watch now

Author Topic: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2  (Read 59249 times)

ilovetigger

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #360 on: October 05, 2014, 04:20:15 pm »
Congrats ulit to all the new mommies! Lalo na dun sa mga effortless ang panganaganak. Hehe.

IN my case mukang di ko na matutupad ang plano ko na mag NSD. Imagine mga mommies, ultrasound ko nung 37 weeks is CEPHALIC si baby tapos kahapon at 39 weeks biglang BREECH! Kakaloka. Eh sabi ng OB ko slim to none na ang chance na umikot pa siya pabalik ng cephalic. Naloka talaga ako. Kasi ang sabi sakin nung OB-SONO nung ika 37th week ko, di na daw iikot yun at permanent ng cephalic. Haay. Pero ang sabi namin sa OB, papa ultrasound kami ulit ng Tuesday at pag breech pa din, elective CS na kami the ff day. Malaki na din daw kasi si baby kaya ayaw na din patagalin ni dok. 3.4kgs na kasi siya as of Saturday.

Include me and my baby in your prayers na lang mga mommies ha. Sana umikot pa nga siya pero if hindi na talaga basta safe and healthy kami both happy na ako. Bumili pa man din kami ng birthing ball to help during the early parts of labor mukang di ko na pala magagamit. Hehe.

Question ko din pala, lately kasi madalas ako mag contract pero no pain at all and closed pa cervix ko as of yesterday. Braxton-Hicks lang ba yun? Sabi kasi ng OB ko baka naman daw may pain na di ko lang nafi-feel. Ang naraaramdaman ko lang yung pressure down there na parang may nakadaghan.

LeallianFaye

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #361 on: October 05, 2014, 06:49:21 pm »
Sept 28

10 pm - sumasakit na like dysmenorrhea, hindi na ko makatulog pero tolerable ang pain. Sinubukan ko Matulog pero hindi na talaga ako nakakatulog uncomfortable na yung feeling.
 
Sept 29

3 am - gising parin ako so nagbasabasa ako sa GT sa labor stories. Hehe!

4 am - pinuntuhan ko yung sister ko sa kabilang room kasi gising pa siya, nagkwentuhan kami, ganun parin yung sakit.

5 am - balik kami sa room then natulog na siya ako hindi parin makatulog.

7 am - naligo na ko at chineck yung baby bag and hospital bags kung nandun na lahat ng kailangan namin.

9 am - palakad lakad na ko sa room namin kasi hindi na ko mapakali sa contractions, ginising ko sister ko sabi ko feeling ko naglalabor na ko

10 am - texted my ob sinabi ko yubg nararamdaman ko sabi niya punta ako er pag hindi na tolerable ang pain or kung hindi nag stop ang contractions, time ko rin daw ang intervals. Tinanong niya rin ako kung may bloody show na ba or nagbreak na waterbag ko, kaso yun nga wala both. And punta daw siya dun by 3:30pm. Tinext ko na rin yung mother ko para sya mag accompany sakin sa hospital

11 am - dumating yung mother ko sabi ko punta na kami hospital kasi hindi nagsstop yung contractions.


11:30 am - sa er in-ie ako ng resident ob, 3cm na daw ako and nagtanong tanong about my health background etc. hehe. Then pinapunta na si mother sa admitting


12:00 nn - dumating ang nurse amay dalang wheelchair, tinanong niya ko kung kaya ko pang tumayo sabi ko oo tapos sabi ko rin kung pwede maglakad nalang kami, ayaw ni kuya pasaway daw ako. Hahaha! Edi sige sakay nalang ako ng wheelchair, tinanong niya rin ako kung gusto ko muna dumaan sa mom ko sa admitting sabi ko sige. Punta kami admitting then nagusap kami saglit then diretcho na kami ng nurse sa dr/lr. Nakakatawa pa ang nurse nakikipagflirt pa sakin manganganak na nga ko't lahat lahat. Haha! Pero thank you sakanya humaba ang hair ko by 1inch kahit papaano. Pag dating sa dr/lr umalis na si nurse at sabi pa sakin see you later pagbalik ko sa shift ko. Bago ako makapasok sa dr/lr pinatanggal sakin ang slippers ko tinanggal din nail polish ko, pagpasok namin dalawa lang yung bed, merong nakahiga sa isa naka hook siya sa nst, binigay na sakin ng nurse yung hosp gown then paper bag kung saan ilalagay ang damit na suot ko. Paglabas ko nagusap kami saglit nung isang mommy kasi same ob kami, hindi pa siya manganganak pina-nst pa lang ata ni dra. Pinahiga na ko ng mga nurses tatlo sila para saming two lang. Hinook na nila ako sa iv, tinanong ko pa kung ano yun sabi ng nurse wala lang yan mommy fluids lang yan. Nilagay na din ako sa nst para mamonitor ang contractions.
Tapos pinirick ako para macheck ang glucose ko kasi gdm ako.


