Magkaiba kasi sis yung sa first at second ko eh..
I'll share my story pero medyo mahaba ah.. sorry...
Since last week, idinadaing ko na dito ang menstrual-like cramps ko at ang pag release ng mucus plug ko.
Sunday morning nagsimba pa kami.. mall pa sana pero tamad na tamad ako. Nakahiga ako maghapon pero unable to sleep, still feeling menstrual-like cramps and may konting mucus plug ulit nung hapon...
sunday ng gabi may mga super strong contractions ako, hindi ko pinapansin itinulog ko lang.
Nagising ako mga 12:30 am ng monday, i felt na parang may period ako, tapos feeling ko may lumalabas sakin, i checked sa cr may bloody show na.. pero hindi pa kami agad pumunta sa hospital, naligo pa ko, poop, shave kasi alam ko manganganak na ko sa morning.
Si hubby nagpapanic na.. nagpupumilit na pumunta sa hospital, pero sabi ko, ayoko pa.. hindi ko pa ramdam ang sakit baka pauuwiin lang tayo sabi ko and 10mins lang byahe papuntang hospital kasi madaling araw naman... pero hindi talaga sya mapakali.. eh di go na kami..
2:45 arrived at the ER, medyo sinungitan pa ko ng nurse.. "ano nangyari sayo teh? Manganganak knb?" Sabi ko, hindi ko alam... siguro... hindi ko naman kaya i-IE sarili ko eh (maldita ka ha!)
Then interview ask ng mga usual questions..
3:05am - IE ng resident, ayun.. found out na 6—7cm na pala ko

tinawagan na nila OB ko, pero hindi ko pa gaano feel ang sakit, i even waited sa lobby for my hubby na makakuha ng room..
While waiting, may nilagay na yung nurse sakin na dextrose.
3:30 - dadalin na daw ako sa labor room, pinapasakay ako sa wheel chair, natatawa pa ko, sabi ko "wag na po.. pwede ba mag stairs na lang tayo papunta dun? Isang floor lang naman para makalakad pa ko ng konti".. so stairs lang kami, as usual si hubby nagpapanic dahil i opted na mag stairs pa.
Pagdating sa labor room nagbihis na ko, pinaalis na lahat pati undies ko and pinagsuot ako ng adult diaper..
Around 4am na nun tapos IE ulit, 7—8cm 70% effaced station: —3.. sabi ng nurse pag daw super sakit, tawagin ko daw sya pra lalagyan nya ko pain reliever..
4:30 - tinawag ko yung nurse, nakangiti pa ko, sabi nya.. "o parang di naman masakit mam, pain reliever na ba?"
Sabi ko.. "hindi po, nag rupture na kasi yata yung water bag ko, paki check naman kung clear baka kasi nka poop na si baby sa loob"
Then pag check nya.. ayun.. water bag broke na nga and clear naman daw. She even asked me if im a nurse kasi ang dami ko daw alam sa labor and everything, pero im not a nurse and hindi ako pre-med hahaha..
At dito na nagsimula ang kalbaryo.. parang pinaghihiwalay na yung katawan ko, then na feel ko na yung urge to push so tinawag ko ulit yung nurse, pero hindi na ko mkpag salita and ang hinahawakan ko is yung bakal sa gilid ng kama ko na feeling ko nayupi yata sa sobrang gigil ko kasi as in ayan na yung sakit.
Around 5:10 pagtingin ko sa oras dinala na ko sa labor room.. inipit nila legs ko kasi crowning na walapa OB ko tapos medyo parang naging groggy ako pero as in super sakit tapos nawala ang worry ko nung narinig ko na si OB then sabi nya push na..
1 looooong straight push.. baby out at 5:22am

and ipanatong sya kaagad sakin skin to skin
Ayun.. na-very good ako ni OB sa pag push.. nag stop ako nung na-feel ko na lumabas na yung head ni baby.
Tapos nakatulog ako.. ginising lang ako ng nurse sa recovery room mga before 7 asking kung kaya ko magpa breastfeed kasi kung nariring ko daw yung baby na malakas umiyak.. baby ko daw yun and gutom na daw.. hahaha so pinadala ko na sya sakin, nagpapa breastfeed ako while dinadala kami sa room namin.
Ayun.. ganun pala kataas yung pain tolerance ko.. haha
Sorry ang haba ng kwento.