Author Topic: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?  (Read 19622 times)

bwiset12

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #40 on: October 04, 2014, 05:33:26 pm »
ako i took revenge. since nabasa ko mga chat messages nila both sa ym and skype. at dahil na open ko din yung fb account na ginawa ni partner para sa kanila ni kabitch, ang ginawa ko i copied and pasted it on his fb status :) eh di pahiya sila dahil puro kababuyan ang pinag uusapan nila. somehow, gumaan ang pakiramdam ko nung ginawa ko yun. kahit malayo ako sa kanila (ofw sila) atleast nakaganti ako. kung tutuusin, kulang pa yun sa mga sakit na naramdaman ko dahil sa kanila.
fast forward, ok na kami ulit ni partner. remorseful naman sya. although nasa abroad pa din sya, andun pa din si girl pero may iba ng jowa. never naman na sya ulit nagbigay ng dahilan para pagdudahan ko sya. ang communication namin eh mas better than before sya magloko.
looking forward na sa pag uwi nya this year :)

jamila_19

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #41 on: October 04, 2014, 06:43:59 pm »
hello sis! asawa ko may babae for 4 years sa ibang bansa, umuwi pala sila ng sabay this year. Nalaman ko lahat ng tungkol sa knila, kaya pala madalas na umaalis pa rin si mister dahil nagpupunta pa din sa bahay ng babae. Ilang beses na niya akong tinatakasan, ilang beses na namin pinatatalunan at pinag aawayan. Nag iiyakan na ang mga bata at dumadating na din sa point na lumalayas na din kami pero mas pinipili pa din niyang kasama ang babae.

Ginawa ko na lahat, kinuha ko ang cellphone niya at pera niya lahat lahat pero patuloy pa din siyang nakikipagkita sa babae.

Last Wednesday, nahuli ko sila sa bahay ng kapatid niya pero hindi ko nakita ang babae dahil nagpunta sa tindahan kaya nakatakas, dumating sa point na nagwawala na ako sa loob ng bahay na iyon at pinigilan niya ako at kinaladkad. Sinabi niyang pinagsisihan daw niya na naging asawa niya ako. Maya maya tumakas na naman siya at sumakay sa motor ng kapatid niya at iniwan kaming mag iina sa bahay at sumama pa din siya sa bahay ng babae... tinakas silang 2 ng kuya niya sakay sakay ng motor, inilayo sa lugar namin at pumunta sa lugar ng babae...

Mga sis! sa nabasa niyo? ano tingin niyo? mahal ba ako ng asawa ko o mahal niya ang kabit niya?

Ilang beses na niya akong tinatakasan at nag iiyakan na ang mga bata at nagmamakaawa sa kanya pero nagagawa pa din niyang umalis ng patakas at sumasakay sa motor ng mga kapatid niya biglang humaharorot na lang, malalaman namin eh hindi na babalik at hindi na natutulog sa bahay ng ilang araw.

Nararamdaman ko na mahal niya ang babae lalo na sa pagtulog namin eh lagi na lang siyang nakatalikod at hindi niya ako mayakap yakap..

Please help! give me advice naman. Thanks!

momentum

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #42 on: October 04, 2014, 07:48:30 pm »
Mga sis! sa nabasa niyo? ano tingin niyo? mahal ba ako ng asawa ko o mahal niya ang kabit niya?
Please help! give me advice naman. Thanks!

Sis.. Im sorry to answer but based on what you said.. Hindi ka na mahal ng asawa mo. Klarong klaro na sis.. Right infront of your face na.. In words and in action.. Hindi ka na talaga nya mahal.. Alam ko it hurts.. The truth hurts. But its okay sis.. Why? Kasi hindi siya kawalan. Don't force yourself na on him..

