Once again, thank you sa mga replies nyo. And i am happy to say na paunti unti nagiging okay na ako.
Share ko lang kung ano yung mga red flags na napick up ko kaya i had doubts. Although hindi naman concrete evidence na nambabae sya kasi nga may mga "naitanim" na pa good guy with good intentions na pagpapanggap tong animal na to.
- wala daw siyang fb.
Unang una hindi talaga ako naniniwala na wala siyang fb kasi nakakapag wechat nga tapos walang fb? Kaya ko sya nahuli kasi kwento sya ng kwento tungkol sa pagbibike and nagsesend sya ng pics ng mga rides. May isang group pic na may hawak sila na tarpoline na may nakalagay na name nung group, so nag search lang ako google and fb tapos ayun tinignan ko yung mga members ng group sakto may profile pic dun na kaparehong kapareho ng bike niya, helmet etc. pero under a different name. I confronted him and ang explanation niya kasi ginagamit lang daw niya yun para sa kulitan sa group. Pag tinignan mo naman yung fb niya wala halos activity. Last update ng profile pic / cover photo / mobile upload is 2013 pa so ayun medyo plausible.
- ibang name ang pakilala niya sakin before.
Ayun nga ang pakilala niya sakin is adrian pero yung fb ay marx, so dun duda pa din ako. Sabi niya sana pinakita na lang niya sakin driver's license niya. Meron nga siyang license na adrian ang name so lusot siya dun.
- movie ticket
Nanood kami ang ginamit niya is tap to pay. Hindi niya alam na nakalagay sa ticket cardholder's name eh t**** siya inabot niya sakin so nakita ko. At that time parang mas kapanipaniwala pa din yung driver's license kesa sa tap to pay na card.
- receipts sa compartment.
One time huminto kami sa gasoline station kasi naiihi daw siya iniwan niya ako mag isa sa oto. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naisipan kong magkalkal ng mga compartments. Eto na nga nakita ko na receipt sa ford under his name / name ng girl same surname. I confronted him immediately. Inamin na niya yung real name niya, na he's married pero separated na sila hindi pa nga lang annuled. Ang explanation niya kasi kung sasabihin ba niya agad sakin malamang hindi ko siya i entertain, na hindi ko siya bibigyan ng chance na makilala siya, na naghahanap lang siya ng tiyempo. Tapos eto na "nag aani" na, habol ng habol, siya yung todo effort na mag usap daw kami, bigyan ko daw sya ng chance, mataas daw respeto niya sakin (wow ha, big word!) na sana kung hindi maganda intentions niya eh di kami inaabot ng late na just talking and enjoying each other's company. So ako naman parang sabagay, may point siya. Saka yung mga friends ko sabi bigyan nga siya ng chance kasi kung sasabihin nga niya agad na he's still married eh most likely turn off. Saka nung time na yun eh najujustify nga niya na maganda intention niya (bs talaga) tapos anytime of the day magkausap kami and pag weekends / holiday magkasama so ayun plausible kasi kung sila pa nga nun hindi niya magagawa yun.
- naiba na pattern / busy / inconsistent
Kung dati every friday sinusundo niya ako naging busy na lately na sabi masama pakiramdam, nakatulog. Ang tagal bago maging seen yung messages ko sa viber or nagiging offline. Sabi nagloloko daw net niya naka data lang siya pero sa screenshot may wifi icon.
- cellphone
Dito talaga ako tamang hinala kasi pag magkasama kami yung cp niya naka silent tapos pag nakapatong sa table, yung screen facing down. Hindi niya alam niresearch ko yung led notifications niya ng cp. kaya kahit nakabaligtad, every time na may white na umiilaw, alam ko na may nagtetext sa kanya. May one time pa na may tumawag sa kanya, naka connect yung phone niya sa oto number lang ang lumabas ni reject niya yung call. So ayun tamang hinala pero hindi pa din concrete para sabihing may iba siya.
- yung behavior niya lately
Yung mga huling times na magkasama kami nagiging obvious na kasi pag sinusundo ako parang tinatapos niya muna yung pinagkaka abalahan niya sa cellphone bago i unlock pinto para makapasok ako. Pag galing ako cr tapos paglabas ko ganun na naman hawak phone tapos pag malapit na ako saka itatago sa bulsa. Kung dati ambilis bilis mag reply, ngayon kahit seen aabutin pa ng mga isang oras, magkakatext kami diredirecho mga ilang minutes tapos mahihinto. That time ang theory ko is baka kung pano siya sumimple ng text pag magccr ako baka ganun din ang ginagawa sakin kaya matagal magreply tapos magkakatext kami direrecho tapos mawawala na naman.
Eh ayun nga tamang hinala na ako pero binigyan ko pa din nga benefit of a doubt kasi baka nga praning lang talaga ako, sinasama pa niya ako sa gym, sinama sa track, pinakilala sa friends. Ang hindi niya lang nagawa is papuntahin ako sa bahay, saka mameet relatives niya.