hello mga sis. happy holidays!
thanks for all your prayers and wishes for me and my baby to be safe

i'm thinking na not until i give birth, makabalik ulit sa trabaho, magkaroon ulit ng sarili kong buhay kasama si baby will i be able to move on completely. since preggy nga ako andito lang ako sa bahay, i try to entertain myself as much as possible, pero may times pa rin na i feel so down and depressed, na siyempre umaasa pa din ako kahit mukha na akong t****.
siguro sa dami na ng mga masasakit na sinabi namin sa isa't isa, there is no chance na magkabalikan pa ulit.
nagtext siya saken before Christmas asking how I was, sinabihan na ako ng mom ko not to text or call him anymore, to just wait until he comes home kasi madidisappoint lang at masestress ako kung pilit ko siya kausapin. at ayun, matigas ang ulo ko at tinawagan ko siya.
i asked how was the "business" ang sabi lang niya saken tinigil niya kasi nahirapan na daw siya maghanap ng materyales. so i asked ano na mangyari ganun na lang? sabi niya hinihintay niya yung loan mag try siya ng mas "smaller type-lower capital" which is totally different dun sa una niyang plano. he just said na sorry kung hindi na siya umuwi before ako manganak, na kung may mapadala siyang pera pasalamat na lang ako, kung wala pasensya muna. siyempre as i have mentioned before, emotional talaga ako, especially ngayong point na nag give up na siya at parang wala na talaga siyang planong maayos. tinext niya ako ang sabi niya pakiramdam niya pera lang habol ko sa kanya at sising sisi siya na nagpakasal kami.
sinabi ko sa parents ko kasi feeling ko sasabog yung dibdib ko. natural nagalit yung mom ko so she texted him something like "hindi mo naisip maselan ang kalagayan ng asawa mo, paiba iba ka ng desisyon, wala kang maayos na plano para sa sarili mong pamilya, nasan yung perang pinagmamalaki mo eh ikaw nga kumuha ng sarili niyang pera, kung nagsisisi ka sa pinakasalan mo anak ko mas nagsisisi kami." ang reply niya "hindi niyo kilala ang anak niyo, hindi pa kami mag asawa puro pera na pinag aawayan namin, babayaran ko ang utang ko, siya yung nagpumilit na magpakasal, walang tatagal na asawa diyan sa anak niyo." so reply na naman nanay ko " dapat alam mo yung responsibilidad mo bilang asawa at bilang ama, kung pera lang habol niya sayo, di niya ipagdadamot pera niya kasi gusto niya maisaayos ang lahat. masyado ka nagmamagaling, hindi ka marunong umintindi at umunawa." nagreply siya sa mom ko na tatapusin na niya lahat para hindi na kami mahirapan, babayaran din daw niya yung utang niya saken at hinding hindi na siya magtetext or tatawag saken kailanman. hindi na nagreply yung nanay ko kasi nga wala ng point kasi hindi naman siya nakakaintindi.
masakit lang kasi parang all this time siya yung kawawa, siya lang nagtiis saken. parang sinabi na din niya na hindi naman niya ako mahal, or kahit konting concern man sa baby wala siya. yung sinasabi niya na pera lang habol ko sa kanya, eh wala naman siyang nabigay saken kahit nung mag gf/bf pa lang kami na high end na materyal na bagay kasi nga alam ko yung mga responsibilidad niya sa pamilya niya at may sarili akong kita rin. saka yung hinihingi ko ng mag asawa kami hindi naman para saken kundi para sa pangcheck up ko saka para sa panganganak ko. hindi ko lang sukat akalain na ganun pala tingin niya saken at wala talaga siyang balak ako tulungan sa buong pagbubuntis ko. kahit man lang emotional support, yung umuwi siya for Christmas or New Year dito para magkasama naman kami wala pa rin.
naiinis nga ako sa sarili ko kasi naniniwala ako kaya niya nasabi lahat yun sa nanay ko kasi galit lang siya, na hindi naman talaga niya mean yung sinabi niya, na babalikan pa niya kami ng baby. nasasaktan ako pag tinatawag siya ng kung ano ano ng parents ko. nahihirapan akong makinig sa parents ko kasi mahal na mahal ko pa rin siya gusto ko pa rin maayos lahat, pero ayaw na ng parents ko sabi nila tigilan ko na daw at hindi iniiyakan ang ganung klaseng tao at tutulungan nila ako sa baby pagkapanganak ko gawin ko kung ano gusto ko kung gusto ko man bumalik sa abroad or magwork dito. mamahalin daw nila si baby kasi siya lang yung magandang bagay na nangyari saken sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan ko. kung kinakatakot ko daw yung walang father figure, basta alagaan ng mabuti at gabayan daw yung bata, lalaki naman yun sa ayos saka andun yung dad at brother ko sila na daw ang magiging tatay ng anak ko. mas ok na ngayon nalaman ko na ganun asawa ko kesa magkaroon pa ako ng madaming anak sa kanya.
ito lang yung pinagdadasal ko sa Diyos na maayos na lahat, na sana one day matanggap ko na yung nangyari samen, na there's no point na magkaayos kung isa lang sa inyo yung talagang may gusto.
salamat mga sis. i'm still looking forward sa 2015 to start anew.
I hope we'll all have a better year. Happy New Year!