Advice? Pick yourself up, dust yourself and move on. Like what you said, nagawa mo na lahat.. Even to the point na nag wala ka na which hindi sana ngyari pero ngyari na and I guess hindi ka naman masisisi sa ginawa mo kasi ikaw lang nakakaalam what else has happened that made you do that.. My only concern is sana hindi nalang naisama at nakita ng kids mo yun :( sana they were shielded from this turmoil.. Pero ngyari na.. So sis.. Pick up yung dignidad mo.. And walk away.. With your kids.. Shield them
From further hurt. Eto ang panahon na kelangan ka nila as a strong person.. So please try not to show them your hurt.. Make them feel loved more than ever.. Give all the love to them coz they deserve it the most.. Huwag na sa asawa mo

If you can, move out nalang sa house nyo and stay with your parents for the time being.. If it will help you move on.. Kasi nga naman mahirap to stay sa same place with all the good and bad memories that comes with it.. Unless no choice.. Kasi you need a change of scene.. Kumbaga "time out muna".. Bakasyon muna kayo ng mga bata so you can calm down and get a breather.. Think out your next plans that you want to happen in your life with your kids and him out of the picture.. And the steps that you will have take to get a better life out of this..

Sis hindi na talaga advisable na habulin mo pa asawa mo. Hayaan mo na siya sa pinili nya. Ang sana is hindi niya kakalimutan or abandon is yung obligasyon nya sa mga bata.. On your end naman sis, continue improving sa work mo.. Mahirap pero huwag mo papaapekto work mo kasi you need it, you don't know what will happen.. So if ever he will stop supporting your kids financially, hindi ka ma-cripple. Kung wala ka pa work sis, then it's time to find one.. And keep one. Makakatulong din ito as your diversion, while coping from this painful episode in your life . Also, find a hobby or pastime that you and your kids can share to bond.. Find also a hobby for yourself too that you will enjoy. This will not only be a distraction but will also help you improve yourself.

Madaming threads here that you can
learn from to help you improve yourself: improving your physical looks, gaining emotional and spiritual strength to surpass this.. Etc.
Just Be Open for changes.. Changes that will make you a better person.

Taken from the Eat, Pray, Love movie: "Ruin is a gift. Ruin is a road to transformation" ... And thats really true..sis, try to see this episode in your life as a wake-up call to make a better, happier life for you and your kids.

Go find yourself. Start loving yourself.
Good luck sis and may God bless you and your kids. Don't forget to always pray for guidance and courage to overcome this. Kaya mo yan :)
« Last Edit: October 04, 2014, 11:44:15 pm by momentum »

aquacharly

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #43 on: October 05, 2014, 01:54:59 am »
^Great advice.

JAMILA,  repeat after me:  "It's Over."   Let him go.
Tignan mo nga pinag gagawa mo to yourself and your kids, anyway sabi mo nga nothing works.

You all deserve better.
All of you, pinaikot na ng kab1tch na yan. What power you gave her!
Yung husband mong hawak nya sa balls, ikaw na sumasakit na ang ulo kaiisip pano I-cage yang asawa mo, yang mga anak mong natutong magmakaawa, at yung mga kapatid nyang naiistorbo sa pagtakas at pagtago sa kanila.   
Tigil mo na yan. 





bwiset12

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #44 on: October 05, 2014, 02:16:30 am »
sis jamila, base sa kwento mo, sa tingin ko lang eh  hindi ka na nya mahal sa ngayon. sobrang garapalan na kasi yung ginagawa nya. come to think of it, sa ibang bansa kabit nya yun maiintindihan pa natin sya, kasi malayo nga sya sayo. pero nandito na sa pinas. dapat yung affair nya sa abroad, iniwan nya na dun. eh wala, hanggang dito ganun pa din. pinamukha na sayo. hindi lang sayo, pati sa mga anak nyo. at ang masama pa, kasabwat pa ata mismong pamilya nya. in short, pinagtulungan ka nila. grabe ang sama naman nila.
share ko lang experience ng mga pinsan ko. yung isa nasa abroad yung asawa nya, year after siguro nakasunod na sila ng mga anak nya. pero alam mo, nagkaron pa din ng kabit yung asawa nya. na mismong sa circle of friends pa nila. nung nalaman nya nga yun, nagwala sya. pinagbakasyon sila dito sa pinas ng asawa nya, then after nun pinacancel yung visa nya. hanggang ngayon on going pa din yung relasyon ng asawa at kabit nya. pero di pa din umaamin. financially, di naman nagkukulang. binihan pa nga sya ng bahay at kotse.
sa experience ko naman, nung nalaman ko na may kabit asawa ko sa abroad nung kinompronta ko sya via skype nga lang. sinabi nya mismo na hindi na daw nya ko mahal at maghiwalay na daw kami. parang gumuho ang mundo ko nun. umabot pa sa point na nagsabi sya na uuwi sya para makipaghiwalay sakin ng maayos, which is hindi naman nya tinuloy. pero alam mo di ako nawalan ng pag asa, i hoped and prayed na sana ibalik uli ni lord yung asawa ko sakin. binalot ko pa nga picture nya sa towel at nilagyan ng rosary. hindi ako nagsawang magparamdam sa kanya. after 1 1/2 year, nagbalik loob sakin si partner. yun lang nabuntis nya ang kabit nya :(. nung nalaman ko na buntis yung kabit nya, hiwalay na sila. kung bakit sila naghiwalay hanggang ngayon di ko pa din alam. gusto ko sana malaman kaso gusto ko personal ko itatanong sa kanya. that was 1 year ago, and ngayon mas okay na kami. bumabawi naman ng bongga at na feel ko naman ang sincerity nya. nung nag anniversary nga kami, sabi nya sa message nya sakin, sorry daw sa ginawa nya at thank you daw kasi pinatawad at tinanggap ko pa din sya. now. looking forward na kami sa pag uwi nya maybe end of this year we'll be together na.
pray lang sis, syempre wag ka pa din mawalan ng pag asa. alam ko mahirap pero kayanin mo. sa huli naman, ikaw lang ang makakapagdesisyon kung ano ang gagawin mo.

