami ni baby na hindi kami safe. Eh saken kase, napapagod na talaga ako sa byahe at panay sakit na ng likod ko tapos araw-araw pa akong may dalang laptop. Tapos lately pag naglalakad ako ng matagal, nakakafeel ako ng contraction although di naman nagtatagal pero syempre nakakaparanoid pa din.

lanee_beu

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #445 on: October 13, 2014, 10:32:02 am »
problem ko din to mga sisses, i live in pasay at sa rizal ang ob ko. remedy namin ni ob (even sa eldest ko nung 2012) is to schedule me nalang na iinduce. Ok nman dun sa eldest ko nanganak ako ng normal at 40 weeks, kaya i'm praying na sana sa 2nd baby ko ganun din.  :)

hakunamatata

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #446 on: October 13, 2014, 10:36:52 am »
mga sisses na nagleave ng maaga, ano nakalagay sa medical certificate ninyo na reason?

decided na sana ako magpublic hospital (although sa province naman) kaso may nakita nanaman akong video ng jose fabella natakot nanaman ako. huhu bakit ba kasi nanonood pa ako ng mga ganun. huhu

sis before gusto din namin ni hubby sa public hospital manganak kaso upon reading horror stories sa mga public hospital we decided not to nalang, we rather spend ng medyo malaki sa public hospital basta kampante akong safe kami ni baby. Mamya kaka tipid at practical namin nauwi sa wala. Mas masarap manganak ng kampante at wala kang iniisip na iba. Masakit sa loob dba? Hindi kita tinatakot, IMO lang.

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #447 on: October 13, 2014, 03:22:12 pm »
^ewan ko ba sis, maluho akong tao pero pagdating sa ganito gusto ko as tipid as possible (kung ano pa yung hindi dapat tipirin, dun pa magtitipid). hahaha! pero I get your point sis :) tinatakot na nga ako ng asawa at nanay ko na hindi nila ako sasamahan sa ospital kung magpapublic ako. haais.

mama_ai

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #448 on: October 13, 2014, 04:03:32 pm »
I filed early leave pero charge sa VL ko.  since wala na ako VL, without pay na sya.  Then ang start ng official maternity leave ko is Nov. 3.  Yun yung need ng medical certificate. will ask for it sa next check up ko.

basha

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #449 on: October 13, 2014, 04:15:24 pm »
Hi mga sisses, gave birth to a healthy baby girl last September 30. Here's my labor story:

September 27
Scheduled check up with OB ng morning. Pagcheck nya 4cm na daw ako pero wala ako nararamdamang kahit anong pain. She suggested na magwalk ako and come back to her in the afternoon to check kung nagprogress ba. She said i have to go to the hospital pag nag 5cm na. So nagpunta muna kami ng mall ni hubby to have our last date as a couple hehe then uwi kami sa house and i took a bath kasi baka maadmit na ko sa hospital. Pagbalik namin sa clinic nya ng hapon ganun pa rin 4cm pa rin so OB asked me if i want na magpaadmit na. Sabi ko na lang monitor na lang namin sa house since wala naman ako nararamdamang pain.

September 28
Nagmall ulit kami ni hubby sa mall to walk hoping na magprogress ang labor although wala pa ring nagbabago sa nararamdaman ko. No pain or whatever. Medyo paranoid na si hubby so bago kami umuwi dumaan kami sa hospital kung san ako magpapaadmit para magpa-IE since Sunday at walang clinic si OB. Pagcheck nila ganun pa rin  4cm pa rin. Tinawagan nila si OB and nakausap ko and asked if want na magpaadmit na sa hospital. I refused pa rin hehe

September 29
We went to OB in the morning to check ulit and after 2 days 5cm na! Pero still no pain pa rin, pero OB instructed na punta na kami ng hospital pero tumawad pa ko sabi ko punta muna ko ng office to get my stuff. Di pa kasi ako nakapagfile ng ML. We are in Bulacan and my office is in Ortigas. Hesitant si OB pero sabi ko mabilis lang kami and sa hospital na kami tutuloy pagbalik namin. That was around 12nn and i was admitted sa hospital mga 330pm. They shot buscopan at oxytocin para magprogress ang labor. Pero when OB checked me around 8pm 5cm pa rin. Medyo nilakasan dosage nung oxytocin tas dun ko nafeel yung contractions. Feeling ko nadudumi ako. Naglakad kami ni hubby sa hall ng hospital tas i felt may discharge, bloody show pala. Medyo naging intense yung contractions pero tolerable yung pain. Come mga 1130pm chineck ulit ako ng head nurse and nasa 5-6cm pa lang daw and makapal pa. That's when OB decided na stop na yung oxytocin and patulugin ako para may energy for tomorrow. After ko magfleet, i asked hubby to tell the nurse na bigyan na ko pampatulog kasi pagod na ko and i feel dysmenorrhea like na pain.

