watch now

Author Topic: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2  (Read 59183 times)

candyjersey

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #260 on: September 25, 2014, 10:39:28 am »
^ Kasama din ba yung sign na may contractions at sumasakit yung lower back na parang magkakaroon ka? or mas masakit pa dun? Kagabi kasi parang 1 hr yata nagcocontract ako. Naninigas lang sya tapos masakit sa likod. kaya naman yung pain pero medyo worried lang ako kahapon kasi parang halos every hour naninigas tyan ko.

raiza0022

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #261 on: September 25, 2014, 11:16:36 am »
Magkaiba kasi sis yung sa first at second ko eh..
I'll share my story pero medyo mahaba ah.. sorry...
Since last week, idinadaing ko na dito ang menstrual-like cramps ko at ang pag release ng mucus plug ko.

Sunday morning nagsimba pa kami.. mall pa sana pero tamad na tamad ako. Nakahiga ako maghapon pero unable to sleep, still feeling menstrual-like cramps and may konting mucus plug ulit nung hapon...

sunday ng gabi may mga super strong contractions ako, hindi ko pinapansin itinulog ko lang.
Nagising ako mga 12:30 am ng monday, i felt na parang may period ako, tapos feeling ko may lumalabas sakin, i checked sa cr may bloody show na.. pero hindi pa kami agad pumunta sa hospital, naligo pa ko, poop, shave kasi alam ko manganganak na ko sa morning.

Si hubby nagpapanic na.. nagpupumilit na pumunta sa hospital, pero sabi ko, ayoko pa.. hindi ko pa ramdam ang sakit baka pauuwiin lang tayo sabi ko and 10mins lang byahe papuntang hospital kasi madaling araw naman... pero hindi talaga sya mapakali.. eh di go na kami..

2:45 arrived at the ER, medyo sinungitan pa ko ng nurse.. "ano nangyari sayo teh? Manganganak knb?" Sabi ko, hindi ko alam... siguro... hindi ko naman kaya i-IE sarili ko eh (maldita ka ha!)
Then interview ask ng mga usual questions..

3:05am - IE ng resident, ayun.. found out na 6—7cm na pala ko  :) tinawagan na nila OB ko, pero hindi ko pa gaano feel ang sakit, i even waited sa lobby for my hubby na makakuha ng room..
While waiting, may nilagay na yung nurse sakin na dextrose.

3:30 - dadalin na daw ako sa labor room, pinapasakay ako sa wheel chair, natatawa pa ko, sabi ko "wag na po.. pwede ba mag stairs na lang tayo papunta dun? Isang floor lang naman para makalakad pa ko ng konti".. so stairs lang kami, as usual si hubby nagpapanic dahil i opted na mag stairs pa.

Pagdating sa labor room nagbihis na ko, pinaalis na lahat pati undies ko and pinagsuot ako ng adult diaper..

Around 4am na nun tapos IE ulit, 7—8cm 70% effaced station: —3.. sabi ng nurse pag daw super sakit, tawagin ko daw sya pra lalagyan nya ko pain reliever..

4:30 - tinawag ko yung nurse, nakangiti pa ko, sabi nya.. "o parang di naman masakit mam, pain reliever na ba?"
Sabi ko.. "hindi po, nag rupture na kasi yata yung water bag ko, paki check naman kung clear baka kasi nka poop na si baby sa loob"
Then pag check nya.. ayun.. water bag broke na nga and clear naman daw. She even asked me if im a nurse kasi ang dami ko daw alam sa labor and everything, pero im not a nurse and hindi ako pre-med hahaha..


At dito na nagsimula ang kalbaryo..  parang pinaghihiwalay na yung katawan ko, then na feel ko na yung urge to push so tinawag ko ulit yung nurse, pero hindi na ko mkpag salita and ang hinahawakan ko is yung bakal sa gilid ng kama ko na feeling ko nayupi yata sa sobrang gigil ko kasi as in ayan na yung sakit.

Around 5:10 pagtingin ko sa oras dinala na ko sa labor room.. inipit nila legs ko kasi crowning na walapa OB ko tapos medyo parang naging groggy ako pero as in super sakit tapos nawala ang worry ko nung narinig ko na si OB then sabi nya push na..

1 looooong straight push.. baby out at 5:22am  ;D and ipanatong sya kaagad sakin skin to skin
Ayun.. na-very good ako ni OB sa pag push.. nag stop ako nung na-feel ko na lumabas na yung head ni baby.

Tapos nakatulog ako.. ginising lang ako ng nurse sa recovery room mga before 7 asking kung kaya ko magpa breastfeed kasi kung nariring ko daw yung baby na malakas umiyak.. baby ko daw yun and gutom na daw.. hahaha so pinadala ko na sya sakin, nagpapa breastfeed ako while dinadala kami sa room namin.