1:30 pm - tumawag ob ko then pinapalit sa mga nurse yung fluids na nakakabit sakin.


2 pm - umalis na yung 3 nurse and yung mommy na isa, pumalit isang nurse, nakipagkwentuhan tinanong niya kung magkano yung tuition sa driving school kasi yun yung work ng father ko. Palagi niya chinechek at inaayos yung nakadikit sa tummy ko kasi di nagreregister yung contractions ko sa machine. Kinuha din niya ulit yung blood sugar ko bago niya kunin nagcontract sabi ko wait lang mabait naman yung nurse sabi niya sige po ma'am tapos nung nawala na tsaka niya ko pinrick


3:30 pm - dumating na ob ko then siya na and yung same nurse ang nagmonitor sakin. Swerte ko kasi kasama ko si ob the whole time na naglalabor ako. In-ie ako
4 - 5 cm na ako. Sabi ni dra gusto niya imonitor ang contractions ko para malaman niya kung iinject pa ng pampahilab o hindi na. Twing nag cocontract inhale exhale lang ako


5 pm - 6 - 7 cm na daw ako sabi ni dra, very good daw and pagnagpatuloy na ganun kabilis ang transition hindi na ko bibigyan ng pampahilab. Tinatanong din ako ngnurse kung hindi ba ko nasasaktan
Sa contractions ko. Hinihintay ko rin na sumakit to the point na hindi ko na kaya at mag wawala na ko sa labor room at hihingi ng anes iniisip ko pag 7 na ko o 8 cm for sure mas masakit na yung contractions ko. Sinubukan rin ni ob na putukin yung waterbag ko kaso sobrang nipis na daw kasi sobrang malapit yung head ni baby. Kaya pag bumaba pa daw lalo si baby try namin ulit. Pinaturok na ko ni dra ng pampatulog sa braso, sa braso lang daw at onting dosage para di ako total knock-out, nakakatulog ako saglit saglit lang.


6pm - in-ie ulit ako ni dra 8cm na, tinry ulit namin putukin waterbag ko pero nahihirapan parin si dra, nagstart na magcatheter si dra para mawiwi ako at lalo daw bumaba si baby, bago niya ipasok nagcocontract kaya sabi ko wait lang po kaya nagkwentuhan muna sila ng nurse. Tapos ayun okay na mas nasaktan pa ko sa catheter kesa sa contractions ko. Hindi parin sobrang intense ng contractions ko.

7 pm - i-e ulit 9cm na pina-inject na via iv ang twilight anes. Knock-out na ko totally.

8 pm - nagising ako nililipat na ko sa isa pang stretcher tapos black again ang vision ko, nagising ako dinadala na ko papuntang dr nakaside ako at nararamdaman ko na yung urge to push pero pinipigilan ko tapos blackout again. Nagising ako naka-higa na ko sa delivery room nakita ko yung malaking bilog na ilaw tapos sobrang puti ng paligid sobrang labo ng memory ko at pa flash flash lang ang images, nagising ulit ako para umire naririnig ko si dra nagbibilang kaso nahinto ako sa gitna para kumuha ulit ng bwelo pero nakahold yung pempem ko tapos push ulit then blackout again tapos gigising ulit ako para umire naramdaman ko yung head ni baby tapos narinig ko si dra sabi niya buhay then blackout again, nagising ako nilagay nila sakin si baby na sobrang putla pa at madaming blood gusto ko siya hawakan pero wala na ko lakas nagsmile nalang ako then blackout again nagising ako pinapalatch nila sakin si baby kaso iyak siya ng iyak ayaw niya then blackout ulit.