September 30
Around 1 hour after ko ma-sedate nagising ako kahit groggy coz i felt that the baby is coming out. Ginising ko si hubby and he called the nurse. The nurse checked on me and i was 6-7cm daw. She told me na wag umire. Being sobrang antok i asked her how kasi di ko mapigilan and tinatalo ako ng antok. Nilipat ako sa stretcher pero di pa ko dinala sa delivery room coz wala pa daw order si OB. Nakatulog ako ulit and then nagising sabi ko ayan na yung baby lalabas na. Turned out i was 8cm na and my water bag broke. Nagpanic sila kasi bigla bumilis ang progress ng labor. The wheeled me sa OR and nung naalimpungatan ako ulit i thought ma-CS ako kasi tulog ako ng tulog at di ako umiire lol. Faint memory lang sa OR naririnig ko lang sila instruct to push, di ko maopen yung eyes ko kasi groggy ako talaga. Last memory ko sa OR i heard someone said, "ayannnn". I gave birth 3:45am.

Next memory ko sabi ng nurse ilipat na daw ako ng hospital bed, i asked them, "san na yung masakit?" They laughed and told me, "ma'am, nanganak na po kayo." I answered back, "talaga?" Lol groggy talaga.

Tas nung morning puring puri ako ng mga nurses, nung pedia pati ni OB na ang bait ko daw manganak wala daw silang narinig na reklamo sakin. Paano kaya ako magrereklamo kung tulog ako? Hahaha

Sorry masyado mahaba ang post ko.

decemberbride07

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #450 on: October 13, 2014, 04:39:56 pm »
Wow ang sarap naman ng panganganak mo. Ilang weeks ka nung nanganak? 39 weeks na ako bukas wala pa ako nararamdaman na anything. Wala pang signs except sa madami ako milky discharge. Last check up ko nung friday close pa cervix. Inip na inip na ako. Congrats btw 😊

tabularasa08

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #451 on: October 13, 2014, 04:41:32 pm »
Sis basha, san ka sa bulacan at san hospital ka nanganak? Congrats ha? Ang galing di ka rin pinahirapan ni baby mo. Ganon din sana kami ni baby ko. First baby mo ba sis? Ilang weeks ka nung manganak? Thanks!

princessfhiona15

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #452 on: October 13, 2014, 08:29:47 pm »
Haha! Natuwa ko sayo sis basha.. :) congrats! :)

basha

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #453 on: October 13, 2014, 08:30:20 pm »
Hello po, 37 weeks and 3 days po nung lumabas si baby.

Sis tabularasa08, sa bocaue po kami sa St. Paul Hospital po ako nanganak.

ilovemybaby01

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #454 on: October 14, 2014, 08:05:53 am »
@ GeminiTiger
Sis na experience ko din yan, napapa ungot nga ko kaya nagigising si hubby pag nag change position ako ng higa.. Madalas pa nagtutunugan mga buto ko pag pipihit ako pakabila hehe.. Hirap na humanap ng position ng higa na kumportabLe

@ basha
Thanks sis sa pag share ng labor story. Parang di ka gaanong nahirapan :D

Daming nanganganak ngayon na di gaanong nahirapan. Sana ganun din ako. Nakakainip na taLaga. 38weeks na kami ni baby now. Check up namin Later. Sana naman may progress na. Puro higa Lang ginagawa ko waLa kasi makasamang magLakad. Laging busy si hubby sa school and work. After ng check up namin buong araw akong mag gagaLa ngayon . Hehe.. Konting tiis na Lang :D

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #455 on: October 14, 2014, 08:22:12 am »
sis basha, congrats! ang galing naman :) pwede bang lahat tayo hindi na rin mahirapan? hehe!

-munchkins12-

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #456 on: October 14, 2014, 08:31:45 am »
Mga sis i gave birth last Sunday October 5th 5:49 pm to a healthy baby boy. Ika 40th week ko exactly that day. Oct 5 talaga ang due date ko as per Ultrasound. 2 weeks ako 1cm, the next week nag 2cm ako sa wakas.