kirsten10

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #45 on: October 05, 2014, 11:52:28 am »
Sis jamila.. Sa tingin ko hindi ka na nya mahal. At parang nagagalit pa nga sya kase nadadamay ang mga bata. Sana nga naprotektahan sila sa mga ganung situations pero hindi. Too bad. But it is not too late to pick yourself up. Kase kung mahal ka pa nyan, alam naman nya na mali sya, hindi naman siguro dapat ganyan kagarapal ang ginawa nya sa yo.

jamila_19

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #46 on: October 06, 2014, 07:35:34 am »
good morning sis! sa lahat ng mga nagreply and nagbigay ng kanilang advices eh maraming salamat! malaking tulong kayo...

kagabi lang eh nag away na naman kami dahil sa nalaman ko na nagkaanak pala sila at hindi nga lang nabuhay, pagkapanganak eh after 1 week sa NICU eh nawala din daw ayun ang balita sa akin. pero bakit ganun wala nang dahilan para magsama pa sila pero patuloy pa rin nila akong niloloko.

Halos mabaliw baliw na ako sa mga bagay na ginagawa ko sa knya.

- Nahuli ko pala siya sa isang public toilet sa mall at kinuha ko ang cellphone niya dahil sa nahuli ko nga na nag tetext siya sa babae.

- Nagwala ako at nagbasag ng paso ng kapitbahay dahil sa nakita ko siyang nakikipag inuman sa bahay ng kapatid niya (FYI, magkakapitbahay lang kami ng 3 kapatid niyang lalaki at nakikitira lang kami sa bahay ng nanay niya) ... pero pagdating sa bahay eh kasalanan ko lahat at nagaway na naman kami ng sobra na halos naririnig lagi ng mga bata ang pagtatalo nmin.. kesyo pinahiya ko daw siya sa mga tao.

- Nahuli ko din siya sa loob ng CR namin na nag tetext so nag agawan kami ng cellphone at kinuha niya lang iyong simcard halos masaktan na niya ako at nakita iyon ng mga bata. Hinayaan niya akong kinuha ko ang cellphone niya pero kinuha niya ang simcard.

Nagtataka ako patuloy pa din iyong communication nila simula dumating sila sa pinas noong July hanggang ngayon eh walang humpay na pinasasakit nila ang ulo ko ... take note! every week na lang eh may gulo, takasan, away, bulyawan at hiwalayan na naririnig ko sa bibig niya (3 beses na).

Nanahimik lang noong pinilit ko siyang bumili ng 2nd hand na jeepney para maging busy siya at sa mga byahe eh makakasama din ako. Dahil sa 2nd hand lang ang jeepney at madaming sira eh pinili ko talagang sumama sa lahat ng mga lakad niya dahil dinadala dala niya sa talyer at kung sino sino ang nakakausap niya... sa mga ilang beses namin na biyahe eh kahit nakakapagod eh sama ako ng sama para hindi siya makaligtas o makatakas nman. Sobrang higpit na ginagawa ko mga sis. kahit sa tindahan eh sumama ako at dahil sa maliit lang ang bahay namin eh bantay sarado siya kahit mag CR eh sinisilip ko talaga. Minsan pa eh nahuli ko si mister na nag masterbate which is sampal sa akin bakit niya ginagawa iyon eh andito naman ako.

