i have been contemplating if i'm going to update the thread pero kasi wala na akong masabihan ng problema ko kasi nahihiya ako sa family ko.
from the time i started this topic until now ay hindi pa rin tumatakbo yung business na ginagawa ng asawa ko. i have been on panic mode na kasi hanggang ngayon wala pa kaming pumapasok na income at papalapit na ng papalapit ang schedule ng panganganak ko since i am on my third trimester.
to continue on the story, yun nga i ended up giving half of my savings bago umuwi yung asawa ko sa probinsya kasi dun niya ginagawa yung business. so i was left with my parents and siblings telling them na susunduin niya ako after 1 month. nung una, ok lang sa akin kasi he said na he is expecting that everything will be up and running daw by end of november, pero hanggang ngayon andun pa rin siya sa province kasi hindi pa nga natatapos yung ginagawa niya. mag 2 months na at hindi pa din niya ako sinusundo. everyone in our house are asking kung nasaan na ang asawa ko, bakit hindi pa siya bumabalik sa trabaho, saan ako manganganak, naghiwalay na ba kami, binibigyan pa ba ako ng sustento, ano ang pinangbabayad sa car loan since wala namang siyang income. my usual replies are, sinasabi ko na lang na bago mag Christmas ako susunduin dito, busy pa sa business project niya sa province, baka sa hospital malapit samin ako manganak na lang, hindi kami hiwalay busy lang talaga siya, may ipon pa siya kaya may sustento ako at may extra pang ipon pinangbabayad sa car loan. tapos yung kuya ko ang sabi saken totoo ba yun (yung sustento part) kasi mukha daw pinagtatakpan ko lang ang asawa ko.
pero ang totoong status, everytime tumatawag ako sa asawa ko hindi siya makapagbigay ng date kung kelan siya uuwi, wala pa talaga akong hospital na papanganakan kasi yung hospital na affiliated ng company namin before (when we were still working abroad) kung saan sana ako manganganak ng libre ay maeexpire na kasi matagal na kaming hindi nag renew ng contract so i will request na sana iextend nila yung benefit kahit man lang hanggang sa manganak ako para di ko na isipin ang gastos (2 mos after ng expiration ang due date ko), yung binigay ko na savings ko ang ginagamit sa panggastos niya sa business pati na sa car loan at since then wala pa siyang nabibigay na sustento sa akin. totoo naman talaga kuya ko na pinagtatakpan ko lang siya pero asawa ko pa rin yun, hanggat maaari ayaw kong may masabing masama laban sa kanya. ni hindi ko rin masabi sa kanila na nabigay ko na half ng savings ko sa asawa ko.
there have been a lot of arguments na sana ireconsider niya kahit isang contract man lang kasi nga ayaw ko na problemahin yung gastos sa panganganak ko kasi pede marenew ulit yung benefit sa hospital. i told him na wala na akong pera, i tested him sabi ko madami dinagdag na vitamins at may vaccines pa so kelangan ko ng pera. then he asked san na napunta yung natira kong savings, so i told him i don't want to spend anything anymore kasi nga malaki na din yung nailabas kong pera para sa kanya plus i have been giving my share dito sa parents ko kasi dito ako tumutuloy telling them na sa sustento niya galing yung share ko kahit naman hindi. tapos ayun nga he was telling me na hindi pa rin talaga ako naniniwala sa ginagawa niya, na konting tiis lang daw pasensya na at nag please pa siya sa akin kasi nahihirapan na siya sa ginagawa niyang business, wag ko masyado dibdibin mga comments ng family ko. na hurt ako kaya sinabi ko sa kanya ang laki ng sama ng loob ko kasi yung pera na binigay ko pinangbayad lang pala lahat ng utang tapos tiwala siya kasi may pera ako na magagastos. humingi ako mula dun sa binigay kong pera wala akong napala. sabi ko sa kanya pakiramdam ko ako lang namomroblema sa panganganak ko. then ayun nagalit na naman, hindi ko macontact for 1 month, di sumasagot ng fone, pinapatayan ako ng fone. there was a time na nagbleed ako di ko siya macontact, so i sent a message sa fb sa kapatid niya ang sinabi lang saken mainit daw ang ulo ayaw makipag usap. ending ay hindi ako kinamusta pati si baby. pinalipas ko yung 1 week tapos tinawagan ko siya buti sinagot, i said that my parents are looking for him, yun hindi pa rin niya alam daw kelan siya uuwi, kasi ngayon hindi na niya matapos yung business kasi naubos na yung funds tapos baka daw hindi na mahulugan sa ngayon yung sasakyan saka 1 beses na lang siya kumakain kasi nga wala na daw siyang pera. so ang immediate concern ko is bakit hindi siya makikain man lang sa mga kapatid niya, ayaw daw niya na mamalimos. ang sagot ko lang ay ginusto mo yan eh. sinabi na din niya sa mga kapatid niya na hindi muna mahulugan yung sasakyan. nakakainis pa dito sa mga kapatid niya puro pictures sa FB na pinangangalandakan yung sasakyan niya na parang kanila, may mga comments pa ng iba asking permission from his brother na makikisakay daw, tapos ayun hindi man lang siya tulungan para man lang mairaos itong last year na pagbabayad. ang gagaling gumamit at magyabang, pagbayaran na hindi man lang mag abot. naluma na nga sa mga kapatid niya yung sasakyan kasi nga nasa abroad kami pareho when he got the car loan. basta nakakainis lang.
civil na yung pag uusap namin ngayon, hindi na sing sweet like before. tinatry ko na wag maawa baka maibigay ko pa sa kanya ang natitira kong pera pero i have my mindset na sa baby ko yun gagastusin. tinatry ko rin na wag na pansinin ano sabihin ng parents ko kasi lagi lang akong nadedepress pag dinidibdib ko yun, which ends up in me crying a lot which is almost every night. ang hirap kasi andito ako sa parents ko hindi talaga maiwasang hindi maging affected sa mga comments nila. hinihintay ko na lang talaga na lumabas yung baby para makabalik nako sa work. wala na akong pakialam kung ayaw man ng asawa ko na bumalik ako sa work since hindi naman niya tinupad yung sabi niya na kaya niya akong buhayin kahit wala akong work. siguro this will change everything, ang hirap talaga pag hindi kayo magkasundo sa mga desisyon. my mom said that she is willing to take care of my daughter daw habang magwork ako kasi mahirap daw umasa sa ganung asawa na walang kasiguraduhan mga plano at supportive sila na mapagpatuloy ko ang career ko para hindi ako maging dependent sa asawa ko.
please pray for us mga sis, sana maapprove yung request for extension ko sa hospital para less gastos to think about. nakakuha na din ako ng contact for a counseling sa women's crisis center, still thinking kung kelan ako magpapaschedule. like what sis aquacharly mentioned before, it's emotional abuse at form din yun ng violence against women.
thank you for your time spent in reading my story.