12 am - nagising ako sa recovery room tapos chineck nila ako etc then nilipat na ko sa ward namin. Nandun si mother naghihintay. May nurse na pumasok tapos kinuha ulit bloodsugar ko then tinanong kung gusto na namin iroom in si baby, sabi ni mother magrest daw muna ako so bukas nalang tapos natulog na kami then na room in si baby the next day then uwian na.

tabularasa08

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #362 on: October 05, 2014, 08:08:47 pm »
Congrats sa mga mommies na nanganak na.. Ang galing nung mga hindi masyado nahirapan. Sana ganon din kami ni baby ko. 31 weeks palang kami and dec 8 ang due date namin. So far okay naman kami ni baby pero super kabado na ako sa d-day! Goodluck mga mommies na di pa nanganganak. Sana maging okay tayo and our babies..

coifishh

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #363 on: October 05, 2014, 10:32:24 pm »
Wow! Na-amaze ako sa mga stories ng panganganak, na-lessen ang kaba ko hehe   :D
Congrats sa mga nanganak na!  ;D

firstimemom

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #364 on: October 06, 2014, 05:26:55 pm »
27w3d na ako according to my OB when I had my checkup today.
EDD ko is December second to third week.
Sobrang low ng pain tolerance ko. Friends, paano niyo nababago ang mindset on pain tolerance?
Sobrang kinakabahan ako. First time mom here. :(

Rezzia

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #365 on: October 06, 2014, 06:12:59 pm »
sis ganyan nangyari sakin mas malala pa ata sayo. napabayaan ko kasi uti ko. hindi agad ako uminom ng gamot. Naging 50hpf yung puss cells ko kaya sobrang sakit. Hirap ako sa pagtayo paglakad pati paghiga. Naconfine ako sa hospital ng 5days. Now nung nagpaurinalysis ako naging 3-6 hof nalang. kaya dapat patingin kana agad nang maagapan.

di ko sure how many puss cells ko, pero WBC ko 16-25, this was last sept 25 urinalysis.
pinapa repeat urinalysis ako oct 13.

ilovemybaby01

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #366 on: October 06, 2014, 07:55:02 pm »
Swerte ng mga sissies natin na di nahirapan manganak.. 37weeks na kami ni bebe today ! Super excited na kami ni hubby and kinakabahan.. Sana maki cooperate si baby and di ako mahirapan.. Nagpa ultrasound ako kanina, nakakatuwa itchura ni hubby ngiting ngiti kahit di naman niya maintindihan yung nakikita niya . Haha ! Naka pwesto na si baby and 6.6 pounds siya , sana Lang taLaga makayang inormaL .. Ang liit ko kasing babae and payat :( 4'11 lang ako and 38kgs nung di pa ko preggy now 46kgs and di nagbago katawan ko . Tummy ko lang lumaki !

Congrats sa mga nanganak na :)

chubbycheeks

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #367 on: October 06, 2014, 08:51:15 pm »
Kala ko nag-labor na ko kagabi, di pa pala. :( Started taking EPO today pero sabi naman ni OB i won't be able to tell if nagwo-work until mag labor na nga ako. Then kanina while walking, biglang sumakit vajayjay ko, as in I couldn't take another step sa sakit. Buti na lang asa garage lang namin ako kasi stranded ako for a full minute pero pinilit ko talaga ilakad. Then I felt a discharge na hindi ako sure kung watery discharge or my water breaking na. Pano ba malalaman ang diff? May white discharge kasi sa panty then water around it. Nakakapraning talaga pag malapit na. :D

khriseeee

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #368 on: October 06, 2014, 09:45:45 pm »
^if you rwater bag broke then the leak would be continuous, otherwise it's just discharge.

decemberbride07

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #369 on: October 07, 2014, 10:13:41 am »
Kala ko nag-labor na ko kagabi, di pa pala. :( Started taking EPO today pero sabi naman ni OB i won't be able to tell if nagwo-work until mag labor na nga ako. Then kanina while walking, biglang sumakit vajayjay ko, as in I couldn't take another step sa sakit. Buti na lang asa garage lang namin ako kasi stranded ako for a full minute pero pinilit ko talaga ilakad. Then I felt a discharge na hindi ako sure kung watery discharge or my water breaking na. Pano ba malalaman ang diff? May white discharge kasi sa panty then water around it. Nakakapraning talaga pag malapit na. :D

Ako naman grabe tumigas tyan ko kakatakot pero di naman siya painful kaso worried ako baka mataas lang din pain tolerance ko kaya di ko maramdaman yun pala naglalabor na ako. Grabe din discahrge ko lately ang dami. Ilang weeks ka na? Ako 38 today.