Nanahimik kami ng ilang linggo pero nalaman ko na ang kumpare niya mismo eh kakuntsaba niya at pag nasa talyer pala kami at pinapaalam niya na may bibilhin na piyesa at naiiwan ako doon sa talyer para daw bantayan ko eh doon sila nag kikita ng babae at nag ccheck in pa ng ilang oras kaya pala ang tagal bumalik... so not knowing eh may nangyayari pa rin sa kanila kahit sa sobrang higpit ko na at nagpapaliwanag pa daw ang asawa ko at pilit niya pinapaintindi sa babae niya iyong sitwasyon para hindi lang siya iwan ng kabit niya eh nagagawa pa niyang magpaliwanag... at ang babae nman eh dahil siguro mahal na ang asawa ko eh iniintindi na lang at hindi inaaway. Lahat iyon eh kwento ng kumpare niya dahil nag kwento din pala asawa ko sa kanya.

So ang nangyayari kami ang madalas mag away, hindi kami magkasundo, dumadating sa punto tuwing nag aaway kami eh pinalalayas na kmi ng mga anak niya at halos lumuhod na ako para magmakaawa na wag niya gawin at ayaw na daw niya makita pagmumukha ko.

Nakilala ko siya at nakasama na hindi hindi siya ganun mga sis, napaka tahimik niyang tao. Noong panahon tuwing nag aaway kami eh tahimik lang iyan at lumalabas na lang ng bahay... pero after niya nakilala niya babae eh nagbago na siya lalo na itong huling uwi niya dahil sa kasabay na niya umuwi ang babae.

Pinatutunayan nila na mahal nila ang isat isa lalo na sa nangyayari eh at ako ang nagmumukhang t****... for a while eh hinahayaan ako ng asawa ko na sumama sa mga byahe at kung saan saan siya nag ppunta pero hindi ko ramdam ang lambing niya o concern pag ako ang kasama niya prang ginagawa pa niya akong kawawa at ang init ng ulo niya at lagi akong sinisigawan.

Dumating na sa point mga sis na siguro namiss na niya ang babae niya dahil sa hindi na siguro sila nag kikita eh ayun na nman. Nagpaalam sa akin na ppunta ng Blum para bumili ng piyesa. Hindi ako pumayag at nag away na nman kami. Binantaan ko na siya na pag hindi niya ako sinama eh mag lalayas ako. Aba! mag layas daw ako wala daw problema sa knya. Hinayaan niya akong umalis ng bahay at mga ilang minuto eh siya nman ang umalis. Inabangan ko siya sa may bayan at ibang jeep ang sinakyan niya papuntang Alabang eh taga doon ang babae. Sinundan ko at nahuli ko siya. Papunta nga siya sa babae na nman! kaya nagwala ako doon sa kalsada at ayun umuwi na lang kmi na nag aaway pa din ng todo todo. Nagugulat na lang ako at palaban na siya.

Kinabukasan mga sis, hindi ko mapigilan. Naglalaba ako, nagpaalam na aabangan niya daw sa kanto ang kaibigan niya para tulungan siyang magpalit ng manibela ng jeep. before 7am eh umalis nakashorts lang. binigyan ko ng 24 pesos lang... mga sis! naku! mag kikita pala sila ng babae niya... sa bayan! nagkita na nman sila! tanghali na hindi pa umuuwi at hanggang gabi na. ayun lumayas na nman kaming mga anak niya! Deadma siya! text ko ate niya at possibleng nakarating sa knya dahil lahat ng mga kapatid niya eh botong boto sa babae at kakuntsaba nila pati mga pamangkin at nanay din niya.

Para akong nasa impyerno na wala akong kakampi kundi mga anak ko lang ... nag away na naman kami kagabi at sinabi ko na idedemanda ko siya at ipapakulong pero hindi siya natakot kahit ngayon na idemanda ko na daw siya at pusasan.

