watch now

Author Topic: I caught him cheating on me. Boom!  (Read 9325 times)

kukii

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #20 on: August 29, 2014, 06:05:19 pm »
Bakit kaya sila ganyan no? Grrr lang. Sa pangit pa maglalandi nakakainsulto lang lalo. Atleast sis now you got rid of him na. Love yourself even more, dadating din yan. Goodluck! Try mo mag out of town with your family, relax relax muna.

killbill

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #21 on: August 29, 2014, 06:17:32 pm »
Yun na nga eh, tapos ipagdidiinan pang "she's not even my type" wow ha pero magkaholding hands. Eww talaga.

jan888

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #22 on: August 29, 2014, 06:26:57 pm »
consider yourself lucky sis killbill.. at least you found out soon and am glad you ditched him right away! good riddance..ugh!!  am sure there is someone really meant for you, stay positive.. take care :)

killbill

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #23 on: August 29, 2014, 06:34:26 pm »
Thanks sa mga replies niyo. I really appreciate it.

queenteaser

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #24 on: August 29, 2014, 07:02:19 pm »
^ HUG sis killbill! dapat killmarvin name mo eh. i feel for you sis. ganyan din ako. mas bullsh*t pa. mga lalaki talaga. hayaan mo na. mabuti nadin kesa nagtagal pa. at mas magmumukha kang alam mo na. ako nga i wasnt able to save myself from humiliation. pero advise nga sakin wag ko ng itext or tawagan. gawain ng loser yun. kung kaya nya kaya ko din. smile na!

killbill

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #25 on: August 29, 2014, 07:23:30 pm »
Natawa naman ako sa killmarvin na yan. Everytime na binabasa ko mga replies niyo gumagaan loob ko.

rasee16

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #26 on: August 29, 2014, 07:47:38 pm »
Girl, nakakaloka may ganito ka palang storyline. Naexcite tuloy akong mameet ka next sat. Pagusapan natin yan.

killbill

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #27 on: August 29, 2014, 11:45:13 pm »
Kausap ko yung best guy friend ko. Ang explanation niya sakin, kaya ganun sa simula yung animal na yun is para "magtanim" para if ever mag away kami or something meron siya aanihin in the long run para hindi ako bumitaw kagad at mapapaisip nga naman ako na totoo mga sinasabi niya kasi pwede niya ma-justify tulad nung mga pinakita niyang gentleman ways dati para pwede niya ibalik sakin na "he has good intentions" (total BS). Part daw ng strategy yun na pinag aralang mabuti yung weakness ko (e.g. My daughter). In a way effective kasi kahit papano hanggang ngayon may certain things na still reminds me of him pero kinokontra ko na lang kasi alam ko na play na lang niya yun.

My friend also told me na kahit ano pa mangyari eh hindi ako makakalimutan ng hayop na yun kasi ako lang ang bukod tanging nakabuking sa kanya, na malamang nanghihinayang yun kasi nasayang ang efforts niya, na hindi niya ako kinaya, na kung ako nga na nakahuli sa kanya eh naiisip ko sya di mas lalo naman siya kasi siya yung nabuking.

So ayun. I feel better na. Thanks again sa mga replies niyo kasi napapabilis ang pag move on ko.

iska-hazel

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #28 on: August 30, 2014, 08:02:05 am »
sorry silent lurker ako and i cant help but comment, hugs sis killbill
nagagalit ako sa buwiset na yun sis killbill, nasubaybayan ko din yung thread mo na kayo na

http://www.femalenetwork.com/girltalk/index.php/topic,284041.20.html371389

anyway, tulad ng sabi ng ibang sis natin, buti na lang din maaga palang nabisto mo na hay!!!
nakakahighblood naman yan. best foot forward pa sya ha, my gulay.

young_maiden

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #29 on: August 30, 2014, 08:20:39 am »
*hugs*

sis, lilipas din yan. saka buti nga maaga mo nalaman na ganun ugali niya. di ka mahihirapan mag move on. :)

redhead69

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!a
« Reply #30 on: August 30, 2014, 09:04:22 am »
Super nakakarelate ako dito. You're lucky nakita mo ng harapan.

