Hello mommies to be... Ang tagal kong di nakapagpost dito - sa cp lang kasi ako lately nag oonline e.
eto ang story ko hahaha!
Sept 25 - 11PM
On my way home from office(Makati-Marikina) nakasakay ako ng shuttle van along kalayaan ave - biglang kumaldag - yung feeling na nawiwi ka pero di mo napigilan. Tapos tawag ako kay hubby na salubungin ako - nagworry nga sya sabi ko text ko na lang kung bakit - ayoko kasing mag eskandalo sa byahe (imagine 18persons ang sakay nun)
Naisip kong bumaba na lang tapos sumakay ng taxi pabalik ng MMC - kaso sa sobrang takot at kaba ko ayokong abutan sa taxi ng wala si hubby e.
Sa may Padre Pio na kami nag abot - pag bukas ng shuttle umagos na yung tubig siguro mahigit isang picher yun. Dun ako bumaba kasi wala din naman akong maisip na babaan along C5 e. Nagtago nga ako sa dalawang poste dun sa may creek e. Iyak ako ng iyak - saka iniipit ko yung hita ko kasi patuloy pa rin sya sa pag agos e. Pag dating nila hubby awang awa daw sya sa itsura ko.
Nagpunta muna kami sa Marikina valley. Nung inie ako 3cm na daw ako with meconuim stain na. So option is Cs tapos incubate is baby since 33week and 3 days palang ako nun kaso walang available na incubator. Lipat pa kami saSt. Vincent kaso wala namang room na available. YUng SIL ko kasi ayaw pa akong dalhin sa MMC kasi nga mahal daw dun saka baka daw maagapan pa agad e. E sa tagal ang dami na ding nawawalang tubig sakin. Si hubby - nagdecide na itakbo na ako sa MMC talaga - nabwibwisit na kasi sya e. Di ako inaasikaso dun sa mga hospital na pinuntahan namin e. No contractions pala akong naramdaman ah.
Kausap ko na si OB ko nun e - sabi nga nya if lilipat ako ng hospital di daw nya ako matutulungan since di sya affiliated dun.
Sept 26 - 2AM
Nasa MMC na kami - dinala na ako sa DR under high risk room kasi preterm nga ako - so nabed rest ako dun for a day - ang goal kasi si irevive muna yung lungs ni baby ininjection ako ng steriods to help his lung mature a little more. Dapat 29 pa ako manganganak sana since mas ok daw na incubator yung mother's womb.
7AM
Nag ultrasound ako from 9.5 last Sept 23 naging 4.3 na lang yung AF ko - cord coil din si baby kasi nga wala na akong water. Tinuloy lang ang NST at antibiotics ko - ok pa naman yung cbc ko wala pang infection by then.
Sept 27 - 3AM
Patuloy pa rin ang discharge ko kahit nakahiga lang ako. Nakailang palit nga ako ng mattress pad e. Tapos regularly updated naman si ob sakin. Then nireport ata nung nurse na may green discharge na ako. Saka monitored din ang sugar ko nag insulin na nga ako kasi ang taas ng sugar ko dahil sa mga gamot na sinasaksak sakin.
7AM
Ultrasound ulit - 1.1 na lang ang AF ko. Iyak ako ng iyak nun.
9AM
Sabi nung nurse alam nyo po ba mam na for CS na kayo ng 12nn? hahaha parang ako panic mode naman ako - kasi wala pa nga talaga mga gamit ni baby - i was left unprepared. Sinisisi ko pa sarili ko bakit ganun. Pero nag iinfect na kasi ako based sa cbc ko at sa vaginal discharge e. Mas risky for both of us.
12nn
Naprep na ako then dinala na sa OR.
12:25 biniyak na then nakalabas na si baby by 12:34nn. Normal cut lang sakin kasi ang goal si mailabas agad si baby at mas mabilis ang healing process - Wala nga akong strectchmark hahaha may battle scar pa rin.
Nagawa namin anng unang yakap - kahit saglit lang kasi need agad itransport ni baby.
Thank God at no need to incubate na sya - after 24 hours, ok na ang breathing nya, di din sya nagkainfection. Mahalya man ang bill pero at least safe kami ni baby. He is so strong to survive for us - nakakinspire sya. Di nya kami pinagastos sa NICU. After 3 days pwede na kami umuwi pero we opted to stay another day pa para sure na ok na si baby. After 5 days, nadischarge na din kami.
Nawala lahat ng mga worries ko when I first held him. Parang hes telling me ' dont worry nanay, I survived'.
Siguro tagtag ako sa byahe kasi that day(thursday) nag update pa ako ng sss id at philhealth ko to married name...

Sabi ni hubby, masyado daw syang naging maluwag sakin e. Next time daw di na ako makakalabs ng bahay. LOL
sorry sa long post...
Ingat kayo mga sis palagi ah... Pray Pray Pray