Simula June 12 nung nagkahulihan, araw araw ko siyang pinapaalis. Galit ako parati.. hanggang sa july 12 sabi ko tama na umalis ka na ngayon, nag impake ng gamit at nung paalis na siya, naawa ako sa anak ko.. tumahimik ako hanggang sa hindi na siya nakaalis.
Last tuesday, na-hack ko ang gmail, facebook, instagram at yahoo mail ni kabitch. Pati Dropbox app..
Dun ko nakuha lahat ng pictures sa dropbox.. dun ko nakuha pati mga petsa na ang sabi sakin ni boy e si mama niya ang kasama niya,.. birthday ng mama niya, mother's day, birthday ko, urbandub's last concert.. pati ordinaryong araw, magkasama pal sila..
Lahat ng duda ko noon na pakiramdam ko magkasama silang tatlo or dalawa lang sila, tama nga. Napaka sakit hindi ko maipaliwanag. Binalikan ko ang palitan namen ng text message sa mga petsa ng pictures na yun.. Normal ang mga sinasabi niya.. Beh dito na kame ni mama sa simbahan para sa bisita iglesia.. pagdating sa instagram nung babae, nag upload siya ng pic nilang tatlo sa mga harap ng mga simbahan ng bisita iglesia.. meron pang most recent upload si kabitch ng kama ni Boy na may mga lotion (na lotion ko na binigay ko kay boy dati), jack daniels na alak at towel.. kama no boy ang photo.. oh my god.. kahit pala nagwawala na ako since june 12 hindi parin talaga sila tumigil..
paguwi ko ng bahay ng tuesday na yun, may subpoena ako from prosecutor's office of QC..
1. libel (cyber liber)
2. light threat
3. unjust vexation
Ang Affiant? Ang kabitch.. dahil daw sa mga text messages ko noong nabuking ko sila..
Filed on July 2 2015
Sabi ko kay boy, ako na nga ang sinaktan niyo ng paulit ulit, ako pa ang may demanda ngayon. Porke nag abogasya ng 2nd year law ang kabitch sa San Beda.. Sabi ni Boy oh bakit ako ang sinisis mo? oo nagkamali ako pero ikaw ang may gawa niyan kay *name* kabitch.
Ayos diba..
pinapaalis na siya ng mga magulang ko dahil nakarating na din sa HR namen ang kopya ng subpoena..
kagabi umalis na siya, ni isang luha wala siyang niluha.. sabi niya lang, sorry sa lahat sana mapatawad mo ako in time.. alagaan mong mabuti anak natin.. sinubukan kong mahalin ka ulet nung bumalik ako dito sayo pero hindi ko nagawa..
umiiyak ako!