Ayun.. ganun pala kataas yung pain tolerance ko.. haha

Sorry ang haba ng kwento.

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #262 on: September 25, 2014, 11:22:50 am »
^sis thanks sa pagshare ng labor story  ;) amazziiing. sana ganyan din kabilis ang progress ng labor namin! hindi ka na sis nagpa-epid?

raiza0022

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #263 on: September 25, 2014, 11:41:44 am »
^ hindi sis.. napag usapan na namin ni OB yun kaya nilagay nya sa admission letter ko na hindi kami epidural.

Beng01

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #264 on: September 25, 2014, 11:42:49 am »
hi sis raiza0022, thank you for sharing, I really need positive labor stories. Medyo nanghina ang katawan ko sa description mo pero carry lang ;D.

Sana ganyan din ako manganak, hindi ko pa alam kung mataas ang pain tolerance ko, nakakakaba talaga. I am on my 34 weeks by the way,,, medyo ina - anticipate ko na mangyayari sana normal delivery rin ako.

candyjersey

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #265 on: September 25, 2014, 12:49:10 pm »

2:45 arrived at the ER, medyo sinungitan pa ko ng nurse.. "ano nangyari sayo teh? Manganganak knb?" Sabi ko, hindi ko alam... siguro... hindi ko naman kaya i-IE sarili ko eh (maldita ka ha!)
Then interview ask ng mga usual questions..


haha natawa ako sa sinabi mo dito. Congrats sayo. :D

So okay lang pala na may contractions na nawawala wala basta wala pang bloody show. Sana pag dumating na yung time ko manganak wag naman sana yung habang naglalakad pauwi or yung alanganin. Sana yung nakauwi na din kami. haha!

chubbycheeks

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #266 on: September 25, 2014, 01:01:14 pm »
Sis raiza0022, ang taas nga ng tolerance mo for pain! Hindi ka na nagpa-epidural? Sana isang push lang din sa kin.

Btw, i think yun nararamdaman ko sa vj ko is lightening. Baka pumupwesto na si baby sa pelvic canal.

abbiesh

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #267 on: September 25, 2014, 01:03:12 pm »
raiza0022 Super funny ng part na kausap mo yung nurse! Buti ginanon mo. Hahahaha. Thanks for sharing sis! Nainspire ako. Self-proclaimed ako na may high pain tolerance. So I am really hoping na 1 push lang ayun na. haha. Ilang lbs baby mo sis? Congrats!!! Very inspiring esp for FTM like me :)

raine20

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #268 on: September 25, 2014, 01:28:01 pm »
How about yung cs ang first baby, pwede pa kayang maging NSD ang 2nd baby?

I asked my ob about it, sabi nya malalaman daw namin on the 36th weeks kung kaya kong mag NSD.

raiza0022

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #269 on: September 25, 2014, 02:07:59 pm »
Sis chubbycheeks baka nga lightening na yan.. ilang weeks ko din na experience yan bago ko manganak eh.. and yung sinasabi na pag hindi makatulog.. dun ko lang naintindihan kasi from saturday night upto maghapon ng sunday feeling ko ang bigat bigat ng pakiramdam ko, antok na antok ako pero kahit anong pwesto ko... wala talaga... hindi talaga ko makatulog ng maayos.. laging tig 1—2 hours lang tapos gising nanaman.

Sis abbiesh nakaka imbyerna kasi yung way ng pagtatanong nya ska yung itsura nya na parang natatawa sya sakin. Kaya tinarayan ko din, kasi kahit na government hospital yun.. sa isip ko.. sa private sector naman kami ng hospital, we're going to pay naman... hindi naman kami sa charity so hindi nya ko dapat ganunin. And sakali man na sa charity yung patient, hindi dapat ganun yung treatment nila.

And tip pala... pag nagcocontract, i know it's super sakit pero wag ubusin yung energy... now pa lang practice nyo na yung breathing exercises and isipin nyo na mas masakit yung next contraction so you need more energy, hinga lang ng malalim and pray kay God.
Ako bawat pag contract, lagi ko sinasabi kahit sa isip lang...  "Lord, give me strength please, i know hindi nyo ipaparanas sakin to kung hindi ko kaya"
And nung Sunday pag simba namin, i prayed, sabi ko Im not asking po Lord ng delivery na walang sakit, i am asking po na kahit na anong sakit, sana po bigyan nyo ko ng lakas na kayanin.. and yun nga, ang bait sakin ni Lord.. binigay nya talaga yung dinasal ko.  :)

chelgeneroso

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #270 on: September 25, 2014, 02:28:36 pm »
Wow! sis raiza0022, parang na-inspire ako magpa-normal delivery :D
Pinamimili kasi ako ng OB ko kung Normal Delivery or CS gusto ko, i have pregestational diabetes. My OB wanted CS for me para daw naka-prepare nako at hindi na sila mag-worry na mag-shoot-up sugar ko during labour pains. First time to give birth kasi, we waited 12 years for this gift :) Gusto ng OB ko everything is in-order, planned and safe kami ni baby.