+arte20+

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #370 on: October 07, 2014, 10:36:21 am »
^malapit na kayo mga sis if may discharge at konting water. Ganyan nangyari sa akin 2-3 days ako may discharge ignore ko lang din kasi hindi naman ganun kasakit. Tapos nung pag IE sa akin ni OB during check-up 4-5cm na daw pala ako. Pag mataas talaga pain tolerance ang hirap masabi kung naglabor na talaga. Good luck sa inyo, have a safe delivery! :)

IamDindin

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #371 on: October 07, 2014, 10:38:55 am »
Sisses, question lang.  At what week ideal maglakad lakad na?  Also, when advisable mag start ng maternity leave?  :)

hun_nie08

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #372 on: October 07, 2014, 11:42:00 am »
Hello mommies to be... Ang tagal kong di nakapagpost dito - sa cp lang kasi ako lately nag oonline e.

eto ang story ko hahaha!

Sept 25 - 11PM
On my way home from office(Makati-Marikina) nakasakay ako ng shuttle van along kalayaan ave - biglang kumaldag - yung feeling na nawiwi ka pero di mo napigilan. Tapos tawag ako kay hubby na salubungin ako - nagworry nga sya sabi ko text ko na lang kung bakit - ayoko kasing mag eskandalo sa byahe (imagine 18persons ang sakay nun)

Naisip kong bumaba na lang tapos sumakay ng taxi pabalik ng MMC - kaso sa sobrang takot at kaba ko ayokong abutan sa taxi ng wala si hubby e.

Sa may Padre Pio na kami nag abot  - pag bukas ng shuttle umagos na yung tubig siguro mahigit isang picher yun. Dun ako bumaba kasi wala din naman akong maisip na babaan along C5 e. Nagtago nga ako sa dalawang poste dun sa may creek e. Iyak ako ng iyak - saka iniipit ko yung hita ko kasi patuloy pa rin sya sa pag agos e. Pag dating nila hubby awang awa daw sya sa itsura ko.

Nagpunta muna kami sa Marikina valley. Nung inie ako 3cm na daw ako with meconuim stain na. So option is Cs tapos incubate is baby since 33week and 3 days palang ako nun kaso walang available na incubator.  Lipat pa kami saSt. Vincent kaso wala namang room na available. YUng SIL ko kasi ayaw pa akong dalhin sa MMC kasi nga mahal daw dun saka baka daw maagapan pa agad e. E sa tagal ang dami na ding nawawalang tubig sakin. Si hubby - nagdecide na itakbo na ako sa MMC talaga - nabwibwisit na kasi sya e. Di ako inaasikaso dun sa mga hospital na pinuntahan namin e. No contractions pala akong naramdaman ah.

Kausap ko na si OB ko nun e - sabi nga nya if lilipat ako ng hospital di daw nya ako matutulungan since di sya affiliated dun.

Sept 26 - 2AM

Nasa MMC na kami  - dinala na ako sa DR under high risk room kasi preterm nga ako - so nabed rest ako dun for a day - ang goal kasi si irevive muna yung lungs ni baby ininjection ako ng steriods to help his lung mature a little more. Dapat 29 pa ako manganganak sana since mas ok daw na incubator yung mother's womb.

7AM
Nag ultrasound ako from 9.5 last Sept 23 naging 4.3 na lang yung AF ko - cord coil din si baby kasi nga wala na akong water. Tinuloy lang ang NST at antibiotics ko - ok pa naman yung cbc ko wala pang infection by then.


Sept 27 - 3AM

Patuloy pa rin ang discharge ko kahit nakahiga lang ako.  Nakailang palit nga ako ng mattress pad e. Tapos regularly updated naman si ob sakin. Then nireport ata nung nurse na may green discharge na ako. Saka monitored din ang sugar ko nag insulin na nga ako kasi ang taas ng sugar ko dahil sa mga gamot na sinasaksak sakin.


7AM

Ultrasound ulit - 1.1 na lang ang AF ko. Iyak ako ng iyak nun.

9AM

Sabi nung nurse alam nyo po ba  mam  na for CS na kayo ng 12nn? hahaha parang ako panic mode naman ako - kasi wala pa nga talaga mga gamit ni baby - i was left unprepared. Sinisisi ko pa sarili ko bakit ganun. Pero nag iinfect na kasi ako based sa cbc ko at sa vaginal discharge e. Mas risky for both of us.

12nn
Naprep na ako then dinala na sa OR.
 
12:25 biniyak na then nakalabas na si baby by 12:34nn. Normal cut lang sakin kasi ang goal si mailabas agad si baby at mas mabilis ang healing process - Wala nga akong strectchmark hahaha may battle scar pa rin.

Nagawa namin anng unang yakap - kahit saglit lang kasi need agad itransport ni baby.