Nanghihina na ako mga sis.. puro pananakot na din ang ginagawa ko sa kanya kahit mag layas kami ng mga anak niya, idemanda ko siya, papuntahin ko ang bayaw ko na ex convict para takutin siya.... parang balewala na sa knya. patuloy pa din siya at hindi ko alam kung hanggang kelan sila magpapatuloy ng relasyon nila napapagod na ako kakahabol kahit anong higpit mo pala sa asawa mo eh talagang umaalpas siya at gumagawa ng paraan makita lang ang babae niya.

Naririnig ko sa mga kamag anak niya kaya na lang ako pinakikisamahan eh dahil sa mga bata kung nabuhay lang daw ang anak niya sa isang babae eh malamang iniwanan na ako o more ang time niya lalo kasama ang babae... Ngayon nga lang wala nman silang anak eh sabik na sabik siya lagi na makasama ang babae hanggang sa pagtulog tuwing kinukutuban ako na magkikita sila o may mangyayari eh balikwas siya ng balikwas sa higaan at nagiging clumsy siya at makakalimutin at mainitin ang ulo. Nraramdaman ko na excited pa siyang makita ang babae niya o kaya sa makasama kami ng mga anak niya at napipilitan na lang siya pakisamahan ako dahil sa mga bata...

haiist... kahirap!  :'(
« Last Edit: October 06, 2014, 07:39:15 am by jamila_19 »

momentum

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #47 on: October 06, 2014, 09:00:26 am »
^ im sorry to say sis pero medyo gets ko na bakit lahat against sayo, not only your husband but pati mga kamag anak niya. Paano ba naman sis, look at yourself. Im sorry to really say this sis pero asan na yung pinag-aralan mo? :/ why do you even have to stoop to a level ng walang pinag-aralan with the way you act to your husband?? Babantayan mo siya na para kang pulis? Para kang nanay nya na nag-babantay ng anak? It's even worse than that. My God sis, get a hold of yourself and your dignity!! Nakakahiya naman talaga pinag gagagawa mo and talagang nakaka hiya ka maging sister in law or daughter in law! I'm really sorry to say that sis, pero ubod ng kakahihiyan naman kasi ginagawa mo. Kaya talagang isusuka ka ng asawa mo! If you do not stop now, talagang barangayan na abot ninyo nyan and talagang every body will think of you as a palengkerang asawa.

Get a grip of yourself. Have some dignity. Tama na itong pagpapahiya mo sa sarili mo! And stop controlling your husband! Actually nakakagulat pa nga na umuuwi pa siya sa inyo. One day hindi ka na talaga uuwi yan for sure. Just get the hell out of his way and out of his life! Stop controlling him and start controlling yourself! Hindi na yan pag mamahal eh. Just let him be and get out of that house! Ano pa bang level ng kahihiyan gusto mong ilagay sarili mo?!

 Kung wala ka ng ibang pupuntahan eh di siya na sabihan mong umalis at sumama na sa kabit niya para hindi ma siya mahirapan pa (ng maayos ha! Wala ng away!) give him na what he truly wants and mag give up ka na! Sobra na ito. Wala na sis eh, HINDI KA NA NIYA MAHAL. It's your fault din eh, inubos mo ang natitirang love he had for you because of how you treat him din sis.. May fault din siya, hindi lang ikaw. So before pa umabot sa more kahihiyan to to the barangay level, just end it with him. And accept the reality that he can no longer be your husband. Love yourself! At maawa ka sa mga kids mo!

Manahimik ka na diyan sa bahay mo and just focus all your energy and love to your kids. If he wants to see the kids, fine, let him. But do not ever force yourself on him anymore, mapapahiya ka lang, ilang beses mo ng pinahiya sarili mo, quotang quota ka na. Now, Fix yourself in all aspects. Mag pa-counseling ka so you can cope and maka move on ka na from all of this madness. 
« Last Edit: October 06, 2014, 09:10:48 am by momentum »

jamila_19

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #48 on: October 06, 2014, 11:48:58 am »
sis  :-[ oo sis nagawa ko pumasok sa loob ng CR ng mga boys para hulihin si mister nakita ko na nagttext sa may salamin pinasok ko ang toilet at nagwala ako sa loob kaya pumasok ang security at i admit na napahiya ko ang asawa ko. feeling nga niya eh may nag video pa nga daw sa amin at post sa you tube.


