watch now

Author Topic: English speaking KIDS  (Read 43611 times)

nicoletta

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #60 on: June 22, 2015, 07:56:11 pm »
Nakakatuwa naman mga concerns natin.  Parang #firstworldproblems hahaha! Matagal pa magsasalita baby ko pero I would want him to fluent in 3 languages especially filipino and english talaga.

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #61 on: July 19, 2015, 10:19:20 am »
funny... I'm worried about my daughter learning English faster than Filipino! ;D I admire how Darren Espanto's parents taught him Tagalog kahit na they're in Canada. It's really tough and kelangan magpersevere.

A friend's 2.5 years old toddler already has an Aussie accent when she talks and both her parents, grandparents and of course pati uncles and aunts are British. Talagang pag nagsocialize na with other kids, madali na silang pumickup ng kung ano ano. So Tagalog talaga kami sa bahay.

Although when we go out, kelangan paminsan English ang salita namin sa toddler kasi pag kinakausap ng mga tao, ang rude naman if we talk to her in Tagalog pa rin.

KVsWahmmy

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #62 on: July 19, 2015, 06:11:14 pm »
^agree sis gumdrops26! From what I heard, pagdating daw ni Darren from school and whenever nasa bahay sila, kailangan talaga mag-Tagalog sila. Strictly implemented ng parents nya. Nakaka-amaze how well he speaks Tagalog when he's here - kahit na most of his life, especially growing up, e sa Canada. I heard he understands and speaks a bit of French too.

Which I think simply means, na do-able talaga na kahit sa ibang bansa nakatira, matututo talaga ang bata magTagalog, basta  consistent ang pagimplement ng 'rules'.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #63 on: July 27, 2015, 12:20:56 pm »
My nephew's first language is English. We talk to him in english.When he transferred to big school, there wasnt any problem with him learning Tagalog. His grades in Sibika and Kultura, Filipino are as good as in Comm Arts,or/ and any english language taught subjects.  Top 5 naman sa class. I think he learned to understand whenever his parents talk to each other.:)
« Last Edit: July 27, 2015, 12:28:04 pm by hazelbrown_eyes27 »

reighnyielle

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #64 on: July 27, 2015, 03:25:33 pm »
My nephew's first language is English. We talk to him in english.When he transferred to big school, there wasnt any problem with him learning Tagalog. His grades in Sibika and Kultura, Filipino are as good as in Comm Arts,or/ and any english language taught subjects.  Top 5 naman sa class. I think he learned to understand whenever his parents talk to each other.:)

Good for him!  :)

sarsingkit

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #65 on: July 28, 2015, 11:58:27 pm »
Basta practice, magiging multilingual ang bata. Marami rin akong kilalang bata na born here in Canada na marunong magtagalog. Pag may consistent kasi na kausap ng tagalog, hindi na nya makakalimutan yun. Most people I know, grew up with Lolos and Lolas kaya Grandparents ang kausap. Mga Latino nga, ang gagaling mag-English and Spanish. Kahit pang ilang generation of immigrant, marunong pa rin mag Spanish eh.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #66 on: July 29, 2015, 02:29:01 am »
Para sakin mas ok sana kung mas matatas magsalita ng pilipino ang mga bata at sana mas priority ito sa ating education system. Kasi sa school pag nagtuturo mga teacher english ang gamit kahit mali mali na ng pag pronounce at grammar sige sa pag english pa rin. Kahit yun mga books at exams english lahat pero minsan mali naman yun english. Kaya yung mga kawawang bata eh mali mali rin ang pag pronounce at grammar. Meron pang english only policy sa Ibang schools. Kaya unti unti na namamatay ang filipino language natin. Tsaka ang hirap na mag complete ng sentence na pure tagalog at pure english kasi nga parang halo halo na. Maganda sana kung katulad tayo ng ibang countries na may pride sa sariling language nila like japan, china, european countries france, italy. Yung parang option lang talaga para sa kanila ang matuto ng english. Parang hindi mandatory ganon.. Naiinis ako pag nanonood ako ng news at may mga senate hearing or public speech or interview ang mga politicians natin na ang sakit sa tenga ng english nila. Hindi ko kasi magets bat hindi na lang magtagalog eh mali mali naman ng sinasabi hindi mo na maintindihan yun english nila hehe

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #67 on: July 29, 2015, 06:13:03 am »
sarsingkit, exactly! But some kasi, whether people admit it or not, they really equate speaking in English as sounding/looking/being sosyal. And of course, they want to sound/look/be sosyal too so instead of speaking to the child in Filipino, hala sige nosebleed kakaenglish. The poor kid hindi na natuto ng Filipino.