Thank God at no need to incubate na sya - after 24 hours, ok na ang breathing nya, di din sya nagkainfection. Mahalya man ang bill pero at least safe kami ni baby. He is so strong to survive for us - nakakinspire sya. Di nya kami pinagastos sa NICU. After 3 days pwede na kami umuwi pero we opted to stay another day pa para sure na ok na si baby. After 5 days, nadischarge na din kami.

Nawala lahat ng mga worries ko when I first held him. Parang hes telling me ' dont worry nanay, I survived'.


Siguro tagtag ako sa byahe kasi that day(thursday) nag update pa ako ng sss id at philhealth ko to married name... :D Sabi ni hubby, masyado daw syang naging maluwag sakin e. Next time daw di na ako makakalabs ng bahay. LOL

sorry sa long post...

Ingat kayo mga sis palagi ah... Pray Pray Pray

Beng01

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #373 on: October 07, 2014, 12:02:00 pm »
hi sis IamDindin, nakalimutan ko din ask OB ko kung kailan ako pwede maglakad lakad ng todo, btw I am 36 weeks na and naka leave na ko sa October 16, since EDD ko is October 31.

Weekly na check up ko and IE, this saturday check up na naman.

IamDindin

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #374 on: October 07, 2014, 12:14:14 pm »
^^Sis hun_nie08 good to know you're both safe ni baby.  :)

^Sis Beng01, gusto ko nga sana 2 weeks before due date mag leave, yung mother ko kontra, masyado pa daw maaga.  I ask ko na lang din si OB since may check-up naman kami sa Thursday.  Malapit ka na sis :)

Beng01

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #375 on: October 07, 2014, 01:19:33 pm »
yes sis IamDindin malapit na talaga due ko, good luck din sa delivery mo ;)

Mga sis question, check up ko last saturday at na IE na ko, sabi ng OB nakatalikod pa daw si baby, hindi ko na natanong kung naka breech position si baby, palagay nyo? Also Ano ba pakiramdam ng naka cephalic / or naka pwesto na si baby? Masakit ba sa vjj o normal lang?

Nakakapraning, ayoko kasi ma CS :'(

chubbycheeks

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #376 on: October 07, 2014, 02:02:21 pm »
Sis decemberbride07, 39 weeks na ko bukas. Sana talaga mag labor na ko! Nakakakaba kasi sabi ni OB to observe kung active pa si baby. E the past few day, hindi sya kasing likot as before although 10 kicks per 2 hrs pa din naman.

Sis Beng01, may pressure ka mafi-feel sa vjj if naka-pwesto na si baby. Parang namamaga nga yun akin pag nakatayo ako haha.

Sis hun_nie08, good thing ok na kayo ni baby! Congrats! :)

Len0523

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #377 on: October 07, 2014, 03:58:02 pm »
chubbycheeks nauna na ko sayo sis. Hehe
sabay tayong Oct. 5 due dba?

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #378 on: October 07, 2014, 04:56:23 pm »
sis Beng01, at 30 weeks, nakasiksik na daw si baby sa singit ko (exact words nung OB). kinabahan ako. alam ko nakacephalic na siya and nung nagcephalic siya from breech position, iba talaga ang sakit. biglang bumigat at napapakuba na ako pagnaglalakad. parang nagcacramps din ang vjj ko!

sis hun_nie08, although happy ako na ok kayo both, nag-alala ako para samin. ganyan din kasi ako, tagtag sa biyahe tapos as in wala pa kaming kagamit gamit para kay baby :( wag muna sana siyang lumabas! so san kayo sis naghagilap ng clothes/things ni baby?

ilovemybaby01

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #379 on: October 07, 2014, 05:22:26 pm »
Pasintabi po sa mga makakabasa..

Mga sis nag poop ako, grabe super nahirapan ako first time nangyari saken to.. Natakot ako kasi baka mapa anak ako sa todo ng ire ko.. Nag dalawang isip ako umire kasi iniisip ko baka si baby na yun tapos wala lang ako nafeel na labor pains kaso di ko na kaya yung sakit kaya tinodo ko na.. Nakaka praning talaga, grabe lang talaga poop ko now kaso nag aalala ako mga sis.. After ko kasi umire ng bongga may nakita kong mga blood sa poop ko :( kinakabahan ako di ko alam kung may sakit ba ko o ewan baka makasama kay baby.. Kanina sobrang active niya, ngaun di na masyado baka naistress siya sa loob.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close