My story naman is I attended mass. Nagpray ako na " Lord, sana bigyan mo ko ng sign if itutuloy ko pa tong relationship na to or not. If hindi, please give me a reason bakit hindi ko itutuloy na to kasi pagod na pagod na ako" and boom that day after the mass we broke up. (Fighting etc) 3 days after the break up nalaman ko yung link ng tumblr ng nilalandi ng ex ko. And doon parang nandiri ako sakanya at sa sarili ko bakit ko nagawang tiisin yung guy na yon.

Anyway, we should thank God for giving us the chance na layuan yung negative vibes tulad nila. You go girl!

Sis, just think na its a new chapter of your life. A chapter where you can start a better one! Or even the best!

killbill

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #31 on: August 30, 2014, 09:32:27 am »
Once again, thank you sa lahat ng nag pm saka mga nagreply. Paulit ulit ko binabasa mga messages niyo at super nakakagaan ng loob.

Share ko lang, nung time na sinoli niya yung bracelet ko nakita kami ng mom ko tapos nung papasok na ako ng bahay tinanong ako ni mommy kung ano daw yun sabi ko wala na break na kami kasi nahuli ko nga. Later that night habang kumakain ako ng dinner nilapitan ako ng mom ko and she said "nahurt ka? Okay lang yan, walang kwentang lalake yun" tapos she hugged me. Dun ko na hindi napigilan yung pag iyak ko kasi hindi kami close ng mom ko, never ako nagsabi ng mga problema sa kanya lalo na sa lovelife. Sabi ko nahihiya ako kasi pinakilala ko pa yun sa kanila kasi akala ko matinong lalake, sabi ng mommy ko nothing to worry daw kasi hindi ko naman alam na ganun pala si marvin ***** (sana mag google kang animal ka or yung mga next victim mo mabasa to para wala ka na maloko). Yung mommy ko naiyak na din. Dun ako mas lalo naiyak kasi nafeel ko na she cares for me, na mahal ako ng mom ko. Bago sya matulog pinuntahan pa ako sa kwarto ko, hinug ako and kiniss so ayun naiyak na naman ako kasi sa totoo lang hindi ko na matandaan yung last time na ginawa ng mommy ko yun sakin. So ayun blessing pa din. Mas naging close pa kami ng mommy ko ngayon.

« Last Edit: September 13, 2014, 02:44:55 am by killbill »

Girltalker2

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #32 on: August 30, 2014, 10:37:32 am »
^ naiyak naman ako sis. moms are really the best. they might not mean some of the things we have interpreted in the past, but they really want just all the good things for us.

kaka post ok lang kasi sa kabilang thread about single moms. I realize talaga, we really really have to be careful sa pagrerelasyon, kasi di lang tayo ang affected.  g*go lang talaga ang mga lalaki - hindi ba nila naisip, we already had so much heartaches in the past, tapos lalapit lang sila to hurt us again - why?  ano ba nagawa natin sa kanila for them to keep on hurting other people na wala naman kaano ano sa kanila?  so I will pray for you din sis na hopefully the right guy comes along. Dati lagi ako nagdadasal, sabi ko kay Lord, kung hindi lang din ok, huwag nalang. Kung ok sya, then let it be. 

Tapos because of your story, ang dami kong natutunan.  your story also confirmed 2 of my theories:  1) marami talagang lalaking pinoy na manloloko na makakapal/matitigas ang mukha at walang konsyensa
2) kapag nawawala wala ang guy, 99% of the time, may other life.

Salamat sis for sharing. I wish you the best.