This is the reason why I don't understand how Filipino kids, born and raised in Manila, with Filipino channels, with Filipino playmates, has Filipino classes, can't speak or understand Filipino. It's like being born and raised in, for example, China. But can't speak and understand Chinese :-\

We only have one single Filipino channel available at home na we hardly watch pa; my daughter has no Filipino playmates; and she won't have any Filipino classes in school; so she really won't learn the language if not for us. I'm thankful my Mum doesn't speak to her in English. But my MIL ::) nakuuuuu... English parati unless mahuli namin ni hubby.

zelda

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #68 on: July 29, 2015, 06:24:40 am »
Para sakin mas ok sana kung mas matatas magsalita ng pilipino ang mga bata at sana mas priority ito sa ating education system. Kasi sa school pag nagtuturo mga teacher english ang gamit kahit mali mali na ng pag pronounce at grammar sige sa pag english pa rin. Kahit yun mga books at exams english lahat pero minsan mali naman yun english. Kaya yung mga kawawang bata eh mali mali rin ang pag pronounce at grammar. Meron pang english only policy sa Ibang schools. Kaya unti unti na namamatay ang filipino language natin.

I don't know if ino-observe rin to sa private schools but I heard in the K-12 program, all subjects are taught in the community's dialect in Garde 1-3. It's not even Filipino but kung ano yun dialect nun lugar. Dun pa lang, I think dapat nadedevelop na yun thinking skills ng bata para magconstruct ng ideas in a certain language. I think pag na-acquire na yun skills na yun di na mahihirapan yun bata pagtuntong ng Grade 4, wherein English, Math and Science are taught in English, given na exposed na yun bata sa English (salamat sa media and family background).

Siguro parents should implement rules na dapat buong sentence ang ikoconstruct ng bata, mapa-Ingles or Filipino man yan. Para nareretain yun cognitive skills nila sa language. 

jonahh08

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #69 on: August 28, 2015, 01:29:57 am »
I have a niece na super late na bago nag start magsalita I think mga 4 years old na and english pala salita nya. Siguro na confuse kung english ba o tagalog salitain nya hehe. Her yaya let her watch cartoons the whole day kaya ayun ang naging result kaya tinuloy tuloy na nila english ang idevelop since sa dubai sila nagstay. The sad part is pag andito sila sa Pinas (which is very often) I notice na walang batang kumakausap sa kanya.at very few lang ang gusto makipaglaro gawa nga ng language barrier kaya nakatingin na lang sya dahil parang ayaw sya isali. Naawa tuloy ako sa pamangkin ko :(

AlphaFemale

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #70 on: August 28, 2015, 07:35:35 am »
It is very easy for Filipino children nowadays to learn how to speak in english (with american accent) because English TV shows are now more accessible to them than before (when we were young children). During our time only ABS-CBN and GMA channels were available for us.

My son who is 12 years old speaks English very fluently, He can also speak basic Filipino sentences. We did not train him but because he watches Cartoon Network, Disney Channel and Youtube tutorials most of the time. Ayun inglisero si bata.

Ngayon? hirap kami kasi napaka baba ng marka sa Filipino. Ni hindi alam ang Filipino na katumbas ng "star", "moon" atpb. Nakakalungkot kaibigan. Mas mabuti kung pantay ang nalalaman nila ukol sa pagsasalita ng mga lenggwaheng Filipino at Ingles.

preggygielian

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #71 on: August 28, 2015, 09:20:19 am »
My niece only spoke Tagalog when she was young kasi sa Pinas siya hanggang mga 4 pero nung nag umpisa na pumasok sa school dito sa HK nung una tinatagalog niya ang mga Chinese teachers niya haha! Tapos nagugulat ako pag may sumisingit na English na salita tulad ng "Turn it off!" (yung ilaw daw). Ayun simula nung nagschool na siya, nag start na siya mag English saka mag Cantonese tapos sa bahay Tagalog. Ngayon na mag 13 na siya, she speaks only English but we talk to her in Tagalog sasagot lang siya ng English. A few years ago, sinabi lang sakanya nung asawa ko "kamusta ang byahe niyo?" haha dali dali siya tumakbo sakin at tinanong "Tita, what is the meaning of byahe?". Ang maganda lang, hindi siya nagtaTaglish.

Yung mga kapatid ko naman, nung umuwi sila ng Pinas nung 2 and 5 sila, English lang ang salita. Ayun...ayaw makipag laro sakanila masyado ng mga bata sa street namin (naabutan pa nila ang mga patintero saka tagutaguan at habulan sa kalsada!). Kaya dali dali silang nagtry mag Tagalog haha within a few months, fluent na sila sa tagalog. Ngayon na nasa HK na sila (bumalik sila ulit nung 5 and 8 sila), yung sumunod sakin Tagalog kung tagalog, English kung English...yung bunso naman ganun din pero minsan Taglish kasi di niya alam paano niya sasabihin sa tagalog.