jamila_19

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #49 on: October 06, 2014, 11:58:31 am »
one more thing sis. nagsumbong ang bilas ko na nagsasabi daw ang anak niya na lalaki na kasama ngayon ng asawa ko sa biyahe niya na mas naiisip pa daw ng asawa ko na ang gusto niya isama sa "PIERYA" o palaruan pag piyesta eh ang babae daw (feeling ko namimiss niya pa makasama sa mga ganoon), puro name ng babae ang nasa isip daw na banggitin ng asawa ko (sakit diba!) at ang balak pa daw ng asawa ko eh i-surprise ang babae sa nalalapit niyang Birthday. Gusto pa isama ang pamangkin niya na kasa kasama niya sa biyahe, tulungan daw siyang huwag isumbong sa akin.

ginagawa ng asawa ko kakuntsabahin ang lahat lahat ng kamag anak niya simula sa nanay niya, tatlong kapatid na lalaki, 2 kapatid na babae, mga pinsan at pamangkin. Pinag tutulungan nila akong lahat.

Lahat eh botong boto sa babae niya at sinusuportahan pa ang relasyon nila. Masakit sa akin sobra kaya lang naman ako nagkaka ganito dahil sa pagmamahal ko sa pamilya ko.

« Last Edit: October 06, 2014, 12:00:15 pm by jamila_19 »

donya_dyosa

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #50 on: October 06, 2014, 06:49:56 pm »
too much details sis jamilla.. mukha ka ng tan ga. sorry its harsh.. para ka na naloka. let go... pinagtatawanan ka nalang nila lalo na yung kabit. hayaan mo na sila. kung gusto mo idemanda mo nalang hindi yung nagpapakababa ka pa.. maawa ka sa anak mo, sila intindihin mo dahil sila ang tunay na nagmamahal sayo. wag mo aksayahin oras mo sa asawa mo.

momentum

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #51 on: October 06, 2014, 09:39:14 pm »
^^So ano ba gusto mo mangyari sa sitwasyon mo??! ANO?! Nghingi ka advice pero parang DEADMA.
So what do you want to happen here? Nalabas mo na sama ng loob mo. Are you waiting for a different answer from us? Baka naman gusto mo marinig na "sige! Go lang! Tama yang ginagawa mo pagpatuloy mo lang! " yan ba?

Sinusuka ka na ng asawa mo. Isuka mo narin siya. Ginawa mo ng habul habulin siya, ipahiya, magmukang walang pinag-aralan, binantay sarado na parang ex convict na baka makatakas, ano pa? So, did it work? Yung style mong yan, did it do any good to you and your husband? Hindi diba, it just made it worse. Sabi nga ni Einstein: (w/c btw im also still learning) "Doing the same thing over and over again, expecting different results is called Insanity". That's what you are doing now. So don't you think its time to just stop it?! Or baka naman hanap mo talaga is a whole barangay as a witness to how insane you have become and how right it is that your husband should leave you coz of the way you are?

p0isonIvy

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #52 on: October 06, 2014, 10:05:26 pm »
there is such a thing called "grace" which we all women should learn to practice. in fact, we could actually learn a thing or two from the way maricar reyes handled the whole sex video scandal. she kept quiet about everything and did not join in the circus. we should try to be more like that and show these cheating men what they will actually lose in the end.

sis jamila, playing the clingy crazy bungagera and eskandalosa wife wont win him back. sadly, even if you are the "legal" wife, when you start acting like a crazy person, you lose all sympathy. tama sila. you are just giving him more reason to leave you and choose the kabet.

pull yourself together and think about your kids. this is not how you want them to remember you. a screaming, ranting and shouting woman. please give them something to look up to.
« Last Edit: October 06, 2014, 11:17:55 pm by p0isonIvy »

whitelady17

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #53 on: October 06, 2014, 10:18:15 pm »
sis, do you want us to give you the "pinaka t@ang@ng asawa of 2014?" Majority of advises here na mahinahon hindi mo pinapansin.

Kaya ka ginagawang basahan dahil na rin sa actions mo, daming magandang advise here hindi mo naman ginagawa. For the sake of your child/ren get out of that freakin relationship, well kung relationship pa nga ba iyan.

Bigyan mo naman ng KAHIHIYAN ang SARILI MO! Would you want your children to grow up looking like you are some punching bag of their father?