« Last Edit: August 30, 2014, 10:41:27 am by Girltalker2 »

simang

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #33 on: August 30, 2014, 05:41:06 pm »
sis killbill, naiyak naman ako sa gesture ng mom mo. i remembered in the silent feelings to your parents thread may post ka dun how your mom only remembers you pag money matters, so i understand how huge this is for you, that your mom is trying to comfort you. you see, a lot of good things happened because of this experience, so consider it as a blessing in disguise --- hindi ka na magaaksaya ng panahon sa lalaking yun, naappreciate mo mom mo, and your mom's trying to be a mom to you sa ganung paraan. so in the end, hindi ka talo. :)

knowing how you two became a couple, it's just sad na despite the doubts that you had with him, you still gave it a shot kase nga naman baka he's the one, pero it still ended up this way. nakakalungkot lang. pero i hope you don't close your doors to finding love. now that one jerk is eliminated na, you have better chances of finding a better man. pero sabi nga ni steve harvey on his metaphor about wanting a new car, you can only have a new car if you have a space for it. you can never enjoy your new car if you don't ditch the old one in your garage. so just let this thing go gracefully, and be ready to receive a new car. if that happens, make sure you have enough space to receive it.

killbill

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #34 on: August 30, 2014, 11:05:22 pm »
Once again, thank you sa mga replies nyo. And i am happy to say na paunti unti nagiging okay na ako.

Share ko lang kung ano yung mga red flags na napick up ko kaya i had doubts. Although hindi naman concrete evidence na nambabae sya kasi nga may mga "naitanim" na pa good guy with good intentions na pagpapanggap tong animal na to.

- wala daw siyang fb.
Unang una hindi talaga ako naniniwala na wala siyang fb kasi nakakapag wechat nga tapos walang fb? Kaya ko sya nahuli kasi kwento sya ng kwento tungkol sa pagbibike and nagsesend sya ng pics ng mga rides. May isang group pic na may hawak sila na tarpoline na may nakalagay na name nung group, so nag search lang ako google and fb tapos ayun tinignan ko yung mga members ng group sakto may profile pic dun na kaparehong kapareho ng bike niya, helmet etc. pero under a different name. I confronted him and ang explanation niya kasi ginagamit lang daw niya yun para sa kulitan sa group. Pag tinignan mo naman yung fb niya wala halos activity. Last update ng profile pic / cover photo / mobile upload is 2013 pa so ayun medyo plausible.

- ibang name ang pakilala niya sakin before.
Ayun nga ang pakilala niya sakin is adrian pero yung fb ay marx, so dun duda pa din ako. Sabi niya sana pinakita na lang niya sakin driver's license niya. Meron nga siyang license na adrian ang name so lusot siya dun.

- movie ticket
Nanood kami ang ginamit niya is tap to pay. Hindi niya alam na nakalagay sa ticket cardholder's name eh t**** siya inabot niya sakin so nakita ko. At that time parang mas kapanipaniwala pa din yung driver's license kesa sa tap to pay na card.

- receipts sa compartment.
One time huminto kami sa gasoline station kasi naiihi daw siya iniwan niya ako mag isa sa oto. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naisipan kong magkalkal ng mga compartments. Eto na nga nakita ko na receipt sa ford under his name / name ng girl same surname. I confronted him immediately. Inamin na niya yung real name niya, na he's married pero separated na sila hindi pa nga lang annuled. Ang explanation niya kasi kung sasabihin ba niya agad sakin malamang hindi ko siya i entertain, na hindi ko siya bibigyan ng chance na makilala siya, na naghahanap lang siya ng tiyempo. Tapos eto na "nag aani" na, habol ng habol, siya yung todo effort na mag usap daw kami, bigyan ko daw sya ng chance, mataas daw respeto niya sakin (wow ha, big word!) na sana kung hindi maganda intentions niya eh di kami inaabot ng late na just talking and enjoying each other's company. So ako naman parang sabagay, may point siya. Saka yung mga friends ko sabi bigyan nga siya ng chance kasi kung sasabihin nga niya agad na he's still married eh most likely turn off. Saka nung time na yun eh najujustify nga niya na maganda intention niya (bs talaga) tapos anytime of the day magkausap kami and pag weekends / holiday magkasama so ayun plausible kasi kung sila pa nga nun hindi niya magagawa yun.