abbiesh

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #271 on: September 25, 2014, 02:39:59 pm »
hello sis chelgeneroso GDM din ako, and nag iinsulin daily. I was never asked by my OB if I wanted CS. Push pa nga niya NSD and kaya ko daw (or kayanin ko daw). May possibility ba mag shoot up ang sugar talaga during labor??? I'll see my OB this Monday, ask ko din nga. Natakot naman ako bigla. Kame naman, ttc for almost 2 years :)

raiza0022 Oo tama, regardless kung paying or charity, all should be treated naman with courtesy. Lalo na for someone in pain diba? Naku, tama lang yang ginawa mo. Hehe. I would react the same as you did, to be honest. hehe. Ilang lbs baby mo sis? Boy or girl? Congrats! Sana manganak na din ako next week. Hehe

abbiesh

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #272 on: September 25, 2014, 02:46:06 pm »
How about yung cs ang first baby, pwede pa kayang maging NSD ang 2nd baby?

I asked my ob about it, sabi nya malalaman daw namin on the 36th weeks kung kaya kong mag NSD.

Ang alam ko pwede naman mag NSD kahit CS sa first, basta yung factor kaya CS nung first is ang baby eg. breech position, cord coil etc. Pag mom naman ang factor, yun ata ang CS padin for the succeeding pregnancies.

raiza0022

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #273 on: September 25, 2014, 02:49:53 pm »
^^ 7.1 sya sis.. baby boy, yung panganay ko baby boy din pero 5.9 lang nung lumabas eh.

abbiesh

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #274 on: September 25, 2014, 02:53:38 pm »
^Wow, superwoman ka sis. Hehe. And 2nd baby mo na pala :) Ako kung 7lbs up baka d kayanin ng katawan kong maliit. haha.

hun_nie08

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #275 on: September 25, 2014, 03:03:11 pm »
grabe sis raiza0022 nakakainspire naman ang kwento mo. Sana ganyan din ako katapang hahaha! :-)
So oa lang talaga yung ob ko na may contractions pero nawawala naman.. anyway - lumipat naman na ako ng ob e.. kagabi di na naman ako makatulog sakit ng tyan ko.. ang likot likot ni baby e... Sana wag muna sya lumabas kasi 34 weeks palang kami e. Next weekend pa ako uuwi ng probinsya e.

raine20

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #276 on: September 25, 2014, 03:52:09 pm »
ok. Thanks sis abbiesh! At least nagkaroon ako ng pag-asa. Kasi kahit yung friend ko na ob e parang gusto magpa-cs na lang din ako ulit. Sya raw gagawa, pro-bono. :-( Nung first baby ko naman, fetal distress yung cause. Long story din yun pero feeling ko niloko lang ako ng ob ko nun. Ngayong 2nd gusto ko talaga mag nsd, sabi ko nga kahit pa ibayad ko yung pang-cs basta ma-normal lang ako. Kasi gusto ko makapag-exercise agad pakatapos. Unlike before, halos 1 yr after bago ako nakapag workout kasi kesyo bawal daw etc. Hindi naman sinabi ng doctor na ganun katagal kaya lang better safe kasi baka nga naman hindi pa healed yung sugat sa loob.

abbiesh

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #277 on: September 25, 2014, 11:56:48 pm »
raine20 why daw gusto ng friend mo na cs ka ule? Altho ok na din, at least pro-bono :) Pero yun nga, the healing process takes so long. Iba padin ang experience pag NSD but then we just want our babies to be healthy and safe.


D ako 100% sure pero that's what I was told kasi. That if CS sa first, d naman necessarily CS on all pregnancies na. D ako dr or nurse ha. Hehe. PT lang ;)

chelgeneroso

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #278 on: September 26, 2014, 09:47:35 am »
hello sis chelgeneroso GDM din ako, and nag iinsulin daily. I was never asked by my OB if I wanted CS. Push pa nga niya NSD and kaya ko daw (or kayanin ko daw). May possibility ba mag shoot up ang sugar talaga during labor??? I'll see my OB this Monday, ask ko din nga. Natakot naman ako bigla. Kame naman, ttc for almost 2 years :)

Ganun kasi ako, konting factor (emotional or pain), meron difference sa sugar ko. kapag relaxed at happy, ganda ng sugar ko. Monitoring ko ng blood sugar 4x a day, insulin shot din ako 4x a day. sakit na nga ng braso ko at daliri.