Janelc

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #54 on: October 07, 2014, 06:52:07 am »
I feel you sis Jamila. Nambabae din si hubby and worst nabuntis pa and kabitch pero never akong nagwala.  not one from my family knew what we were going thru only a trusted sister in law who I knew really cares for me and my husband. I will never air my dirty laundry in public and I'm glad I didn't kasi I chose to forgive my hubby imagine kung alam ng lahat di ako ang masama at mukhang tangang dada ng dada hindi naman pala hihiwalayan.  Kung ako sayo sis let go ipakita mo naman na may natitira ka pang dignity. He is not worth it nandyan ang mga anak mo sila ang totoong nagmamahal sayo at nangangailangan ng pagmamahal mo. Kaya mo yan sis. Idemanda mo sila kung gusto mo.. yun na lang ang revenge na gawin mo pero utang na look tama na ang pagwawala in public it is not helping you or your relationship with your husband sad to.. say pero hindi ka nya mahal :(

jamila_19

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #55 on: October 20, 2014, 12:16:39 pm »
Thank you all sis! i appreciate. Ngayon i should say na natanggap ko na ang sitwasyon at unti unti ko na inaayos ang buhay ko kasama ang mga anak ko.

Hinayaan ko na din siya sa babae lalo na madalas pa rin sila nag kikita at halos bihira na umuwi sa amin. Ang inaayos ko nlng ngayon eh [textspeak!] mga bata at ang sarili ko.

Possible ba na papirmahin ko na lang siya ng Affidavit of Child Support??!! para suporta o sustento na lang ang pag uusapan nmin kasi iyon ang advice sa akin ng Auntie ko.

Salamat!

langley

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #56 on: October 20, 2014, 01:01:43 pm »
^I think you also need to apologize to your kids sa pinaranas mo sa kanila.

And apologize to your husband too.

Kung magbabago ka, you can still win back your husband. Ikaw pa rin ang legal wife. And you have kids. They need their father.

But first the changes should start with you.

Don't lose hope.

ava_girl

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #57 on: November 25, 2014, 12:18:59 am »
I feel you sis Jamila. Nambabae din si hubby and worst nabuntis pa and kabitch pero never akong nagwala.  not one from my family knew what we were going thru only a trusted sister in law who I knew really cares for me and my husband. I will never air my dirty laundry in public and I'm glad I didn't kasi I chose to forgive my hubby imagine kung alam ng lahat di ako ang masama at mukhang tangang dada ng dada hindi naman pala hihiwalayan.  Kung ako sayo sis let go ipakita mo naman na may natitira ka pang dignity. He is not worth it nandyan ang mga anak mo sila ang totoong nagmamahal sayo at nangangailangan ng pagmamahal mo. Kaya mo yan sis. Idemanda mo sila kung gusto mo.. yun na lang ang revenge na gawin mo pero utang na look tama na ang pagwawala in public it is not helping you or your relationship with your husband sad to.. say pero hindi ka nya mahal :(

Totally agree with you sis Janelc. yan din nasa isip ko palagi kaya wala akong sinabihan sa family ko nung nangyari samin ni husband. Di ako nagwala in public. Nanahimik ako and discussed lang ang pambababe nya sa pamilya nya.

lalo lang kasi mawawala respeto ng asawa sayo pag naging barbaric at parang crazy ka na. Imnes na may chance pa na maayos, nawawala tuloy.

Ngayon ay oks na kami ni hubby. As I've said before, were trying hard to move on. Imagine kung pinangalandakan ko sa fb at sa mga kapitbahay na nambabae asawa ko at nagkaanak pa sila. Ang tendency kasi bati na kayong magasawa pero ang ibang tao galit pa din sa kanya at walang sawang magppiyesta sa inyo.

kaya sis jamila mas magandang kalma lang. If u really want to win ur husband back,  pakita mo na you are a better person at karapat dapat kang mahalin.

Girltalker2

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #58 on: November 25, 2014, 08:12:03 am »
^ sis, tama. never stoop down to their level kasi at the end of the day, ikaw parin ang lalabas na mali kasi ikaw ang nanggugulo.