- naiba na pattern / busy / inconsistent
Kung dati every friday sinusundo niya ako naging busy na lately na sabi masama pakiramdam, nakatulog. Ang tagal bago maging seen yung messages ko sa viber or nagiging offline. Sabi nagloloko daw net niya naka data lang siya pero sa screenshot may wifi icon.

- cellphone
Dito talaga ako tamang hinala kasi pag magkasama kami yung cp niya naka silent tapos pag nakapatong sa table, yung screen facing down. Hindi niya alam niresearch ko yung led notifications niya ng cp. kaya kahit nakabaligtad, every time na may white na umiilaw, alam ko na may nagtetext sa kanya. May one time pa na may tumawag sa kanya, naka connect yung phone niya sa oto number lang ang lumabas ni reject niya yung call. So ayun tamang hinala pero hindi pa din concrete para sabihing may iba siya.

- yung behavior niya lately
Yung mga huling times na magkasama kami nagiging obvious na kasi pag sinusundo ako parang tinatapos niya muna yung pinagkaka abalahan niya sa cellphone bago i unlock pinto para makapasok ako. Pag galing ako cr tapos paglabas ko ganun na naman hawak phone tapos pag malapit na ako saka itatago sa bulsa. Kung dati ambilis bilis mag reply, ngayon kahit seen aabutin pa ng mga isang oras, magkakatext kami diredirecho mga ilang minutes tapos mahihinto. That time ang theory ko is baka kung pano siya sumimple ng text pag magccr ako baka ganun din ang ginagawa sakin kaya matagal magreply tapos magkakatext kami direrecho tapos mawawala na naman.

Eh ayun nga tamang hinala na ako pero binigyan ko pa din nga benefit of a doubt kasi baka nga praning lang talaga ako, sinasama pa niya ako sa gym, sinama sa track, pinakilala sa friends. Ang hindi niya lang nagawa is papuntahin ako sa bahay, saka mameet relatives niya.

« Last Edit: September 02, 2014, 12:44:10 pm by killbill »

sugardrop

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #35 on: August 31, 2014, 01:14:21 am »
I've been reading this thread and has been keeping myself from posting probably because at the back of my mind, I'm still hopin na maging okay pa kayo (siguro because we're on the same boat). Pero di ako nakatiis when I read your mom's gesture. Naiyak din ako but I feel happy for you kasi if there's one good thing that came out of this relationship of yours with this #killmarvin guy, it's that you became closer with your mom and realized how much she loves you. In a way, you gained more than what you might have lost because of this douch3bag. So hindi rin totally nasayang oras mo, that must've been the purpose ng pagkakakilala nyo nitong lalakeng ito. Cheer up, head high! :)

momentum

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #36 on: August 31, 2014, 01:08:50 pm »
Aww married na pala siya ... No wonder magaling siya mambola nung una... Magpakita na "good intentions"

Hay.. Good riddance na talaga
« Last Edit: August 31, 2014, 01:12:22 pm by momentum »

killbill

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #37 on: August 31, 2014, 03:17:56 pm »
Nako eto naalala ko pa. Siya tong praning palagi. Kasi takot pala sa sariling multo. Na sinasabi niya yung suot ko daw eh baka maka attract ng sexual predator, time to wear pants na daw (hindi kasi ako nagpapants puro shorts and dress lang) pag nasa mall kami tapos may mga nakakasalubong kami tapos nakatingin sakin humihigpit yung kapit sa kamay ko. Noong time na nagpalagay ako ng iud (priority ko pa din kasi iprotect sarili ko just in case, buti na lang) sabi "baka hindi para satin yan".

Sya tong sabi ng sabi na "sakin ka lang ha", na ipagpipilitan na sunduin ako kasi baka iba daw mag uwi sakin, when i'm out with my friends magtetext na "don't forget you're already taken", "don't flirt with others" sasabihin ko of course kasi taken na ako tapos ang isasagot "by whom?" Yun pala taken for granted!