Sunday 7:45 am i felt a warm water from me during shower mga 3x yun pero mahina lang. Akala ko pee nga lang. Yung parang me tumutulo sayo. Siguro amniotic leak na yun. Paalis na kami ng house to attend Sunday service. I texted my OB about it. She replied pumunta na ko ng hospital. Since nasa trunk naman na yung gamit, diretso na kami agad.

9:45 am i was officially admitted but still no sign of labor. Pinapili na rin kami ng room. I was advised na rin to have a light lunch kasi later di na pwede kumain.

11am i was sent to labor room still no sign of labor. Alam ko my labor was induced kasi my tinurok sakin while i was still at ER. Since feel ko kulang pa ko sa lakad ikot ako ng ikot sa labor room pushing the dextrose stand. Sabi nga ng mga staff dun ang sipag ko raw maglakad. Hehe. Nakakainip kaya if mahihiga lang ako.

2pm i peed and saw a blood sa bowl i informed the nurse and then they performed IE, 2cm na ako. Then continues na yung blood. I still want to walk around sana kaso me blood na ko so wala ako choice but to stay in bed

3pm, my OB finally arrived, 3cm na ako. Active labor starts to take place ang sakit na sobra. It felt like dysmenorrhea to the nth level pero more on puson area lang sakin my feeling na rin ako ng kaunting urge to poop. Sabi rin ng nurse later aabot sa balakang yung pain. Yung contraction from minutes to seconds yung interval. Tinuturo rin nila sakin how to breathe later at dapat wala raw sound. Tinitiis ko lang yung pain at pray lang ako na pray. Sabi ko kaya ko to, si mama ko nga sa bahay lang nanganak saming magkakapatid eh. Lakasan talaga ng loob. Sabi ng nurse pag 8cm na ako, 3x na raw yung pain level na mararamdaman ko. Also naramdaman ko rin yung antok, kaso when the pain strikes gising na ko ulet. Hehe. Ipunin ko raw yung lakas ko para mamaya.

5 pm, 8cm na ako and fully effaced na raw. Narinig ko sabi nila ambilis raw ng dilation ko. I have no idea 8cm na ako pero yung pain feel ko 2x lang naman yung level.

5:15pm, fully dilate na ako. Start na raw. Sabi baby must be out before 6:15pm. While they are busy preparing, i grabbed OB's hand. Sabi ko mag pray muna kami then she hold my hand and lead me to prayers. Active labor stopped pero i have this feeling naman the urge to poop. Yup ganun ang feeling. I made several push, OB guided me in slow counting 1-10. Nakatulong yun sakin para ma prolong ko yung push. OB broke my water bag, i heard her say "clear".

5:49pm after several attempt baby was finally out. Nilagay siya sa tummy ko. Then binitin siya upside down then i heard him cry. After that i pass out.

P.S. During my delivery i heard pala na nakabalot raw si baby. Bihira raw mangyari yun. I was able to confirm lang about it kahapon during my post natal check up. Nakabalot raw yung head ni baby sa amniotic sac. Kaya pala di siya umiyak agad pagkalabas. I googled about it is called caul or veiled birth. Rare occurence daw pag ganun. Na share ko lang.👶

candyjersey

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #457 on: October 14, 2014, 04:15:45 pm »
Congrats sa mga nanganak na! Ako din nung September 28 nanganak. Oct 19 pa dapat due date ko eh. Excited na si baby lumabas.  ;D

GeminiTiger

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #458 on: October 14, 2014, 06:15:24 pm »
@Basha and @-=munchkins12=- congratulations ! Sana di rin kami mahirapan manganak and NSD din .

@ilovemybaby01
Thanks sa reply sis ! Kala ko ako lang nakaka experience ng ganun , and true .. Tumutunog pa yung mga buto ko pag umiikot ako sa kama . 36 weeks and 5 days , nagte take na din ako ng buscopan and eveprim ba yun ?! Getting ready na nga siguro si baby girl lumabas .

@Candyjersey -  congratulations ! ilang weeks nung lumabas si baby ?! Thanks !

khriseeee

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #459 on: October 14, 2014, 07:06:22 pm »
Does anyone feel when baby turns his/her head down there? I swear, I feel baby turning and bumping his head around! Very weird feeling, I didn't have this with my daughter :\

 

Latest Stories

Load More Stories
Close