It's very important to speak to them in the languages you want them to be fluent in. Sabi nung mga kaopisina ko, kasi madami samin third-culture kids, mas magandang i-appoint ang specific na mga tao for certain languages. Si mommy sa tagalog, si daddy sa english, si auntie sa Chinese. Para daw hindi malito.

Maldita_Princess_Bebe

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #72 on: August 28, 2015, 04:58:26 pm »
Generally, yung mga hindi marunong magtagalog na pinipilit magtagalog nakakatuwa pakinggan.
Pero yung hindi marunong mag english?

twelvth_goddess

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #73 on: August 28, 2015, 07:32:57 pm »
^Correct. Sorry pero kawawa mga kids na natuturuan ng maling English.

belle_v2g

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #74 on: August 31, 2015, 07:02:43 pm »
My kwento is a bit funny. My son stayed with my mum in Pampanga before I brought him here in Australia. But since my hubby is a Manila boy, my mum speaks to my son in Tagalog para magkaintindihan sila ng dad nya. Okay, so first language is Tagalog kahit nasa Pampanga sya. When we migrated and he started going to kinder, he learned English as quick as 3 months. But for us to maintain his mother tongue, we speak at home in Filipino. My son has the aussie accent now whenever he speaks pero pag nag tagalog, tunog pinoy rin so hindi pangit pakinggan na parang trying hard.  I hope we can maintain that. By the way, he's learning French narin as early as Prep. Hindi ko sya kailangan pilitin kausapin ng English para matuto coz his environment is English naman na. So what i do is reinstill filipino language para di makalimutan. :)

MrsC

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #75 on: September 21, 2015, 01:27:58 pm »
Language is a mode of communication so I guess the most effective way to teach your kid/s to speak English is by communicating with them in English. Magaling naman mang gaya ang mga bata when they are exposed sa mga foreign language speakers. My nephew speaks English fluently since he was 5 yrs old after they migrated here in US. Ang dami nya natututunan sa step Dad ko. Kahit anong tagalog namin sa kanya, english pa rin ang sagot. sometimes he could understand Tagalog, but most of the time hindi.

Downside ng bilingual na mga bata is that they tend to fall behind in school kasi nga hindi nila maintindihan ang instruction ng teachers but they do catch up naman.

Now I have a 6 month old, its inevitable that English will be his first language but I am still hoping na at least makaintindi sya ng tagalog para magkaintindihan kami. Sabay sila ng tatay (kano) nya mag-aral ng tagalog.

chikit

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #76 on: September 30, 2015, 09:47:24 pm »
Yung mga Pamangkin ko they speak English and Filipino at home. Napapansin ko lang na sadly sa Filipino pa sila wrong grammar.  Maybe because mas ginagamit ang English sa school at pag mali naman sila sa Filipino eh wala nagtatama.  In a few months mag start na rin ako magturo sa anak ko magsalita.  Basta ang agreement namin ni hubby is we give equal weight sa Filipino and English basta wala Taglish.  Ganun din kasi ang training namin sa mga pamangkin.  Ayoko naman magaya sa boss ko na kumuha ng tutor para turuan ang anak nya mag tagalog eh pareho naman pinoy ang magulang.

stormy

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #77 on: September 30, 2015, 10:49:34 pm »
Marami na talaga kumukuha ng tutor ngayon para sa filipino na subject. Kahit ako sumasakit ulo ko pag nag-aaral kami ng anak ko. Iba hindi ko na matandaan, ang iba pakiwari ko hindi naman namin inaral noon. Gaya sa ngayon ang inaaral nila kayarian ng salita. Mahirap ipa-intindi yan sa bata unless talagang tagalog na tagalog kapag nag-uusap sa bahay.



« Last Edit: October 09, 2015, 08:47:28 pm by stormy »

neenah

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #78 on: October 07, 2015, 02:45:35 pm »
dami ko natutunan dito!  ;D

honestly, isa ako sa mga taong gustong maging fluently ang anak ko sa english..
una, dahil hindi ako ganon ka-fluent sa english nung bata ako, ayoko magaya sya sakin.. :-[
pangalawa, lahat ng nasa paligid namin tagalog, tapos public school sya mag aaral at idagdag pa ang tagalized na movies/cartoons sa tv (wala kaming cable).. hay mahirap talaga..

sa mga nabasa ko dito, mali pala ang pagtuturo ko pati na rin ang way of thinking ko tungkol sa pagsasalita ng english ng mga bata..

celica

  • Guest
Re: English speaking KIDS
« Reply #79 on: November 19, 2015, 08:00:06 pm »
My son speaks in English and knows very few Tagalog words. It's not because we want him to speak in English only. It's because of the movies and clips he used to watch in youtube and the television. We were just surprised that he's answering no, yes, etc. He's 3 now and the problem is, it seems like he refused to listen when it's Tagalog. I think he'll learn from school though.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close