Sabi ng Diabetologists ko, pabor din sya sa CS ako para daw naka-prep nako. Kapag daw kasi normal delivery, monitor nila ako at baby, bawal din daw ako kumain during labour, eh! di ba kailangan natin mag-insulin. hindi naman 1 hour lang ang labour. if things won't be pleasant, CS din nila ako. After birth, monitor ulit nila blood sugar ko at ni baby. Sabi naman ni OB, mapapamahal lang daw ang bill ko sa hospital kung piliin ko normal delivery at kapag hindi ko nakayanan emergency CS nya ako. Kung CS na agad choice ko, derecho OR nako, mag insulin man ako, sandali lang naman ang CS, lagyan nalang daw ako ng IV with sugar. Ayaw rin ng Nanay ko na mag-Normal Delivery ako kasi yung case ng kakilala nya, pinilit mag-Normal Delivery, nag-collapse yung kidney nya, naka-dialysis ngayon. Mas-bata sa akin yun at walang sakit. What more ako na may sakit at 37y/o. Si hubby pabor na rin sa CS, para daw hindi ako mahirapan at syempre natatakot din sya na baka may mangyari sa amin ni baby na masama.

blueflame

  • Guest
Re: Babies Due 4th Quarter of 2014 (Oct-Nov-Dec) - Thread 2
« Reply #279 on: September 27, 2014, 03:45:30 am »
Hello mga mommies! Tagal kong absent! Haba ng backread. Ngayon lang ako nagkaroon ng opportunity masilip ulit ang thread.

raiza0022 - nakaraos na tayo sis! Congratulations! Akalain mong nauna pa ako sa yo ng 1 day!

Nanganak na ako! Hihi! I gave birth to our Bebe Girl last September 21st, 2:24am. AOG is 37+1. 6.6lbs weight, 47cm length. Kakapost ko lang sa FB nung Saturday na 37th week na naminat  pwede na sya lumabas anytime, sumunod naman agad ni Bebe! Here's my share of kwento:

Maaga kaming natulog last Saturday night, mga 9:30pm, dahilm ay pupuntahan kaming dog pack walk sa MOA Sunday morning at para makapag-walking na rin. Humihirit pa ko na mag-date kami for the last time after ng pack walk kasi baka manganak na ako anytime.

At 11:40, may na-feel akong basa sa vajayjay ko, kala ko involuntary wiwi lang. Kinapa ko undies ko, basang-basa pero hindi pa naman umaagos. Pagtayo ko, parang may waterfalls na sa legs ko. Saka na nag-sink in sa akin na pumutok na water bag ko. Ginising ko si Hubby. Una nyang ginawa lumuhod sa sahig, inamoy at ininspect yung water. Good thing clear naman at walang amoy.

Between 11:45-12:15, nagprepare na kami ni Hubby. Naligo, nagtoothbrush at nagbihis ako. Habang sya naman tinawagan si OB at family namin na papunta na kaming hospital, binigyan ng allowance at binilinan si yayey at sinakay yung mga gamit namin sa kotse

12:40am nasa hospital na kami. We went straight to LR, initerview, pinahiga, IE, BP at iba pa. They confirmed na hindi pa rin sya cephalic & mataas pa sya. Ang sakit ng IE sa akin kasi pinipilit nilang abutin sya pero hindi talaga kaya. So possible na transverse ang position ni baby. kasi kahit pwet nya hindi nila makapa.

1:15am - nasa DR na ako. Pine-prep na ko ng mga nurse for the operation. Dumating na yung anes ko, he talked to me & reviewed my birth plan with the nurses. Nakampante agad ang loob ko kasi he assured me that everything will be okay. He asked me if I want to stay up or be sedated during the operation. Gusto ko gising ako! So, hindi ako pinatulog. Si hubby naman daw pumunta na sa admission ng ganitong oras para magpa-reserve ng room namin.

1:30am - dumating si OB, sinimulan na yung operation.

2:24am - Bebe out! nilinis sya, Pinatong sa chest ko and we attempted to let her latch sa akin pero failed. I was palpitating & hirap akong huminga so ako na nagsabi na mamaya na lang kami mag-latch. She was sent to recovery room na after that. Sinimulan na akong i-close ni OB.

4:30am - natapos akong i-close. Ang tagal pala nun!

4:45am - Nasa recovery room ako with baby.

6:30am - Nasa room na kami

Nakauwi kami Monday afternoon. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close