May mga linya pa yun na "you have my loyalty", "kuntento nako sayo", "i'm all yours", "i met you at the right time". "God's will" daw. Mother of all BS.

Saka palagi pag napag uusapan namin tungkol sa third party siya tong galit na galit sa mga taong ganun, na kung kani kanino na daw sumasawsaw, pag ganun talagang dapat hinihiwalayan na, bakit daw may mga taong ganun na unfaithful etc. Ipokrita lang.

Kwento siya ng kwento tungkol dun sa ex niya, na nahuli niyang may kalandian as in pinag didiinan niya na sobrang na depress sya nung time na yun to the point na pinalitan daw niya lahat ng gamit niya.

Pag magkausap kami sa phone, sasabihin niya na "ikamusta mo ako kay lala (daughter ko)".  Palagi pag umaalis kami may pasalubong yung anak ko. Pag kasama namin daughter ko lagi niya kakwentuhan, may picture pa kami ng daughter ko na humingi siya ng soft copy nun.

May time na akala ko siya na talaga kasi nanonood kami ng movie dito sa kwarto with my daughter, naka akap ako sa anak ko tapos sabi niya "mommy yayain natin si tito #killmarvin mag hug" sabi ko siya na lang magsabi tapos sabi ng anak ko "tito #killmarvin, mag hug po tayong tatlo" tapos nag hug nga kaming tatlo, ako pa yung nasa gitna, yung anak ko binulungan ako ng "step daddy" eh hindi ko naman sinasabi sa kanya na boyfriend ko yun ang alam lang niya is friend.

Pag nagpipicture kami together lagi nanghihingi ng kopya, may time na sinadya ko kunwari nabura mga pics namin tapos sabi ko sa kanya pasend, naisesend naman niya kahit yung mga unang selfies pa namin kaya that time ang nasa isip ko kung sila pa nung ex wife or kung may iba siya, dapat burado mga pics namin.

Ayaw niyang gumagastos ako pag magkasama kami, ultimo yung 50 na inabot ko pambayad ng toll kasi wala siya barya papalitan niya ng 100.

Yung mga smallest details ng mga kwentuhan namin, hindi niya nakakalimutan.

Hindi ko talaga lubos akalain na play lang niya lahat yun. Lahat ng mga pinakita niya saka mga sinabi niyang ka sweetan puro kalokohan lang. Siguro sa ibang babae ganun din mga sinasabi niya. Scumbag talaga.
« Last Edit: August 31, 2014, 03:38:02 pm by killbill »

super bratinella

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #38 on: August 31, 2014, 04:24:46 pm »
^galing ng lalake na yan ha, madiskarte at pa swabe sa umpisa..feeling ko lang sis may kapangitan taglay si exbf kasi mga babaero lately mga pangit to feed their insecurities and to know their value.. anyway my advise lang is the next time you fall in love ibigay mo pa rin ang full trust mo, I know that this is the lesson you've learned from him not to give your full trust, pero it will be unfair to your next relationship kung wala pa man siya eh wala ka na agad tiwala sa kanya..anyway trust is earned along the way...


virtual hugs sis!! you deserve the best guy..

killbill

  • Guest
Re: I caught him cheating on me. Boom!
« Reply #39 on: August 31, 2014, 04:41:47 pm »
^ yes hindi siya yung typical na guy na magugustuhan ko physically saka mas matangkad ako ng konti, wala ding instant attraction. Nung una ko nga siya nakita nag joke ako sa beki friend ko na "tara alis na tayo".  But then again, sabi ko sa sarili ko magiging open minded ako. Along the way hindi ko na inintindi yung height niya kasi at that time mukhang genuine na maganda ang intentions so inisip ko na lang na kesa naman sa super gwapo tapos salbahe naman. To think na huminto ako sa pagsuot ng wedges pag naka dress para dikit yung height namin.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close