Sakin din, my ex hubby had a mistress. Tiniis ko din sa sarili ko yun. Kasi I was "hoping" for a successful marriage parin kahit papano.  Pero nung hindi ko na makayanan, that's the time I had to let go.  We talked, hindi away, talked lang.  Walang sisihan or sumbatan. Kahit alam ko sya ang nagkamali, nagkaanak sa labas and all.  Kasi sa tagal kong nagtiis, I went through a lot, healing myself, forgiving myself, and forgiving him. So by the time na ready nako magwalk out, "tamed" nako at di nako nasasaktan.

Kahit mga friends namin, yung iba nagulat pa. Bakit daw. All along, they did not know I am undergoing some problems. But of course, pag may nagtatanong, magugulat nalang na hiwalay na kami because they never saw me nagwala or something. Some naman may nababalitaan na nakita raw si hubby with another girl etc.  So dun nagstart chismis, pero again, tahimik lang ako, so para sa kanila, sakin parin naman umuuwi so ako yung asawa. Typical Pinoy na minsan nambabae, parang ganun lang.

Anyway, in my case, I wasn't as lucky as ava_girl or sis janelc, perhaps I was luckier (haha joke), kasi my ex wasn't remorseful and not ready to change. While he said "wala na sila ng mistress nya" for the nth time nung sinabi kong magfile ako ng annulment, hindi nako naniwala kasi everything he says cannot be relied on e.  (By the way, his mistresses are full pledged mistresses ha, may bahay sila, may anak, may katulong, may driver, etc, parang nagbabahay bahayan talaga)  Kaya mahirap i-accept.  But then, I just had to move on as it is the only way to go. Pagod narin ako.

So, my revenge?  My revenge is to be able to live a happier life after my life with him.  Annulment took awhile pero if you are patient, it will come din. Now without him, sobrang happiness, kasama ko lang mga anak ko, walang sakit ng ulo, walang binabantayan, walang puyatan nor iyakan.  Sobra akong at peace that words cannot describe - sobrang contrast when I was with him.   

And pinaka importante, I chose to forgive him.  Kahit hanggang ngayon, ni singkong duling walang support ang mga anak ko, I just pray and trust that God will provide naman.  Kahit patuloy parin ang kasinungalingan nya sa mga anak ko na he will visit (but he does not), sige, I pray to God that somehow sana maayos nya ang buhay nya. By the way, his life is a mess as I see it. Yes he has money, he has work, pero he has kids all over the place. Yun ang problema, and I will not be surprised na nagiskandalo na si mistress over the next kabit.  Ya, he has another one, with kid as well. Good luck nalang sa buhay na pinasok nya and I pray for him din from time to time na sana ma enlighten sya to do the right thing.

 




« Last Edit: November 25, 2014, 08:26:03 am by Girltalker2 »

cheepee

  • Guest
Re: Confirmed! Hubby cheated! Revenge or Not?
« Reply #59 on: November 25, 2014, 12:50:07 pm »
ang pinakamahirap ata eh magkaroon talaga ng cheating husband. My husband and I have been together since I was 15. Unang beses na nagkaroon sha ng affair is with my "kumare" ninang ng first born ko. Apparently, si kumare eh nag fall kay hubby dahil siya ang naging shoulder to cry on during the times na yung kumpare namen which is her live in partner at that time eh nambabae din. When we got passed through that stage akala ko tapos na. That we are indeed a survivor but hell no. When he went overseas, yung kasama niya sa work na naging friend ko pa eh ganun na naman ang story - nakasama pa namen to sa bahay and we even . Ewan ko ba, parang Hero siguro ang tingin ng hubby ko sa sarili niya at gusto niya na mga problematic na babae ang nagiging kabitch niya.

Ang nakakalungkot lang dito, all of his kabitch eh at one point naging friend ko. I wanted to take revenge too..but I stopped and listened to my conscience. Minsan may nakapagsabi sa akin, hindi porke't ginawa sa'yo eh gagawin mo din. Ikaw ang magiging talo sa huli dahil sa maraming dahilan. Dumating din ako sa point na hiniwalayan ko sha for a year at nung nagkabalikan kami, di ko man masabing masaya and buo ang pagkatao ko, trying hard kami na maayos pa namen ang marriage namen. I came from a broken family and I know how difficult it is na magkaroon ng hiwalay na pamilya. Sa ngayon, pareho kaming out of the country and namumuhay na kami lang muna magkasama.

Sa mga sissies naten na may pinagdadaanan I hope in time you'll all find peace. The best revenge is success and inner peace :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close